webnovel

Chapter 16: Forget

Reycepaz's Pov

KANINA PA ako dito sa Library at nararamdaman ko na rin ang pagmamanhid ng puwet ko sa kaka-upo.

Natatawa nalang kasi ako kay lola dahil pilit niyang pinapaalala sa akin na hindi raw talaga ako makakapasok sa bahay niya pag hindi ko mahanap ang babaeng nagbibigay sa'kin ng sabrang saya na may halong kaba.

Teka lang, tama ba 'tong mga ginagawa ko? Hindi ba ako mare-report ng child abuse dahil dito? Baka makulong pa ako dahil sa mga aksiyon at katangahang ginagawa ko.

Wala naman sigurong masama ng magmahal diba? I mean I'm just—I just want to feel love. A true love sabi nga nila.

I know the true love will exist for those people who believe. Kung ayaw mo namang maniwala eh 'di bahala ka.

Aside from the things she gave to me that always has a color of pink. I don't have any clue for who she is, and I don't even know how to start making a conversation with her.

There are bunch of questions that are bothering my head right now, the feeling that you seem to doubt the flow both of your feelings and mind. Ugh!

I was about to put my head on my hands on the table, because I wanted to take a nap when suddenly someone tapped me lightly on the back dahilan ng biglaang pagbangon ko.

Ng malaman kong hindi ako nanaginip ay, agad kong inayos ang pagkaka-upo ko.

"Sorry for disruption Mr. Madigan, pero kailangan namin ang tulong mo para sa darating na event"

Agad naman akong napatanong ng nakalimutan ko ang sinasabing event nito o talagang ngayon lang nila 'to napag-usapan.

"What event Ma'am?" tanong ko sa head teacher na mukhang pera—i mean event, mukhang event.

"The talent battle, remember?"

Sabi naman nito sa'kin na para bang alam ko talaga, eh wala naman talaga akong ma-alalang kahit anong event.

"Anyways, kailangan mo ng sumama sa'kin ngayon dahil kukuha rin kami ng mga ideya mula sayo. You will be the one to choose the motif or theme na magiging disenyo natin sa gymnasium kung saan mangyayari ang event"

Napa-ayos nalang ako bigla ng aking inuupan, "w—wait Ma'am, bakit ako po 'yung pipili at sa'kin kayo kukuha ng ideya?" Agad kong tanong sa kanya ng may nararamdaman akong kakaiba. Iyong antok na naramdaman ko rin kanina ay bigla nalang nawala.

"Because, we do believe that your students have hidden talents. At alam namin na mas maging maganda ang daloy ng event kapag maganda rin ang disenyo ng venue like they did to the Theater room.." mahabang paliwanag pa nito.

Gaya ng kidlat, mabilis din kasing kumalat sa unibersidad ang ginawa ng mga studyante ko sa Theater room noong Teachers day.

Naalala ko pa na biglang napuno ng studyante at guro ang silid na 'yun. Ang iba rin sa kanila ay hindi makapaniwala at sa huli ay nadala nalang sa pagkamangha. Ang event na kung saan ay inihanda para lang sa akin ay naging pang buong paaralan na. Ang maluwag na theater room ay biglang sumikip.

Ayos lang naman din sa akin, total hindi naman ako nakakalasa at sayang naman ang mga pagkain na inihanda nila kapag walang kakain dito. Okay lang na ibigay mo ang pagkain sa ibang tao para maubos kaysa naman, ipagdadamot mo tapos masisira lang 'yung pagkain sa huli.

Domoble na rin ang saya ko sa mga araw na 'yun dahil mas naging kilala sila ng lahat at ang dating seksiyon na binu-bully, kinakatakutan, pinagdidirihan, maraming problema, at misteryoso ay naging kilala na sa unibersidad. Sa mga araw na rin 'yun ay marami ang nakikipag-kaibigan sa kanila, and that's what I want.

Ang dating mga matang puno ng problema, mga matang tila ba isang balon na hindi mo maabot dahil sa lalim, mga mata na para bang black hole, mahirap ipaliwanag, puno ng katanungan, ay ngayon malaya ng namumukadkad at uma-apaw sa saya.

In that day, I suddenly realized that a person really just needs the support of someone, so that they can become stronger and believe in abilities they have.

A simple phrase of "Keep Fighting" is a huge and very precious for them to continue what they're doing.

"Iyon lang ba ang dahilan?" Singit kong tanong naman dito ng may ibang kutob talaga akong nararamdaman.

"Uhmm.. " Panimula nito na naka-cross pa ang mga kamay habang inalis ang tingin sa akin at binaling ito sa mga libro na nasa gilid. Halatang may kailangan, wag ako ma'am, obvious na obvious po kayo.

"We don't have enough b—budget..."

Sabi ko na nga ba eh, alam ko talagang may kailan ang mga 'to. Lalo na't bigla nalang ako 'yung pinapili ng tema ng event. Mahahalata mo talaga ang tao na may kailangan sa'yo dahil bigla nalang itong susulpot na para bang Isang kuneho sa sombrero ng magician.

"Tsk—okay, magkano ba ang kailangan niyo? Just give me the list with price sa mga kailangan na mga gamit, for the consolation prizes, at iba pa"

Matapos kung sabihin ang mga katagang 'yun ay kitang-kita sa brohang 'to—i mean sa babaeng 'to ang lubos na saya sa kanyang mga mata't labi.

Nasaan ba kasi ang budget para sa events? Imposible naman na mauubusan sila eh maraming donation ang natanggap nila.

Pinauna ko na rin siya sa gymnasium dahil pinuntahan ko muna ang mga studyante ko upang ipapaalala sa kanila, na sila ang inatasan sa pagdesinyo para sa darating na event.

Nang marating ko ang silid at sinabi sa kanila na may mangyayari na event ay agad itong napuno ng hiyawan, sinabi ko na rin sa kanila na sila—i mean kami ang magiging sponsor at ang magdidisenyo ng venue.

Sumakatuwid, nalaman ko rin na bawat seksiyon ay dapat may representative for the talent battle, kaya agad ko naman itong inanunsyo sa kanila.

"Everyone, listen. May Isang representative bawat seksiyon na siya ang ilalaban sa lahat ng contestant. Kahit anong talent pwede, kanta, sayaw, magic or drawing, okay lang 'yan. As long as this is appropriate to the audience eyes, it's fine."

Naririnig ko ang mga bulung-bulungan nila at halatang seryoso ang mga 'to sa pagpili ng kanilang representative.

Hanggang sa,

"Sir! May napili na kami!" sigaw ni Elaiza.

Talagang napakadaldal na nito simula noong nakausap ko ang mga magulang niya. Mabuti na nga lang, kaysa naman sa mananatili siya sa pagiging introvert.

"Yes Elaiza, sino naman 'yan?"

"Si Savannah po!" sigaw naman ni Elaiza habang turo-turo si Savannah na ngayon ay gulat na gulat.

"H-Hoy! Bakit parang narinig ko yata 'yung pangalan ko riyan?"

Pilit kong pinipigilan ang tawa ko sa reaksiyon ni Savannah ng siya ang tinuro ng mga kaklase nito. 'Yung reaksiyon bang nanahimik ka lang sa likuran tapos bigla ka nalang tinawag para ilaban sa kompetisyon Nakakatawa lang.

Napagtanto ko na ang weird palang tumawa sa isipan. Para akong tanga.

"Oo nga sir, si Savannah po. Magaling 'yan umakting, mag-ukelele, kumanta at sumayaw!" Buweltahang sigaw naman ni Joevanie. Mukhang magaling na ang mga bugbug nito dahil na rin sa ilang araw nito sa pagbalik-balik sa infirmary, mabuti naman kung ganoon. Kahit siya ay makikita mo ng hindi katulad dati na ultimo pag-ngiti ay hindi nito nagagawa dahil para bang merong nagpipigil sa kaniya na gawin ang bagay na ito.

I think there's someone that I meet already but I forget his name, and i can't see him here. Bahala na nga, maybe nag banyo lang o what?

One thing for sure, I can see now, that they already have freedom.

"Okay, so Savannah you would be our representative for this event."

Total, nakita naman talaga ng dalawang mata ko na tunay ang kanilang pinagsasabi. Sa acting skills niya palang ay talagang mapapaniwala ang mga audience sa lahat ng kanyang pinagsasabi.

Biglang domoble ang saya nila ng inanaunsyo kong si Savannah ang magiging representative. Alam ko naman na silang lahat ay may tinatagong talento pero alam kung magaling rin si Savannah kaya hindi na ako nagdadalawang isip pang piliin siya.

The wide smile on their faces become more visible, ng sinabi ko sa kanila na the day after the competition ay walang pasok for one whole week! Hindi lang sila, dahil kahit kaming mga teachers ay meron ding bakasyon kaya napakasarap sa pakiramdam.

Alam kong meron pang itinatago ang batang 'to, kasi habang nagbabasa ako kanina sa record ng seksiyong ito sa Library, may nasaksihan at nalaman ako na dapat sana hindi ko na pinakialaman pa.

Before entering the university, dahil sa higpit nito, klase-klaseng mga tanong ang itatanong sa lahat ng studyante na paye man o scholars dito sa unibersidad. Kaya hindi ko na ikagugulat pa na, may malalaman akong hindi maganda.

"Class pumunta na kayo sa gymnasium, may pag u-usapan muna kami ni Savannah about rubrics for the contest"

Ng umalis na ang mga kaklase nito ay agad ko namang nilapitan si Savannah sa likod na halatang gulat pa rin sa mga biglaang pagpili namin sa kanya.

"S-Sir bakit ako?" She asked.

Na-alala ko tuloy bigla ang reaksiyon ko kanina sa library noong itinanong ako ng bruha.

"Because you are different." I said.

"B-But I can't-"

"Listen, I choose you because aside from you have a unique talent, I want to help you."

"What do you mean?" Tanong nito na halatang naguguluhan dahil nakikita ko sa kanyang dalawang kilay na ito ay nagtatagpo habang ang kanyang noo ay nangungunot.

"This is not a huge competition, ngunit hindi rin maliit. However, whoever win the contest she or he will receive a big prize or should I say a huge amount of money. Then if you win, pwede mo ng mai-papagamot ang ina mo sa sakit niya" mahinhin kong paliwanag.

Nabigla man 'to sa sinabi ko ay nahahalata talaga sa mukha nito ang lungkot. Ang palaging nakangiti na Savannah na nakilala ko ay nagpakita na sa wakas ng kanyang totoong nararamdaman. She's really not happy at all.

Nalaman ko lang kasi na ang ama nito ay may sakit na Hereditary angioedema.

Isang sakit kung saan paulit-ulit na mga yugto ng matinding pamamaga. Isa sa mga dahilan nito ay pagiging stress. Nang nagkalap ako ng impormasyon tungkol sa sakit na'to, nalaman ko na pwede itong magagamot, ngunit medyo may kamahalan nga lang.

I already encounter this word at hindi na bago sa'kin 'to, besides even I faked my papers before, binabasa ko pa rin ang laman nito, sapagkat hindi ko alam kung bigla nalang magtatanong ang mga magaling kong magulang.

Napagdesisyonan ko na, if ever si Savannah ang mananalo da-dagdagan ko ang prize nito,

"so, are you in?" Asik ko pa sa kaniya habang itinaas ang kamao papunta sa kaniya.

Umangat ito sa pagkakayuko at itinali ang buhok bago nagsalita.

"Tinatanong pa ba 'yan? Of course I'll accept the challenge!" Sambit nito sabay sinuklian ang fist bump ko. I really thought na iiwan niya ito sa ere.

Pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit bigla na namang pumitik ang puso ko, hindi ko alam kung bakit, pero kapag meron akong nakikitang taong masaya ay bigla nalang itong pumipitik, kasabay ng pagsakit ng ulo ko na kahit ngayon ay hindi ko alam kung ano ang dahilan.

"Nasaan nga pala si Jos#z8@/¢-?"

"Sorry? Sino sir?" Tanong ni savannah habang pilit kong inalala ang taong una kong nakilala dito sa unibersidad.

His name is in the tip of my tongue, but it seems I can't remember who he was or even I said his name, it was like I and her can't hear it? What the heck is wrong with me. It feels like some glitch happened and my head starts to hurt.

Kumikirot ng todo ang ulo ko dahil parang kilala ko ang tao na'to pero p—parang hindi? I don't get it.

Minsan talaga—no parang palagi nalang nangyayari sa akin 'to like I know a person pero bigla nalang nawala sa paningin ko and even their name, hindi ko ma-alala. It's like they become blurry and foggy then boom, I forget about them.

Pinauna ko na lang si Savannah sa gymnasium kung saan ang kanyang mga kaklase. Habang nanatili pa rin ako sa paghawak ng masakit na ulo ko.

Pumunta na sana ako ng banyo kaso bigla nalang dumiritso ang mga paa ko papunta sa lamesa at agad ng kinuha ang class record kung saan nakasulat lahat ng impormasyon ng mga studyante ko.

At napagulantang nalang ako ng makita ang kanina ko pang pilit ina—alala na tao.

His name is Josh, pero ang litrato na inilagay dito sa impormasiyon niya ay biglang nag blur at lahat ng tungkol sa kanya, edad, kung saan nakatira, blood type at marami pang iba ay-

-hindi ko na nababasa. It seems everything in his information become jumbled and It becomes unreadable.

And slowly disappeared.

What the heck is wrong with me?

_____

Last date updated: May 04, 2022

Last update I: 10/01/22