Katulad ng plano nila ng kanyang ama, nauna sila kung saan ang meeting nila sa bastardo.
Ikinuyom niya ang dalawang kamao.
"Makakaganti narin ako sayong bastardo ka!" bulong niya' habang sinisimsim ang kape na ibinigay ng isang staff, magmula pa kanina sa pagdating nila.
"Hello Banjo, tawag mula sa kabilang linya' Narito na kami sa Grand Cafe, mukhang tama nga si Sir Aaron. Dahil sa paligid ng Grand Cafe may mga armado lalaki ako na namataan. Naka loud Speaker iyon' kaya rinig na rinig niya ang usapan ng mga ito. Kinuha niya ang selpon mula kay Banjo.
"Hello Bert, magbantay lang kayo diyan at ihanda mo ang mga tao natin, huwag kayo mag-pahalata na nariyan lang kayo sa paligid. Gusto ko surpresahin ang matandang tuso! Kung tuso siya mas tuso ako!", Madilim ang mukha niya sigaw sa kausap". "Copy Sir Aaron!", Pagkatapos ibinalik na niya ang selpon kay Banjo.
"Hello Bert, malapit na kami ni Sir Aaron.
Magtetext na lang ako kapag nasa loob na kami. Ibigsabihin hudyat na iyon' para dumis-arma na kayo." "Copy Banjo!"
"Sir Aaron, mag-iingat kayo dahil kahit noon pa man ay makailang beses na niya sinabotahe ang negosyo ng daddy mo. Halang ang kakuluwa ng Mr. Lee na iyan." "Mang Larry, Salamat. Pero ibahin niya ako, dahil ako ang tatapos sa kasamaan niya at magdadala sakanya sa impyerno!"
"Mr. Lee, nakahanda na po ang mga tao natin, sa kanya-kanya pwesto." "Basta siguraduhin mo lang, na yang mga tao na kinuha mo ay hindi papalpak!" Bumunot siya ng baril mula sa sakanyang bewang at itunutok rito. "Dahil kung hindi ikaw ang mananagot sa akin, nagkakaintindihan ba tayo?" "Opo Mr. Lee." Pagkatapos binitawan niya ito na halos maihi sa takot.
Maya maya pa ay nakarating na sila kung saan idadaos ang pagpupulong.
"Mang Larry, maiwan kana rito, ano man ang mangyare, tumawag kana ng pulis pag kinakailangan." "Sir Aaron, hindi na po kailangan ng pulis, Kaya-kaya na ni Bert yun."
Alam naman niya ang kakayahan nito'
Bukod sa dating sundalo iyon, ito ay naging isa sa mga PSG noon. "Banjo, gusto ko lang makasiguro!" "Tama si Sir Aaron, pag sang-ayon ni Mang Larry, Sinalubong sila ni Mr. Lee at ng anak nito na si Henry. Nakipag-kamay siya rito bilang isa siya professional na tao sa larangan ng negosyo. Nakipagkamay naman ito sakanya' ngunit si Henry, ay matalim ang tingin nito, na parang sasakmalin siya ano mang oras.
Maging ang mga staff ng Grand Cafe' magiliw sila sinalubong ng mga ito. "Girls, si Sir Aaron Anderson oh!" Bulong ng isang staff sa mga kasama nito. "Ang gwapo niya lalo sa personal' sabe pa ng isang babaeng staff roon, dati sa mga bussness magazine ko lang siya nakikita ngayon ito na siya sa harap ko.
Sabay tilian ng iba pang mga staff sa Grand Caffee.
"Excuse Me Girls! Yung tinitilian ninyo may asawa na, So ibigsabihin wala na kayo pag- asa diyan, pero nandito pa naman ako' single na single' always available.", sabay kindat niya sa mga ito.
"Sino naman itong kutong lupa na ito? Nakikisali sa may usapan ng may usapan!" Sabay nagtawanan ang mga babaeng staff naroroon.
"I'm Banjo Tulina! At your service!"
Sabay kindat niya at hawak sa mga, kamay ng mga babaeng staff na naroroon.
"Ano ba yan ang bantot ng pangalan at apelyido!" Mas lumakas pa ang tawanan ng mga babaeng staff ng marinig ang pangalan at apelyedo niya". "Tara na Girls, magtrabaho na tayo' kaysa magpauto tayo sa kutong lupa na iyan!" Dagdag pa na sabe ng isang babae na head staff roon". Inirapan siya ng mga ito at patuloy siya na pinagtatawanan habang papalayo ang mga ito.
Kamot ulo siya bumalik sa kinaroroonan ng kanyang Boss at ng ka meeting nito na si si Mr. Lee!". "Banjo, saan ka naman galing?" Mahinang bulong niya rito". "Sir Aaron, diyan lang sa tabi-tabi naghanap ng babae' na kasing ganda ni Mam Valerie.", sabay kindat niya rito.
"Puro ka kalokohan, ang atupagin mo yung ipinunta natin dito." "Okay na lahat si, just in case!"
Patuloy lang ang pakikiramdam niya sa mag-ama, habang sumisimsim sa hawak na tasa na naglalaman ng mainit na kape.
"Mr. Aaron Anderson! Binanggit nito ang boong pangalan niya' pagkatapos ay tumayo ito at bahagyang lumapit sakanya. "Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang bastardong katulad mo, Ay isa pa lang heredero ng isang mayamang kano, na nag-mamay-ari ng isa sa pinakamalaking real state developer sa pilipinas at maging sa America."
"Let's just say that I was destined to be the son of my father who is your business rival. Itinadhana ako, para ako' mismo ang magdadala sayo' sa impyerno na dapat mong puntahan!"
"Aba bastardo ka talaga na hayop ka!"
susugorin siya nito, ngunit inawat ito ni Mr. Lee, "Henry, Enough!" Malakas na sigaw niya rito.
"Nakangisi siya na pinagmamasdan ang mag-ama. Si Banjo naman ay nakahanda rin sa pagsugod nito kung sakali, para protektahan ang kanyang boss.