webnovel

THE BEGINNING OF DOWNFALL

"Contact all three families that on the trending news this past few days. Nabalitaan ko kasi na ibinibenta nila ang kanilang shares sa DeCordova companies. I want that shares. And make sure na mabibili mo sa tamang halaga."

Noong si Margaret pa sya. Kilala nya lahat ng shareholders ng kumpanya ng DeCordova. Dahil madalas syang kasama ng ina ni John kapag nakikipag meeting ito. Dahil para sa babae, mas safe daw ito kapag sya ang kasama. Kaya alam din nya kung ilang porsyento ng shares ang pag-aari ng mga ito. DeCordova ang humahawak ng 30% ng shares sa Kumpanya, Kaya ang mga ito ang tumatayong leader.

"Yes Miss. Jenny. Tatawag po ako kapag natapos ko na ang trabaho. " sagot ng kanyang kausap.

"Yeah, and also. About sa Buong building na iniregalo ng Lolo.. I already sent the title's copy to your friend.. Napa, notarized na ba yun?"

Tinutukoy nya ang Buong condo unit building na binili ng Lolo ni Zion bilang regalo sa kanya nung nag graduate sya.

"Yes. Miss Jenny. Actually naasikaso na yun ni Atty. Lopez the same the day you sent it to him. " proud na sagot ng kausap.

Natuwa naman si Jenny sa narinig.

"Alright, that's all for today. Don't forget to call me once your job is done." Paalam nya dito.

Humarap si Jenny sa kanyang Laptop ng makita ang video call request doon. It's Kevin. Sinagot nya ang tawag. Sa background sounds na naririnig nya.. Parang naririnig nya ang boses ni John DeCordova.

"What's going on?" Aniya dito.

"So, Ang sinasabi mo bang regalo sa kuya ko, ay yung pag ka tanggal nya sa PHOENIX?"

Tumaas ang kanyang kilay.. Pinakunot ang noo.

"What do you mean?"

"Hindi mo alam ang bagong issue na to sa buong Reyes?"

"Enough with asking.. Just say it!" Galit-galitan nyang sabi.

"Mukhang wala ka ngang alam, well, para lang malaman mo. Ang kuya ko ay myembro ng PHOENIX.. It's an organization na kung saan ay isa sya sa mga may mataas na katungkulan. But only second to his ex-fiancee." Nag umpisa itong mag paliwanag. "Pero simula ng mamatay si Ate Margaret, sinabi ni kuya sa mga Reyes na may kasunduan sila ni Ate Margaret na iiwan sa kanya ang pamumuno sa grupong hinahawakan ni Ate. May ipinakita pa itong kasulatan na naka-pirma si Ate na nagsasaad na ibinibigay nga nya lahat ng hawak nya kay Kuya John"

Natigilan si Jenny.. Kasulatan? Wala syang matandaan na may iniwan syang last will? Maiisip nya pa ba yun? Bata pa sya para gumawa ng last will. Kung alam nga lang nya na papatayin sya ng hinayupak na ex-fiancee nya baka nga gumawa na sya ng last will.

"Pumayag ang buong Reyes kahit kumontra pa ang matandang Reyes. But last night.. Sa utos ng matandang Reyes.. Tinanggal sa Listahan ng myembro ng PHOENIX si kuya and now under surveillance."

"Under surveillance? Why? Nalaman ba na peke yung kasulatan?"

"No!. Hindi pa lumalabas ang resulta kung saan ipinasuri ang nasabing last will. " narinig nya ang muling sigaw ni John sa background.. Sa ngayon ay ang pintuan ng kwarto ng kausap ang kinakatok nito.. "Ang isyu ay ang PHOENIX account ni kuya. Nakatanggap daw ng email ang secretary ng matandang Reyes galing sa anonymous sender giving all John's PHOENIX account controls and passwords. Kaya ng buksan nila ang nasabing account. Nakita ang lahat ng financial transaction ni kuya pati ang proof of transactions nito sa ibang delikadong mission ni Ate Margaret. " mahabang kwento ni Kevin.. Nag kunware syang nakikinig at interesado sa binabalita ng lalake.

Well, yes. That's her gift to John. Pinagpuyatan nya ang pag-gawa ng fakes transactions at katibayan na nakipag-ugnayan ito sa target group bago nya gawin ang mission. At sya rin ang nagbigay ng tip sa secretary ng kanyang Lola para mabuksan ang account ni John. Paano nya nalaman ang account password ng lalake? Para patunayan sa kanya ng lalake na tapat ito sa kanya noon.. Ibinigay nito sa kanya ang information ng account nito.

Na ngayon ay pinasasalamatan na ni Jenny dahil nagamit nya.

"So you're saying.. John is actually one of the suspects sa pagpatay kay Margaret?" Tanong nya dito. Gusto nya makasiguro para alam nya ang susunod na pain na itatapon nya sa kalaban.

"Yes. Pero sinusubukan parin ng Papa na pabulaanan ang paratang. "

"Right.. Dahil baka may iba pang taong gustong ipabagsak ang kuya mo sa nasabi mong organization na kinabibilangan nya." Pagbibigay nya ng hint kay Kevin. Nakita nyang natigilan ang binata. Napangiti naman si Jenny saka kinuha ang baso ng kape na ngayon ay malamig na.

"You have a point there." Napapalakpak ang lalake.. "He's my rival in my family's business but he's still my brother.." Anito. I'll tell it to my father." Nagmamadaling tinapos ni Kevin ang video call na hindi na man lang sya na kapag salita.

"Now let's see... Who's my next target?" Nakangiting sambit ni Jenny.

Bilang isa sa mga leader ng Mission assassination group ng PHOENIX. Inaral din ni Margaret ang computer program hacking.

Napabuntong hininga sya saka napasandal sa upuan.

"This is just the beginning... You're next Laura.. Gusto kong marinig ang kwento nyo ni John bilang mortal na mag-kaaway." Bulong ni Jenny sa hangin.

Napapikit si Jenny habang nag-iisip ng plano ng marinig nya ang yabag na papalapit sa kanya.

"Boss, Bumisita sa mansion ang Mayor ng Tagaytay. He said, he wants to talk to you..

Napakunot ang noo nya. Hindi nya kilala ang Mayor ng Tagaytay.. At lalong wala syang matandaan na may appointment ito sa kanya.. Oh.. Wala nga pala syang secretary. Mukhang kailangan nya ng mag hire ng Secretary.

" asan sya?"

"Ahm.. He's actually standing a bit farther from me.. Boss. Tawagin ko na ba?" Anito.

Napatuwid ng upo si Jenny. Saka nya nilingon ang tauhan, lumampas ang tingin nya dito at huminto yun sa lalakeng nakasuot ng long sleeve na puti at slacks na itim sa di kalayuan. May mga nakatayong naka black suit na kalalakihan sa likod at gilid nito. He looks troubled.. Whats going on?

"Okay... Call him here." Aniya..

Itinabi nya ang mga papel na nakakalat sa lamesa. He also close her laptop. Sandali pa narinig nya na ang pagtikhim sa kanyang likuran.

"Have a seat Mayor.." Ani Jenny ng lingunin ito. Kahit sabihin pa na ito ang Mayor ng lugar.. She can't be respectful.. Unang-una. Pumunta ito sa bahay nya ng walang pasabi.. Pangalawa, kilala sya nito kahit hindi pa sila nagkikita.

"Thank you Ma'am. " magalang nitong sambit na bahagya pa ngang yumuko.

Now it's really weird. Ani Jenny..

"I'm sorry, but I can't be polite to you right now, you see.. You came here without further notice.. So..... "

"Please don't be.. You don't have to.. It's actually my fault for not sending any notification of my visit.. But please don't be angry.. I have a very reasonable reason for it." Halatado sa boses nito na kinakabahan ang may edad ng lalake.

Na-i-cross ni Jenny ang mga braso sa dibdib. Saka sya napatitig sa bisita. Sa ginawa nya, lalo itong namutla.

Lalong naguluhan si Jenny.. What's this? Bakit parang takot sa kanya ang lalake?

Creation is hard, cheer me up! Vote or comment to cheer me up. Ah! And please give me a name for the next upcoming characters..

Fire_QUEENcreators' thoughts