webnovel

Remember The Start ( Isla de Fuego #1 )

puersidus · Teen
Not enough ratings
1 Chs

Simula

Simula

"VESPER, ang kill joy mo!" Aliyah shouted at me. Pinapainom kasi ako nito ng alak na binili niya mula pinaka malapit na tindahan bago kami sumakay ng yacht.

Itinaas ko ang aking sunglasses nang maghapon na at makitang bumababa na ang araw. "Putangina! Maaga pa, Aliyah. Kayo nalang muna. Isa pa paakyat palang tayo!" hindi manlang siya nagpaawat na mag-inom. "Aliyah namumuro ka na." dagdag ko pa.

Kadarating lang namin sa port nila at halos mag gagabi na, bumyahe pa kami galing Maynila papuntang Pangasinan. This adventure will serve as our early celebration for our graduation since we are all on our 4th year.

Kung bibilangin ay labing lima kaming lahat na sasakay ng yacht ni R, na boyfriend ko. He told us that we are free to have a ride in their own yacht. Wala naman kasing masyadong gumagamit noon at nakatengga lang.

Binalingan ko ng inis na tingin si Aliyah, ayoko sanang magmura kaso wala eh. Mamatay s'ya dahil sa sakit sa atay.

"KJ! Di ka naman mamatay sa isang shot!" Inirapan n'ya ako at tuluyang umakyat habang tinutungga ang isang bote. Naubusan ata ng alak kaya red horse na ang pinatulan.

"Hindi kaya kinakalawang ang machine nito?" Ralph asked. Tinapik n'ya ang railings bago tuluyan ring umakyat.

Tanaw ang malayong isla ay umakyat na rin agad ako nang sinimulan paandarin ang yate.

"Are you all ready?!" sigaw ng kasama namin.

Sumigaw ang lahat bilang sagot maliban saamin ni R. Talaga namang excited sila dahil halos tumalon na ang mga ito.

"Then let's sail!"

Umiling nalang ako at pumunta sa may gilid ng railings. I heard my phone's ringtone and saw my twin's name on the screen.

"Slovenia Vesper Ruiz, where the fuck are you?!" Bungad nito saakin.

"In a safe place, Slayer Casper Ruiz." Bangit ko rin sa buo n'yang pangalan.

"Stop the bullshit, Vesper! Bakit mo tinakasan si Kuya Torio?!" Nanlaki kaagad ang aking mga mata. Inalis ko ang aking sunglasses at isinabit iyon sa aking dibdib.

Sumbongerong bodyguard! Masyadong loyal sa kakambal ko. I hate how he discover everything about my plans! Ugh. Buti nalang hindi n'ya alam ang tungkol saamin ni R. Kung hindi matagal na akong ikinasal.

"Brother, I'll be fine. Relax. Kasama ko naman si Aliyah pati sina Ralph sa yacht ngayon," I laughed to hide my nervousness.

Halos maitapon ko ang cellphone ko ng may biglang yumakap mula sa likuran ko, sunod kong naramdaman ang init ng kanyang paghinga sa aking leeg.

"Vesper! Go back here or else—" I cutted him.

"Casper, ano?! Hindi kita marinig mahina ang signal!" Paulit ulit kong inalog ang cellphone ko habang nag sasalita inilayo ko iyon upang mas epektibo. I ended the call and turned to R.

I smiled at him and gave him smack. Hindi pa nakuntento ay sinunggaban ako ng halik at pinalalim iyon.

"Hoy! Malandi ka, Vesper! Inom muna tayo!"

Naitulak ko agad si R at napaharap sa lasing na lasing na si Aliyah. Nag init ang mukha ko at lumapit sakanya.

"Ikaw talaga, Aliyah. Lasing ka na." Hinila ko s'ya papaalis at nakihalo sa iba.

"Hindi ako lashing!" Tinuro turo n'ya ako. Wala talagang hiya ang babaeng 'to! Mag momoment na nga lang ako, makikigulo pa!

"Baby V! Inom tayo!" mahabang banggit ni Ralph. Mukhang natamaan na rin ang gago. Umiling nalang ako sakanya. Tumawa ito at bigla nalang humilata and Aliyah did the same.

Gulat akong napatingin sa mga case. Naka tatlong case na sila?! Ilang minuto ba kong nakatayo doon? Napatingin ako sa aking likuran, hindi ko na makita ang isla, mukhang malayo na kami.

I suddenly looked on the skies, it's getting dark. That color is enough to guess that it will rain.

"R, I think it's time to go back. Mukhang malakas ang paparating na ulan." I told him but he just chuckled.

"Don't worry, V. It won't rain, I checked the weather forecast before we sail," sagot nito saakin at hinapit ang aking baywang.

"Sigurado ka ba? Kumikidlat at kumukulog na rin kasi sa kalayuan, let's just go back." Pakiramdam ko kasi may mangyayaring hindi maganda. Casper might doing his very best to find me.

"Trust me, V." He started to hold my hands. I smiled at him, of course I trust him.

"Shot ka muna, V!" sigaw nanaman ni Aliyah. Punyeta.

Inis kong inabot at ininom ang laman ng boteng hawak n'ya. Napapikit ako sa init at lasa ng alak na dumaloy sa lalamunan ko.

"V! Ang landi mo!" Sigaw n'ya habang pumapalakpak. Inirapan ko s'ya at lumayo sakanila. Nagkalat ang mga bote ng alak sa daan may ilang naka hilata at ang iba'y naglalaro na.

Nabahala ako sa malakas na kulog at kidlat parang maya maya lang ay babagsak na ang malakas na ulan. Itinaas ko ang aking kanang kamay ko, eto, umaabon na nga.

I looked for R and saw him at the yacht's railings. Sa totoo lang napakalaki ng yateng ito. We are all staying at sun deck. Mahihirapan ata kaming ipasok sa loob ang mga kasamahan namin lalo na't halos tumba na ang lahat.

"V, I want to tell you something," He said. Lumapit siya sakin at hinarap ako.

I smiled to him. "Ano 'yon?"

R was my childhood friend kaso nga lang nagkahiwalay kami. He promised me that he would marry me someday but of course we're just kids back then. My family don't know about us, they always tell me to marry someone else. Syempre wala akong balak sundin sila, I have my own life and decisions.

"I want to meet your family," sabi niya na agad nagpawala ng ngiti saaking mga labi.

"Napag-usapan na natin ito, hindi ba?" seryosong tanong ko. Hindi naman sa ayaw ko s'yang ipakilala. He knew that my mother is too strict, she will get mad at me when she finds out that I have a boyfriend and she want me to marry another guy. She will just tell me to listen to her plans.

"Yes but I want to fullfil my promise! I will marry you, Vesper!" He shouted.

Gulat akong napaatras sakanya. "Why sudden?"

"I want to spend my whole life with you and besides nasa tamang edad na rin naman tayo," he hold my hands, again. Inilabas na ang isang maliit na velvet box sakanyang bulsa.

Hinila ko ang kamay ko at binawi ito sakanya. I don't want to marry anyone, I still have dreams to pursue.

"No, R." mariin kong sagot. "I will not marry anyone. Not now."

Kasabay ng malakas na kulog at pagbuhos ng ulan ay ang pagbagsak ng maliit na box at paggulong ng singsing.

He gave me a blank look. "You leave me with no choice, then." nawala ang masaying ekspresyon niya.

Napaatras ako sa bigla n'yang paglapit. Nakaramdam ako ng kaba at takot dahil sa mukha nito. Tangina. Atras ako ng atras hanggang sa maabot ko ang dulo ng top deck. I could feel my whole body shaking in fear. Napatingin ako saaking likuran. Wala na kong aatrasan.

Basang basa kami na aakalain mong umiiyak s'ya sakanyang itsura. Nakaramdam ako ng mahinang pagyanig ng yate.

Mukhang malayo na kami sa mga kasamahan namin. "W-what are you doing, R?" lakas loob kung tanong.

"If I can't have you then let's all die together," He smiled at me. "I know you'll reject me, V."

Inilabas n'ya ang maliit na control. Isang control na nagsasabing isang pindot n'ya lang ay sasabog ang yate. Napapikit ako. I don't want to die yet. Naramdaman ko ang paglapit nito saakin, I grab the chance to kick his balls and shout. Lumipad din ang maliit na control. Fuck this.

"The yacht will explode! Jump out of the yacht!" Sigaw ko ng malakas habang iniinda pa ni R ang sakit. "Tangina! Talon sabi! I am not joking! Ralph italon mo si Aliyah!"

Sa sobrang inis ay gusto ko silang itulak. Ang iba'y nag papanick na tumalon at ang iba nama'y nakatunganga. My phone is ringing and I knew it's Casper.

"V! What's going on?!" Sigaw ni Aliyah.

"Please, Ali! Just jump." Nanginginig kong sinagot ang tawag ni Casper.

"C-asper! Casper! I need help please!"

Napagitla ako nang ayon lang ang masabi ko at tumilapon ang cellphone ko sa madilim na dagat. I saw R's angry face.

Napapikit ako ulit. I could feel my whole body shaking in fear. They're safe, may maliit na bangkang nalagay sa baba, yon ang sabi ng kasama ni R. Now, I have to deal with this it's only me and R.

God, I don't want to die yet. Save me please.

"If we can't be together, then let's just end your boring life!" sumigaw ito.

"Vesper!" Ang boses na iyon ay nagbigay sa akin ng pag-asa ngunit agad na nawala nang naramdaman ko ang mabilis na pagkahulog ko. As I open my eyes I saw the yacht light and him.

That's was unexpectedly, he really pushed me to danger.

And I know, this might be my end.