webnovel

Remember [Black Pentagon Series #1]

Hayleigh Eve Rashlani ay isang babae na mataas ang tingin sa sarili dahil para sa kanya isa siya dyosa. Pero what if? Nameet niya ang isang lalaki na kabaliktaran sa kanya. What will happen?

missHYchii · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 1

(Hayleigh Eve Point of View)

Late na ako.

Patay na ako sa professor namin.

Kasi naman monday na monday, late ka na.

Gawain ba 'yan ng matinong student?

Paano ako kukuha ng rank 1 kung malalate lang ako.

Dali-dali na akong lumabas ng bahay. Wala ng kain-kain. Mabuti nga lang at may nasakyan akong bus.

Habang nakasakay ako sa bus ay nag-open muna ako ng facebook.

Makapost na nga.

Facebook Lite

[Late na ako]

1 Minute Ago

Like   React   Comment   Share

Ang bagal naman umandar nitong bus.

7:15 am na.

May 15 minutes pa ako.

Nakalimutan ko magsuklay. Hindi pwede 'to.

Inilabas ko sa bag ko ang branded na suklay at branded na mirror.

I'm so pretty naman kaya nga maraming nangliligaw sa'kin pero hindi ko naman sinasagot. They are not my type.

Duh!

Nagsasayang lang ako nang oras para sa mga ganung bagay.

Alam niyo ba kung ano ang uniform namin?

Long sleeve black coat may halong color royal blue na name plate sa right side ng coat at  nakalagay ang surname namin.

Sa loob naman ay isang white blouse na may necktie na checkerd na royal blue at black. Pati 'yung skirt ganun din' yung color. Checkered na royal blue at black. Then black high sock at black shoes

Salamat naman at nakarating na kami sa school.

Bumaba na ako at nagmala diyosa pumasok sa gate.

Divine Wisdom Academy: Ang pangalan ng school namin. Di ba name pa lang ng school namin mukhang sosyal na? Mayaman lang ang makakapasok dito.

Charot lang. May mga scholar student din dito.

Tama na ang daldal Hayleigh malalate ka na.

Tumakbo ako ng mabilis at pumunta sa building ng 4th year college.

Class 1-A pala ako. Matalino naman ako so no doubt na nasa section 1 ako. Binuksan ko ang pinto.

Patay na late na ako kasi nasa kalagitnaan na sila ng discussion.

"Hi ma'am. Sorry i'm late"

Nakakahiya nakayuko ako sa harapan ng mga classmate ko. Ang isang Hayleigh Eve Rashlani ay nakayuko at late pa.

Pahiya ka, girl.

"It's okay. Basta come on time again. Okay?"

Ngumiti ako at pumasok na sa loob. Tumabi ako sa bestfriend kong si Shanelle Hera Esqaviell, I also called her by her nickname 'Nelle'.

Ang ganda nang pangalan ni Shanelle no?

Nakinig ako kay ma'am Albaro. Siya ang adviser namin at teacher in English.

"Bakit ka nga pala na late. Leigh?"

Leigh ang tawag niya sakin.

"Kwento ko sayo mamaya"

Tumingin na ako sa harapan baka masita pa ako ng teacher namin. By the way, ako ang pumapangalawa sa highest student sa academics and sports.

May mas matalino pa kasi sa'kin.

Ngayon siya ang sumasagot sa tanong ni ma'am. Lutang kasi ang isip ko ngayon.

[Kruuu~]

Gutom na ako. Gusto ko na magrecess hindi pa kasi ako nakapag-almusal.

"Ang talino talaga ni Ivan" Bulong sa'kin ni Shanelle.

Pinipigilan ko lang sarili ko na masinghalan si Nelle. Pinamukha niya pa sa'kin na mas matalino si chuhan.

"Tss. Mas matalino ako sa kanya"

Hindi ako magpapatalo sa chuhan na 'yan. Akin lang ang pwesto ng pangunahing pinakamataas na estudyante sa academics at sports.

Babawiin ko ang pwesto na inagaw niya sa'kin at 'yung pinaghirapan kong pwesto naagaw na niya simula nang lumipat 'yan dito! 

Hindi na sumagot si Nelle kasi alam naman niya kung gaano ko kinasusuklaman si xhuhan.

Matalino nga si Chuhan pero arrogant naman at playboy naman.

Ito namang si Nelle bukambibig niya na gwapo daw si Chuhan.

May gusto ata si Nelle sa lalaking 'yun.

[Kriing~ Kriing~]

"Class dismissed"

Yes! Ito ang pinakahihintay ko!

Lumabas kami ni Nelle para pumunta sa cafeteria.

Ilang minuto ang nakalipas at dumating na kami sa cafeteria.

Shia. Ang daming students! Pa'no ako makasingit nito?

Seriously patay gutom ata ang mga tao rito. Charot lang.

"Mga fren! Ang black pentagon parating na! Kyaaaaah"

Napairap naman ako sa bakla na ang lakas sumigaw at tumili.

Aish sakit sa tenga. And like duh.

Ang panget kaya nilang lahat ang pangit pa ng gang nila.

Baduy pa. Mana sa kanila ang pangalan ng gang nila.

***

(Shanelle Hera Point of View)

Paparating na ang black pentagon.

Ang gwapo nilang lahat lalo na si Ivan.

Lima silang lahat at ipakilala ko sila sa inyo.

Brent Oliver Yunson. Siya ang panglima sa kanila. Pure filipino, cute, palangiti playboy nabibilang siya sa Class 1B at ang pang-apat ay si Gian Urie Yamchi. Siya ay half japanese at half filipino, gwapo, joker at troll. Ang pangatlo Henrich Estrella. Siya ay pure filipino. Gwapo at bookworm sa kanila and siya ang pinakatahimik sa kanilang grupo. Ang pangalawa ay si Herchavez Iscalani Selanio. Siya ay mabait, friendly at matulungin. Ang lider ng grupo ay si Harvey Ivan Manza. Ang ultimate hearthrob dito. He's a half filipino at half korean. Mayaman,arrogant, jerk, maputi, matangkad, and masasabi mong siya ang isa sa ideal type ng mga girls ngayon at lahat ng babae rito sa school ay nababaliw sa kanya. Marami na siyang naging gf pero hindi niya sineseryoso 'yun kasi mukhang may 1week rule 'yun alam niyo na. Iyong kada 1week pa iba iba siya ng gf at ako naman, ito baliw din sa kanya. Kailan kaya ako maging gf niya kahit 1week lang.

Oo baliw din ako sa kanya iniisip ko kasi kung kailan kaya ako maging sa kanya. Maganda naman ako, sexy, maputi, makinis, at kaya kong mahalin siya kahit 1week lang.

Ano pa bang hinahanap niya?

Pero ang ipinagtataka ko bakit ayaw niyang tawagin siyang Harvey.

"Hoy Nelle anong ngingiti-ngiti mo d'yan? Iyong smile mo abot hanggang langit dzai" Sabi niya habang nagtataka sa inasta ko.

Keshe nemen eh hahaha iniisip ko kung kelan na maging kami ni Ivan.

"Wala Leigh. May iniisip lang ako. By the way tapos ka na kumain?"

Tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Oo kanina pa. Ikaw na nga lang inaantay ko d'yan. Mukha ka ngang baliw. Pangiti-ngiti ka pa d'yan nagdeday-dreaming ka na naman. O tissue, punasan mo 'yang tumutulo mong laway. Kadiri ka" Sabi niya at inabot sa'kin ang tissue.

Agad ko namang pinunasan ang laway ko.

Argh! Sino bang hindi maglalaway sa isang Harvey Ivan?

Ang taray talaga nitong bestfriend ko.

"Bes naman basta maganda ang iniisip ko"

Inirapan lang ako ni Leigh.

Hindi ko talaga aakalain na naging friend ko si Leigh. Maganda kasi siya at matalino pero 'yun nga lang mataray, palaban rin siya. Hindi rin siya magpapatalo kahit kanino. Kaya ganun siya kay Ivan kasi gusto niya makuha ang pagiging pinakamataas na pwesto sa highest students list.

Okay edi sila na matalino.

#Supportive bestie here.

"Bumalik na tayo sa room" Nagmamadali niyang sabi

Tumayo na kami at tinapon ang lalagyan ng pinagkainan namin sa trash bin at pupunta na sa room.

(Hayleigh Eve Point of View)

Minsan napapaisip ako rito kay Nelle, para na siyang nababaliw. Bigla na lang ngingiti. Katulad na lang 'yung kanina parang siyang timang tapos ang bagal kumain mas mabagal pa siya sa pagong.

Ang tagal naman ng prof namin kanina pa kami nakarating dito.

Makafacebook na nga.

Busy sa pakikipagdaldalan si Nelle sa iba.

Pag open ko pa lang sa facebook ko.

[786 Friend Request]

[100 Notification]

[456 Messages]

Ang sikat ko talaga. Natural maganda ako.

Una kong tiningnan ang timeline ko.

Facebook Lite

Late na ako.

1.7k Likes  1.3k Comments

Kanina ko lang 'yan pinost pero ang dami na ng naglikes at nagcomment.

Ganyan ako kasikat.

Char!

"Leigh paparating na si sir"

Tinago ko naman agad ang cellphone ko baka ma confiscate pa niya pa 'to.  Terror pa naman 'yun.

Umupo na kami kaming lahat.

Napairap naman ako nang dumadaan si chuhan.

Kung alam niyo lang kung gaano ko kinamumuhian iyang si chuhan.

Simula nang nagtransfer 'yang engot na 'yan. Naging hell ang buhay ko.