webnovel

Relax, It's Just Immaturity

Si Dabrien Santos ay isang babaeng maloko pero seryoso? Lumipat siya sa Manila at doon naranasan ang iba't ibang bagay na unti unting bumago sa takbo ng buhay niya. Bagong tahanan, bagong paaralan, bagong kaibigan, bagong kalandian?!

LICS1 · Teen
Not enough ratings
7 Chs

MANILA

11:30 palang nang makadating ako dito sa condo na titirhan kong bago, kung iniisip niyo man na WOW RK putsa hindi, I mean mali, kasi itong condo na ito is pinundar nung papa ko nung may pera pa siya, Oo past tense kasi ngayon hehe sabihin nating konti na lang hindi na katulad ng dati na pwede pa ako mag inarte at magpaganda ng todo. So yun nga lumipat ako dito sa Manila para mag aral, sa Cainta Rizal talaga kami nakatira actually, simula pagkapanganak ko dun na ako namulat at lumaking paurong,.. sabi nila...

Ako nga pala Si Dabrien, Brie na lang for short kasi ang weird nung name ko parang lalaki amp. 16 yrs. old na ako and grade 10 sa pasukan, kung makakapasa ako... Apat kaming magkakapatid tatlong gurla tapos isang boy, pangatlo ako samin skl, pero ngayon magkakahiwalay kami which is ieexplain ko mamaya kung bakit pero as of now ayun mag isa ako dito sa condo, walang taga linis, taga luto, taga laba, walang kahit anong uri ng dulot.

Maaliwalas naman dito sa bahay eh, may terrace siya na tanaw yung view, kung saan pwedeng tumambay kapag lasing na lasing ka tas nag eemote ka pa na paiyak iyak pa. No. 1 advantage ng mag isa sa bahay is pwede kang mag senti at mag muni muni anytime. Yung living room spacious naman, tamang sayaw lang at practice ng recital sa gitna ganon, yung kitchen at dining kung saan mag isa akong kakain, okay lang plain looking, nothing special, yung banyo keri lang basta makapaligo lang okay na. Umupo muna ako sa couch at tinext si Ate, bukas kasi sasamahan nila ako ni Liam yung boyfriend niya na mag enroll sa St. Mary's na walking distance lang mula dito, remind remind lang sakanya putsa baka makalimutan eh, keri lang wala nang aral aral, sige lang.

Yung ate ko si Dianne, 19 yrs. old, future Chemist, mataray, siraulo, mahilig magpautang ng may tubo at higit sa lahat may boyfriend, si Liam. 3 years na sila, at so far okay naman, close din ako kay Liam pero I've always felt na as if he will never be good enough for my sister, not to be judgemental or what ha, I'm sorry pero mukhang pineperahan niya lang yung kapatid ko which is sad kasi dapat ako lang ang gumagawa non. Si Cheiline naman pangalawa sa panganay, 18 yrs old, nag aaral sa STI, super mataray, nakakainis, mahilig mang away at lastly madamot, sobra. Oo pala may bf din si Jake, 2 years pa lang sila pero, I mostly approve their relationship kasi si Jake, kabaligtaran siya ni Liam. I mean Liam is a nice guy overall, matulungin and super approachable kasi madaldal pero ekis talaga eh but on the other hand si Jake naman is tahimik lang and siya mostly ang gumagastos sakanila which is how it should be pati kila ate Dianne. I don't want to interfere sa mga ganyan nila pero sometimes talaga it makes me worried na nakakairita as hell kasi palagi akong third wheel.

You heard that right, THIRD WHEEL. Wala namang masama sa pagiging third wheel, i mean it makes you look a lot more supportive than you actually am pero the fact na araw araw mo na lang nararanasan, like on a daily basis nangyayari, going out to the mall, sa bahay, sa park, sa mga trips, sa strolls, ISANG MALAKING PACKING TAPE. ano toh daily routine? and mas madalas ko pa nakikita yung mga mukha ng bf ng mga kapatid ko kesa sa nakikita ko yung mga kaibigan ko eh, ako honestly I don't invite my friends sa mismong bahay namin kasi magulo yung bahay, makalat, makalat din sila pag umalis na tapos ako pa maglilinis and all, ang hassle pero it doesn't matter eh, SAN NAMAN KAMI LULUGAR kung araw araw din nandun yung mga boyfriend nila, PUTSA ako pa talaga nahiya, akong matinong dalaga na walang ginawa kundi mag aral at magsikap tungo sa kinabukasan kung saan walang oras para sa pag ibig at kung ano ano man na bagay na mayroon sa mundo. charot.

Hindi ako matino, pero seryoso ako, minsan. Hindi ako mahilig mag aral pero top-notcher ako and I lead most of my classes ever since elem ako. Magaling daw ako mag aral sabi nila, pero deep inside putsa tamad ako. I get high scores, high marks, favorite ng mga teachers, sipsip, bida bida, pero that's because grade conscious ako, pero take note hindi ko love ang pag aaral at any circumstances. Nag aaral ako oo, pero yung mga level ng nerd at geeks na lahat ginagawa mgaing top 1 lang eh hindi na ako yon, nag cucutting din ako lalo na dun sa mga saturday classes, nag rerecess anytime yung tipong cr lang paalam pero didiretso sa canteen, nangongopya, tumatakas sa recitation, name it nagawa ko din yan. Pero yung pagiging top ko is pinipilit ko talagang ma maintain, I want it to remain hanggang sa makapag tapos ako, mahirap man pero I'll do it, despite those times na tinatamad ako, nawawalan ng pag asa, sandali lang yon eh pero the will to keep pushing is nandun pa rin. Being good at studying, yun lang yung kaya ko maipagmalaki eh, hindi kami mayaman, hindi ako maganda, hindi ako perpekto, pero this, this is something I can use to make my parents proud, myself proud. Kaya kahit minsan ayoko, lumalaban pa din ako.