webnovel

Relax, It's Just Immaturity

Si Dabrien Santos ay isang babaeng maloko pero seryoso? Lumipat siya sa Manila at doon naranasan ang iba't ibang bagay na unti unting bumago sa takbo ng buhay niya. Bagong tahanan, bagong paaralan, bagong kaibigan, bagong kalandian?!

LICS1 · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Admission day

10:30 na ako nagising kasi nakalimutan kong mag alarm kagabi, kanina pa nag start yung admission mga 8 siguro pero alam ko din naman sa sarili ko na hindi ako ganun katiyaga para pumunta at tumanggap ng early bird award sa school na iyon. Nag text na sa akin si ate na malapit na sila kaya nagsimula na akong kumilos, tamang ligo lang for five minutes kasi malamig eh, actually hindi din naman ako ganun ka hygienic na tao nor sobrang arte sa katawan, hindi nga man lang ako naglalagay ng lotion kasi paglabas ko mainit tapos sobrang tagal mag apply mga 5 minutes. Ang tanging ginagawa ko lang is mag make up ng light, dun ako bumabawi kasi tamad ako pero gustong maging maganda, So una naglalagay ako ng concealer sa ialalim ng mata at eyelids since puyaters ako kakacellphone, tapos tinted sunscreen para pumuti naman ng onti yung mukha ko kasi kagagaling lang namin sa bakasyon and doon talaga ako nangitim ng slight so tamang tapal lang. Next is yung eyebrow kasi favorite kong part ng face ko yun, I always thought na parang ang perfect ng shape ng eyebrow ko, not too thick pero not too thin either, except nalang nung inahit ko siya mag isa, hindi na naging pantay. Lastly powder at liptint lang para sa finishing touches then okay na kahit papaano mukhang fresh.

Nag pantalon lang ako then black na fitted shirt tapos rubber shoes, wag oa hindi ako sexy, hindi proportioned yung body ko and hindi din naman ako matangkad pero mas mataas naman ako compared sa mga ate ko HAHAHA take that. Pero sila kasi mapapayat mas mapayat sakin, I'm more average size eh, hindi mapayat, hindi mataba, however yung hips ko is far too wide for my body, slim yung waist ko pero pagdating sa baba eh sobrang unflattering na, I hate it actually. Mataba ako dati nung bata pa ako pero I pushed myself para pumayat talaga, I often starved all day long tapos binabawian ko din sa sayaw as a form of exercise, I did lose a lot of weight pero hindi pa din enough para maging appealing, siguro problema na din sa akin.

Dumating na sila ate Dianne kaya pumunta na din kami sa St. Mary's, pagkapasok na pagkapasok ko pa lang eh ayoko na sa ambiance nung school na iyon, it's not that bad pero meron something doon na ayoko, or is it just the fact na ayokong lumipat dito? Oo sa totoo lang ayokong lumipat dito, I don't have to pero due to some family problems napilitan ako, my mom insisted na umalis na ako sa bahay ng papa ko, yes hiwalay sila but it's not that unfortunate. Yung mama ko na kasi ang mag proprovide sa amin kasi hindi na kaya ng papa ko, he needs time to solve his own problems, I didn't want to leave him pero I somehow need to, ayokong sumuway sa mama ko dahil nahihiya ako. Hindi ako close sa mama ko, I'm more comfortable sa papa ko. Hindi ko alam pero I favor him more than my mom, I may seem ungrateful kasi kumakampi ako sa dad ko pero I can't help it, I love him more than her. This decision, yung paglipat dito is made by me, hindi kailangan pero pinatos ko kasi ayokong may masabi sakin ang mama ko, hindi ako masaya dito at hindi na ako truly sasaya.

Lumapit si Liam doon sa may admin para kumuha ng number namin at saka naupo sa isang tabi. Madaming tao tapos ang init init pa, hindi ako nagrereklamo kasi hindi ako sanay sa ganto, hindi ako anak mayaman sanay ako sa init, siksikan pero mas naiirita ako ngayon at hindi ko mapigilang magmaldita dahil sa katotohanang nagsisisi na ako sa ginagawa ko, walang may kasalanan kundi ako. Pumunta muna kami sa mall para magpalamig at magpalipas ng oras, I kept on spacing out kasi tinatamaan na ako sa reyalidad na eto na ang buhay ko ngayon, mag isa, walang karamay, walang kaibigan, walang ibang malalapitan. It seems like kailangan ko pang maging mas matapang, mas responsible para sa sarili ko. Lingon ng lingon yung ate ko sa akin probably kasi naaawa siya sa lagay ko, kanina ko pa siya hindi binibigyan ng matinong sagot at puro pabalang ang pakikipag usap ko sakanya, I'm sure naramdaman niya yun kung gaano kabigat yung nararamdaman ko ngayon.

Bumalik na kami sa St. Mary's at nag antay ng kaunti para matawag yung number ko, turns out principal pala yung kumakausap isa isa for a brief interview bago ka nila iadmit at bigyan ng schedule. I was finally called kaya kabado akong pumasok sa office, tahimik lang yung loob, it's actually a bit small and more simple para sa principal's office kaysa sa ibang napasukan ko, naupo na ako at binigay ng bahagya yung report card ko. " Good morning Hija, May I ask why did you transferred here suddenly?" sabi ni Ms. Barberan, yung principal na medyo may edad na, mukhang mataray pero malumanay magsalita. " Po? what do you mean po by suddenly? I didn't transfer here in between classes, nag aadmit po ako dito right now para sa pasukan" medyo nagtatakang tugon ko, " Hija, what I mean is, your previous grades are excellent, grade 10 ka na this year, why bother transferring to St. Mary's, for what reason?" medyo madiin na sabi niya, at this point kinakabahan na talaga ako pero I should move further at panindigan toh, "I'm sorry Ms. Barberan pero it's due to personal reasons that I do not dare to speak about" matigas din na sagot ko sakanya, I can't explain kung ano yung look sa mukha niya pagkatapos ko siyang sagot sagutin ng ganon, bastos na kung bastos pero it's the truth, my reason is too personal to share. "Very well, here's your schedule Ms. Santos, you may go" malumanay na sabi niya, tinanggap ko yung folder and stood up abruptly. Alam kong hindi siya na pleased sa kabastusan ko pero I don't care, it's far out of my concern. Lalabas na sana ako nang magsalita siya "Ms. Santos I hope you know na you are not applicable sa pagiging valedictorian ng year na ito, you may graduate with honors but not the highest because you simply don't posses the loyalty grant here at St. Mary's, kahit gaano pa kataas ang marks mo it will never be enough" and that threw me off, umalis na ako sa office na iyon without a single word, I'm effin' pissed right now, anong karapatan ng school na ito na hindi bigyang katarungan ang valedictee, I'm not claiming na ako iyon pero the way she told me those spiteful words are threatening. Oo it's true I am running for that position and if ever na maabot ko iyon I know i deserved it. This is my chance to make my parents proud, yung hardwork ko, yung reputation ko it's going the drain because of this cursed school.

Umalis na kami nila ate Diane at dumiretso ng uwi, inaaya nila akong kumain muna pero I declined, naramdaman siguro nila na wala ako sa mood talaga kaya hinayaan na lang nila ako. Ogag talaga gusto kong humiyaw sa inis, this is not what I expected, hindi ko akalain na sa paglipat kong iyon maaapektuhan lahat ng plans ko for myself, bullshit lang na ganto ang nangyayari sa akin, if it wasn't for this commotion sana nandun pa din ako sa CCC, to hell with that loyalty grant nandun na ako nursery pa lang ako. I thought this would benefit me, kala ko pag aadjust lang ang kailangan kong gawin dito, F*ck it I would not settle for this, tignan mo lang St. Mary's. Beat it one way or another.