webnovel

Thirteen

Thirteen

Hinilot hilot ko ang aking batok ng tuluyan na akong makalabas ng Coffe shop. Narinig ko pa ang pagtunog ng aking phone, si Lovely pala.

"Nasaan kana?" tanong niya sa kabilang linya

"Pauwi na." tugon ko. Tamad kong inihakbang ang aking mga paa paalis doon.

"Nagdala ka ba ng payong?" tanong niya.

"Hindi, bakit?" Pagkasabi ko nun ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan, hindi ko maigalaw ang katawan at nagsimula na namang lumandas ang luha sa mata ko.

-Flashback-

Tuliro si Liam ng magkita kami sa Park, hindi ko maipaliwanag ang emosyong ipinapakita niya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sakanya.

Hindi siya makatingin saakin.

"Liam, okay ka lang ba?" tanong ko ulit.

Biglang umulan ng napakalakas kaya hinila ko siya sa ilalim ng slide upang makasilong.

"W-Wala pa naman akong dalang payong." binigyan ko siya ng malapad na ngiti, ngunit luha ang nakita kong lumabas sa mga mata niya.

"B-Bakit ka umiiyak?" Nilapitan ko siya at pinunasan ang luhang lumalabas sa mga mata niya.

"Uwi na tayo." aniya. B-Bigla niyang iwinaksi ang aking kamay at sumuong sa napakalas na ulan.

Bigo ang bawat hakbang niya at wala akong sali-salitang hinawakan ang kamay niya.

"Ano bang problema? Sabihin mo saakin."

Tulala ang kanyang mga matang nakatingin saakin.

Umiling-iling siya. "H-Hindi. H-Hindi." at tuluyan ng tumakbo at iniwan ako.

Naguguluhan akong umuwi ng bahay, hindi ko siya maintindihan.

"Mom..." tawag ko sa gate ngunit hindi ako pinagbubuksan ng pinto. Dala na rin siguro ng malakas na ulan.

Kinuha ang susi ng bahay at nagtataka na bukas pala ito.

"Dad?" tawag ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nagkalat ang aming gamit sa sahig at nanginig ang aking kalamnan ng may makita akong dugo. Napaupo ako sa aking kinatatayuan at hindi matigil ang pagtulo ng aking luha. H-Hindi ako makahinga.

Sinubukan kong tumayo at hanapin sila Mom ngunit mas lalo akong nanlumo, I see them filled with blood.

"Mom? Dad?" Hindi na matigil ang pagpatak ng luha sa mga mata ko habang nakikita ko silang walang malay at nakahiga.

Hinawakan ko si Mom sa kamay at pilit na ginigising ngunit, wala. Ayaw na niyang magising.

Nilapitan ko si Dad at laking pasasalamat ko ng bigla niyang idinilat ang kanyang mga mata at ngumiti saakin. Niyakap ko siya habang alam na alam kong nadidikitan na ako ng mga dugo nila.

B-Bigla akong natigilan sa pag-iyak, may narinig akong kalampag sa itaas. Mas lalo akong napaiyak at pinipilit na itulak ako ni Dad.

"M-Magtago ka Billy, Magtago ka."

Nanginginig ang buo kong katawan, ayoko silang iwanan pero wala akong magawa. Sinunod ko ang gusto ni Dad. Nagtago ako sa mga cabinet sa kusina, nanginginig ako, hindi matigil ang luha sa mata ko. Sobrang diin ng pagkakahawak ko sa aking bibig upang hindi nila marinig ang mga hikbing nililikha ko.

Nanlumo ako, may sumilay na liwanag sa butas ng kabinet na iyon. At tuluyan ng lumandas ang luha sa mga mata ko.

Tito Bert? wala sa loob na sambit ko sa aking isip.

That was my family? Nawala ang pakiramdam ko sa lahat, nawala ang nararamdaman ko sa aking nakita. Ang alam ko lang ay tuluyan ng nawala ang aking mga magulang na wala akong ginagawa kundi ang magtago.

And I see a traumatic incident that I know both me and Liam will never be in love again.

-End of Flashback-

I remembered it again, hindi ko na alam kung paano ako makakalaya sa insidenteng iyon. Hindi ko na alam.

Biglang tumigil ang pagpatak ng ulan at napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ko.

It is Liam again. Madiin kong ipinikit ang aking mga mata ng magtama ang tingin namin.

"Liam..." Nagbagsakan na naman ang luha sa mata ko.

Pumantay siya saakin at pinunasan ang luha sa mata ko. Tipid akong ngumiti sa harap niya.

"C-Can you give me a hug, it hurts again." Walang alinlangan niya akong niyakap ng napakahigpit.

"I-Im sorry. Really sorry." paulit ulit na sambit niya.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na wala kang kasalanan. We are victim, we are. Youre not like him, Liam. Kung nahihirapan ako, its not your fault." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Huwag mo sisihin ang sarili mo, hindi mo kasalanan ang lahat."

Liam POV

I am seeing you again, I know its not right because I'm always been unfair to you all this time but I cant, mababaliw ako kapag hindi kita nakikita.

I started counting up to 10, sinubukan kung pigilan ang sarili ko pabalik sayo. Pero nang tuluyan ko ng natapos ang aking pagbibilang, I am seeing myself walking towards you, because all along nagtitiis na pala ako sa lahat.

Billy, I'm sorry pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang nakikita kang nahihirapan dahil sa lahat. Please let me carry your burden.

Because all of this was cause in my family. Kahit gaano ako mahirapan, I am okay and will always be, because I deserve all of it and you deserve to be happy.