webnovel

Eight

Wala ako sa sarili habang naglalakad sa kahabaan ng High-Way, hindi ko rin kasabay ngayon si Lovely dahil maaga natapos ang klase niya. Kinuha ko ang cellphone saaking bag at pati narin ang headset.

Nakinig ako ng music habang nilalamon ng mga naiisip, tipid pa akong napangiti ng may makitang pamilyang masayang nagahahalhakan sa kalsada. Bigla akong nalungkot, I miss my family. I'm living in almost 6 years without them.

Napatingin ako sa talang nasa itaas at napahigpit ang hawak sa aking bag.

"Nandiyan naman kayo diba? You're always watching me." bulalas ko.

Hindi ko napigilang tumulo ang luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan iyon. Inihakbang ko ulit ang aking mga paa patungo sa aming Apartment at para bang kanina pa may sumusunod saakin, nakaramdam ako ng kaba  at halos patakbo ng naglakad.

Pagkarating ko sa Apartment ay hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag. Napaupo ako sa sahig at niyakap ang aking sarili.

Patakbong lumapit saakin si Lovely ng nagaalala.

"Okay ka lang? Anong nangyare sayo?" tanong niya.

"W-Wala, pakiramdam ko may sumusunod lang saakin." dahan-dahan niyang sinilip ang bintana na natatakpan ng kurtina at inalisa ito.

"Wala naman, baka guni-guni mo lang yun." tinulungan niya akong makatayo sa pagkakaupo ko. Nararamdaman ko parin ang panginginig ng katawan ko.

Nararamdaman ko parin ang takot.

Naghain na si Lovely ng makakain naming dalawa samantalang ni halos nakatulala lamang ako doon. Bigla akong nawalan ng gana kumain.

"Billy, wala iyon. Kumain kana." Tiningnan ko lamang siya.

Maya-maya ay kahit walang gana ay pinilit kong kumain para lamang hindi masayang ang hinanda niya.

Nauna ng matulog saakin si Lovely, nagpaiwan ako sa hapag at napapaisip. Ilang oras na ang nakakalipas ngunit hindi padin nawawala ang takot ko.

Sinubukan kong ibaling sa iba ang isip ko, nagsulat ako ng mga course outline ngunit hindi rin ako makapagsulat kaya pinili ko na lamang na tabihan si Lovely at pinilit na matulog.

-Flashback-

"Mom." Ang lapad ng ngiti niya habang tumingin saakin.

"Dito na tayo titira?" Tanong ko sakanya.

"Yes. Gusto mo ba dito?" Mas lalong lumapad ang ngiti ko at tumango.

Sabay kaming napatingin ni Mom kay Dad na isa-isang inilalapag ang mga gamit namin sa labas ng compartment.

"Dad, paano yung work mo?" Abala ko sakanya habang isa-isa na naming pinapasok ang aming mga gamit.

"Pwede namang home based, anak." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano yun Dad?" Tanong ko sakanya.

Napahalakhak si Dad at ginulo ang buhok ko. "Masyado ka pang bata para doon, Billy. Tulungan mo na ang Mom mo sa pagaayos sa loob" mabilisan kong sinunod siya sa kanyang sinabi.

Natapos ang maghapong iyon na puro kami tawanan, natutuwa ako dahil sa murang gulang, I already witness what true love means because I see it in my parents and I wish that someday panghahawakan ko din yan.

Maaga ako ginising ni Mom para sa bagong paaralang papasukin ko.

Grade 6. I am a elementary student when I first met you.

"Class, your new classmate." Nilapitan ako ni Teacher at ngumiti.

"Magpakilala kana." Sabi nito.

Kinakabahan akong humarap sa harap ng aking magiging bagong kaklase at nagpakilala.

"Good Morning, ako nga pla si Billy Christia Corpuz, bagong lipat lang kami sa bayan na ito." Ngumiti ako pabalik sa harap ni Teacher

"Palakpakan naman nayin siya." Sumunod nun ay narinig ko na ang palakpakan ng mga mgiging kaklase ko.

"Doon kana lang maupo sa tabi ni Liam." Masigla akong tumungo at nagtungo sa tahimik na lalaki na nakatanaw lamang saakin.

Kapansin pansin din ang pananahimik ng buong klase dahil sa paglapit ko sakanya na para bang may hindi tama.

Ngumiti ako sakanya ng magtama ang tingin naming dalawa.

"Hi seatmate, ako nga pala-"

"Narinig ko ang sinabi mo." Pagputol niya sa sinabi ko at yumuko. Kaagad nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Ang sungit.

Math Subject.

"Okay class, punta kayo sa page 30." Sabi ni Teacher at wala akong ibang matingnan kundi ang libro nitong katabi ko.

Nang makita niya akong nakatingin sakanya ay inis niyang kinuha sa bag niya ang libro at padabog na ibinigay saakin at yumuko ulit.

Pasimple akong ngumiti.

Nagpunit ako ng kapirasong papel sa aking notebook.

I wrote "Thank you" at isinipit ito doon sa Math subject na katatapos lang.

Sabay sabay kaming napngiti ng aking bagong kaklase ng tumunog na ang bell. Breaktime na.

Kinuha ko kaagad sa Bag ko ang baon kung sandwich at juice ngunit nagtataka kong tiningnan itong katabi ko na pinili lamang na matulog.

Kinalabit ko siya. "Breaktime na." Sabi ko. Hindi niya ako pinapansin.

"Breaktime na." Paguulit ko. Pagalit siyang tumayo sa pagkakayuko niya at masama akong tiningnan, maging ang mga kaklase ko ay nakuha din ang atensyon dahil sa pagdadabog niya.

"Alam ko, hindi ako bingi." Aniya at nagmartsa na paalis doon. Biglang namuo ang luha sa maga ko dahil sa inakto niya. Napahiya ako.

Iniwan niya akong magisa doon habang nasa akin nakatingin ang tingin ng aking bagong kaklase.

"Hayaan mo na, mamatay tao tatay nun." Bigla akong napatigil sa pagiyak dahil sa sigaw nila.

"Huwag kana umiyak." Sabi pa nung nasa tapat ko.

"Kaya nga walang gustong makipag-kaibigan diyan dahil-" napatigil siya sa pagsasalita ng biglang bumalik si Liam at kinuha ang bag niya.

Nagtama ang tingin naming dalawa at para bang natunaw lahat, natunaw lahat ng inis ko dahil sa ginawa niya saakin.

Biglang naging bukas ang mata ko sa emosyong pinapakita niya. At nakikita kong malungkot siya, magisa.