webnovel

Red Thread

"Play my words inside your mind. Use your eyes to read, imagine, transform, and make my characters alive." Work of Art - Mystery/Thriller Subgenre - Young Adult May 18, 2020 June 4, 2020 (NOT A WHOLE DETECTIVE DRAMA) *** STANFORD, malapit sa baybayin ng West Philippine Sea, mukhang normal sa paningin ng isang tao lamang. Dahil tila ito ay nahahati sa tatlong apat-na-palapag, malaki at maluwang na gusali - na nagbibigay ng mga puwang para sa iba't ibang mga pasilidad tulad ng Multi-purpose Hall, Cafeteria at Library. Ang kanilang mga diseniyo ng arkitektura ay ibinigyang inspirasyon mula sa panahon ng Medieval na may mga bintanang baso, tukod, matataas at patilos na bubong, sementadong salulo, tore at arkong paturo. Ang tatlong pangunahing gusali, gayunpaman, ay mayroon ding tatlong magkakaibang mga layunin at nahahati sa dalawang bahay. Ang pinakang malayo ay may rebulto ng tigre, ito ay kumakatawan sa mga bihasang mag-aaral at ang layunin nito ay upang tipunin ang lahat ng mga mag-aaral na handa para sa agham pampulitika, computer science at mga propesyon na may kinalaman sa teknolohiya. Ang gitna ay may estatwa ng leon, ito ang gusali para sa lahat ng mga pasilidad sa paaralan. Ang pangatlo ay may rebulto ng lobo, kinakatawan nito ang mga intelihenteng mag-aaral. Katapat naman ng mga gusali ay bilog at malawak na obal na hugis-itlog na kung saan ay kinubkob ng mga puno ng Elm at Oak at nagbibigay ng natural na hangin. Ito ay payapa. Madali ang buhay ng mga mag-aaral. Hindi hanggang sa sunod-sunod na pagkitil ng buhay mula sa mga pagpapakamatay, pagkalulong sa droga, at serial killings ay mapunta sa linya sa kanilang mga bakuran. Walang sino man ang nakakaalam kung sino o kung ano ang nasa likuran ng biglaang trahedyang mga kaganapan na ito, naisip ng lahat na ito ay isang masamang taon lang para sa Stanford. Maliban sa isang tao. Si Logan, ang anak ng direktor ng Stanford at isang miyembro ng News and Report Club, na naaksidente sa nakaraang taon na naging dahilan upang magkaroon siya ng short-term memory. Sinusubukan na lutasin ang kaso dahil naniniwala siya na hindi lamang ito mga sadyang pagkakataon. Dahil ang isang tao ay nasa likod nito, naisip niya. At ang mga kasawiang nagaganap ay konektado sa aksidente na kaniyang nakatagpo. Mayroong dalawang posibleng mga tao sa likod ng mga gawaing ito, naisip niya. Ang bagong nahalal na Punong Estudyante mula sa bahay ng tigre o isa sa kanyang malalapit na kaibigan. Alin man, alam niya na hindi ito magiging madali. At dahil doon, sinubukan niyang bumuo ng isang club mula sa mga mag-aaral na naging rebelde laban sa Stanford. At sa paglapit nila sa katapusan ng mga kaso. Nalaman niyang isa lang ang nasa likod nito.

Juanxhari · Action
Not enough ratings
32 Chs

Finale

Finale

Third Person

"I'm glad that you came," salubong ni Mateo pagkatapos na pumasok ng D 'Lit sa loob ng kaniyang office. Nagpahanda rin siya sa kaniyang sekretarya ng biskwit at tsaa habang sila ay nag-uusap.

Ang mga kasamahan naman ni Logan ay namamangha sa lawak ng silid ni Mateo, hindi pa sila nakapapasok dito.

"Nakapag-isip ka na ba, Logan?" tanong ng Head Student, nakaupo na silang lahat sa palibot ng mahabang lamesa.

Tumango ang kaniyang kausap. "May ipinagtataka lang ako. Paano mo nalaman mga plano ni sir Willie?"

Si Matthew ang sumagot, "When he took his leave, I always track his location and found out that he has been going to a weird trip. Minsan, makikita kong nasa tindahan siya ng mga chemicals— deadly chemicals. And you know, actions will always be first line of suspicion."

May idinagdag si Mateo, "Narinig ko rin sila mag-usap ni Tita Viv na papatayin niya ang Stanford Padayons kung hindi aamin ang nanay mo sa 'yo sa mga gawa niya."

Abala sila sa pag-uusap habang maingay ang tao sa labas ng kanilang opisina. Naroon na ang mga athletes. Ganap nang sinimulan ang paligsahan.

"So, have you ever heard how he's planning to do the massacre-thing? It will help us counterattack it," ani Logan.

Umiling si Mateo.

"That's hard," sabi ni Logan, "but it's okay, I have an idea."

"What?" tanong ng lahat.

Isinuklay muna ni Logan ang kaniyang mga daliri sa hibla ng buhok. "Kung gusto maghiganti ni Troy, posibleng gagawin niya iyong nangyari noon. Namatayan siya ng anak, kaya gusto niya patayin ang anak ng direktor. Pinatay ni mama ang mga estudyante noon, papatayin din ni Troy ang estudyante ngayon."

"So, history repeats itself," wika ni Sheena.

Umiling si Logan. "No, murderers always do the same way of murdering."

Sumingit si Mateo, "Uhm, about that. It's actual— never mind."

Tumaas ang kilay ni Logan ngunit hindi rin iyon pinansin. Abala siya sa pagpapaliwanag ng mga dapat isagawa.

***

"We need to make sure that our school is surrounded by CPPS," anang Logan. Silang lahat ay nakatitig sa kaniya.

"I'm on to it," sagot ni Mateo bago kuhain ang cellphone.

"Hello, this is your Head Student, speaking," maawtoridad na wika ni Mateo sa telepono. Kausap niya si Student Lieutenant, Tominez.

"Good afternoon, sir. Ano pong maipaglilingkod ko?" sabi ng linya.

"I want the full deployment of CPPS and of Medical Team. Make sure to wear your civilian uniforms lang. Gusto ko, lowkey patrolling. Prioritize the main camp. Pero, mag-deploy din kayo sa bawat building sa dormitory side."

"Sir, in charge po ang executive committee sa pagbibigay ng tasks sa amin," si Tominez.

"Ganoon ba? Okay— Sheena, please connect me to the executive committee president."

Tumango ang kaniyang kausap bago i-dial ang number sa telepono.

"Here," alok ni Sheena.

Sa pagkakataong ito ay dalawang telepono na ang nakasaksak sa tainga ni Mateo. Sa kanan ay para sa Corpse Commander, at sa kaliwa ay ang execom president.

Nagkaroon ng animo'y urgent meeting. Mabilis lang ang pag-uusap at ilang sandali pa ay nakababa na ang parehas na telepono.

"Okay na," sabi ni Mateo kay Logan. Hindi maikakaila na nagmumukhang superior si Logan kesa Head Student.

Tumango ang kaniyang kausap.

"Next, we need food— no, victuals," dagdag ni Logan.

"Para saan? Mayroon na tayong caterer," si Sheena ang sumagot.

"There could be food poisoning. So, it's better to be prepared."

Sumabat si Jay, "That's bad. I ate too much at the catering service before we went here." Habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

Nag-isip si Logan ng solusyon habang naniningkit ang mga mata. "Oh," panimula niya, "we need ORESOL. Ipalagay natin sa mga station ng medical team."

Tumango si Mateo bago mag-text.

"Paano iyong pagkain? Sinong magluluto, we don't have that much time and for sure caterers won't let us meddle with our stuff. Four hours na lang at lunch break na," si Sheena.

Tumunog ang dila ni Logan. "Si Angela! Why not we call her? Bukas pa naman ang performance nila, hindi ba?"

"Bukas na nga, we are under major preparations," si Shion ang sumagot.

"Right," sabi ni Khen, "bakit ka narito? May performance kayo bukas, ah."

Nagkibit-balikat si Shion at hindi umimik.

Lumarga si Logan sa pananalita, "Sheena, sa iyo ko ibibigay ang task na ito. Make sure that we have sufficient victuals for all the students. We are going to feed almost two thousand students."

Napilitang tumango ang kausap. "Okay, pupunta na ako sa mga kakilala ko para makapagsimula. But how about our finance?"

"I'll come with you," sabi ni Matthew, "nasa Budget Department si Jhea ngayon. We'll just say that Mateo gave us a word." Tumingin siya sandali sa nabanggit na pangalan, tumango ito. Nagmamadali na silang umalis ng silid.

"What's next?" tanong ni Jeff na animo'y nagagalak.

"You wander," ani Logan.

"I— what?"

"You wander, take some photos. You go wherever Willie go. Nakalabas na siya ng infirmary, there were no damages on his body."

Nagbuntong-hininga si Jeff at pilit na ngumiti. "Fine."

"Sama ako," sabi ni Angelyka.

"No," mabilis na tugon ni Logan, "may ipapagawa ako sa inyo ni Oliver."

"Ayaw ko," kontra ni Oliver.

Inirapan siya ni Logan. "Gather all the news that you can get and publish it every moment. Make sure that DNS won't be suspicious on us. I saw Jasmine a while ago and she asked me if what we are up to. Hindi dapat nila malaman ang tungkol kay Willie."

"Boring naman," panimula ni Oliver, "but fine." Lumabas na si Jeff, Angelyka, at Oliver.

"Next thing, we need face masks," sabi ni Logan.

"Marami tayo sa stock," wika ni Mateo, "papakuha ko sa team. Para saan ba?"

"Nang nabasa ko iyong documents about Echo, it stated that there were smoke wandering each night that causes students to hallucinate. Kung magagawa nating pasuoting ang mga estudyante ng face masks, hindi nila malalanghap iyong usok," sagot ni Logan.

Tumango si Mateo. "Madali lang iyan dahil marami tayong stock. Ang mahirap, paano natin magagawang pasuoting ang dalawang libong estudyante ng face mask sa gitna ng Triumphic?" Nakakunot ang kaniyang noo.

May katahimikan habang pauli-uli ang mata ni Logan sa paligid. Paano, sa isip niya.

"Aha!" bulalas niya, "we give influencers the spotlight. Pangunahan mo Shion."

"Ako?" tanong ng babae, "influencer ba ako? Uy, hindi."

Tumunog ang dila ni Logan at sapilitang inikot ang kaniyang mata. "Member ka ng Theater Club, sikat kayo. Isama mo si Nicole at EJ, malakas kapit noon sa social media. Use your platform to inform them. Sabihin niyo uso ito sa West."

Nakangiwi ang labi ni Shion habang nakikinig. "Arte," sa isip ni Khen.

Makalipas iyon ay tumayo na siya at sinabing sila na ang bahala nila Nicole. Ibinigay muna ni Mateo ang susi sa babae para makuha ang face masks.

"Anong gagawin namin, Logan?" Tanong ni Khen.

"Just... stay by my side and protect me at all cost," sabi ng kausap.

"Like fucking bodyguards?" tanong ni Jay. Umirap ulit ang mata ni Logan.

***

Naging abala ang D 'Lit. Tagaktak ang pawis ng bawat isa. Sumapit na ang lunch break kaya si Sheena at ang kaniyang kasamahan— na nakuha niya mula sa culinary department, ay nag-aasikaso ng mga pagkain.

"Uy, friends! Dito ka na kumuha ng food, fresh 'to," akit niya sa mga dumadaang estudyante na papunta sa catering venue. May hawak siyang masasarap na putahe kaya agad na lang sumama ang mga naimbita niya.

Sa dako naman nila Shion, nasa gitna sila ng hall sa Leon Building habang nagpapacute si Nicole at pumuporma si EJ. Maayos ang ganap dahil may kumuha ng litrato sa kanila, animo'y pictorial ito. Si Shion ang nagsasalita habang may dumadaan-daan na estudyante at palinga-linga sa kanilang posisyon.

"Wear your face mask now! Sabay sa uso, Stanford Padayons!" May ngiti ang bawat salita. Sa social media rin ay laganap na ito dahil sa mga pictures na kumakalat. Kaya mas naging madali ang kanilang trabaho. Ilang sandali na lang at ang lahat ay may face mask na.

Kung nakaka-stress na ang ginagawa nila, ano pa sa trabaho nila Oliver? Magdamag na tutok sa harap ng computer, walang tigil sa pagtipa. Inimbitahan nila rin ang iba pang kasamahan sa Diplomatic Urges para bahain ng magagandang balita ang paligid. Sa ilang rason ay mabilis na naimprenta ang pahayagan sa tulong ng salita ni Mateo.

"Tangina!" wika ni Oliver dahil sa sakit ng ulo. Nagulat naman si Angelyka kaya agad na hinampas nito ang likod ng lalaki.

"Manahimik ka, ang dami pa nating gagawin, e," sagot ng babae.

Kung pag-uusapan ang CPPS deployment, naging matagumpay ito dahil bawat sulok ng paaralan ay may mga squad ng CPPS na nagmamartsa sa paligid. Nakakalat din ang medical team dahil may pailan-ilan na ang sinasakitan ng tiyan.

Si Mateo, sa kabila ng pagiging Head Student ay naglalakbay din sa palibot ng paaralan. Tsini-tsek niya ang bawat booth, competitions, and venue. Wala siyang kasama sa likod— ni sekretarya ay wala, ayaw niyang magpakitang gilas.

Samantala, si Jeff na isang photojournalist ay palihim na pasunod-sunod kay Willie. Nakakalakad siya nang maayos. Saan nga ba siya tinamaan ng bala? Sa balikat.

Kung minsan ay mapapalingon ang guro sa kaniyang likod dahil pakiramdam niya ay may sumusunod sa kaniya. Agad namang nakapagtatago si Jeff sa likod ng camera at umaakto na may kinukunang litrato.

Lahat sila pagod— physically. Maliban kay nila Logan na nasa Cyber Department. Naroon sila upang i-monitor lahat ng silid. Mabilis niyang nakikita dahil may CCTV sa bawat paligid. "So far, maayos," sa isip niya.

Hindi hanggang sa dumating ang hapon.

***

"Kapagod!" sabi ni Oliver, kakapasok lang sa loob ng opisina ni Mateo, "I can't believe that we've been writing news until five o'clock." Tumunog ang kaniyang dila habang kumukuha ng upo.

Naroon na silang lahat, nahuli lang si Oliver at Angelyka dahil kailangan pa nilang gumawa ng maraming balita.

"Lahat tayo pagod, I've been cooking for straight ten hours," sumbat ni Sheena.

"Kumusta, Jeff? Iyong kay sir Willie, nasaan siya?" tanong ni Logan sa kaibigan.

"Wala masyado. Sigurado ba kayo na may pinaplano siya? Parang normal naman, e," tugon ni Jeff. Tumingin silang lahat kay Mateo at Matthew.

"Hindi pa naman tapos ang araw," sagot ng Head Student.

Ngunit makalipas lang ang sampong segundo ay may nagmamadaling kumatok sa pinto ng opisina.

"Come in," ani Mateo.

Sumaludo ang bagong pasok na si Student Lieutenant, Tominez. "Sir, may kumakalat pong usok mula sa Laboratory. Tinawag na namin ang fire department pero kinumprima nila na hindi ito galing sa apoy."

"Okay," panimula ni Mateo, "nasabihan na ba ang mga teachers? Pasabi sa mga estudyante na malapit sa Lab ay umalis. And please announce to the speaker to always wear their masks."

"We have another problem, sir. Nawawala iyong Lab assistant na nagbabantay doon. Naiwan niya po ito." Inabot ng Patrol Student ang isang panyo. Kinuha ito ni Mateo at ipinasa kay Logan.

"Does this... belong to a girl?" tanong ni Logan.

"Yes, sir," sagot ni Tominez.

Lumunok nang bahagya si Mateo at saka itinapik ang balikat ng nagpapatrol.

Tumango ang kaniyang kausap at agad ding umalis. Pagkatapos, binaha na sila ng tawag mula sa iba't ibang department. Si Mateo lang ang kumausap doon.

"Babae, shit! Baka rape-in," wika ni Jay.

"Huwag naman sana," nag-aalalang tugon ni Shion.

"Lalabas lang ako," sabi ni Logan.

Sinundan siya ni Khen. "You forgot your mask."

"Thanks," ani Logan pagkatapos abutin ang mask na ibinigay. Malapit lang ang Laboratory sa kanila dahil nasa second floor ito at ang ipinaglalagian nila ngayon ay third floor.

"Saan ka?" tanong ni Khen.

"Titingnan ko lang kung malaki na ba iyong usok."

"Huwag na, dito ka na lang samin. Malapit na magdilim, oh," pigil ni Khen.

Hindi siya sinunod ni Logan kaya napilitan na lang ng lalaki na bantayan siya.

Pagbaba nila sa second floor, tumutunog na ang emergency bell. May nagsasalita na rin sa speaker na isuot ang mask. Ipinamukha ng SDEB na ito ay simpleng drill lamang kaya hindi nag-aalala ang mga estudyante. Malaki na ang usok, para nan gang ulap.

"Nakita mo na, tara na," akit ni Khen. Hinawakan niya ang nakakuom na kamay ni Logan at hinila ulit pabalik sa opisina.

"Malaki na nga iyong usok, parang nakakahilo," wika ni Logan sa mga kasamahan.

"Logan," tawag ni Mateo, "pahiram nga ulit ng panyo."

Inilabas ng lalaki ang panyo na nasa bulsa at ibinigay sa nanghihingi.

Sinuring mabuti ni Mateo ang pulang panyo. Pakiramdam niya ay hindi ito pagmamay-ari ng Lab Assistant. Hindi sila puwedeng magdala ng mga gamit na may kulay maliban sa puti at itim.

"Hindi ito sa LA," sabi ni Mateo, "maybe she's been abducted."

"Abducted? That's crazy!" sabi ni Oliver.

"This is possibly done by sir Willie. He wants our attention," wika ni Logan, "ibig sabihin ay alam niya na pinagsususpetyahan natin siya?"

"Guys," putol ni Jeff, "actually, alam na ni sir."

"What!?" Bumukas nang malawak ang bibig ni Oliver.

"Nahuli niya ako kanina, I'm sorry. But I never told him we are up to something against him. Pero pakiramdam ko, alam niya. He's a genius, you know," anang Jeff.

Tumunog ang dila nilang lahat.

"He's already starting the plan," sabi ni Khen, "may I see that handkerchief for a moment?"

Ibinigay ito ni Mateo.

Pasingkit-singkit ang mata ni Khen habang pinasasadahan ng tingin ang panyo. Maya-maya pa ay kumuha siya ng papel at ballpen na galing sa kabinet ni Mateo.

May isinulat siyang mga digits. "6-71-5"

"What's that?" tanong ng katabi niyang si Jay.

Ipinakita ni Khen ang kaniyang isinulat sa papel. "Nakita ko sa panyo. This is not a random number. I suspect that this handkerchief doesn't belong to the lab assistant. They never bring cloth that has colors."

"Exactly my thought," tugon ni Mateo.

"Anong kinalaman ng number na iyan?" tanong ni Angelyka.

Si Sheena ang sumagot, "That's probably a code, tama ba, khen?"

Tumango si Khen. "Pero hindi ko alam kung anong code ito." Tumamlay ang kaniyang mukha.

Natigilan sila maliban kay Logan. "Let's say that that handkerchief belongs to someone else. Kanino? Kay sir Willie. Ipagpalagay natin na sa kaniya nga iyon, ano ang code na posibleng alam niya?"

"Ano?" tanong nila.

"I was asking you, guys. But I was thinking— just thinking, maybe it's connected with science. He's a General Science teacher. Natagpuan ang panyo sa lab. Baka, konektado sa chemistry to be specific?"

Luminaw ang mukha ni Khen. Agad niyang inalala ang itsura ng periodic table at saka madaling inisip ang element ng may atomic number na: 6, 71, 5.

Gamit ang parehas na papel, sinulatan niya iyon habang siya ay pinanonood ng mga kasamahan.

[6 = C, 71= Lu, 5 = B]

"C-Lu-B. CLUB!" sabi ni Khen, "these digits mean: CLUB!"

"Perfect," sabi ni Logan, "tara na."

"No," pigil ni Mateo, "that's probably just a trap."

"I agree," ani Shion, "hindi naman natin kailangang pumunta. Masyadong madali. Let me just clear things out, pumunta lang iyong patrol dito tapos may ibinigay na panyo, sabi niya may usok from the lab, sabi niya rin nawawala iyong assistant. E, ano ngayon? I don't want to sound rude, but why are we making this a big deal? Posibleng... nawala lang iyong assistant kasi umihi. Ganoon—"

Katok.

Bumukas ang pinto at iniluwa si Jhea na hirap na hirap sa paghinga. Umiiyak siya at halatang nanghihina. May kung anong hangin ang pumasok dahil upang ang kanilang mga balahibo ay tumaas.

"Mateo!" sabi ni Jhea, "may nakasabit!"

***

Agad na pumunta ang D 'Lit sa itinurong lugar ni Jhea. Sa Flag Pole Oval, kakatapos lang ng camp fire kaya madaming estudyante sa loob.

Masama ang lagay ng panahon— pero hindi uulan. Walang bituin, puro lamang ulap. At sa gitnang oval, naroon ang mga estudyante sa palibot ng flag pole habang may hawak na camera. Ang ilan ay may sumusukat at umiiyak. Maraming nagsisitakbuhan. Tulog na ang araw, pero nagising silang lahat sa nakabitin na babae.

"Fuck," sabi ni Jay. Hinawakan niya ang kaniyang sikmura, tumalikod, at dumuwal.

Walang mata ang babae. Tinahi ang bibig. Ang mahaba niyang buhok ay nakapulupot sa kaniyang leeg. Pero hindi lang iyon, mayroong tali na nagsasabit sa kaniya sa flag pole. Tumutulo ang kaniyang dugo paibaba. Madaming sumisigaw! Magulo. Nasaan ang mga guro?

Si Angelyka ay hindi magawang makatingin sa nakasabit na babae.

"That's... the lab assistant," wika ni Sheena. Nagagawa niyang sikmurain ang eksena. "May nangyari nga—"

Sigaw!

Lumingon ang lahat sa pinanggalingan ng tunog. Galing iyon sa rooftop ng Leon Building. Kumaripas ng takbo ang lahat papunta malapit sa ground floor.

May magpapakamatay! Hindi isa... pero tatlo!

Sunod-sunod ay bumagsak ang katawan ng tatlong hindi kilalang binata sa lupa. Wasak ang ulo, sabog ang utak. Kumalat ang dugo sa bawat bakanteng tapat.

Hindi na nila mapigilan ang sarili sa pagmumura dahil hindi lang doon natapos ang kababalaghan. Minsan ay may lalabas na kumpol ng usok, may magsusuka, may maghihiyawan. Para silang babaliw, nawawala sa sarili.

Ilang sandali makalipas at natagpuan na ng D 'Lit ang kanilang sarili na tumatakbo. Matapos tumunog ang speaker at may magsalitang babae.

"Stanford Padayons, nagustuhan niyo ba ang regalo ko?" wika ng direktor. Hindi maproseso ng kanilang utak ang nangyayari. ANG GULO! "Marami pang ganiyang hanggang bukas, magandang gabi," dugtong nito na sinasamahan ng halakhak.

Galit na galit si Logan. Tumakbo sila papunta sa Cyber Department, pero sarado ito. Sunod nilang pinuntahan ang conference hall, library, teacher's faculty, at hanggang sa maalala nila ang Club. Posibleng News and Report Club ang itinutukoy ng digits.

Pumunta sila roon, at hindi sila nagkakamali sa parteng sa clubroom nga ng diplomatic urges. Nagkamali sila sa parteng si Vivien ang kanilang hinahabol.

"Sir Willie!?" Malakas na ibinuksan ang pintuan. Naroon si sir Willie, nakaupo sa pinakadulong silya. Nakangisi habang naka-dequatro.

Tumunog ang kaniyang daliri. "Ako nga," sabi nito.

"Surprise!" At agad na may lumabas na usok, mas malakas ang tama nito dahil kahit naka-mask ay naamoy pa rin.

Ilang sandali pa ay may kulay itim. Bumagsak na sila.

***

"Nasaan ang mga kaibigan ko?" iyan ang tanong ni Logan sa kaniyang sarili matapos imulat ang mata sa maliit na espasyo ng stock room. Nakatali ang kaniyang kamay sa mabigat na bangko. Madilim roon. Ang akala niya nga ay mag-isa siya. Lingid sa kaalaman niya ay naroon din si Willie, nagtatago sa dilim.

Ilang segundo pa at lumabas ito sa maliwanag na parteng tinatamaan ng ilaw ng buwan.

"Hi, Logan. It's been a while, isn't it?" sabi nito.

Dumura si Logan sa kaniyang gawi at nagpupumiglas. Ngunit mahigpit ang pagkakatali ng kaniyang kamay.

"Attitude," sabi ng guro habang papalapit kay Logan. Iginawaran niya ang binata ng isang sampok. Ngunit hindi nagpatinag ang nasaktan dahil dumura ulit siya, sumakto ito sa mukha ng kaharap.

"I can't believe this. I should have suspected you on the first place. You're a murderer! Ikaw ang may pakana ng mga pagkamatay ngayon. Ipinamukha mo pa talaga na si Mama ang may gawa!"

"Shut up," sagot ni Willie, "hindi lang ako ang murderer dito. Kasama natin nanay mo. Teka, kukunin ko siya."

Lumabas si Willie sa stock room. Pagbalik niya ay higit-higit na nito ang nanay ni Logan sa buhok. Ipinaupo niya ang babae sa bakanteng upuan sa kaharap ng binata.

Pumalakpak si Willie. "Nice! Ang gandang senaryo."

"Hayop ka!" sabi ni Vivien, "don't touch my Logan." Nanginginig ang kaniyang boses.

"Hayop ka rin," sabi ni Willie, "pinatay mo anak ko. Kaya hayop ka."

"Hindi nga ako may gawa! You did it yourself because you failed to give attention on your own daughter!" sigaw ni Vivien. Si Logan ay naluluhang pinagmamasdan ang kaniyang ina. Nahihirapan din ang binata, pero mas nahihirapan siya sa lagay ni Vivien.

"SHUT UP!" sagitsit ni Willie kasabay ng isang sampal.

"Don't hurt my mother, you fucker!"

Maikling tumawa si Willie hanggang humaba. "Okay," sabi niya, "ikaw na lang ang sasaktan ko."

Lumapit si Willie sa likod ni Logan. May hawak na siyang kutsilyo ngayon at ito ay nakatutok sa leeg ng binata. Ang manipis na blade ay dama ng maliliit na buhok sa parteng adam's apple niya.

Pigil-hininga ang bata dahil kapag ginawa niya iyon, masasaktan siya.

"Willie, stop this! What do you want? Tell me! Huwag mo lang sasaktan ang anak ko!" sabi ni Vivien na naging dahilan upang ngumisi ang guro.

"Sinabi ko na sa 'yo. Aminin mo na ikaw ang pumatay sa anak ko!" sabi ni Willie, "aminin mo na ninakaw mo ang kaniyang thesis dahil naiinggit ka sa kaniya!" Galit na galit ang kaniyang tono.

"At aminin mo rin na ikaw ang nag-utos kay Francis para rape-in siya!" dugtong nito. Utay-utay ay may pumatak na luha, bumaba ito sa templo ni Logan.

Nagiging emosyonal ang guro. Nanatiling isinasariwa ang sakit ng kahapon.

"Ano?! Aaminin mo o papatayin ko anak mo katulad ng ginawa mo kay Echo?"

"OO NA!" sabi ni Vivien.

Gustong takpan ni Logan ang kaniyang tainga upang hindi marinig ang pag-amin ng sarili niyang ina. Ano ba ang dapat na maramdaman ng isang bata kapag narinig niya ang katotohanang mamamatay-tao ang sariling nanay.

Sinabunutan ni Willie ang buhok ni Logan dahil walang iba pang salita ang sumunod na lumabas.

Napakagat-labi si Vivien. Awang-awa siyang nakatingin sa sarili niyang anak.

"Inaamin ko," panimula ni Vivien, "inaamin ko na hindi ako naging mabuting guro sa sarili kong paaralan. Inaamin ko, nagkasala ako at dapat sisihin ako sa pagkamatay ni Echo. Nagkamali ako, I'm sorry."

Umiiyak si Vivien habang sinasabi ang mga salita. Sinimulan naman ni Willie ang malakas na sigaw. Dali-dali niyang binitawan si Logan at agad na pumunta sa harapan ni Vivien. Akma niya itong sasaksakin nang mapigilan siya ng isa pang salita.

"Pero hindi ako ang nagpapatay sa anak mo. Hindi ako ang nagpa-rape sa kaniya. Wala akong ninakaw! Inosente ako! Ang anak mo ang nagnakaw! Walang-hiya kayo!" sabi ni Vivien.

Nagkasalubong ang kilay ni Willie at bahagyang napaatras. "Ano?" sabi nito.

"Dose anyos, maalam gumawa ng thesis? You're dumb. Echo was the one to steal my thesis. Hindi ko sinabi sa lahat ang totoo dahil pinangangalagaan ko ang kaniyang imahe sa paaralan. Students were looking up at her, hindi ko malulunok na ipahiya siya!" panimula ni Vivien, "pero nagsimula siyang gumawa ng kuwento! Ipinagpatuloy niya ang pagnanakaw sa mga thesis ko. Inimpluwensiyahan niya ang ibang kabataan para magalit sa akin. Kaya pinagdesisyunan ko na saraduhan muna ang Stanford. Pero madaming nangyari!"

"SHUT UP!" pigil ni Willie.

"Hindi ako mananahimik! Matagal na akong hindi nagsasalita dahil ayaw kong may iba pang makaalam! Dahil ayaw kong mapahamak ang aking anak. Pero, sobra na!" sabi ni Vivien, "hindi pinatay si Echo! Nagpakamatay siya. Hindi siya ni-rape! Pinilit niya si Francis na pasukan siya para ipamukhang inutusan ko. Malandi ang anak m—"

May gumuhit na dugo sa mukha ni Vivien.

"MALANDI!" pagpapatuloy ng babae, "ginawa niya ang lahat para umangat. Pero noong hindi niya na kinaya, naging pokpok siya! Nagpatira siya kung kani-kanino. She had aids! And that is the cause of her death!"

Isang sapok naman ang iginawad sa nagsasalita.

Sumagot si Willie, "Pero pinatay mo pa rin ang estudyante natin."

"No!" malakas na depensa ng babae, "hindi mo na talaga maalala? O pilit mo lang kinalilimutan? You've been crazy! Noong namatay si Echo, pinagod mo ang sarili mo sa trabaho hanggang sa mabaliw ka! Ikaw iyong dahilan ng mga sexual assaults, hindi si Francis! Ikaw ang may pakana ng usok, hindi ako! Wala akong kinalaman sa panglalason. Ikaw iyon! Ikaw iyon, Willie, pero pinipilit mong isisi sa akin. Alam mo kung bakit? Dahil naging palpak ka sa pagpapalaki ng anak mo!"

Hindi na natiis ni Willie ang galit. Susunggaban niya na si Vivien, hindi hanggang sa mapahiga siya sa sahig. Habang nag-uusap, ginagamit ni Logan ang sarili niyang pawis bilang pamapadulas upang makalagpas ang kaniyang kamay sa pagkakatali.

"Professor!" sabi ni Logan at agad na inakap ang ina.

"Call me mom, Logan. Wala man tayo sa bahay, anak pa rin kita!" Niyapos ni Vivien ang kaniyang anak at saka hinalikan sa noo. Na-miss ni Logan ang amoy ng kaniyang ina. Matagal ng panahon nang huli niyang maamoy ang halimuyak nito.

Ayaw nilang kumawala sa mahigpit na akap sa isa't isa. Pero bumitiw si Logan dahil kinailangan niyang magtanong.

"Totoo ba iyon, ma?"

Tumango si Vivien.

"Pero ano iyong nasa report ng SDEB noon. Sinisisi ka nilang lahat," sabi ni Logan.

"Hindi iyon totoo, masamang impluwensiya lang iyon ni Troy at ng kaniyang anak."

"Naguguluhan ako. Kung hindi naman pala si sir Francis iyong nangre-rape, why did he stab his own eyes?" tanong ni Logan.

"Dahil nangako siya sa kaniyang sarili na bubulagin niya ang mga mata niya kapag nasangkot siya sa parehas na eksena."

"Are you pertaining with Sheryl? She was really raped, wasn't she?" si Logan.

Umiling ang kaniyang nanay. "No, I talked to Sheryl before she left. Pinagbantaan siya ni Willie kung hindi niya sasabihin sa inyo na ni-rape siya. Hindi iyon totoo. Your friend is safe and under control of my supervision."

Muli silang nagyapos. "Ayos na ako mama na malaman na hindi ka pumatay."

Katahimikan.

"Logan," panimula ni Vivien, "I killed manang. Not physically, pero pinatay ko ang natitira niyang lakas ng loob. Pinag-iinitan ko siya ng ulo dahil sa naiinggit ako."

Nagulat si Logan. Pero pinabayaan niya ang nararamdaman nang marinig na buhay pa ang kaniyang manang.

"Naiinggit ka? Bakit?"

"Kasi masaya kayo kapag magkasama," si Vivien.

Katahimikan.

"Naiinggit din ako kapag magkasama kayo ni Mateo. Narinig ko rin po na bunga ako ng disgrasya, kaya ba ayaw niyo sa akin?"

Mahigpit na umiling si Vivien habang sinusuklay ang buhok ng binata.

"Noong una, ayaw ko sa 'yo. Pero nang tumagal, nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko. Pero hindi ko maipakita sa iba na masaya ako. Kahit na importante ka sa akin, natakot akong malaman nila na mahalaga ka. Natatakot ako... maraming galit sa akin. Baka paraan nila na agawin sa akin ang mga mahahalaga sa buhay. And I don't want to lose you, because you are my son. And I love you so much."

Matapos iyon ay agad ding lumabas ang mag-ina. Tumawag sila ng CPPS at ipinahuli ang may sala.

Inimbitahan din sila sa hukuman upang magpaliwanag.

At sa araw ding iyon ay nalaman ng buong Stanford ang katotohanan.

(More)