"Anong ginagawa natin dito?" tanong ni Ash sa akin. Nasa ilalim na kami ng bahay—basement.
"We need to find the book and the other half of that necklace."
Kanina pa ako naghahanap at hindi ko makita yung libro. Sumilip pa ako sa ibang cabinet at bookshelves at may nakita akong kakaibang libro.
Sa lahat ng libro ni Nanay yun lang ang pinakamakapal. Hinila ko ito pero nagulat ako ng bumukas iyon.
Nagkatinginan kami ni Ash. "Tara, tingnan natin sa baba baka mahanap natin doon."
"Susunod ako. We need to find that book."
Tumango naman ako at bumaba na. Hindi ko alam may ganitong lugar pala si Nanay.
Pagbaba ko ay nakita ko doon ang mga libro at nasa gitna nun ang hinahanap ko.
The other half...
Lumapit ako para kuhanin yun pero tiningnan ko ang papel na nakadikit sa lamesa.
'Find the book first before getting the necklace'-Daniela Patridge
Sinimulan ko ng hanapin ang libro. "Nahanap mo na ba!?" tanong ko.
"No. Wala pa!"