webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · History
Not enough ratings
41 Chs

P R O L O G U E

P R O L O G U E

"Welcome home, Ms. Xyria" Napangiti ako ng marinig ko muli ang aking pangalan. Malakas ang ihip ng hangin pagka baba ko ng eroplano at tumingin sa kalangitan.

"Thank you! Shirley." Ngiti ko sa kanya at tumango lamang ito.

'I really miss you, It's been a year, and my heart is still in love with you.' bulong ko sa aking sarili bago ako pagbuksan ng pinto ng kotse.

゚+*:;;:* *:;;:*+゚

Mabilis akong nakarating ng mansyon, kung saan ay nandito ang aking pamilya. Gamit ang salitang 'Welcome' ay natutuwa silang maka balik ako muli.

Gusto nilang mag pa party ngunit tumanggi ako, dahil alam kong hindi naman ito pupunta at hindi ko sya makikita. Alam kong alam na nya na nandito ako, hinihiling na sana ay mahal pa rin nya ako matapos kong ayusin ang problema na ito ng hindi sya na i involved at masasaktan.

"Kamusta naman ang bakasyon mo sa U.S ha?!" Sigaw ni Krisha sa akin ng makarating ako ng Bar.

"Well, ok naman pero," Huminga na muna ako ng malalim bago ituloy ang sasabihin ko. "I still remember him, Our memories together," I just shrugged my shoulders.

Halos ilibang ko ang aking sarili noong nasa ibang bansa ako, Akala ko ay ok na ako ngunit ng makabalik ako dito sa Pilipinas ay parang paulit ulit pa rin akong nasasaktan dahil doon.

Parang kahapon lang nangyari lahat at parang hindi ako umalis dahil sa ala ala na iyon.

Uminom ako ng madaming alak at halos hindi ko na rin namalayan ang oras, gusto ko iiyak ang sakit na nararamdaman ko na hanggang ngayon ay naka baon pa rin sa puso ko.

Hindi ko na nagawang magpaalam kay Krisha at lumabas na ako ng Bar, pagewang gewang ang lakad dahil umiikot na ang paningin ko.

Hanggang sa may nabunggo akong matigas na bagay kaya natumba ako, kumunot naman ang noo ko dahil sapatos ang aking nakita.

Tumingala ako at parang tumigil ang tibok ng puso ko ng makita ko ulit sya. Nakatingin din ito sa akin at walang reaksyon ang kanyang mukha.

"I'm sorry," Sinubukan kong magsalita at pilit na tumayo. Kinuha ko ang dalawang sandals ko at binitbit na lang iyon gamit ang mga kamay ko.

"Sa susunod ay tumingin ka sa dinadaan mo ng hindi ka nakaka bunggo ng tao," Malamig na sambit nito bago umalis sa harapan ko at pumasok sa Bar.

Pumasok ako sa sasakyan at doon ibinuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Halos maihampas ko na ang manibela at masabunot ang aking sarili ng dahil sa katangahan ko noon.

Napahilamos ako sa aking mukha at walang pakielam sa aking itsura dahil hindi naman kumakalat ang aking mascara at eye liner sa aking mata.

Hanggang sa sumandal na lamang ako sa aking upuan at walang balak umalis upang hintayin sya.

Tumingala ako sa aking sasakyan bago bumulong. 'Ganda naman ng pa Welcome mo sa akin.' Halos matawa sa aking sarili dahil sa kabaliwan.

⋆ ˚。⋆୨୧ ˚Chapter 1 Released ˚୨୧⋆。˚ ⋆