webnovel

Reality: My kind of Story

Si Freya Reyes ay isang college student na adik sa kdrama, anime, wattpad at manhwa... Dahil dito hindi niya alam ang magiging kinabukasan niya dahil pinagsasabihan siyang wala siyang mararating kung nakatuon ang kanyang pansin sa mga ganitong bagay ngunit isang araw may nakilala siyang isang lalaki na nagsasabing may mararating siya sa buhay. Dahil dito hinalikan niya ang isang total stranger-Wait!! Bakit ang arte ng story description Author!! Ang description lang naman ng story na ito ay Expectation vs. Reality kasi lahat ng expectation ko!! HINDI NANGYAYARI!! REALITY ITS HIT ME!!

Aristeia_Lapiz · Teen
Not enough ratings
6 Chs

2

Freya's P.O.V

(Kinabukasan)

Pumasok ako ng school ng puyat. Syet!! Ang ganda kasi ng binasa ko!! Kainis.. Pagkapasok ko ng room ay nagulat ako ng may umamba saakin kaya napasigaw ako.

"Butiki!! GALE!!! NANGGUGULAT KA NAMA-"

Di ko natapos sasabihin ko kasi may humampas sa braso ko..

"Babae ka!!! Hindi ka nagsasabing may bf ka na pala." Xienna

"Sabi ko na nga ba eh!! Huy luka! Bakit hindi mo saamin sinasabi ah!"

"Ang alin? Pinagsasabi niyo?"

"Wag ka ng magmaangmaangan pa, nakita ka namin kahapon. Luka ka!!"

"Huh?"

"Nakita ka naming may kahalikan! Sabihin mo!! Sino yun?? "

"Huuuh?! Pinagsasabi niyo diyan, anong kahalika-"

Napahinto ako ng maalala ko yung kabaliwang nagawa ko kahapon.

"Ah. Yung hinalikan ko."

Nagulat na naman ako ng may malakas na namang humampas saakin. Parang kapre, makahampas tung bruhang to!!

"Waaaahh!! Totoo nga!!" Xienna

"Akala ba namin, kaibigan mo kami. Huhuhu." Gale

Napakunot naman noo ko at tiningnan sila ng nakakainis.

"Tumigil nga kayo, parang kayong timang.  Di ko yun bf. Kaya kalimutan niyo na nakita niyo."

Pag kumalat ito, kailangan ko gumawa ng planong walain sila sa mundong ito. Charot.

"So ano nga yun? Bakit mo siya kiniss aber?! Kung hindi kayo?" Xienna

Napabuntong hininga naman ako. I need to gawa gawa palusot na talaga.

"Ahmm. Natumba ako, kaya ayun."

"Wow ah, natumba ka tapos sa nguso niya ikaw bumagsak." Gale

"Kaya nga eh, kaya tumahimik na kayo atsaka di ako makakasabay sainyo sa pagkain kasi ngayon dating ng bagong amo ko."

Nakalimutan ko ring sabihin isa pala akong Working Student sa school na to. Sa guidance councillor ako nagtatrabaho at bagong papalit daw sa dati kong amo. So yun na nga, may bago na akong amo.

Nagulat na naman ako kasi binatukan ako ni Xienna.

"XIENNA AH! ANG SAKIT KAYA!"

"Wag na wag kang magchechange topic, di pa tayo tapos. Yung palusot mo di katanggap tanggap."

Naman tung si baby bra eh!! Napanguso naman ako. Di madaling paniwalain si Xienna kaya ang hirap niyang kumbinsihin.

"Xienna, wag niyo na akong tanungin kasi pati ako nahihiya sa ginawa ko. Huhuhu!!"

Sabay takip ko ng mukha ko.

"Wait! Don't tell me, ginaya mo yun sa Kdrama na napanood mo?!" Gale

Napatingin naman ako sakanya at napatango. Nakaramdam naman ako ng batok kaya tiningnan ko ng masama ni Xienna

"Baby bra naman eh!! Ang sakit kaya!!"

"Alam mo ba ang ginawa mong kabaliwan!!"

"Huhuhu! Alam ko! Atsaka di naman ako kilala nun, as if naman magkikita kami. Hindi ito yung napapanood niyo sa t.v at nababasa niyo. Reality to guys. Kaya imposibleng magkikita kami. Kaya don't yow wowy!"

Sabay ngisi ko.

Tiningnan naman nila ako na para bang nababaliw na ako at may pa lingo lingo pa ng ulo si Xienna. Parang korek. Charot.

"Guys okay na? Pwede na tayong umupo?"

"Huy luka, wag kang magsalita ng tapos. Baka nga isang araw magkita kayo. Tapos lagi mo siyang makakasama, patay kang bata ka." Gale

"Sus." Ako

"Ewan ko saiyo Freya, minsan nagtataka rin ako kung normal pa ba yang utak mo. Napasobra sa bisyo, kaya ka ganyan. You need to balance your addiction."

Sabay upo ni Xienna. Umupo na rin ako sa tabi niya at ganun rin si Gale.

"Baby Bra, normal tung utak ko, don't yow wowy."

Sabay kindat ko. Tumunog naman ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

Ilang oras na ang nagdaan at vacant na namin. Pupunta sana ako sa office pero pinigilan ako ng mga luka.

"Nuh na naman?"

"Samahan mo muna kami." Xienna

"Saan?"

"I need materials for bulletin board. Papalitan na kasi yun. "

"Naks, nakapagenglish ang baby bra."

Dahil sa sinabi ko ay nabigyan na naman ako ng batok kaya napanguso ako.

"Aray naman Xienna! Kainis naman oh"

"Hahaha! Ikaw kasi Freya eh. Wag mo kasing inisin si Xienna."

"Luka luka ka talaga kahit kailan.. Samahan mo kaming humingi ng materials sa Registrar. Diba nandun lahat ng mga materials na gagamitin para sa school? Kaya hingan mo kami. Kaya tama ng daldal tara na.."

Nagsimula naman kaming naglakad patungong registrar.

"Kung makapangsugo tung plat! Huy, di ka pala binigyan ng budget? Baka kinurakot mo na ah."

"Huy, hindi ako kurakot kagaya mo. At isa pa, isasauli ko tong pera."

Napatingin naman ako kay Gale at napangisi.

Lumapit ako at bumulong kay Gale.

"Gale. Sabihin mo kay Xienna na wag nalang niya isauli ang pera, ibibili nalang natin ng pagkain."

"Oo nga noh, wait. Bakit ako magsasabi? Atsaka, diba sinabi mong pangungurakot yung di isauli ang pera!"

"Gale, pangungurakot kung hindi mo ginawa ang bagay kaya binigay saiyo ang pera. Atsaka, gagawin naman ni Xienna ang bulletin board pero nga lang hindi gamit ang perang binigay sakanya."

Natawa naman ako, yes. Masama yung sinabi ko kaya wag na wag niyong gagawin. Trip ko lang utuin tong luka. Hahahaha! Ganyan talaga ako magmahal ng kaibigan mga pre.

"Xien, wag na. Ibili nalang natin yan ng pagkain." Gale

Napalingon naman kami kay Gale. Wahahaha. Sinabi nga niya.

"Tsk. Tsk. Gale, nasusunog na yang kaluluwa mo sa impyerno." Ako

"Ikaw pala totoong kurakot." Xienna.

"Huy, luka! Ikaw nagsabi saaking pwede gamitin yung pera" Gale

"Luh, pinasa saakin ang kasalanang ginawa."

"Naman Freya eh!! Nanglalaglag ka."

"Gale, di namin alam ganyan ka pala. May masamang motibong tinatago."

"Dinamay pa ako ng luka."

"Waaahh! Ang sama niyo! Kaibigan ko ba talaga kayo.!"

Natawa naman kami ni Xienna kasi nainis namin si Gale. Ang cute kasing inisin si Gale eh. Nakakatawa, minsan din uto uto. Buti nalang, walang lalaking nauto siya.

"Hahaha.. Gale, ganyan kami magmah-"

Di ko natapos sasabihin ko ng nakaramdam ako ng batok.

"Xienna naman! Ano na naman ba nagawa ko!!"

May itinuro si Xienna at tiningnan ko lang siya ng nagtataka.

"Huy, naano ka?"

"O my gash, Freya."

Nagtaka ako kasi gulat ding napatingin si Gale sa harapan kaya napatingin din ako.

SYet!! Gusto kong mahimatay ngayon!! NOW NA!! LAAAAANGYYYYAAAAA!! Sabihin niyo panaginip lang ito!!

"Sory Freya, mukhang nagkatotoo yung sinabi ko." Gale

Gulat din siyang napatingin saakin at agad kumunot ang noo. Napaiwas naman ako ng tingin.

Kasi SHIT!! NAKAKALUNOD YUNG TITIG NIYA. YES TITIG NA TALAGA! TITIG NA PARANG BABALATAN AKO NG BUHAY!

"Natatae ako."

Monolog kong sabi sabay hawak ng tiyan.

"(monologue tone)Waaaah. Natatae ako ang sakit ng tiyan ko. Ha ha. Kailangan kong magcr. Guys!! I need to retreat!!"

Sabay talikod ko at kumaripas na ng takbo!!

"Wait!!" Yung lalaking nahalikan ko.

Waaaaahhh!! Pwede mo na ako kunin lord. Dahil sa kabaliwan ko, tumatakas ako ngayon!!  Bakit yun nandito!!! Anong ginagawa niya dito?! Don't tell me, estudyante rin siya dito! No!! Ngayon ko lang siya nakita!! Transferee? Shiiiiit! Bakit nagtransfer pa yun dito!!! AKALA KO BA HINDI ITO KDRAMA,ANIME OR NOVEL!! BAKIT GANITO!! YUNG EXPECTATION KO, LAGI AKONG BINABALEWALA. Ang sama ko na siguro.. Huhuhuhu..

**

Sh*t!! Sh*t!! Sh*t!! Sh*t!!!

Bakit siya nandito?! Wahahahaha. Panaginip lang to diba!! BAKIT SIYA NANDITO?!

ANO TO KDRAMA? KAHIT ANONG IWAS, MAGKIKITA AT MAGKIKITA PARIN!!!

WAAAHH! PATAY NA NI!! WAHUHUHU

...

Nandito ako ngayon sa room at hinihintay na magsimula ang next subject ko. Di ko na nasamahan sila Xienna, kasi naman.. Pambihira naman oh! Bakit yun nandito?! Don't tell me! Sinundan niya ako!! Wit!! Wow ah! Ako susundan. Pero... Dahil sa galit posible niya akung sundan. Binaboy ko yun eh. Waaaaaahhhh!! Good bye life na talaga!!

Ahhhh!!! Ginulo ko buhok ko kasi para akong mababaliw... Napasandal ako sa armrest at parang zombie na umuungol...

Nakaramdam naman ako ulit ng hampas kaya napamulat ako at nagtatramtum kunwari.

"Waaahh!! Naman Xienna eh!! Kakarating lang hampas agad!!"

"Gaga ka!! Bakit nandito yun?" Xienna

"Papatayin ka ba?" Gale

"Aba malay ko, bakit ako tinatanong niyo? Atsaka, Gale. Papatayin talaga? Babaeng to!!"

"Aba malay mo, may galit yun saiyo tapos sinundan ka dito para patayin." Gale

"Waaahh! Gale tama na! Kanina, ganyan din ginawa mo. Tapos ano? Nagkatotoo!! Don't jinx it. Naman eh!!"

"Freya, nandito lang kami kahit anong mangyari." Xienna

Sabay comfort saakin ni Xienna

"Oo nga luka. Kahit luka luka ka, di ka namin makakalimutan."

"Kayong dalawa, pwede umupo na kayo. Nandyan yung upuan oh.. NAMAN EHH!!"

Sabay yuko ko at sumisipa sa hangin.

Umupo naman sila sa tabi ko at tiningnan ako ng kunot ang noo.

"Aish!! Bakit nangyayari to sa buhay ko. Wit lang! *hawak sa ulo* P-Paano kung ito na ang karma!! Waaaaaahhh!! Bakit ko kasi yun ginawa! Huhuhu *sinasambunutan ang sarili* Freya, kasalanan mo to dahil sa addiction mo. Huhuhu!"

"Freya, ubos na yung buhok mo."

Xienna

"Mabuti nga yun, para wala ng makakakilala saakin."

"Waaahh! Naaawa ako saiyo Freya!"

Sabay pat ni Xienna sa ulo ko.

Magsasalita sana ako ng biglang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Umupo naman ako ng maayos at tumahimik na..

Pero mas nakakagulat kung sino ang pumalit sa dati naming Educ 15 instructor na amo ko rin.. Yes, yung lalaking hinalikan ko!!! Waaaaahhh!!! Kainis ka tadhana!!!!!

WHY?!