46 Chapter 45

Kahit sobrang tagal na ang pangyayaring iyon ay malinaw na malinaw parin sa alaala ko. Kung paano ako nabuntis ng maaga

8 years ago...

"Grabe Key, ang gulo pala dito sa Manila, bakit dito tayo pinapunta ni Boss? " nagkibit balikat nalang si Key at pinagpatuloy ang pagdutdot sa bagong cellphone nito. Ako naman ay napasimangot habang nililibot ang mga mata ko sa paligid. Hindi ko akalaing ganito ka polluted sa manila at sobrang ingay pa. Namimiss ko na agad tuloy ang probinsya. Bakit naman kasi dito kami pinadala ni Boss? Talagang nagkaroon pa kami ng misyon ngayong bukas na ang birthday ko.Haayyy wala akong magagawa, magcecelebrate ako sa lugar na kung saan dadanak ang mga dugo ng kaylangan naming patayin.

"Tsk. Kaylangan nating magpanggap na 18 years old,Mia. Paano iyan? Wala naman dito yung ka miyembro nating magaling mag make up" napakamot nalang ako ng ulo sa sinabi ni Key. Tsk.Oo nga paano kami makakapasok sa Bar kung hindi naman kami mukhang matanda? Pinagmasdan ko naman ang katawan ko at pati narin iyong kay Key. Napa hawak ako sa aking baba habang nagiisip.

"Sa tingin ko hindi naman tayo mahuhuli na menor de edad eh. Kasi matangkad na tayo sa edad na 14 years old at pang dalaga narin ang katawan natin" napatango tango naman si Key at nag thumbs up sa akin

"Naamoy kong handa na nga tayo mamaya"

-------

"Good Evening Ladies"

Palihim naman kaming nag apir ni Key nang successful kaming nakapasok sa Bar. Sinasabi ko na nga ba hindi kami mahahalata na menor edad palang kami.

"Maghiwalay tayo Mia, para mabilis nating makita ang mga target" tumango naman ako at naglakad na ako pakaliwa at si Key naman ay sa kanan. Hindi ko akalaing sobrang laki at lawak ng Bar na ito, mukhang medyo matatagalan kami para makita ang mga target.

"Kinginang dress ito, bakit kasi ito pa ang pinili ko" inis kong litanya habang pilit na hinihila pababa ang dulo ng dress ko, tumataas kasi sya kaya medyo lumalabas ang gun holder ko na nakakabit sa kanan kong hita. Taena wrong move. Dapat pala sa dibdib ko nalang nilagay kaso..

Napayuko ako para tignan ang dibdib ko

"Flat chested amputa, hindi kakapit ang baril dito"

Buti pa si Key.Medyo malaki na ang boobs nya at ako naman? Taena pader..hindi kasi ako mahilig sa gatas noon dapat pala sinunod ko ang sinabi ni Nanay.

Malapit na akong mainis. Kanina pa ako palingon lingon pero hindi ko man lang makita ang mga target. Nandito ba talaga sila sa Bar na ito? O na i scam kami ni Bossing?

Sa sobrang sakit ng leeg ko ay tumambay muna ako sa sulok at minasahe ang batok ko. Aalis na sana ako sa pagkakasandal ko sa pader ng biglang may maramdaman akong tumusok sa braso ko. Titignan ko sana ang bagay na iyon ay..

"P-Puta"

Bigla nalang akong bumagsak at nawalan ng malay..

------

"Uggh"

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at tumumbad sa akin ang puting kisame

Nasaan ako? Bakit ako nandito?

Hinawakan ko ang aking noo at minasahe ito. Pilit na inaaala kung anong nangyari sa akin at bakit ako nandito sa isang kwarto

Napahaplos ako sa aking braso at napatingin dito.

Tama

Bigla nalang may tumusok na bagay sa braso ko at bigla akong nanghina at nahimatay.

"Tangina, hindi kaya sila iyong hinahanap namin? ibig sabihin nahuli ako ng mga taong iyon? " taranta kong sabi. Napatingin ako sa pintuan. Kaylangan ko ng umalis dito kung hindi baka mamatay ako ng maaga. Akmang bababa na sana ako sa kama ng biglang lumipad ang pinto at tumama sa cabinet.at nasilayan ko si Key na naka high kick position na parang si bruce lee. Nang makita ako nito ay agad nitong binaba ang paa at mabilis na pumunta sa akin at niyakap ako

"Buti buhay ka Mia. Alam mo bang para na akong masisiraan ng bait ng malaman kong nahuli ka ng mga gagong iyon? Buti nalang at may tracker ka na nakalagay sa damit mo kaso nahirapan ako makapunta dito,pero wag ka magaalala pinatay ko na sila wala nang natira ni Isa. Ligtas ka na Mia" napangiti naman ako at niyakap narin pabalik si Key. Nagpapasalamat talaga akong naging kaibigan ko sya.

"Salamat sa pagligtas mo sa akin Key. Utang ko ang buhay ko sayo" bumaklas naman na kami sa pagkakayakap at nakangiting nakatingin sa isat isa ngunit bigla nalang napalitan ng pagtataka ang experession ni Key at tinuro ako

"M-Mia? Bakita ka nakahubad? " gulat na tanong ni Key. Napayuko naman ako at napasinghap. Nakahubot hubad nga ako! Bakit hindi ko man lang napansin. Nakanganga akong nakatingin sa aking katawan hanggang sa bigla nalang hinila ni Keya ang kumot na nasa bewang ko at hinagis ito sa sahig. At ganoon nalang ang gulat namin ng may makita kaming mantsya ng dugo sa kama. Kaya sa pagtataka ko ay bigla akong napatayo ngunit agad din akong napaupo ng maramdaman ko ang sakit sa ari ko. Mangiyak ngiyak akong nakakatitig kay Key na gulat na gulat na pinagmamasdan ako

"M-Mia na rape ka"

"A-ano? " nanghihina kong tanong. Napatingin ako sa kama na may dugo at sa hubad kong katawan at sa ari kong sobrang sakit. Nang napagtagpo ko na lahat ng bagay ay saka ako napahagulgol ng malakas

H-hindi na ako Virgin?

Na rape ako ng walang kamalay malay?

"M-mia" garalgal na banggit ni Key na dahan dahang lumuhod at yumakap sa akin. Ako naman ay patuloy parin ang pagiyak

"K-Key binaboy ako K-Key, ang s-sakit" lalo namang humigpit ang pagkakayakap sa akin ng kaibigan ko kaya napayakap narin ako dito at umiyak ng umiyak ng parang bata

"M-maligayang kaarawan sa akin haaaaaaaaaaaaaa"

-------

"Uwaaa Uwaaaaa Uwaaaaa"

Taranta ko namang kinuha ang bottle na may lamang gatas at nilagay sa bunganga ng anak ko.

Hindi parin ako makapaniwala na nagbunga ang pagbababoy sa akin ng gagong iyon!! Akala ko iyong mga kumuha sa akin ang kumuha ng pagkakababae ko pero hindi pala, isang lalake lang at habang ginagalaw ako ng gagong iyon ay ang limang lalake naman ay abalang kinukuhanan kami ng video!!

Napayukom ako ng mahigpit sa aking palad. Naghihinayang akong pinatay na sila ni Key at hindi ako nakaganti pero sa tatay ng anak ko sisiguraduhin kong hindi na sya sisikatan ng araw pa

------

"Nanay Misha, kayo na po ang bahala sa anak ko ah.Saglit lang naman po ako sa mindanao"

"Sige lang iha, ako na bahala sa poging anak mo, magingat ka sa byahe ah"

"Sige po."

Habang nakasakay sa tricycle ay bigla akong nakaramdam ng pangamba at lungkot na iiwan ang anak ko dito sa probinsya. Pero hindi ko naman ito pwedeng isama dahil 3 years old palang ito at hindi pa sanay sa byahe

Nilabas ko ang aking pitaka at binuksan para masilayan ang litrato ng aking anak na nakingiti.

"Ikaw talaga ang naging ilaw ng madilim kong buhay, Sheenray. Mahal na mahal ka ni Mommy" nakangiti kong bulong at pinatakan ng halik ang litrato nito

Excited na ako makita ang mga kamag anak ko.. Ngunit hindi ko inaasahan ang mangyayari sa buhay ko sa manila

---------

Napabuntong hininga ako habang nakakatitig sa aking Langit na mahimbing na mahimbing ang pagtulog sa upuan ng kotse. Hindi ko naman akalain na hindi nito makakayanan ang pagiging violente ko sa pakikipagbarilan pero hindi ko naman ito masisisi dahil hindi naman nya ito nakasanayan

"All clear na, pwede ko nang ihatid kayo sa bahay ng Young Master mo" bungad na sabi ni Key ng nakapasok sya sa sasakyan. Hindi naman ako sumagot at patuloy parin pinagmamasdan ang bawat parte ng mukha ng aking langit

At sa hindi inaasahan ay bigla ko nalang naalala ang mukha ng aking anak.

T-teka

May pagkahawig si Young Master at si sheenray h-hindi kaya?

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.

No.. Hindi.. Hindi si Young Master iyon.. Hindi nya magagawa iyon..

Pero para makasigurado...

"Key, pwede bang gawan mo ng DNA Test ang anak ko at si Young Master?" mabilis naman itong napalingon sa akin at gulat na tinignan ako

"W-wag mong sabihing... " utal na utal na sabi nito at napadako ang tingin nya sa mukha ni Young Master. Ilang segundo nya itong tinitigan hanggang sa nagpakawala ito ng malutong na mura..

So napansin din nya?

Kung si Young Master nga ang ama ng anak ko hindi ko alam kung ano magagawa ko

-----

Silver Fox

               it's positive Mia.

Napalaki ang aking mata sa nabasa. Anong? Bakit? Paano? Sunod sunod kong tanong sa aking isipan.

Hindi ako makapaniwala.Ano ito pinaglalaruan ba ako ng tadhana? At saka paanong si Young Master iyon? Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sakanya

Nanginginig kong binaba ang phone ko sa kama saka ako nagsimulang tumawa.Napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa salamin. Baliw na ako.Tumatawa ako habang patuloy na lumuluha ang mga mata ko.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Gulat, saya, at galit.

Ngayong nalaman ko na ang totoo, ano nang gagawin ko? Kaylangan ko na bang maghiganti? Kaylangan ko ba syang patayin?!

Napailing ako sa huli kong naisip. Hindi..hindi ko sya kayang patayin. Pero dahil sa taong iyon. Nasira ang buhay ko!Pero sya din ang dahilan kung bakit dumating sa akin ang nagbigay ng ilaw at bagong pag-asa sa buhay ko noon at hanggang ngayon.

At

S-sya din ang dahilan kung paano ko naramdaman ang mainlove.. Tangina

Marahas kong pinahid ang luha sa aking mga mata at kinuha ulit ang phone ko.

Hindi! Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon ko. Kaylangan kong ayusin ito ng tama!

Dinial ko ang number ni Devin at wala pang segundo ay sinagot na nito ang tawag ko.

"Hey, Leir" huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot

"Devin, kaylangan nating magkita ngayon. May mahalagang bagay kang dapat malaman"

Sana tama itong gagawin ko....

-------

"W-what you already have a child? And Heaven was the Father?! God dammit!! " tumango tango nalang ako habang umiiyak

"H-hindi ko alam ang gagawin ko Devin. Galit ako, Galit na galit ako sa kakambal mo dahil sa pangbababoy nyang ginawa sa akin p-pero bakit ganoon? Hindi parin nawala ang pagmamahal ko sakanya? " naaawa namang tumingin sa akin si Devin at inabot ng dalawang palad nya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit

"Don't let your madness consume you Leir. I know Heaven..He's not like that.. We should investigate what was the real happened that time" pinunasan ko ang luha ko sa aking mga mata at pisngi at huminga ng malalim

"Kung ganoon kaylangan ko ang tulong ni Key para malaman ang tunay na nangyari"

"Right.. Kaya ang unang step mo ngayon ay ang makapag ayos kayo ng kakambal ko"

Binigyan ko ng maliit na ngiti si Devin saka mahinang tumango..

Kaylangan kong kausapin si Young Master at magpaliwanag...

Kaylangang magkaayos muna kami bago sabihin sakanya ang totoo...

Pero ng gabing iyon tuluyan na nya akong tinaboy sa buhay nya hanggang sa wala na akong maalala nang iniwan nya ako sa madilim na lugar na iyon..

Nagising na lang ako na...nasa ibang bansa na ako at nagpapagamot.. At doon ko din nalaman na

"Wala sa katinuan ang Young Master mo nang kinuha nya ang virginity mo Leir. Nalaman kong parehas na may ininject na drugs sa inyong dalawa kaya ganoon nalang karahas si Heaven ng inangkin ka nya"

Bigla akong napaiyak dahil sa aking nalaman..

Kung iniral ko ang galit ko baka nawala na ako sa aking sarili at mapatay ang mahal ko..

Napakuyom ako ng mahigpit sa aking kamao

Parehas lang pala kaming pinaglaruan at binababoy ng mga lalakeng iyon!!

Parang gusto ko tuloy puntahan ang pinaglibingan ni Key sa kanila at hukayin ulit at sunugin ang mga buto nila at ng maging abo nalang!!

"G-gusto ko ng umuwi Key, gusto ko nang makita ang langit ko" napahinga naman ito ng malalim sa sinabi ko at napaupo sa sofa na nasa harapan ko

"Alam mong hindi ka pa pwede umalis Mia.. Dinala kita dito para gumaling ka na"  napahinga rin ako ng malalim sa sinabi nito.. Tama sya.. Nandito ako para gumaling..

Young Master.. Hintayin mo ako.. Wag ka sanang maghanap ng iba baka matuluyan na kitang katayin!!

-------

"At ganoon na nga po ang nangyari"

Pagod na pagod kong sabi. Sa haba ba naman ng kwento ko hindi ba ako hihingalin?

Palipat lipat ang tingin ko sa apat.. At ni isa sa kanila ay wala man lang nagsalita.. Lahat sila ay nakatulala

"E-excuse me" madaling sabi ni Heaven at tumakbo na sya papaakyat sa hagdan ako naman ay napatuod lang at hindi alam kung susundan ba sya.

"L-leir" naiiyak na banggit ni Ma'am Catherine habang nakakatitig sa akin. Ngumiti naman ako dito na parang pinapakita na ayos na ako at wag na syang magaaala pa.Lalapit sana ito sa akin ng bigla nalang itong nahimay

"MOM"

"CATHERINE! "

Sabay na sigaw ni Sir Lucas at Gabriel.

Ako naman ay napatunganga lang at napahigpit ang yakap sa anak ko na kanina pa tahimik.

Tama ba ang desisyon ko na sabihin sakanila ang nakaraan ko o hindi?

Agad ulit napagawi ang mga mata ko sa hagdan at napahinga ng malalim.

"Heaven...."

avataravatar
Next chapter