3 Chapter 3

"i'm so sorry iha, sa inasal ng panganay na anak ko kanina"

"Sorry din po,na muntik ko ng mabalian nang buto ang anak ninyo" napatawa naman ito ng mainhin si Maam Catherine sabay tingin kay Sir Lucas na napapailing nalang. Nang maibagsak ko kasi ang adonis na si Heaven ay hindi na ito nakatayo at bigla nalang nagsisigaw sigaw sa sakit kaya agad namin itong dinala sa hospital at nalaman namin na sobrang lakas pala ng impact ng pagkabagsak ko sakanya sa lupa kaya medyo nagkaroon ng problema sa buto nya. Kasalanan din naman kasi ng Adonis na yon kung hindi nya ako nilait eh di sana wala sya sa hospital ngayon.

"Don't feel sorry Iha, Heaven deserves that because he belittle you so don't feel bad now" napangiti naman ako sa sinabi ni Sir Lucas pero

"Hindi po ako nagsisisi na binalibag ko ang anak nyo, sa totoo nga po ang sarap sa pakiramdam na naibagsak ko sya sa lupa sa laking tao ba naman ng anak nyo ABA first time ko po iyon" sabay superman pose ko pa sa harapan nila Sir Lucas. Gulat naman sila habang binibigyan ako ng tingin kung nababaliw na aba ako,rinig ko naman ang tawanan nila Gabriel at mga pinsan nito.Kaya lalo akong napangiti kasi alam kong tuloy parin ang pagtatrabaho ko sa kanila kahit na napunta ko ang anak nila sa Hospital.

Mahigit isang tatlong oras din ang tinagal namin sa Hospital dahil sa katigasan ng ulo ni Sir Heaven. Yeah kaylangan ko na syang tawaging Sir dahil boss ko din sya. Pag gising palang ni Sir Heaven ay agad na nya akong minura ng makita nya ako at pinipilit na umalis pero dahil kila Sir Lucas hindi sya nagtagumpay,binigyan ko pa ito ng nakakaasar na pagdila kaya lalo itong nainis at nilait nanaman ako.

"Disgusting Ugly Chanak Woman" kaya agad napanting ang tenga ko sa sinabi nito.Na triple Kill nya ako dun sa totoo lang. Disgusting?! Ugly? Tas Chanak!? Hindi ba nya talaga nakikita ang kagandahan kong taglay?

"Sumosobra ka ng hinayupak ka!! "mabilis akong sumugod sakanya, kita ko naman ang gulat at takot na nakabakas sa mukha nito pero bago ko pa sya mabigyan ng magasawang suntok ay agad akong nahila ni Gabriel at pilit akong nilalayo sa Kuya nya.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/reaching-heaven((tagalog-story))_16656462505715405/chapter-3_44759702722115007 for visiting.

"Bitawan mo ako Gabriel! Kaylangan pa ata ng konting bugbog ang kuya mo para makita na nya ang kagandahan ko at ng matauhan na! " inis kong sigaw habang nakatitig parin ako sa damuhong galit narin na nakatitig sa akin. Binalingan nito sila Maam Catherine na prenteng nakaupo lang sa gilid na nakayakap kay Sir Lucas na naaliw na pinanapanood kami at ganoon din ang reaksyong dalawang pinsan nito.

"Are you sure that you want this fucking woman to be my Brothers Nanny ??She nearly killed me Mom! And see it seems that she wants to end my life now! " sabay turo nito sa akin.Hindi ko naman maiwasang mapairap.Patay agad? Ang oey nang taong ito.

"Hoy napaka judgerist mo ah! Kung di kapa titigil dumada dyan baka patayin na talaga kita! " seryoso kong sabi habang nakakatitig sakanya, unti unti naman itong namutla sa sinabi ko.Sige lang matakot ka sa akin Sir Heaven at mahalin mo na ako ay charot lang.Ang landi talaga ng utak ko hihi.

"That's enough!Were going home and Heaven you cant change our decision about Leir so better to shut your mouth now! " masungit na sabat ni Maam Chaterine sa anak.Binitawan narin ako ni Gabriel at niyaya na akong lumabas ng kwarto para makapagayos na ang kuya nya. Binigyan ko pa ng isang sulyap si Sir Heaven,nakayuko na ito pero kita ko parin ang galit na nakaukit sa gwapong mukha nya. Nagkibit balikat ako kung hindi nya ako matatanggap talaga wala na akong magagawa ang hiling ko nalang sana ay hindi kami magkita sa  mansyon nila para di na kami magkasakitan pa.

----

"What the hell are you doing here?! " kakasabi ko lang kahapon na sana hindi kami magkita sa mansyo pero ito nagkasalubong parin kami, sa lawak ng mansyon talagang sabay pa kaming pumunta sa kusina? Inis na napasapo ako sa mukha ko.

"Nakakabobo iyang tanong mo Sir Heaven,syempre nandito ako sa mansyon dahil ako ang nanny ng kapatid mo" napaigting naman ang panga nito at di ko maiwasang mapatingin don. Grabeng jawline iyan sarap papakin hmm. Kahit nakakainis ang ugali ng lalakeng ito ay di ko talaga maiwasan na di sya pagnasaan hihi.

"You dared to talk back at me! I'm your also your Boss woman!" napatakip naman ako ng tenga dahil sa lakas ng sigaw nito.Tarantado ito ah, makasigaw parang ang layo ko sakanya,ano ito nasa north korea yung isa tas nasa USA yung isa?

"SIR--"

"Call me young master not Sir"

"okay yun nga po Young master tinanong nyo PO ako kaya sumagot lang PO ako,may mali PO ba dun YOUNG MASTER?" inis nitong ginulo ang buhok at gigil na dinuro ako. Kaya napaturo naman ako sa sarili ko at nagtatakang nakatingin sakanya.

"I will get back at you! " pagkatapos nyang sabihin yon ay mabilis na itong umalis,binangga pa nito ang balikat ko kaya muntik na akong mapaupo.Wala talagang modo. Pero ang gwapo talaga nya hihi. Ay nako Leir magtrabaho kana mamaya mo nalang pagnasahan ang mukhang may dalaw mong young master.

"Ate Leir,I want to swim can you accompany me? "

"Oh sige baby,pero di kita sasamahang mag swimming ah? Kakatapos ko lang kasi maligo eh"

"Thats okay po" gigil ko naman itong pinisil sa pisngi at hinalikan.Napaka cute talaga ng alaga ko. Marami itong mapapaiyak na babae paglaki naku!

"Lets gooo" hinila na ako nito papunta sa pool nila. Inabot pa kami ng dalawang minuto papunta doon dahil sa galing pa kami sa second floor ng mansyon, dyusko hindi ata ako masasanay sa laki at lawak ng tinitirhan nila Luc sa totoo nga lang pwede pa akong magpalaro ng basketball sa sala nila kung papayagan nila ako ahhaha.

"Hey Kuya Heaven!" napakunot noo naman ako ng marinig ko nanaman ang pangalan ng may dalaw kong young master. Binitawan ni Luc ang kamay ko at nagmamadaling pumunta sa dulo ng pool kaya agad naman akong sumunod ngunit napatigil ako sa paglalakad ng bigla nalang may umahon sa pool. Harujusko papang masarap! Malakas na sigaw ko sa isip ko. Paano naman kasi parang slowmotion na umahon si  young master Heaven sa pool at binuhat nito si Luc. Gumala naman ang mata ko sa namumutok na bicep nito.Di ko maiwasang mapalunok sa mga tubig na dumadagas doon parang ang sarap dilaan.Iniwas ko ang tingin ko at napayuko

"Ang libog mo talaga Leir"  inis kong bulong habang pinagsasampal sampal ang mukha ko.Kasi naman sa probinsya namin wala naman akong nakikitang mga ganyang ka sing adonis ni Young master.Mga average lang ang mukha doon at maraming mga mukhang bisugo.

"Why are you slapping yourself?" napaigtad naman ako sa gulat at napanganga ng marealize kong nasa harapan ko na si Young Master at ang lapit namin sa isat isa.

"H-Huh?"

"Are you deaf?I said Why are you slapping yourself, are you going crazy??"

"Trip ko lang Young Master ehhehe" sabay iwas ng tingin sakanya. Mahirap na baka di ko mapigilan ang sarili ko at marape ko sya.

"How weird chanak you are" inis naman akong tumingin sakanya at tinulak ng malakas ang dibdib nito.Gulat naman ito sa ginawa ko pero di ko alam ang nangyari ng bigla nya akong hinawakan sa kamay at napasigaw kami ng bigla kaming bumagsak sa tiles.

"fuck! "

"Ang sakit kingina" minulat ko ang aking mata at ganun nalang ang gulat ko ng narealize ko na nasa ibabaw ako ni Young Master,nakatitig ako sa muka nitong namimilipit sa sakit habang nananatili paring nakapikit, napalunok naman ako nararamdaman nya kayang nasa ibabaw nya ako? Napunta naman ang tingin ko sa dibdib nito hangang sa namumutok nitong 8 packs.Dyusko lord

Parang gusto ko na atang kumanta ng

Oh tukso layuan mo ako 🎶

Next chapter