39 Chapter 39

Napalagok nang diretsyo si Devin sa Bote ng beer na kanyang hawak habang iniisip ang pagyayari kahapon. Ang palihim na pagkikita nila ni Cia at iyon na rin ang pinakahuling paguusap nila.

"Please.. Don't give up on me Devin. I will come back for you and that's a promise"

Mariin na napapakit si Devin ng marinig nya ang huling sinabi ni Cia sakanya.

I'm ready to give up and forget my love for you Cia because there's no way we can be together. But because of that promise.. I'm willing to risk my heart just for you..again and again

Leir's Pov

"There's no way you make me eat that thing! "

"Ang arte mo! Itry mo na sobrang sarap nito" pilit ko paring pinapasubo kay Young Master ang betamax pero ang hudyo ilag ng ilag. Tinulak pa ako ng malakas kaya muntik pang matapon ang isang stick ng betamax.Shutangina!ang mahal pa naman nito.Six pesos isang stick buti nalang mabilis ang reflexes ko at nasalo ko kaagad.

Napahinga ako ng malalim. Mali ba ang desisyon ko na dalin dito si Young Master sa turo turo?. Paglabas kasi namin kanina sa building ay agad ko nang nahila si Young Master sa tapat ng turo turo. Ang bango kasi kaya hindi ko na natigil ang sarili kong pumunta dito at naisip ko narin na dito namin sisimulan ang date namin kaso ang hayop ayaw man lang makisama sa sobrang arte.

"Kakainin mo ba itong betamax o hindi? Kung magiinarte ka lang dito, umalis kana wala ng date na mangyayari satin! "gigil kong sabi sabay tusok ng limang piraso ng fishball at diretyong sinubo ito lahat. Habang ngumunguya ay nakatitig lang ako kay Young Master na nakatingin sa hawak nitong isang stick na betamax. Ano iyan dinadasalan pa nya? Maya maya pa ay  nilapit na ni Young Master sa labi nya ang betamax at kumagat dito ng konti. Diring diri pa itong kumain kaya napairap ako sa kaartehan nito.

Ilang segundo pa ay napangiti ako ng malapad ng gulat itong tumingin sa akin at tumingin sa betamax saka tuloy tuloy na kinain ito. Sabi na nga ba magugustuhan din nya. Arte pa kasi..

"I can't believe this is so fucking delicious even it look so fucking gross!" inabot ko naman ang stick ng isaw at agad nya itong tinitigan nanaman ng mabuti at bumalatay nanaman sa mukha nito ang pagkadisgusto pero kinain rin ito ni Young Master at napamura nanaman ng matikman ang lasa nito.

"This is really gross but I want more" napatawa nalang ako at pailing iling na inabutan sya ng ibat ibang uri ng streetfood. Masaya kaming kumakain na dalawa habang ineenterview ko din si manong streetfood. Umabot ata kami ng kalahating oras kakain bago kami nagbayad at napaupo sa gilid para magpahinga.

"Oh, diba masarap..arte arte ka pa kanina eh mas marami ka pang nakain kaysa sakin"

"You know what? I realize something" agad ko namang nilapit ang tenga ko sa labi nito para marinig ang susunod nitong sasabihin pero agad tinulak ni Young Master ang ulo ko papalayo.

"I realize that I got to like gross thing, just like you..You look ugly to me but somehow I got to like you." napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa narinig.

"Ang romantic nang sinabi mo, sa sobrang kilig ko nakakasapak ata ako ngayon" napatawa naman ng mahina si Young Master habang nangaasar na nakatingin sa akin.Kaya agad ko itong sinuntok ng malakas sa braso na agad namang kina aray nito.Bago pa ako sigawan ni Young Master ay tumayo na ako at nilahad ang kamay ko dito.Nagtataka naman itong tumingin sa akin,nginuso ko ang kamay ko at buti nalang agad nya itong hinawakan at tumayo narin. Tingin ko namumula na ako dahil sa magkasugopong na kamay namin ng aking Langit. Naramdaman ko talaga yung spark nang inabot nya aking kamay. Ihhh kami talaga ang para sa isat-isa walang aangal hahahaha

"Tayo na't pumunta sa waiting shed para maghintay ng Jeep"

"What?? " tatanggalin sana ni Young Master ang kamay nya sa pagkakahila ko pero mas hinigpitan ko pa ito at malakas syang hinila papalakad sa waiting shed. Salo salong pagrereklamo ang naririnig ko kay Young Master ng makatayo kami sa waiting shed. Kesyo madumi daw sa jeep, lahat daw ng sumasakay doon mabaho at baka daw magkasakit sya at kesyo sobrang init daw doon at siksikan.

"Isa pang reklamo,makakatikim ka ng flying kick sa akin.Kingina ka! " agad namang tumahimik ang hayop at steady lang nakatayo sa tabi ko hanggang sa nakapara na ako ng jeep. Pinauna ko nang pumasok si Young Master at buti nalang sa bungad nalang ang may pwesto kaya mapapadali ang pagbaba namin mamaya. Nang ako na ang nakapasok ay tsaka ko nilibot ang mata ko sa mga nakasakay. Kung siniswerte ka nga naman. Bakit puro babae ang nakasakay dito? Anaknang! Lahat tuloy sila nakatitig sa aking Langit at hindi ko magagawang tignan sila ng nakakamatay na tingin sabay sabay! Kaya ang magagawa ko nalang ay ang kumapit sa braso ni Young Master nang mahigpit para makita nila na wala na silang pagasa pa sa adonis na pinagnanasahan nila ngayon.

Buti naman ay nakarating kami sa destinasyon namin na wala akong pinapatay na babae. Nang makakababa kami ni Young Master ay sabay sabay pang nag huling sulyap ang mga bruha habang nakakagat labi pa. Kaya bago pa makaandar ang jeep ay agad kong pinakita ang kanang kamay ko na nakataas ang gitnang daliri sa mga bruhilda at nagiwan ng matigas na pakyu! Gulat namang silang nakakatitig sa akin pero sinamaan ko lang sila ng tingin. Nang makalayo ang jeep ay agad ko nanamang hinila si Young Master na tahimik parin hanggang ngayon.

"Anong oras na Young Master?"

"It's 4pm already" napatango tango naman ako habang nililibot ang mata ko. Marami pa pala kaming oras para sa date namin ngayong hapon.

"Fiesta dito ngayon Young Master, tara maglibot libot tayo at kung may magugustuhan tayong mga bagay eh bibilin mo" tinaasan naman ako ng kilay dahil sa nasabi ko. Hinila nito ang kamay sa pagkakahawak ko at pinagcross nya ang dalawang balikat habang nakatingin sa akin

"and why would I the one who will pay about the things you want? You have your own money,ugly woman" pumamewang naman ako dito at tinaas ko din ang kilay ko. Aba, ako ang babae dito!dapat mas mataray ako

"Baka nakakalimutan mo ata Young Master,ikaw nagyaya na magdate tayo ngayon! At ikaw ang lalake kaya ikaw ang magbabayad! Ang panget naman na ako na nga ang nagligtas ng palpak mong pagkakaintindi sa date eh ako pa ang maglilibre! Aba pakyu ka with feelings! " agad namang nawala ang inis nito sa mukha at napalitan ng pagkahiya..Aba may hiya din palang tinatago ang lalakeng ito.

"Okay fine.Tsk" napangiti naman ako dito saka napakapit sa braso nito. Libreng chansing din paminsan minsan.

Mabilis ko nang hinila si Young Master sa tindahan ng ukay ukay at nagtry akong magsuot ng kung ano ano doon. Pinagtry ko din si Young Master magsuot ng ibat ibang klaseng damit. Nyeta,kahit pang pulubi ata ang suot ng aking langit eh gwapo parin ito!Grabe talaga!totoo talagang may favoritism si Lord buti nalang nasama ako doon. Nang makaalis na kami sa ukayan ay wala ng tigil sa pagkamot si Young Master sa katawan nya. Magkakaallergy daw ata sya dahil sa mga damit na pinasuot ko sa kanya. Napairap naman ako.. Mga problema talaga ng mayayaman #kaartehan.

"Dali Barilin mo ng sunod sunod ang mga sundalong laruan na iyan Young Master para makuha natin yung teddy bear! "

"This is Easy" mayabang na sabi nito.Nagbayad muna si Young Master sa mayari ng palaruan bago kinuha ang laruang baril at tinitigan ito. Napatampal naman ako ng noo nang makitang buong isang libo ang inabot nito sa mayari. Agad ko namang nilabang pitaka ko at binigay kay Kuya ang 20 pesos na buo saka kinuha ang isang libot at binalik kay Young Master.

"Wala tayo sa Mall para magbayad ka ng isang libo young master!Dyusko ka. Ako na muna ang magbabayad ngayon,ililista ko nalang lahat ng magagastos ko para bayaran mo ako paguwi natin"

"Okay"

Napailing nalang ako. Sa huli ako rin pala ang gagastos..kingina

Pinagstart na ni Kuya si Young Master na barilin ang mga sundalo. At hindi ko alam kung tatawa ba ako mabibiwisit dahil ni isa wala man lang napatumba ang hayop! Halata naman ang inis sa mukha ni Young Master at gusto pa nya sanang magtry ay kinuha ko na ang baril dito at nagabot uli ng 20 pesos kay Kuya. Tinaas ko na ang kanang kamay ko at tinutok ng maayos ang baril sa target At sunod sunod ko nang pinagpipindot ang baril. Nang matumba ko ang lahat ng sundalo ay inis na nilapag ko na ang baril at lumingon kay Young Master na gulat na gulat na nakatingin sa akin

"Ganon umasinta ng target Young Master..may pa easy easy ka pa kanina! Umasa tuloy ako bwisit. "

"T-hat was a-amazing" napaflip naman ako ng buhok sa narinig bago kinuha ang malaking teddy bear kay Kuya mayari. Tuwang tuwa ko naman itong niyakap.Omygod ang lambot.

"Tara naman sa kulay kulay Young Master." amazed parin itong nakatingin sa akin habang naglalakad kami, kahit nahihirapan ako sa pagbuhat sa teddy bear ay tuloy tuloy parin ang paglalakad ko papunta sa sugalan. Nang makapunta kami ay agad kong sinabi kay Young Master kung pano tumaya sa mga kulay kulay. Agad naman nitong naintindihan at tumaya na kami.

Tuwang tuwa ako ng sunod sunod ang pagkapanalo ko at ang 20 pesos ko ay naging 300 agad. Nagmumuryot naman ang katabi ko dahil ni isa di pa sya nananalo. Kaya nasigawan pa nito si Kuya na nag roroll ng mga kulay

"Why the fuck I can't win huh? Are you fucking cheating?!" napakamot naman yung lalake at halatang natakot sa pagsigaw ni Young Master.Pati narin ang mga kasama namin maglaro ay takot nading nakatingin dito.

"Boss hindi naman po ako nag chechecking baka hindi lang talaga kayo swerte sa larong ito" halatang hindi naman nagustuhan ng huli ang sinabi ni kuya dahil agad nitong hinampas ang kamay sa board at saka hinila na ako papalayo doon.

"That Bastard! He's fucking cheating and I can fucking feel it! "

"Chill ka lang Young Master baka tumanda ka ng maaga dyan" inismaran naman ako nito pero napatawa nalang ako.Inagaw ko ang kaliwang kamay ko dito para mayakap ng maayos ang bear dahil nangangalay na ang kanang kamay ko na nakabuhat dito.

"Punta naman tayo sa bingguhan, tapos sakay tayo sa mga rides dito" pagyayaya ko kay Young Master sumangayon naman ito agad saka sumunod sa akin. Hindi na daw sya babalik don sa kulay kulay dahil baka masuntok nya lang yung kuya. Na agad ko namang kinatawa.

Halos lahat ata ng palaruan ay tinry namin ni Young Master at masasabi kong nagenjoy talaga kaming dalawa. Hindi ko akalaing dahil sa date na ito eh makikita ko ang magandang ngiti at tawa ng aking langit. Pati narin ang parang bata na pagmamaktol nito pag natatalo ito sa laro. Masasabi kong napakaswerte ko dahil nakita ko ang mga ganoong ugali ni Young Master hindi yung laging galit at cold lang na pinapakita nya sa akin noon.

"Fuck! I think I'm going to vomit"

"Ang weak mo naman Young Master, eh hindi naman masyadong mabilis ang ikot ng ferris wheel eh"

"Shut the fuck up! " tinawanan ko nalang ang pagmumura nito sa akin at agad ko syang inabutan ng tubig na agad namang ininom nito. Nang maging ayos si Young Master ay niyaya ko na syang kumain sa gotohan dahil alas syete na pala ng gabi masyado kaming nagenjoy at hindi na namalayan ang oras. Akala ko magrereklamo nanaman si Young Master sa itatary kung ipakain sa kanya pero ganun nalang ang gulat ko ng diretsyo itong sumubo sa mangkok na may laman na goto at wala man lang mura o panglalait ang lumabas sa bunganga nito na agad kong ikinatuwa. Baka totoo talaga ang sinabi nito na nagugustuhan na nya ang mga pagkain na nakakadiri sa mga mata nya.

"Nag enjoy kaba Young Master? " tanong ko nang sabay na kaming matapos kumain. Tumango naman ito sabay labas ng magandang ngiti nito sa akin.Kinilig naman ako at pinisil ang pisngi nito na agad nitong ikinamura.

"Fuck, can't you stop fucking pinching my cheeks? Chanak! " natatawa naman kong tinanggal ang dalawang kamay ko sa pisngi nito saka tumayo.

"Tara nat umuwi Young Master" pagyaya ko.

Habang naglalakad kami ay nagulat ako ng bigla nalang pumalibot ang kamay ni Young Master sa bewang ko kaya napatingin ako sa gwapong mukha nito

"I want to hold your fucking hand but because of that Fucking big bear I can't do it! " reklamo nito at binigyan pa ng masamang tingin ang walang kamalay malay kong teddy bear na yakap yakap. Aasarin ko sana ito ng bigla nalang may kumalabit sa bewang ko at pagyuko ko ay isang batang lalake na nakangiti sa akin habang may hawak hawak na supot ng sampaguita.

"Ate,bumili na po kayo, mabango po itong sampaguita na tinda ko.. Bagong pitas lang po kaya hindi kayo magsisisi" inabot ko ang malaking teddy bear kay Young Master saka yumuko para mapantayan ang batang lalake. Ngumiti naman ako dito bago nagtanong

"Magkano ba iyang Sampaguita na tinda mo? "

"Sampung piso lang po ate" nilabas ko naman ang pitaka ko at dumukot ng isang libo doon saka binigay sa bata. Gulat naman itong tumitig sa akin.

"Bibilin ko lahat ng tinda mong sampaguita para makauwi ka ng maaga sa bahay nyo.Saka iyang isang libo para sayo na iyan" agad namang lumiwanag ang mukha ng bata sa sinabi ko pero hindi yun nagtagal ng bigla nalang itong umiyak kaya nataranta akong hawakan ang pisngi nito para pigilan ang pagagos ng luha sa mga mata nito

"M-maraming S-salamat po makakain narin po kami ng maayos ng mga kapatid ko.. Hindi na muna kami magtitiis sa asin at tubig ngayon.. Maraming salamat po talaga" para namang nadurog ang puso ko sa narinig kaya agad akong napayakap dito ng mahigpit. Maya maya pa ay tumigil narin sa pagiyak ang bata at humarap ulit sa akin

"Anong pangalan mo bata? "

"Ako po si Saint,walong taong gulang na po ako" nakangiti na nitong pagkakakilala.Kaya masaya rin akong nagpakilala dito

"Ako naman si Leir pwede morin akong tawaging Ate Ganda kung gusto mo" nakarinig naman ako ng tikhim sa gilid kaya napatingin kami ni Saint ng sabay kay Young Master.

"Saint, sya naman ang boyfriend ko soon to be husband ko na din ang pangalan nya ay Heaven"

"Heaven po? Langit po sa tagalog? " takang taka na tanong ni Saint sa akin napatawa naman ako at pinisil ang pisngi nito

"Oo,Heaven talaga ang pangalan nya kahit demonyo ang ugali ay mabait parin naman iyang amo ko. Paminsan minsan" naramdaman ko naman ang matalim na titig ni Young Master sa akin pero di ko nalang pinansin at nakipagusap pa ulit kay Saint

"Paalam po ate ganda, paalam mo po kuya langit"

"Paalam din Saint.. Magkikita tayo ulit pangako iyan" napangiti naman ng malapad ang bata sa sinabi ko bago ito umalis. Nakangiti parin akong nakasulyap sa papalayong bulto ni Saint saka tumingin kay Young Master na seryosong nakatingin sa akin.

"Why did you give your 1k to that child easily?You don't know him.Hes a child he might just fooling around and deceiving you. So why? " huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa tanong ni Young Master

"Bakit ko nga ba binigay ang 1k ng ganoong kadali? Simple lang dahil ramdam kong kaylangan ng bata iyon at ramdam ko din na hindi nya ako niloloko.Sabi nga sa kanta ni MJ,I see the kids in the streets,

With not enough to eat Who am I to be blind?Pretending not to see their needs.Bakit pa ako magbubulag bulagan? Kung alam ko sa sarili ko na kahit papano kaya ko silang tulungan? Alam ko ang pakiramdaman ng maghirap Young Master.at ang sakit makita na sa murang edad ni Saint eh nakikipagsapalaran na sya araw araw para lang may makain. Kaya ganoon ko nalang bigyan ito ng malaking halaga ng pera." mahaba kong paliwanag dito. Binaba ni Young Master ang teddy bear saka ako biglang hinalikan ng mabilis sa labi.

"You're very kind Hearted woman Leir.And I'm not regreting liking you" kahit Like palang ang sinabi ni Young Master ay hindi parin maiwasan ng puso kong tumibok ng mabilis sa sinabi nito. Napahawak din ako sa pisngi nito at napangiti

"Ako din, hindi ako nagsisising mahalin ang walang modo at demonyong katulad mo" napatawa naman ito ng mahina sa sinabi ko.

"Youre so romantic baby, let me fucking kiss you" pagkatapos non. Agad na nitong nilapit ang labi nya sa akin at hinalikan ako ng mahinay at mabagal na para bang pa unti unti nyang nilalasahan ang labi ko. Napapikit naman ako saka ginantihan ang halik nito..

First date success!!

avataravatar
Next chapter