30 Chapter 30

"Sa likod ng beach Princess, doon magandang makipagdate, maganda ambiance dun,atsaka tahimik doon Princess at walang masyadong taong napapagawi dun,kaya alam mo na.. " binatukan ko ng malakas si Ketong dahil sa sinabi nya. Talagang pag kabastusan hindi nawawala sa taong ito

"Bakit ka kasi kay Ketong unang humingi ng suggestion Princess?eh alam mo namang napaka useless ng utak nyan at puro kamanyakan lang ang lalabas sa bibig nyan" ani ni Ice na busy paring nakatututok sa cellphone nito.Lumapit naman si Ketong sa pwesto ni Ice at agad nya itong sinapak sa ulo kaya ang nangyari nag wresting na ang dalawa sa kama. Inis naman akong tumayo at lumabas ng room, agad ko namang nakita sila Vie at Axl na papunta na sa gawi ko. Parehas silang may kagat kagat na tinapay at may hawak na soft drinks..seryoso? Softdrinks sa umaga?

Napailing nalang ako. Ng makalapit sila sa akin ay agad akong humingi ng suggestions kung saan maganda makipagdate at sabay nilang sinabi

"Sa likod ng beach" ganoon ba talaga kaganda sa likod ng beach? Aish bahala na

Niyaya ko na ang dalawang pumasok sa kwarto at buti nalang tapos nang mag wrestling ang dalawa. Kaya agad kong pinaupo ang apat sa sofa at ako naman ay nakatayo sa harapan nila.

"Tulungan nyo akong mag ayos ng date namin ni Young Master, mga 7pm kasi ko sya papapuntahin doon"

"Wow, talagang ikaw ang maghahanda princess? Eh babae ka" komento ni Axl. Agad naman akong umirap

"ano naman kung babae ako? Masama ba yun? "

"Ang swerte ng gago, may babaeng nag  e effort sakanya hashtag SANA ALL" madamdaming sabi ni Ketong at may matching hawak pa sa dibdib nito na kunyari ay nasasaktan. Pati ang tatlo ay nag sana all narin kaya isa isa ko silang binatukan mga gago, di man lang magseryoso muna.

"Tangna nyo!kinakabahan na ako dito oh! Magseryoso naman kayo at tulungan nyo na akong ayusin ang date namin ni Young Master!" napatawa naman ang apat sa galit ko pero agad narin silang nagseryoso at nagbigay na ng suggestions para maging bongga at romantic ang date namin mamaya ni Young Master.

Nang mapagkasunduan na namin ang gagawin ay agad na kaming lumabas sa hotel at dumiretsyo sa likod ng beach medyo may kalayuan pero ayos lang dahil sobrang ganda naman pala talaga ang mga tanawin sa lugar. Parang nasa fairytale ako

"Wow, ang ganda nga dito, so tara nat magayos"excited kong sabi pero nagtaka naman ako dahil parang tanga na nakatayo lang ang apat sa harap ko at nakakatitig sa akin.Nag senyas naman ako na parang anong problema. Napakamot naman sa noo ang apat. Wow talagang sabay? Kambal lang ang peg?

"Eh, Princess nakalimutan natin bilin iyong mga kailangan at wala din tayong dalang lamesa" napa face palm naman ako. Ang bobo amputa. Nga naman bakit kasi kami nagmadaling pumunta dito na walang dalang mga gamit? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at mag aalas nwebe na pala. Maaga pa. Marami pa kaming oras

"Maaga pa naman guys, tara nat bumalik muna doon at hanapin ang mga gagamitin natin mamaya" tumango nalang ang apat at bumalik na kami para hanapin ang mga kakaylangan namin. Umabot din kami ng dalawang oras kakahanap pero enjoy naman dahil may kasama akong mga ugok na lakas ng trip sa buhay.

----

"Mali naman iyang pag kakaayos mo sa flowers Princess"

"kaming mga babae kapag tama kami, tama kami. Kapag mali kami, dapat tama parin kami!" masungit kong sabi kay Ice na napakamot nalang ng ulo dahil sa sinabi ko. Napatawa naman ang tatlong ugok sa sinabi ko. Napairap nalang ako at pinagpatuloy ang pagaayos ng mga flowers sa vase.

After 1 and half hour, natapos narin naming ayusin table at nalagay narin namin ang mga palamuti na magsisilbing ilaw mamaya sa date namin ni Young Master.Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa nagawa namin. Napakaganda! Di ko akalaing magagawa ko ito dahil sa isang lalake.

"Bumalik na tayo sa hotel, hindi naman magagalaw itong ginawa natin dahil walang napapadpad na tao dito"pagyaya ni Ice kaya sumangayon na kami at umalis na.

Nang makapunta ako sa room namin ni Young Master ay humiga na ako sa kama at matutulog muna ako dahil may limang oras pa bago ang date namin atsaka kaylangan ko pa syang hintayin makabalik dito sa room...

Di na ako makapaghintay mamaya..

Bulong ko sa aking isip at pinikit na ang aking mga mata habang may ngiting nakapaskil sa aking mga labi.

Gabriel's Pov

"What? He's in Boracay? " Dad nod at me while he's still busy watching NBA.

My forehead crease..Bakit naman nasa Boracay si Kuya Heaven? Sa pagkakaalam ko wala syang business doon at sobrang malabo na nag babakasyon sya doon unless...

I smirked and shook my Head

Kuya Heaven have you already had a change of heart?

Leir's Pov

Malungkot akong nakatitig sa kisame.

Alas otso na ng gabi pero wala parin si Young Master.Nasan na ba sya? Alangan namang nakalimutan nya ang date namin? Chinat ko pa sya kaninang umaga na agad nyang nireplyan ng "K" kahit nakakainis yun ay natuwa parin ako dahil hindi ako naseen.

Napatingin ako sa phone ko na punong puno na ng chat messages nila ketong. Agad ko yung inopen at binasa ang mga message nila

"Nahanda nanamin ang wine saka mga pagkain dito Princess,nasaan kana ba? "

"Alas otso na,nasaan na kayo ng Young Master mo? "

"Nilalamok na kami dito, nasaan na kayo? "

Binaba ko ang phone ko at tumayo, lalabas na sana ako para hanapin sana si Young Master nang may mahagip ang mata ko. Isang sticker note na nakadikit sa likod ng pintuan. Bakit di ko ito napansin kanina?

Agad ko itong kinuha at binasa

"If you reading this, I already left and on my way to pick up my brother at the airport "

Parang gusto kong magwala sa nabasa ko. Yun lang yun? Wala man lang sorry kasi di sya makakapunta sa date namin? Tangina!naghintay ako ng parang tanga!

"Tangina mo Heaven Leilac Crisoveia!" gigil kong sabi at di ko namalayan may tumulo nang luha sa mga mata ko.

Masyado ka talagang mapanakit Young Master..

Pero kahit ganoon pinagpipilitan ko parin ang sarili ko sayo..

Para kang cactus na gusto ko paring yakapin kahit masasaktan lang naman ako...

avataravatar
Next chapter