webnovel

Reaching Heaven((Tagalog Story))

Heaven Leilac Crisoveia whom born gifted. His IQ is higher than Einstein so that at the age of 10 he already graduated in College and make his own company at 16. All girls fighting just to get his attention but he doesn't give a fuck to those women, because Flirting is just a waste of time for Heaven. But when he meet the probinsyana girl who has a weird surname. He'd known already that his peaceful life will be doomed. "Tinataga ko sa condom mong malaki na mamahalin mo ding ang sinasabi mong chanak na katulad ko!! "-Leir Mia Fenis

OstrytheCrescent · Teen
Not enough ratings
48 Chs

Chapter 25

"HELLO,BORACAY!ANG PINAKAGWAPONG LALAKE SA MANILA CITY AY NANDITO NA!! " napailing nalang kaming apat nila Axl dahil sa sigaw ni Ketong.Buti nalang wala pang masyadong tao sa Beach dahil maaga pa,pero hiyang hiya na kami dahil sa mga taong napapatingin sa gawi namin.

Tangna ka talaga Ketong!!

Kaya bago pa kami mapahiya ng husto ay,hinila nanamin si Ketong papunta sa hotel na pagtutuluyan namin ng dalawang araw dito sa Boracay.Buti nalang nakapag book agad kami ng room, kung hindi ay baka sumakit lang ulo namin kakahanap ng malapit na hotel dito. Kaso ngalang isang room nalang ang naabutan namin pero ayos na din yun dahil pangapat na katao ang nakuha namin. Kahit lima kami ay magagawan na namin ng paraan yun.

"Wow,dalawang double deck pala ito, Ice tabi nalang tayo"

"Ayaw kitang katabi, nangangagat ka Ketong" tumingin naman sa gawi ko si Ketong pero pinakyuhan ko lang ito kaya lalo itong napasimangot.

Di ako tanga para payagan ang aso na tumabi sa akin.Dumiretsyo na ako sa kama at umakyat sa double deck.Mas gusto kong nandito ako sa taas, ayaw ko sa baba dahil baka guluhin lang ako ng mga mokong.

"Excited na ako mag swimming at mang huli ng mga sexy na isda mamaya" napairap nalang ako sa sinabi ni Ketong,kahit kaylan talaga.. Haay

Humiga na ako sa kama ko at pumikit, parang gusto ko munang matulog bago lumabas

"Princess,pupunta na sila Ketong sa labas, sasabay ka ba sakanila? " napasilip naman ako sa baba at sila Ketong, Vie, at Axl ay naka topless nalang habang suot ang mga shorts na binili namin sa Mall noong isang araw.Bigla namang naglakad at umikot ang bawat isa sa sakanila at nag pose ng kung ano ano.

Ginala ko ang mata ko sa katawan nila at nag thumbs up. Napahiyaw naman ang mga mokong at lumabas na. Napangisi nalang ako habang umiiling

"Matutulog muna ako,gisingin muna lang ako pag gusto mo nang sumunod kila Ketong, Princess"

"Matutulog din ako, sabay nalang tayo mamaya Ice" tumango naman si Ice at nahiga na sa kama nito, ako naman ay bumalik nadin sa pagkahiga at pinikit na ang aking mga mata

Sana maenjoy namin ang sandaliang bakasyon na ito....

Haru's Pov

I hopelessly lean my head in the table while still eyeing my bestfriends body lying on hospital bed.

It's almost 8 years since the last I saw her beautiful face smiling at me,her sweet voice that always makes me calm everytime she calls me by my name.

When will you gonna wake up?Bestfriend? I miss you.. We miss you so much...

"Zeia,please come back to us"

Leir's Pov

"Bakit naisipan mong kausapin ako ngayon Cia? May problema ba? "

"I don't know Leir but I suddenly want to cry"

"Mag siswimming na kami, saka na tayo magusap pag okay kana" agad kong binaba ang phone ko at nilagay sa bag,napabuntong hininga nalang ako. Ilang araw nang wala sa sarili si Cia. Bakit kaya? Hindi sya dapat nakakaramdam ng ganun dahil--

"Wow, Princess ang sexy mo" napatingin naman ako kay Ice na nakatayo sa tapat ng CR habang titig na titig sa akin. Nag sexy pose naman ako dito at natawa nalang ito at lumapit sa akin para hawakan ako sa bewang.

"Tara na kila Ketong, baka nakareserve narin sila ng isda ko"

"Gago, may gf ka Ice,wag kang fuckboi"

"Ahha syempre, joke lang yun,takot ko lang kay Hanna"

Tama nga naman sya, takot nya lang talaga. Dahil nakilala ko na ang gf ni Ice at hindi ito basta basta. Parehas kami ng ugali ni Hanna,mahilig syang magmura,at may pagkaboyish din. At pag nagalit nangbubugbog.Kaya siguro naging close agad kami ni Hanna dahil parehas kami ng vibe.

Hindi naman kami nagtagal ni Ice hanapin sila Ketong, dahil wala pang dalawang minuto ay nahagip nanamin sila na masayang nag hahabulan sa dagat. Lumabas nanaman ang pagkabata nila.. Nang makalapit kami ay napatigil ang tatlo at napatingin sa amin. Napasipol ang tatlo ng makita nila ang suot ko. Naka black bikini kasi ako.

Naglava walk naman ako,sabay flip ng hair sakanila.Napalakpak naman ang apat sa ginawa ko

"Hoo ang ganda talaga ng Princess namin"-Axl

"The best talaga"-Ice

"Dyosang dyosa, paburger naman dyan"-Vie

"Ate, Wampipti! "-Ketong

Pinakyuhan ko naman si Ketong sa sinabi nya. Tarantado talaga. Ako wampipti? Sa gandang kong ito?

Agad namang binatukan ng tatlo si Ketong kaya napangisi ako. Buti nga sakanya.

Napansin kong maraming napapalingon sa aming lima. Sino ba namang hindi? Apat na nag gagwapuhang lalake na may kulang na turnilyo sa utak at isang dyosa na kasama nila ay mapapalingon talaga ang lahat. Para kaming mga Gods at Goddess na bumaba sa Mt Olympus.

Napangisi ako ng malapad ng magsilapitan ang mga babae sa apat at nilalandi sila. Ang mga gago tuwang tuwa maliban kay Ice na parang matatae na ang itsura.

May mga boys naman na sinubukang lumapit sa akin pero tinaasan ko lang sila ng kamao ko. Hindi ako pwedeng lumandi, may Heaven na ako hihi.

Loyal ako kahit wala kaming label ng aking langit. Oh diba. Ganoon ako kaganda.

"Hoy mga mokong, mamayang gabi na kayo mangisda, samahan nyo muna akong mag swimming at mag volleyball tayo pagkatapos" agad namang nagpaalam ang apat sa mga babae at lumapit na sa akin. Inakbayan pa ako ni Axl kaya kita ko ang selos sa mga mata ng mga babae. Ngumisi lang ako.

Sorry pretty girls,priority nila ang kanilang prinsesa.

Mahigit isang oras din kaming nagbabad sa dagat bago naglaro ng volleyball habang kasama ang mga foreigner. Sila Ketong ay tuwang tuwa pag tumatalon ng malakas ang mga ka team mate kong girls para i spike ang bola. Mga gago talaga. Pero para namang wala lang iyon sa mga kasama ko dahil halatang naglalaway din sila sa grupo nila Ketong.

Kung isa siguro si Young Master sa mga grupo ni Ketong, baka ilang beses pa akong tumalon para magspike at mag pasexy sa harap nya.

Napailing nalang ako at natawa.

Masyado talaga akong malandi pagdating sa aking langit

"Grabe ang galing nyo Leir, natalo nyo kami ahhah, bukas babawi kami sainyo"

"Kung kaya nyo ahha" asaran lang kami at tawanan lang kami ni Ketong habang papunta kami sa hotel.Nauna na kasi sila Ice na pumunta sa Hotel para magpalit ng damit, kami ni Ketong ay nakipag chikahan pa sa mga foreigners at naglibot sa beach.

Nagtaka naman ako ng biglang bumaba ang braso ni Ketong at humawak ng mahigpit sa bewang ko.Kinindatan pa ako nito at hinalikan bigla sa noo. Normal lang yun sa amin pero nagtataka ako dahil bigla syang naging sweet. Magtatanong na sana ako ng biglang may marinig akong boses na hindi ko inaasahang maririnig sa lugar na ito

"He's not your boyfriend huh? What a fucking liar" dahan dahan kong nilingon ang ulo ko sa kaliwa at napasinghap na nakatingin sa taong seryosong nakakatitig sa akin, habang nababalutan ito ng itim na awra. Napalunok naman ako ng malalim at napabulong

"Y-young M-Master? "

Magbigay naman po kayo ng review.. para naman malaman ko kung anong say nyo dito sa story ko.

OstrytheCrescentcreators' thoughts