webnovel

Re:Write The Dark Lord Story

Charlie Eva- isang die hard fan ng isang fictional character sa isang nobela pinamagatang Loving the Crown Prince. Si Marshall Harridan- pinakamakapangyarihan na Duke sa loob ng nobela, isang bastardong anak ng namayapang Emperor ng Goldton Empire. Tinaguriang The Dark Lord dahil sa kasungitan at ang mukhang hinding hindi mo makikitaan ng mga ngiti. Ngunit sa kasamaang palad ay hinatulan ng kamatayan ang character na ito dahil sa pag angkin niya sa trono upang mapakasalan ang bida sa nobelang iyon na si Lucielle Brentwood. Sa sobrang pagkadepress ni Charlie sa pagkamatay ni Marshall ay hindi ito makapagfocus sa ano mang ginagawa na nagdulot sakaniya sa isang aksidente, at nang magising siya ay nasa kakaibang lugar na siya. Lugar na pamilyar sakaniya. Lugar na alam na alam niya. At ito ay sa loob ng librong binabasa niya. Sa katauhan ng babaeng kinaiinisan ng lahat, ang Villainess ng istorya. "Pano ako makakasigurado na totoo ang sinasabi mo eh, mortal kitang kaaway?" "Syempre na basa ko na 'to, char." Re:Write The Dark Lord Story [EXCLUSIVE IN WATTPAD]

finnlovevenn · Fantasy
Not enough ratings
4 Chs

PROLOGUE

PROLOGUE

❦❦❦

Umihip ang malakas na hangin sa hardin na nagdulot ng pagkakatangay ng mga talulot ng rosas sa ere.

Para bang umuulan ng iba't ibang kulay sa ilalim ng mainit na araw sa kalagitnaan ng katanghalian. Noong mga oras na iyon, akala ko tumigil ang mundo ko.

Marahan kang naglalakad palapit sakin at namangha sa senaryo ng pag-ulan ng mga bulaklak.

Nang araw na iyon, dumating ka sakin. Nagbigay ng liwanag at pag-asa sa pagkatao ko. Nagturo sakin maging masaya at makita ang mundo sa mga mata mo, yung mundo na hindi ko aakalain na ganito katingkad at kaganda.

Ngunit hindi ko din akalain na ikaw din ang magdudulot ng pagbagsak ko, sa posisyong ito kung saan nakahanda na ang malaking palakol na hahati sa ulo at leeg ko.

Muli akong tumingin sa napakaganda mong mata, naghahanap ng sagot sa mga katanungan ko at awa na baka sakaling ako ang tignan mo hindi ang lalaking hawak ang kamay mo.

"Mga huling salita na nais mong sabihin?" Tanong ng pari na magdadasal sa katawan na iiwan ko ngayon, lumingon ulit ako sayo at nakita kong nakayuko ka habang umiiyak.

Tumingin ako sa lahat ng taong na nanonood ng pagbitay sakin at makakasaksi ng karumaldumal na katapusan ko. Ngumiti ako sa mga huling sandali ng buhay ko, ngiting ikaw ang nagdulot kasabay ng pagtakas ng mga luha ko na ikaw din ang dahilan.

"Susundan kita kahit sa kabilang buhay pa."

At unti-unting na hulog ang tingin ko, bumaliktad ito at ngayon kitang kita ko ang bilog na buwan sa madilim na gabi.

Re:Write is a part of the series RE:, but you can read it as a Stand-alone novel. For any question you can leave a message on my wall or pm me.

This story is inspired in Kimi no nawa, Scarlet Heart Reo and Who made me a Princess.

Hope you like my new story.

-Ate Venn

finnlovevenncreators' thoughts