Bright Green Eyes
***
Summer's POV
Matapos naming mag alay ng dasal sa puntod ni Daddy ay nauna nang pumanhik sina Ullysis at Magda sa kotse, kasama rin nila si mommy habang tanaw ko pa ang pag alalay nila rito papasok sa kotse.
Malayo layo ang aking kinatatayuan mula sa pagkakaparada ng kotse ni Ullysis.
Napakislot pa ako nang marinig ang dagundong ng nagbabadyang ulan.
Makulimlim na ang kalangitan kaya naman napagpasyahan ko na ring tapusin ang aking pagmuni-muni sa harap ng puntod ni daddy Santi.
"Sige po dad, aalis na po ako, I love you--" sabi ko pa rito habang nag gesture ng flying kiss na animo'y kaharap ko lang ito.
Sa hindi nyo naitatanong, daddy's girl ako.
Nang papalakad na ako sa gawi nila Ullysis ay may nabangga akong kung sino.
Nakasuot ito ng maitim na tuxedo habang nakasalamin din na itim, 'yong animo'y men in black. May katabi itong dalawang lalaki na gaya nya'y nakaitim at iba pang dalawa na nasa likoran nito.
"Sorry po" pag iiwas ko nang tingin bago tuluyang lumayo.
Napansin ko pa ang pagsipat ng matandang lalaki sa aking gawi at tila ipwenesto pa pababa hanggang sa kanyang tungki ng ilong ang salaming itim.
Binawi ko ulit ang tingin at nagpatuloy sa paglakad. Narinig ko pa ang sigaw ni Magda na noo'y nasa loob na nang harapang bahagi ng kotse.
"Dali ate! Maabotan ka ng ulan! " tili nya kaya naman napalakad takbo ako sa gawi nila at tyempong pagpasok ko sa kotse ay bumuhos ang napakalakas na ulan.
Dahan dahang ipinaandar ni Ullysis ang makina ng kotse at noo'y nagsimula nang gumalaw. Napalingon ulit ako sa bandang iyon kanina kung nasaan ako.
Nandoon pa rin ang mga lalaking nakaitim, nakapayong na ang mga ito ng kaparehang kulay ng kanilang mga suot.
Animo'y nagluluksa ang mga ito sa mga oras na 'yon. Na curious pa ako dahil sa pagpuna ng matandang lalaking iyon sa aking mukha kanina. Partikular sa aking mga mata.
Napakacreepy lang kasi ng tingin nya, na pinupuntirya ay ang aking mga mata.
Iyong parang naninigiradong mga titig.
Pero bago pa ako magconclude ay nagsalita nang kung ano si mommy na noo'y nasa aking gilid.
"Gutom na ang baby ko~!" Habang sinasapo ang sariling tiyan nito na animo'y buntis.
Napatingin ako kay Magda, ganoon din ang dalawang magkasintahan sa akin.
"Oho mom, antay lang po tayo, okey? Papakainin namin 'yang baby mo mamaya, 'pag nandoon na tayo sa bahay.." explain ko pa dito.
Ngumiti naman ito sa akin at muling nagsalita.
"Ang bait mong bata hija, ang swerte siguro ng magulang mo~" sabi pa nito sa akin. Imbes magsalita bilang pagresponde ay marahan ko itong hinalikan sa kanyang noo.
Natanaw ko rin ang mga hitsura nina Magda at Ullysis na noo'y nakangiti.
"Mas maswerte po kami mom, kasi ikaw ang mommy namin.." sabi pa ni Magda kay mom na parang wala lang sa kanya ang narinig at noo'y ipinukol muli ang tingin sa bintanang nababasa na ng ulan.
I know, it's very complicated to handle mom's situation pero as long as magkasama kaming tatlo ni Magda ay kakayanin namin iyon, si mommy nalang ang pinaghuhugutan namin ng aming lakas, lalo pa ngayong nagkakaedad na rin ito at gaya nya'y nagbi-build na rin kaming dalawa ni Magda ng aming mga pangarap.
Dalawang taon na mula ng makagraudate ako sa kursong physical therapist, naka avail ako sa scholarship ng gobyerno at fortunately, nakapasa sa licensed exam as medical technician.
Si Magda naman ay kaka-fourth year college lang ngayong taon sa kursong Dentistry. Gaya ko'y working student din ito at rumaraket minsan sa modeling at mga mall show events bilang promogirl.
Doon din nya nakilala si Ullysis na isang bagohan ding gaya nya na modelo. Actually, I find him natural at tipikal lamang na lalaki, simple lang itong umasta kahit pa nga alam kong may kaugnayan siya sa sikat na promotor ng Harrison Modeling Incorporation.
Iyon 'yong kompanyang nagpapasikat sa mga bagohang modelo dito sa Pilipinas at ini-expose sa ibang country.
Pero kahit pa ganoon, Ullysis is a type of low key man, and that's the reason why I admire him to be with my 'lil sissy.
"Ate? Lutang ka na naman, pati rin ba ikaw gutom na? " satsat na naman ni Magda habang naririnig ko ang pagkanta ni Ullysis sa isang awiting pinapatugtog sa stereo ng kotse nito.
Umiling lang ako at sumandal sa balikat ni mom. It's my safest place of all, ang pagsandal sa braso ni mom and dad noon, kaya nga siguro minsan sinasabihan nila akong Santina the second.
Hindi ko napansing nakaidlip na pala ako habang nakikipagbuno pa si Ullysis sa napakatraffic na lugar ng Edsa road.
***
Glavio POV
"Boss? Okey lang po ba kayo? "
tanong ng isa sa mga kasama kong bodyguard.
Marahan lamang akong tumango at muling tumitig sa puntod na iyon.
Halos isang dekada na rin ang nakalipas, isang dekada na rin ang nakakaraan ng mawalan ako ng dalawang importanteng tao sa buhay ko.
"Masaya na siguro kayo riyan, ano? " turan ko pa na parang nakikipag usap lamang sa hangin.
"Andaya nyong dalawa, sabay pa talaga kayong nawala sa akin, eh" ramdam kong umaagos na naman ang mga luhang kanina ko pa ikinukubli.
Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang nararamdaman ko ngayon.
Ngayon ang araw ng pagluluksa ko noon sa aking mag Inang si Elizabeth at ang munting sanggol na nasa sinapupunan nya, ang anghel na hindi nasilayan ang mundong dapat sana'y makita nya.
Pagak pa akong napatawa, dahil sa kabila ng pagluluksa ng aking mag ina ay ang rumihestrong imahe ng matalik kong kaibigan.
"Santi, kung nasaan man kayo ngayon, alagaan mo ang mag ina ko. Patawad, matalik kong kaibigan.. "usal ko pa bago nilapag ang isang bagay sa puntod ng sinasabi kong kaibigan.
Isang metro lang ang layo ng pagkakalibing ng puntod ng mga iyon.
Elizabeth Romero and little Angel.
..at si Santi Remolada, ang aking nag iisang matalik na kaibigan.
Ang taong hindi kami iniwan simula pa noong nasa Madrid kami, hanggang maglayas kaming dalawa ni Elizabeth papunta dito sa Pilipinas.
Ang lalaking nabangga ng sarili kong anak.
"Boss, lumalakas na po ang hangin at ulan, tara na po.. " sabi pa ng aking tauhan. Muli'y nilisan ko ang dalawang puntod na iyon.
Ang dalawang taong halos kasabayan ko na sana noon sa industriya. Iisa lang ang dapat kong mahanap at makita ngayon.
Tutuparin ko ang sinumpaang iyon mula sa aking asawa, hahanapin ko si Hilda, ang asawa ni Santi, at ang mga anak nito.
Nakasakay na ako sa kotse at noo'y pumanhik na sa aming destinasyon.
Ang Demoirtel, ang lugar kung saan nakikipag negosasyon ako bilang isa sa mga top sponsor ng mga anghel ni Suprima X.
Ang walang pagkakakilanlang babae sa likod ng mascara. Nagbabakasakali rin ako na baka sa pamamagitan ng ahensyang society na iyon ay makikita ko ang mga anak ni Santi.
Tiyak kong dala rin ng mga ito ang mukha't appeal ng pagiging Remolada, tiyak kong magaganda ang mga anak ni Santi, at kung hindi ako nagkakamali.. Dalaga at nasa hustong edad na ang mga ito ngayon.
Bahagya pa akong natigilan nang sumiksik sa isipan ko ang pagmumukha ng babaeng bumangga sa akin kanina.
Maganda, maputi, attractive ika nga, at may mga matang tila nakita ko na noon.
Ang mga matang 'yon..
sambit ko pa sa kawalan habang ipinihit ko pa nang bahagya ang aking sintido.
Dumagdag pa kasi sa pinoproblema ko ang pagiging supil at disgusto ng aking anak na si Cristobal o kilala sa screen name nitong si Storm.
Ang walang emosyon at ang anak kong namumuhay pa rin sa nakaraan..
💕 yes! so heto na po ang kasunod na chapter sana po ay magustuhan ninyo ang flow, pakonti konti ko na pong pinapalabas ang mga hidden mystery sa likod ng story nila. Hope you'll find it accurate and genuine.. 💕
[A/N] suportahan nyo po ang apat kong kasamahan na sina adeyyyow VBomshellbluefairy1828 at jenccollado