Akmang susugod na sana ang skin walker kay Madisson ng si Marilyn ang lumaban sa skin walker. Kinalmot ng pusa ang Mukha ng halimaw ngunit. Tila nakikiliti lang ang halimaw sa ginawa ni Marilyn.
Habang Sina Beam at Dave naman ay nagmamadali umakyat papunta Kay Madisson
"Maam, Sir Hindi kayo Basta Basta makakapasok asan mga ID nyo. Or Watcher pass nyo.?" Tanong ng guard. Lumapit si Dave at nagsabi ng..."Sorry manong guard!" Biglang umilaw ang mga Mata ni Dave at masayang pinapasok Sina Beam at Dave."Kinakabahan ako Beam sana di pa tayo huli." Wika ni Dave."Nasa 12 floor pa ang kwarto ni Madisson. Mag elevator Tayo.!" Sambit ni Beam. At tumapat sila sa harapan ng elevator at nag antay na magbukas ang pintuan ng Elevator."Nararamdaman mo ba kung saang floor na ang elevator?" Tanong ni Beam."Nasa 7 floor pa." Sagot ni Dave."Sabihan Moko pag nasa 9th floor na. Ako ang bahala!" Sambit ni Beam.Ilang sandali pa ay nag wika si Dave na nasa 9thfloor na at kasalukuyang nasa 10 floor sila nag aantay.Ginamit ni Beam ang kanyang gift upang utusan ang mga baging na pahintuin ang elevator sa floor kung saan sila nag aantay.Huminto ang elevator sa 10 floor habang may mga baging ang nakakulupot sa elevator. Pag bukas ng elevator. Mabilis silang pumasok at dito pinindut ang floor kung saan ang kwarto ni Madisson.
Balik sa Opisina.."Ako na ang bahala mga ate, bilisan nyo na." Wika ni Julianne. At mabilis namang nag tungo Sina Angel at Leah sa Inaayus na floor. Dumaan sila sa fire exit upang di mahalata.Habang papunta sila sa floor na sinasabi ni Julianne."Ligtas kaya si Madisson?" Sambit ni Leah."Sana yang. Pero kinakabahan ako sa ginawa natin. Parang something wrong talaga." Wika ni Angel."Hindi ba dapat ako ang masabi Nyan Kasi ako Ang empath saating dalawa." Ngiting Sabi ni Leah."Sguro sa sobrang pagkakape ko to." Sabi ni Angel ng biglang may narinig silang sigaw."Boses yun ni Nicole sure ako." Sabi ni Leah at nagmamadali silang pumasok sa floor kung saan Nila na dinig Ang boses ni Nicole. Nang makapasok na sila.."Sandali, kelangan natin ng ilaw!" Sabi ni Angel at Isang maliit na bola ng liwanag ang nag silbing ilaw nila sa kadiliman.Sa Novaria..Kinausap ni Queen Victoria si Miss Gemma tungkol sa mission nya sa earth."Hindi pa pupwedeng itigil ko ang mission ko Queen Victoria. Hindi ko pa nahahanap ang kambal ko sa earth." Wika ni Gemma."Gemma, alam ko. Ngunit mas kelangan ka ng Novaria sa mga oras na ito. Besides, pinapunta ko na si rose sa earth upang bantayan ang mga kaibigan ni Beatrice. I mean beam." Sambit ni Queen Victoria."Pero Mahal na Reyna?" Susubukan pa sanang kumbinsihin ang Reyna ngunit Hindi na umimik ang Reyna. Biglang tumayo si Queen Victoria at nagsalitang muli."Cathy, sundan mo Rose sa earth and final maiiwan ka dito sa Novaria, hahanapin natin ang Hari." Utos ni Queen Victoria at yumuko naman si Cathy."Guro, wag Kang mag-aalala. Ako nang bahala sa mga paborito mong Ahente." Wika ni Cathy sabay hawak sa muka ni Gemma.Biglang naging ka wangis ni Gemma si Cathy."Shape shifting? Isa kang skin walker?" Kinakabahang Sabi ni Gemma."Kalahating Skin walker at Isang Novarian." Maikling paliwanag ni Cathy sakanya.Balik sa Ospital..Huli na nang maabutan nina Dave at Beam si Madisson na nag aagaw buhay. Maging ang kanyang pusa na si Marilyn."Madisson lumaban ka, Ikaw din Marilyn!" Wika ni Beam habang pilit nyang nirerevive ang pulso ni Madisson."Mag iingat kayo ate, si ~" Hindi na natapos ang sasabihin ni Madisson ng tuluyan nang malagutan ng hininga si Madisson. Isa namang nurse Ang pumasok at agad nag bigay ng CPR kay Marilyn."Excuse me nurse? Bakit ka sa Pusa nag bibigay ng CPR? Di ba dapat sa tao ka?" Wika ni Dave. Hindi sumagot ang nurse at patuloy pa din itong nagbibigay ng hangin sa pusa."Magbabayad sila!" Wika ni Beam habang nag ngi-ngit sa galit ang babae. Isang ibon ang pumasok sa silid at nagbulong sakanya kung saan nag tungo ang skin walker na umatake Kay Madisson."Bantayan mo si Madisson, Ako na ang tatapos. Hindi ito mangyayari kung Hindi ako umalis sa Novaria." Wika ni Beam at binuksan ang bintana at akmang tatalon ang babae."Sandali magpapakamatay ka? Beam? Wag!" Sigaw ni Dave. Hindi nakinig si Beam sa halip pa ay ginamit nya ang kanyang kamay upang gawing pito. Pagkatapos ay Tumalon. Mabilis na nag tungo si Dave sa bintana, nakita nya si beam na tinulungan ng Isang malaking agila upang mag tungo sa kakahuyan."Beam!" Tanging naisambit nya."Isang pagpapatiwakal ang ginagawa nya. " Sambit ng nurse."Kahit kelan sobrang tigas ng Ulo nya." Sabi ng nurse sabay hubad sa kanyang suot na hairnet. Dito nakita ni Dave ang kulay gintong buhok ng babae."Ginawan ko ng CPR ang pusa nya, dahil magka konektado ang buhay ng pusa at ang kanyang host. Na revive ko si Marilyn ngunit si Madisson kelangan ko syang dalhin sa novaria." Sabi ng nurse."Sino ka po ba?" Tanong ni Dave."Hindi na importante, sundan mo si Beam ngayon na.." utos ng Nurse, at ito ay si rose.Balik sa Opisina..Hinahanap pa din nila si Nicole sa madilim na lugar."Hello, Nicole nandyan kaba?" Tawag ni Angel."Wala akong nararamdamang presensya Gel." Reklamo ni Leah habang sinusubukan nyang makiramdam sa paligid.Hanggang sa Isang malakas na buhos ng tubig tumama sakanilang dalawa upang maging dahilan upang mapa upo silang dalawa sa sahig."Sinong nandyan?" Tawag ni Leah."Isang pagkakamali ang ginawa ninyong paglapit sa kamatayan!" Wika ng boses."Nicole?" Sambit ni Angel habang iniinda ang sakit ng kanyang bewang. "I love her voice, Friendly!" Sambit ng boses. At sa pagkakataong ito, Hindi na nila kilala ang boses. At ang linyang ginamit ng boses ay parang may naalala sila. Pero di sila tiyak kung sino...Itutuloy...