Nang mag-11:30 am, tinawag na para mananghalian sila Qarly at Rijo.
"Hirap mo maging friend, paano pa kaya ang pagiging boyfriend at asawa mo?"
Qarly indifferently looked at him. "Sa future pa mangyayari ang mga yan, why are you worried?"
"Qarly, we have visitors too." Napatingin sila Rijo sa mga bagong dating. Kumunot ang noo ni Qarly.
"Hi Qarling!" Bigla siya niyakap ng isang batang babae na kasing tanda ata ni Rijo.
Bineso beso pa siya nito. Kunot pa rin ang mukha ni Qarly. "Syre! Hug mo rin si Qarly oh!"
Lalapit sana si Syre kay Qarly para yumakap, eh biglang humarang si Sir Renue.
"Nah! Dami namang boyfriend, eh six pa lang!" kunwaring sermon nito kay Qarly. Tumawa si Mrs. Renue. "Tara na sa dining area, Nella, Syre at Rijo?" Hinablot ni Sir Renue ang isang braso ni Qarly para iguide sa tabi niya sa hapagkainan. On a usual lunch or dinner break, nakaupo si Qarly sa tapat ng tatay niya across the long table. Si Mrs. Renue naman ay nakaupo malapit kay Sir Renue.
Ngayon na marami silang kakain, Nasa dulo ng hapag ang tatay ni Qarly, si Qarly nasa left side nito at ang ina naman ay nasa right side.
Tumabi si Nella Dane sa left side ni Qarly. Samantalang, si Syre ang tumabi sa left side ni Nella. Katapat naman ni Rijo si Syre, katabi niya si Mrs. Renue.
The Dane siblings were taught to pray before meals. Sila Rijo naman, hindi at sila Qarly ganun rin. Kaya nung makita yun ng dalawang mangmang, tumigil si Qarly sa pag-scoop at nag-sign of the cross. Ganun rin halos ginawa ni Rijo.
"Amen!" masayang sabi ni Nella. Nauna nang magscoop ng soup niya si Nella. Noong matapos sila sa soup, dumating naman ang steak. Hindi nga lang steak ang kay Qarly, it was Carbonara.
"Wow! Pasta!" hindi napigilan ni Rijo sambitin. Qarly offered him some if he wants, pero iba ang sumahod. "Ako penge." It was Syre. mukhang hindi rin mahilig sa steak ito.
"Chef Rigid! Make me another carbonara!" utos niya sa hangin. Still, the chef heard it and went to the kitchen. Yung staff ng Renue household contains the service crew and some house-helps if ever someone accidentally or makes a mess. Standby ang chef after niya magprepare ng meals for the family. Mala-royalty ang buhay ng pamilya Renue, kaya naman sobrang swerte ni Qarly.
"Here it is, Little Lady." Nagpasalamat si Qarly sa chef at nagsimulang kumain nung pasta.
Si Syre ang kumakain ng carbonara ni Qarly kanina. Akala niya yung bagong luto ang ibibigay sa kanya. "Qarling, alam mo bang crush ka ni Baby Syre ko." Nanlaki ang mga ni Syre sa sinabi ng Ate Nella niya. Hinila niya ito sa may sleeve kaya naman tumawa ito.
"Oh? Thank you Syre." Nagkwentuhan about sa business and politics ang mag-asawang Renue. Habang si Nella ay daldal nang daldal. Nakikinig lang sila Qarly sa kanya.
"Tapos one time nung toddler pa si Syre, umihi sa bed, eh magkatabi pa kami noon, kaya paggising ko, akala ko, ako yung naihi sa bed, kaya ako ang napagalitan. Eh napansin ko na basa rin yung pajamas ni Syre, kaya pinoint-out ko." Halos gusto na umuwi ni Syre sa kinekwento ni Ate Nella.
"Sabi ng Mama namin, 'Senyor Reign, ikaw bad kang bata ka, Ate mo talaga ang finrain-up para umako sa kasalanan mo ah?' dalawang palo ang inabot ni Syre noon, tawa ako nang tawa."
Tumawa rin sila Qarly except si Syre.
"Senyor Reign pala buo mong pangalan ah?" Rijo tactlessly remarked.
Sumimangot lalo ang mukha ni Syre. Ayaw niya kasi pinagsasabi ang buo niyang first and second name. Sobra kasing kakaiba sa karaniwang pangalan.
"Queen Renue, tawag mo na sa akin ah, Senyor Dane?" pang-aasar pa lalo ni Qarly. Humalukipkip na si Syre at bigla naman dumating ang dessert.
"Ay, yung whole name ko naman is, Mari Nella Dane." Nakipag-kamay siya kayla Rijo at Qarly.
"Nice meeting you, Mari." Nagblush si Nella sa tawag sa kanya ni Rijo. Napanguso si Qarly. "Kuya Rijo, ako lang dapat love mo diba?"
Sumubo muna ng scoop ng ice cream si Rijo bago magsalita. Their ice cream is flavored Bubblegum, kaya naman tuwang tuwa si Qarly. Favorite niya!
"Qarly, we're just friends remember?" Qarly scowled. "Mommy, doon na muna ako sa may swing ah?"
Yiieee! Ang cute magtampo. Sumunod na ang iba pang mga bata para mag-hang out sa may patio.
Hi my Sleepies!
Its been a week and here we are again. Might really lengthen, Qarly's childhood days because I'm enjoying how they are quite mature for their age.
Tapos, balak ko sana, sa ladyhood ni Qarly niya pa ulit mamemeet si Syre. Eh waley, gusto ko ulit ng 'Qarly meets Syre,' moment. Kaya ito. LOLs
Sa future si Nella at Rijo ang magkakatulyan. Sorry spoiler! ???
See you next kabanata!
Dasvidanya!