webnovel

Chapter 40

"Hingang malalim." Sabi ni Valerie habang pinapakinggan ang paghinga ng isang bata. "Sarah, pakibigyan si Nanay ng vitamins para sa kanilang lahat." Sabi muli ni Valerie sa kanyang assistant na nag-aabang lang ng kanyang sasabihin. Matapos tingnan ang bata ay tumayo muna si Valerie para maideretso sandali ang buong katawan na kanina pa nakaupo.

Ngumiti si Valerie ng maramdaman ang mga kamay sa kanyang balikat na dahan-dahang minamasahe siya.

"Pagod na?" Humarap si Valerie at niyakap ang kaharap. Gumanti naman ng mahigpit na yakap si Luke. Matapos ang ilang sandali ay humiwalay na ang dalaga at matamis na ngumiti.

"Full charge na!" Natawa si Luke sa sinabi ni Valerie. Yayakap sana muli si Luke sa dalaga pero nadinig niya ang boses ni Iggy.

"Tumatakas ka na naman Captain Villacorta!" Natawa si Valerie sa itsura ng pinsan na nakapamewang habang nakalagay ang isang kabang bigas sa isang balikat nito.

"Nag-charge lang Captain Villaflores!" Sigaw ni Luke sabay bigay ng isang mabilis na halik sa labi sa kanyang girlfriend bago bumalik sa pagbubuhat ng mga supplies na dala nila mula Maynila.

.......

Todo suporta ang buong ospital ng Latido del Corazon sa plano ni Valerie, ang magkaroon ng medical mission sa lugar nila Ka Mario pati na din sa mga katabing baryo nito. Handang magbigay ang ospital ng mga libreng gamot. Sila Sarah at Hazel naman ay kinausap din ang kanilang Director at ito din ay handang tumulong sa pamamagitan ng libreng konsultasyon. Ang ORION, HAWK, at PHOENIX naman at nangakong tutulong din sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao katulad ng mga pagkain.

At ngayon nga ay halos isang buong taon na nilang ginagawa ito at laking pasasalamat ni Valerie dahil madami pa din ang tumutulong sa kanila para maging matagumpay ang kanyang...

"Doktor Para Sa Inyo,

Handang Magbigay Ng Libreng Serbisyo."

.......

Hapon na ng matapos ang pagcheck up nila Valerie sa mga kasamahan ni Ka Mario. Halos lahat naman ng mga tao dito ay walang iniindang matinding sakit. Dumating na din ang mga doktor ng ospital nila Sarah at Hazel na galing naman sa mga kalapit na lugar.

Nagliligpit na si Valerie ng kanyang lamesa ng may kumalabit sa kanya. Ngumiti si Valerie ng makita ang isang bata na nasa kanyang harap. Kumunot ang noo niya ng may iabot ito sa kanyang ligaw na orchids na makikita sa mga puno na matagal ng nakatanim sa lugar.

"Para saan 'to?" Hindi kumibo ang bata at binigyan lamang ng isang matamis na ngiti si Valerie. Nagulat ang dalaga ng may sumunod ulit na bata at gaya ng una ay may dala din itong ligaw na orchids na ibinigay sa kanya. At muli ay sinundan pa ito ng hindi lang isa kungdi madami pa.

Lumapit sila Sarah at Hazel kay Valerie ng may dalang basket para lalagyan ng mga orchids na halos bumabagsak na sa mga kamay ni Valerie.

"Ano bang meron?" Tanong ni Valerie sa dalawang dalagang katabi pero matatamis na ngiti lang din ang sagot ng mga ito sa kanya.

Ngumiti si Valerie ng makita si Sophia sa huli ng linya. Nang makalapit na sa kanya ang bata ay iniabot nito ang isang bouquet na puro orchids din ang nakalagay. Niyakap siya ni Sophia at binigyan ng isang halik sa pisngi.

Nang umalis na si Sophia ay muling nagulat si Valerie ng makita namang nakapila sa harap niya ang buong ORION, HAWK, at PHOENIX.

"W." Sigaw ni Andre.

"I." Sigaw ni Aziz.

"L." Sigaw ni Bowie.

"L." Sigaw ni Ceasar.

"Y." Sigaw ni Darwin.

"O." Sigaw ni Iggy.

"U". Sigaw ni Archer.

"M." Sigaw ni Axl.

"A." Sigaw ni Barack.

"R." Sigaw ni Bjorn.

"R." Sigaw ni Bond.

Biglang hindi nagsalita ang kasunod ni Bond na si Boyan. "Captain Boyan Cruz!" Sabay-sabay na sigaw ng lahat. Natawa si Valerie sa itsura ni Boyan.

"Y." Napilitang sumigaw si Boyan dahil isang batok ang natanggap niya mula sa likod na nagmula kay Luke.

"M." Sigaw ni Bruce.

"E." Sigaw ni Cobain.

"V." Sigaw ni Draco.

"A." Sigaw ni Einer.

"L". Sigaw ni Elon.

Nakita ni Valerie na mabilis na tumakbo papunta sa dulo ng linya si Luke matapos batukan si Boyan.

"Hon?" Sigaw ni Luke. "Bakit?" Ganting sigaw ni Valerie. "Ano'ng sagot mo sa tanong nila?" Muling sigaw ni Luke. "Hindi ko naintindihan eh." Sabi ni Valerie at nagulat siya ng itaas ng bawat isa ang placard na nakalagay ang bawat letra na isinigaw ng mga ito kanina.

Ngumiti si Valerie sa mga letrang nabasa at hindi na siya nagdalawang isip pa. "Yes!" Sigaw niya at ang lahat ay sumigaw at nagpalakpakan na. Nagtaka si Valerie ng hindi lumapit sa kanya si Luke para isuot ang singsing.

"Hon?" Tawag ni Valerie kay Luke pero hindi ito sumagot. Nagulat siya ng mahati sa dalawa ang tatlong grupo na kanina lang ay nakapila ng isang linya. Nakita niya si Luke na nakatayo sa dulo. Kumunot ang noo niya ng nagmamadaling tumabi dito si Andre. Lalong kumunot ang noo niya ng biglang sumulpot ang isang lalaki na nagmamadali namang isuot ang isang abito (damit ng pari).

Nagulat siya ng may humila sa kanya mula sa likod.

"Dad? Mom?" Gulat na sabi ni Valerie. Lalo siyang nagulat dahil nandoon din ang mga magulang ni Luke na nauna ng malakad papunta sa lugar kung saan nakatayo si Luke. Sumunod sa mga ito si Ka Mario kasama ang asawa nito. Sinundan sila ni Hendrix kasama din ang asawa nito.

Hindi malaman ni Valerie ang mararamdaman sa bilis ng mga nangyayari. Nakita niya ang mga kaibigang sila Mia, Abigail na buhat-buhat ang kanyang inaanak, Archer, at Genesis na nagsimula na ding maglakad sa gitna.

"Ready?" Nagulat pa si Valerie ng magsalita ang amang si Arsenio. "Ikakasal na ba ako?" Natawa si Arsenio sa tanong ng anak. "Hindi ba at ang lakas ng "Yes!" mo kanina?" Tumingin si Valerie sa ina. "I know, we know that you love each other that much kaya nang magpaalam sa amin si Luke, we never said NO. I know you'll live happily ever after with him." Doon na naiyak si Valerie at tumingin sa harap kung saan nakita niya si Luke na matiyagang nag-iintay sa kanya.

Nang magsimula ng maglakad si Valerie kasabay ng kanyang mga magulang ay nagsimula na ding kumanta ang lahat...

Sabi nila, balang araw, darating

Ang iyong tanging hinihiling

At noong dumating ang aking panalangin

Ay hindi na maikubli

Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata

At ang takot kong sakali mang ika'y mawawala

At ngayon, nandiyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin, 'di ka sasaktan

Mula noon hanggang ngayon

Ikaw at ako

At sa wakas ay nahanap ko na rin

Ang aking tanging hinihiling

Pangako sa 'yo na ika'y uunahin

At hindi naitatanggi

Ang tadhanang nahanap ko sa 'yong pagmamahal

Ang dudulot sa pag-ibig natin na magtatagal

At ngayon, nandiyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama

Handa ako sa walang hanggan

'Di paaasahin, 'di ka sasaktan

Mula noon hanggang ngayon

Ikaw at ako

At ngayon, nandito na

Palaging hahawakan iyong mga kamay

'Di ka na mag-iisa

Sa hirap at ginhawa ay iibigin ka

Mula noon hanggang ngayon

Mula ngayon hanggang dulo

Ikaw at ako...

......................................................................................................

This is it pansit!

Thank you po sa lahat ng views at power stones. Please do leave a

comment po o kaya po review. Please continue supporting this book and please do have time po sa pagbasa pa ng ibang stories ko.

Maraming maraming salamat po!

See you again!

-Arrette-