Chapter 4
Insensitive
I'm bothering about what Dustin's trying to imply on me yesterday. Why is he asking about my sister? And the breakfast, why did they suddenly show up as a business partners? Iniling ko ang ulo ko dahil ayokong lagyan ng maitim na pag iisip ang utak ko. Ayoko ding mag overthink kasi alam kong masama lamang ang magiging dulot noon sa akin. Baka makagawa pa ako ng bagay na pagsisisihan ko sa bandang huli.
"Do you have a problem?"Napapikit pikit ako nang makita ang malapit na mukha ni Victoria dahil sa pagtatanong niya pero agad ko din siyang naitulak ng mahina sapat na para lumayo siya ng bahagya sa akin.
"Wala bakit mo naman natanong?"
"You're spacing out, tell me anong problema?" Umisod siya papalapit sa akin at isinandal ang ulo niya sa aking balikat.
"Wala nga may iniisip lang"
"Talaga? Nag iisip ka?" Hinawakan niya ng magkabila niyang kamay ang mukha ko at iniharap sa kaniya.
"Oo naman! Anong akala mo sa akin walang isip?" Inirapan ko siya at hinawi ang mga kamay niya sa mukha ko. Humalakhak naman siya ng malakas kaya napatingin sa amin ang ilang mga estudyante. Nakaupo kasi kami sa bench sa harap ng field dahil mamayang 9 pa ang sunod naming klase at nagkataong nagkasabay ang schedule naming dalawa.
"Ano namang iniisip mo? Si Dustin alikabok na naman?" Sarkastikong pagtatanong niya sa akin. Nginiwian ko siya para kunwari ay mali siya.
"Bakit ko naman iisipin iyon?"
"Hoy babae! Wag ako! Baka nakakalimutan mong kambal tayo? Kilalang kilala na kita Brianna Samantha Autumn Rocco!" Napakunot ako ng kilay.
"Aish! Gusto mo talaga magbanggitan ng pangalan ha!? Pwes nagkakamali ka Victoria Octavia Alana Rocco!" Nakita kong nagsalubong na din ang kilay niya kaya napatawa ako. Pikon talaga kahit kailan.
"W-what did you just said?" Oh no... She's pissed! Nagmamadali kong inayos ang gamit ko at mabilis na tumakbo palayo sa kaniya pero bago pa man ako makalayo ay narinig ko na ang sigaw niya.
"Bumalik ka dito!" I just wave my hand on her and gave her a wide smile.
Nang makasigurong hindi na niya ako maaabutan ay tumigil na ako at napatingin sa harapan kung saan ako dinala ng paa ko. Napabuntong hininga ako nang makitang nasa tapat ako ng school canteen. Pumasok ako sa loob at oorder sana pero maraming nakapila kaya tumalikod na ako.
"Ouch!" Napahawak ako sa ulo ko habang nakapikit nang mauntog ako sa matigas na pader. Iminulat ko ang mata ko at nagkamali na hindi pala iyon pader kundi dibdib ng isang lalaki. Unti unti kong iniangat ang ulo ko para tingnan kung sino iyon.
"Move" napapikit pikit ako dahil doon. He's...handsome. Ang kapal ng kilay niya pero bumagay sa mukha niya pota ang pogi! Ang lalim ng mata niya para siyang may lahi! Mukha siyang taga western boys grabe bakit ngayon ko lang siya nakita? Eh di sana naka move on na ako agad kay Dustin! Hinawi niya ako gamit nga malalaki niyang kamay kaya napagilid ako. Napairap ako dahil bastos at walang manners, gwapo nga wala namang respeto sa babae.
Naglakad na ako palabas ng school canteen kasi naiinitan na din ako sa loob. Tiningnan ko ang wrist watch ko 8:39 pa lang tapos 9 pa ang simula ng klase ko saan naman ako tatambay? Inilinga ko ang mukha ko para tingnan kung saan pwedeng tumambay pero naisip kong baka may surprise recit kami. Minsan lang kasi magkarecit sa literature tapos kapag meron palaging kailangan makasagot or else I will stand up for the whole 2 hour class. Makapunta na lang sa library at least don may aircon makakapagrelax pa ako at makakapagbasa ng ayos dahil tahimik. Nagsimula na akong maglakad pero hindi pa man ako nakakalayo ay may naramdaman akong humawak sa braso ko. Napatingin ako sa kamay na humawak sa akin na mukhang pamilyar.
"Here" napatingin ako sa ibinibigay niya, shit ang libro ko sa literature! Kinuha ko agad iyon at binuklat kung nandodoon ang mga notes ko. Nakahinga ako ng maluwag nangmakita na kumpleto iyon.
"Thank you" I sincerely said to him. Siya iyong nakasalubong ko kanina sa canteen. Yung poging walang manners...pero binabawi ko na kasi gentleman naman pala. I'm sory for him because I judge him so quickly. Tumango siya sa akin at tumalikod na.
"Hey!" Pagtawag ko sa atensyon niya. Tumigil naman siya sa paglalakd at bumaling sa akin.
"Can I buy you lunch?" Kita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino at may utang na loob ako sayo dahil dito" ipinakita ko ang libro ko sa literature "So I'll buy you lunch for giving me my book"
"No thanks I'm a busy person" tumalikod na siyang muli at naglakad.
"When is your free time!?" I shout at him but he didn't even bother so I ran towards him to block his way.
"Move" umiling ako sa kaniya.
"Just let me buy you lunch and we're done I won't bother you again I promise"
"I said no thanks" lalamapasan niya dapat ako pero hinarangan ko ulit ang daraanan niya.
"How about this... What is your course? I'll just give it to you later so you won't be bother to go to the school canteen?"
"Fine, Architecture A1" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nilampasan naman niya kaagad ako dahil doon pero pinabayaan ko na siya.
Shems! A1!? Highest section iyon ng Architecture. Nilingon ko ang kinaroonan niya, gwapo na matalino pa? Ang perfect naman... Sa architecture kasi 6 sections habang ang business naman ay 8 sections at nasa pangatlong section ako sobrang hirap kasi maging highest section. Nandun ang pressure, competency, at kailangan perfect lahat ng scores mo sa lahat ng recit at lahat ng quizzes. Tapos mataas pa ang expectations ng mga prof kaya nagpapasalamat din ako na napapunta ako sa Business A3. At least don kahit may kompetisyon ay hindi naman gaanonh hassle, mababa din ang expectations ng mga prof at wala masiyadong pressure.
"So that's why he said he's a busy man?" Napatango tango ako sa sarili.
"Who's who?" Bigla akong napatingin kay Henry nang bigla na lang siyang sumulpot sa gilid ko.
"That man in Architecture A1" Nagsimula na akong maglakad papunta sa library habang kasunod ko naman si Henry.
"Who's that man in Architecture A1?" Nagkibit balikat ako sa kaniya kasi hindi ko pala nakuha yung pangalan niya.
"Anong course ang kinuha mo Henry?" Napatigil siya sa paglalakad kaya nagtataka akong tumigil din sa paglalajkad at tumingin sa kanya.
"Are you kidding me?" He sounds pissed. What? Hindi ko talaga alam!
"No" I simply said to him.
"I've known you for two years yet you didn't even know what I am taking? Ria I'm here for you for almost three years and yet you didn't even know my course?"
"...yeah?"
"You're unbelievable" nagulat ako nang bigla na lang siyang tumalikod at naglakad papalayo. What's the problem with him? Eh sa hindi ko alam ang course niya anong problema dun?
Hindi na ako nakapunta sa library dahil malapit na din magsimula ang klase. Hindi rin namam kami nagka recit at wala ang pprof namin kaya automatic wala kaming klase. Kapag 15 minutes late ang prof automatic dismiss ang klase. Kaya heto ako ngayon walang mapuntahan na naman. Galit sa akin si Henry kaya hindi ko siya pwedeng yayain tsaka isa pa baka may klase siya. Inilibot ko ang paningin ko baka may makikita akong makakasama sa kahit saan.
"Hoy pusa!" Hindi siya lumingon sa akin. "Kitty!" Muling pagtawag ko sa pangalan niya at doon na siya lumingon sa akin.
"Why?" She started walking towards my direction so I did the same as well.
"Do you have plans?" Umiling siya sa akin kaya napangiti ako ng malawak. "Let's go join me!" Hinila ko siya sa braso at isinakbit ang aking kamay sa kaniya.
"Saan?"
"Kahit saan, may gusto ka bang puntahan?"
"Tara na lang sa SM? Malapit lang naman isang sakay lang" sabi niya sa akin. Tumingin ako sa wrist watch ko at may isang oras at mahigit pa kami baho ang sunod na klase.
"Tara!"
Napagpasiyahan nga naming pumunta sa SM at doon nagpalipas ng oras. Dumiretso naman kami sa Starbucks, bumili ako ng sweets at siya naman ay mocha coffee lamang. Habang kumakain ako at siya naman ay umiinom ng kape may lumapit sa aming mga babaeng nasa first year college na ipinagtaka ko. Tiningnan ko kung sino ang ipinunta nila pero nakatingin sila kay Kitty kaya napatingin din ako kay Kitty. Rinig ko ang buntong hininga niya bago siya tumingin sa mga nasa harap namin.
"What now?" Napaawang ang labi ko dahil ibang iba ang paraan ng pagsasalita ni Kitty. Parang hindi siya ang Kitty na kilala kong mahinhin at mabait pero minsan kalog. She looks different.
May ibinigay na papel ang mga first year college sa kaniya pero tiningnan niya lamang iyon. Muli kong narinig ang buntong hininga niya.
"Pwede po bang pakibigay kay Carson?" Pacute na sabi ng babaeng medyo mahitsura. Tumingin ako sa kabuuan ng babaeng iyon at napairap nang makita kung gaano kaikli ang skirt niya.
"Bakit ko naman gagawin yon?" Muling napaawang ang bibig ko dahil sa mukhang sobrang taray na si Kitty. Dumagdag pa ang kaniyang singkit at mukhang chinese na mata tapos nilagyan niya pa ng eyeliner ang mata niya. Hindi ko alam na may ganitong side si Kitty. Natahimik ang mga babae kaya unti unting sumilay ang aking ngiti sa labi. This is... awkward. Tinakpan ko ang bibig ko at tumingin sa labas, baka bigla akong sabunutan ng mga ito kapag narinig nila akong tumawa.
"What? Answer my question you're wasting my time" muling sagot ni Kitty pero tumungo lamang ang mga babae sa harap namin. "Bri let's go, my mood is ruined" inayos ko ang gamit ko bago tumayo at sumunod kay Kitty. Muli kong isinabit ang kamay ko sa braso niya at nakangiting lumabas ng Starbucks.
"Didn't know you have a side like that, you look like antagonist of a movie" humalakhak ako sa kaniya at nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti niya dahil sa sinabi ko.
"Yeah... I have to pretend like a bitch so that they won't bother me again"
"By the way who's that Carson?" I asked her seriously.
"A friend" tumango ako sa kaniya.
Kitty and I attend our classes the whole afternoon and I forgot that I have to but that Architect guy a lunch. 5 pm na kaya baka wala na rin siya sa building nila. Hindi ko pa ulit nakikita si Victoria baka hindi pa sila labas kaya nauna na ako sa sasakyan namin. Ako lamang ang nasa loob ng Van dahil nasa labas din si manong, marahil alam niyang mamaya pa kami ng konti aalis. Gusto talaga namin ni Victoria na magkaroon ng satili naming sasakyan but our parents didn't allow us. They told us that we should buy on our own money kaya hindi na rin kami nagmatigas pa. Isa pa may benefits din naman na naibibigay ang driver, less hassle tapos may trabahador pa kaming natutulungan dahil sa trabaho nila.
'Hanapin lagi ang positibong bagay kapag may kinakaharap na negatibo' I remember Abuela told us the same exact line at hanggang paglaki ay dala dala namin yang dalawa ni Victoria.
I insert my earphones and play Stressed Out by Twenty One Pilots. Kumakanta ako habang ang ulo ko ay sumasabay sa beat. This is my favorite song, hindi ko kasi mapigilan na sumabay sa beat at hindi banggitin ang mga lyrics. Pumikit pa ako habang dinadama at sumasabay sa kanta. Mas lalo ko pang nilaksan ang volume para mas dama ko.
"Brianna!" Bigla akong napamulat at napatigil sa pagkanta nang marinig ko ang sigaw ni Victoria. Nanlaki ang mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita na si Dustin ang kasama niya. Agad kong tinanggal ang earphones at umayos ng upo bago naiilang na hindi makatingin ng diretso kay Dustin. Shit! Nakakahiya! Napapikit ako ng mariin bago tumingin kay Victoria.
"W-what?"
"You look like an idiot!" Sumakay na siya sa van kaya napaisod ako dahil todo siksik siya sa akin. Kinurot ko siya ng konti dahil sa kaba.
"Why is he here?" Bulong ko kay Victoria.
"Dustin" napapikit ako ng mariin bago hinigpitan ang hawak sa braso ni Victoria.
"Yeah?" Rinig ko ang malalim na boses niya mula sa labas.
"Why are you here again?"
"Makikisakay?" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ang pag init ng mukha ko hanggang sa leeg. Pinagpapawisan na rin ang likod ko sa kaba.
"Right"