Chapter 2
Gala
Saiki: Eh? Ganon ba? Anlaki na rin ng pinagbago ahhh!!
Mei: Zen?? Oyy bat nandito ka? Anong ginagawa niyo? Sino siya?
Zen: Ahh siya pala si Saiki, kababata ko lumuwas lang siya sa maynila nitong nakaraang taon lang, ahh Saiki siya pala si Mei kasing edad mo lang siya at magkalapit lang kami ng bahay
Saiki: Ahh ganon ba? Hi Mei
Mei: Hello Saiki, Kamusta ang buhay maynila?
Saiki: Maayos naman po kaso masyadong mahal ang mga presyo na tinitinda nila kung ikukumpara dito kaya naisipan ko na magipon para maka uwi na ng probinsya.
Mei: ahh ganon pala yon? Siguro masyadong mataas ang bilihin sa maynila hmm... Okay tuloy na muna ako Zen, Saiki may inutos pa kasi sakin ang nanay ehh magkita nalang ulit tayo sa susunod..
Zen: Oh pre may bago ka kagad nakilala dito sa lugar natin, ano masasabi mo?
Saiki: Oo nga ehh, mukha naman siyang mabait para sakin at sana makilala ko pa siya
Zen: HAHHAHA ganon ba? Oh tara na at marami pa tayong pupuntahan lalo na yung mga bagong gawa dito na convenience store at iilan na mga malls tara na
Saiki: Sige tara na para mapuntahan na rin natin yung bahay niyo nakalimutan ko na rin kasi kung saan yun dahil sa mga bagong gawang daan. Tara na!!
Zen: Ito yung bago na convenience store dito, mura lang yung mga presyo dito kaya sulit na yang pera mo
Saiki: eh? Ganon ba? Tara subukan natin ililibre na kita.
*Pumasok ng CS*
Saiki: Upo ka muna jan pre ako na bahala sa bibilhin
Zen: Ahh sge dito lang ako...
Saiki: Mukhang masarap to ahh....wait alam ko ito yung paborito ni Zen ehh sige ito nalang
*At the counte*
Saiki: Magkano po lahat?
Toka: 88.32 po lahat sir
Saiki: Ahh sge sge
Saiki: Pre ito na oh
Zen: Nakss nanlilibre na ahh, ganyan na ba pag manila boy? Jok lang HAHAHAHA
Saiki: Hindi naman gagi, natira lang kasi to sa ipon ko tsaka matagal din tayong di nagkita kaya mabuti na yung nilibre kita hindi ba?
Zen: Oo pre mabuti yan, pero pre... Di mo nakalimutan yung paborito ko ahhh Salamat ahhh
Saiki: tsk. Ako pa ba? Mga bata palang tayo yan na lagi kinakain mo kaya bat ko makakalimutan? Loko ka talaga.. Bilisan mo nga dyan baka may pupuntahan pa tayo..
Zen: Sige uubusin ko lang muna ito at aalis narin kagad tayo.....
Zen: Sunod nating pupuntahan yung maliit lang na Mall dito pero matao siya kahit papaano
Saiki: eh? Tara pasukin natin habang di pa nagaalas 4 ng hapon, kailangan ko pa kasi magpahinga galing byahe ehh
Zen: ah siya sige tara na. Iikotin kang muna natin tong mall at uuwe na rin kagad tayo
Saiki: Oo tara na tara na...