webnovel

Chapter 77

Editor: LiberReverieGroup

Ang ekspresyon ng dalaga ay seryoso. "Umalis ka sa daraanan ko." Malamig niyang saad.

"Napaka walang muwang!" Kutya ni Zhuge Yue.

May swoosh na mabilis lumapit si Chu Qiao, nakakuyom ang kamao at tinabingi ang likod. Sumunod si Zhuge Yue at gumanti ng ilang suntok ng sarili niya. Pareho silang maliksi, ang mga paghampas ay kahanga-hanga, tinutugmaan ang isa't-isa bawat suntok. Sa malamig na hanging umiihip sa kanila, lumapag sa kanilang mga dibdib ang kamao na may konsiderang pwersa. Pareho silang napadaing at umatras ng dalawang hakbang, mas lalong ipinpakita na magkatugma sila.

"Hindi magtatagumpay sa rebelyon niya sai Yan Xun. Nalagay ng bitag si Ba Lei at Wei Shuhua. Ang mga traydor na lumalaban sa royal capital ay mamamatay lang."

Suminghal si Chu Qiao. Ginamit niya ang kanyang kamay para punasan ang pawis sa kanyang noo at sinabi, "Alipin!"

Nagalit si Zhuge Yue. "Anong sinabi mo?" Tanong niya sa mababang boses.

"Zhuge Yue, akala ko ay makasarili, hindi makatao, sakim na maharlika ka sa nakaraan. Ngayon, naisip ko na isa kang alipin, isang utusan na may apelyidong Zhao."

Pinanatili ni Zhuge Yue ang kanyang mapagpigil na ekspresyon. "Hindi ako tapat sa pamilya Zhao kung hindi sa imperyo ng Xia."

"May kaibahan ba doon?" kutya ni Chu Qiao at nagpatuloy, "Tigilan mo na yung sa mga traydor. Tanging panalo lang ang mahalaga. Sino makakaalam, ang mga libro ng kasaysayan sa hinaharap ay idideskriba ka bilang tagasunod, kasabwat? Ang kasaysayan ang base sa salita ng mga nanalo."

"May kumpiyansa ka sa kanya," kutya ni Zhuge Yue. "Gusto kong buksan ang mata ko at tignan kung paano siya makakatakas mula sa gate ng Zhen Huang."

Naningkit si Chu Qiao at sumagot, "Natatakot ako na wala ka nang magiging pagkakataon."

Napakalaki ng papatay na awra. Inilabas ng dalaga ang kanyang patalim at nag-umpisang makipagpalitan ng dagok kay Zhuge Yue. Sa ilalim ng sinag ng buwan, tumatalon ang dalawang anino na may hindi maikukumparang liksi, naglalaban sa damuhan.

"Kung susundan mo siya, hindi magtatagal ay mamamatay ka rin!" gumanti si Zhuge Yue, inilabas ang kanyang patalim at sumugod.

"Salamat sa pag-aalala mo pero bantayan mo muna ang sarili mo!" sumirko si Chu Qiao sa ere at mabigat na lumapag sa balikat ni Zhuge Yue. Inilabas niya ang kanyang kutsilyo at hinanda na ibaon ito sa kanyang balikat na may walang awang dagil.

"Ang hindi makatarungan ay nakatadhana sa pagkasira. Wag mo akong pwersahing gumawa ng aksyon!"

"Nakasumpang magkaaway tayo. Hindi kailangang magpakita ka ng kahit anong awa."

"Sinong nandyan?" isang hindi maayos na yapak ang biglang umalingawngaw sa hindi kalayuan. Natigilan silang dalawa, tumigil sa kanilang ginagawa at tumakbo sa makapal at masukal na kumpol ng halaman sa kanilang kaliwa. Nang nagsimula silang tumakbo tungo sa kanilang pagtataguan, napansin nilang sinundan ng isa ang isa sa parehong direksyon. Panandalian, nakalimutan nila na hinahabol sila at nagpatuloy sa pagpapalitan ng suntok. "Tungo sa silangan, sundan natin!"

Mabilis na lumapit ang gwardya ng palasyo. Napasimangot si Zhuge Yue at dinakma ang palapulsuhan ni Chu Qiao, sabi niya, "Gusto mo bang mamatay? Gusto mo pang makipaglaban?"

Itinaas ni Chu Qiao ang kanyang ulo at sumagot, "Bakit mo ako sinusundan?"

Gumanti sa galit si Zhuge Yue, "Sinong sumusunod sayo?"

"Sa harap, dali!"

May swoosh na sinipa ni Chu Qiao si Zhuge Yue sa binti. Mabangis siyang tinignan ni Zhuge Yue sa mata at kinagalitan, "Baliw na babae, hindi mo alam ang hangganan mo!"

Kalahating nakaluhod sa lupa ang dalaga na malamig na sumagot, "Kasuklam-suklam na stalker!"

"Madali!" sampung hakbang nalang ang layo ng tunog. Pareho silang gulat na napatigil sa pakikipaglaban sa isa't-isa at gumulong sa makapal at masukal na halamanan.

"Asan na iyon?"

"Pinuno, baka naman nagkamali ka ng dinig."

Maingat na iniling ng pinunong gwardya ang kanyang ulo at sinabi, "Imposible. Nakakita ako ng ilang anino dito."

"Pinuno, baka pusa iyon. Marami sila dito sa bakuran na ito."

"Hindi. Nakita ko mismo iyon." Saad ng pinuno sa mababang boses, "Halughugin ang paligid. Kaarawan ng kamahalan ngayong gabi, siguruhin niyo na walang mali."

"Opo!" mabagal na naglakad palayo ang grupo ng mga gwardya. Ang dalawang pares ng maingat na mga mata ang maingat na tumingin tungo sa labas hanggang nawala sa tanaw nila ang mga gwardya.

Isang thud ang biglang narinig. Nakaramdam ng matinding sakit si Zhuge Yue sa kanyang tiyan. Bago pa man siya magkaroon ng pagkakataon makatugon, lumukso sa ibabaw niya si Chu Qiao at idinidiin siya sa lupa. Hindi inaasahan ni Zhuge Yue na aatake siya agad at nagulat sa kanyang biglaang galaw. Magaling si Chu Qiao at maliksi; isang maliit na distraksyon mula sa parte ni Zhuge Yue ay sapat para kuhanin niya ang oportyunidad. Lumapag sa tiyan ni Zhuge Yue ang tuhod ni Chu Qiao dahilan para muntik na siyang mapadaing sa sakit. Sa susunod na segundo, naitali na siya ni Chu Qiao.

"Dahil hindi ka na nagdala pa ng maraming tauhan para hulihin ako, papakawalan kita ngayon." Tumayo si Chu Qiao habang tinitignan ang galit na si Zhuge Yue. Malamig siyang nagpatuloy, "Zhuge Yue, hindi mo ako ibinisto walong taon na ang nakakaraan at piniling pakawalan ako. Nagpapasalamat ako para doon ngunit hindi noon binubura ang pagkapoot sa pagitan natin. Bilang myembro ng isang maharlikang pamilya, ang pagpatay ng ilang alipin ay wala lang sayo. Ngunit, ang ilang mga taong ito ay ang mahalaga sa akin. Sinugatan mo si Yan Xun, dahilan para hindi kami makatakas sa capital at makulong ng walong taon. Magkalaban na tayo sa simula pa lang, at mananatili ito hanggang dulo na hindi nagbabago. Sana naiintindihan mo. Hindi kita papatayin ngayon ngunit hindi ibig sabihin ay ganoon din sa hinaharap. Dapat ay mag-ingat ka na sa susunod na makita mo ako."

Nagngitngit sa galit si Zhuge Yue. Nang makita niya itong paalis, nagsalita siya, "Siguradong mamamatay ka kapag lumabas ka ng capital ngayon. Paano mo ako papatayin sa hinaharap?"

Tumalikod si Chu Qiao, ngumit at kalmadong sinabi, "Wala ka bang tiwala sa kanya? Sa tingin ko ay hindi. Bakit hindi tayo magpustahan?"

Malamig na tumitig sa kanya si Zhuge Yue na nagbibigay ng nagbabantang ngiti ngunit nanatiling tahimik.

"Ang pusta mo ay hindi kami makakatakas dito bagkus ay mamamatay. Naniniwala ako na hindi lang kami makakalabas, ngunit malalaman ng lahat na nakalabas na kami. Ipapaalam namin sa lahat, at sa lahat ng Yan Bei ang ang pinuno nila ay nakabalik na!" saad ni Chu Qiao.

Sa isang iglap, maliwanag na kumislap ang mukha ng dalaga na parang paglubog ng araw. Sa kadiliman, nakakahipnotismo pa rin siya. Isa itong indikasyon na buong-puso niyang pinagkakatiwalaan si Yan Xun na walang kahit anong bahid ng pagsususpetya o takot. Bigla, naramdaman ni Zhuge Yue na nakakainis ang ngiti niya. Nakaramdam siya ng galit. Bakit ang taong pinagkakatiwalaan ay hindi siya?

Tumingin sa kanya ang dalaga at buong kumpiyansang sinabi, "Zhuge Yue, maghintay ka lang at makikita mo!"

Ang gabi ay hindi mabuburang gabi para kay Zhuge Yue. Kahit pagkatapos ng ilang taon, hindi niya makakalimutan ang ekspresyon ng dalaga nang umalis siya, at ang kanyang kumpiyansang mga salita. Zhuge Yue, maghintay ka lang at makikita mo.

Tama, nandoon lang siya at pinanood siyang maglaho sa paningin niya na parang isang bugso ng hangin at isang ulap, kapareho ng pangyayari walong taon na ang nakakalipas kung saan siya sumigaw, "Zhuge Yue, hindi masasayang ang pagkamatay ni Lin Xi!" si Chu Qiao yung taong ginagawa ang sinabi niya. Nang nagbago ang mga bagay at pumutok ang gulo noon, ginugulo ang kanilang buhay at sinisira ang mga pangarap nila, lagi niyang pagsisisihan ang nangyari ng gabing iyon. Kung alam niya ang mangyayari pagkatapos noon, tatayo lang ba siya at papanooring siyang umalis? Papakawalan niya ba si Chu Qiao na walang sinasabi? Subalit, walang kung sakali sa mundong ito. Tahimik lang siyang nahiga sa kasing lamig ng yelong damo habang pinagmamasdan ang dalaga na maglaho sa dilim na parang isang aroganteng phoenix na pumapasok sa isang panibagong mundo.

Maliliwanag na ilaw ang biglang dumating sa abot-tanaw!

"Kamahalan!" isang natatarantang boses ang biglang umalingawngaw mula sa labas ng pavilion. Dahan-dahang tumakbo paloob ang isang eunuch at umiiyak na lumuhod sa lupa tapos ay sinabi, "Kamahalan, si Princess Chun, si Princess Chun... siya ay..."

"Anong nangyari kay Eighth Sister?" tanong ni Zhao Song at tumayo.

Nasa sahig ang eunuch na malakas na sumagot, "Ang Princess Chun, naglayas siya!"

"Ano?" napataas ang kilay ni Noble Consort Shu at nanumbat, "Paano siya lumayas? Saan siya pumunta? Ang daming mga taong nagbabantay sa kanya ngunit hinayaan niyo pa rin siya makaalis! Anong kinaganda ng pagpapanatili sa inyo?"

"Dapat akong mamatay, dapat akong mamatay!" iyak ng matandang eunuch. "Kamahalan, patawarin niyo ako!"

Habang papalapit ang kasalan, ang babaeng ikakasal ay tumakas. Lahat ay hindi makapaniwalang napatingin sa isa't-isa.

Tumayo si Zhao Che at sinabi sa malalim na tono, "Manahimik ka. Linawin mo ang sarili mo. Kailan lumayas ang prinsesa at saan siya pumunta?"

Nang naghahanda nang magsalita ang matandang eunuch, napigilan siya ng tunog ng mga tambol sa labas. Isang matalas at matinis na silbato ang maririnig. Sa gitna ng pagmamadali, isang bagyo ang malapit nang mabuo.

"Anong nangyayari sa labas?" nakasimangot ang Emperor sa nagtanong sa malalim na tono.

"Nag-uulat!" isang mahabang tunog ang umalingawngaw sa hindi kalayuan. Isang Imperial na gwardya na nakasuot ng berde at pumasok sa pavilion na walang pasabi at matatag na sinabi, "Kamahalan, Imperial Concubines, Royal Princes at lahat ng Elders, maaaring pumunta kayo sa ligtas na lugar. Mayroon pong sunog sa palasyo. Isa itong malaking sunog at hindi na makontrola."

"Nasusunog?" natigilan ang pangatlong prinsipe na si Zhao Qi. Hindi makapaniwala siyang nagpahayag, "Asaan ang sunog? Asaan ang Water Bureau? Bakit walang pumapatay ng apoy?"

"Nagsabi na kami sa Water Bureau ngunit walang balita sa kanila. Para naman sa lokasyon ng apoy, hindi ko alam. Tanging mga aopy lang ang nakikita ko kahit saan. Kamahalan, tayo na. Kumakalat na ang apoy sa Fang Gui Pavilion."

"Napaka walanghiya!" sigaw ni Zhao Qi. "Ayaw na ba ni Sun Yunpu sa kanyang trabaho?"

"Wala nang patutunguhan kung mansisisi pa ng iba. Ama, hindi na makontrol ang apoy, umalis na tayo sa lugar na ito." Malalim na pahayag ni Zhao Che.

Napasimangot ang Emperor ng Xia at tumango, naghahanda para tumayo. Ang dalawang eunuch sa kanyang gilid at nagmadaling lumapit para i-unat ang kanyang manggas ngunit bago pa man nila magawa, isang sigaw nanaman ang umalingawngaw. Isang sundalo na nakaluhod sa lupa ang sumigaw, "Kamahalan, pakiusap huwag kayong umalis sa Fang Gui Pavilion. Hindi ligtas sa labas. Isang grupo ng mga assassin ang nakalusot sa palasyo at pinatay ang higit sa animnapu nating sundalo. Pataas pa rin ang bilang ng namatay!"

Nang marinig ang mga salitang ito, mas natakot ang mga opisyal. Tunog ng mga pag-uusap ang nag-umpisang pumaibabaw.

Napasimangot na nagtanong si Zhao Che, "Sinong napatay?"

Sumagot ang sundalo, "Lieutenant Colonel He, commander sa hukbo ng Yulin, Lieutenant Colonel Lu mula sa kanlurang gate, Commander Yu mula sa hilagang gate, ang mga mensaherong nakatalaga sa mga outpost, si Master Sun Yunpu na pinuno ng Water Bureau, ang mga sundalong nagbabantay sa timog-kanlurang gate..."

Habang nagsasabi ng marami pang pangalan ang sundalo, si Zhao Che at ang beterano sa digmaan na si General Meng Tian ay nagkatinginan. Ang nakita nila ay hindi maunawaan na takot sa mata ng isa't-isa. Kahit na mukhang hindi magkakadugtong ang mga taong namatay, kung iisipin mabuti, inilalantad nito ang perpektong pagkakataon para sa rebelyon. Sa pagkamatay ng mga taong ito, ang mga nasa gitnang ranggo na pinuno ay nalipol lahat, malaki ang kinahina ng malaking royal army at pinutol ang pagdaloy ng mensahe sa pagitan ng mga nakakataas at ng royal capital. Hindi na maaari pang maipadala ang mga utos.

Sa gabing ito, anong pang ibang mga bagay, na hindi nila nalalaman, ang nangyari?