webnovel

Chapter 225

Editor: LiberReverieGroup

Nang nakabalik siya sa karwahe ng kabayo, masayang naghihintay sa kanya si Meixiang. Tahimik na umupo si Chu Qiao, ang kanyang puso ay malakas pa rin ang tibok mula kanina. Masyado ba siyang nagpadalos-dalos?

"Binibini," natatawa si Meixiang habang nagsasalita siya, "May mga bagay na hindi mo pwedeng gamitan ng ratyonalidad sa mundong ito. Pakiramdam ko ay masyado kang kalmado kamakailan. Ang maging padalos-dalos minsan ay hindi din masama."

Tumalikod si Chu Qiao at humahangang tumingin kay Meixiang, malinaw na nagulat sa kanyang magulong kakayahan sa pag-oobserba.

Nagpatuloy na tumawa si Meixiang habang sinasabi, "Binibini, hindi mo alam? Ibinibigay mo ang lahat sa ekspresyon ng mukha mo ngayon. Kumpara sa nakaraan mong sarili, pakiramdam ko ay mas magugustuhan ka ngayon."

Nang nagsimula nang gumalaw ang karwahe ng kabayo, lumapit si Pingan at nagtanong, "Ate, susundan ba natin ang mga taong iyon?"

"Syempre sasama tayo sa kanila!" binuksan ni Jingjing ang kurtina at sumingit. "Hindi lang natin sila susundan. Kasama rin natin sila mamumuhay sa hinaharap! Haha!"

Nagsalin ng ginseng tea si Meixiang para kay Chu Qiao habang malambot siyang bumuntong-hininga. "Binibini, hindi lahat ay maghihintay sa isang taon bawat taon. Sa ilang bagay, kapag hindi mo pa kinuha ang pagkakataon ngayon, pagsisisihan mo iyon kapag nagbago ang mga bagay sa hinaharap."

Umihip ang mainit na hangin sa karwahe habang bahagya nitong inaangat ang mga kurtina, nagmumukhang haplos ng mainit na mga daliri ng isang ina. Asul ang kalangitan; pumapaikot-ikot ang mga agila sa himpapawid sa ibabaw ng mga ulap, malayo sa mga nangyayari sa mundo ng mga tao.

Umupo si Chu Qiao sa batong hagdan habang nakatingin sa kalangitan lagpas sa abot-tanaw. Ang mga bulaklak sa bakuran ay bukang-buka, mapulang-mapula at matingkad na dilaw ang itsura, kung saan ay magandang tignan.

Ang serbidor sa bahay-panuluyan, isang batang lalaki na nasa 13 hanggang 14-taong-gulang, ay nakaupo sa kanyang maliit na upuan habang masigasig siyang naghahanda ng tsaa. Nakaupo si Jingjing at Pingan sa gilid habang nakikipag-usap sila sa binata. Narinig sila ni Chu Qiao na pinag-uusapan ang iba't-ibang paksa, mula sa mga tanawin ng kapatagan, sa mga sinaunang kalye ng Qiuling sa kahabaan ng timog hangganan, sa mga swordhouse ng Xia, sa kabundukang Wuya ng Tang, at sa wakas sa kabundukang Huihui ng Yan Bei. Nang nagsimula nang uminit ang usapan, naglabas si Jingjing ng pakete ng minatamis na prutas at sinimulan itong nguyain habang nagsasalita siya.

Umupo si Meixiang sa ilalim ng puno ng camphor sa gilid habang sinusubukan niyang gumawa ng korona. Eksperto at may liksi na tumahi ang mga kamay niya, kinukuha ang atensyon ng kahit sinong tumingin sa kanya.

Nang dumilim ang kalangitan, ang bakuran ay nabalot ng kumot ng liwanag habang ang init ng araw ay nagsisimula nang mawala. Humingi si Jingjing ng ilang mangkok ng malamig na prutas mula sa kusina, kung saan ay masarap.

Ang malakas na buhos ng ulan kanina ay sinira ang tulay sa harap ng syudad ng Qiufeng. Ang plano ni Chu Qiao at ng grupo niya ay naantala, pinilit silang manatili sa syudad ng Qiufeng ng dalawa pang araw bago ipinagpatuloy ang paglalakbay nila paakyat ng hilaga. Sa kasalukuyan, naninirahan sila sa maliit na bahay-panuluyan sa may burol at lawa. Itinayo sa taas ng burol ang bahay-panuluyan. Habang ang hugis ng burol ay taas-baba, mukha itong gubat dahil sa dami ng puno.

Ang silid ni Chu Qiao ay sa ibabaw ng mataas na batong bangin, nakaharap sa kanluran. Ang namamahala ng bahay-panuluyan ay masasabing makulturang tao din; ang lugar na ito ay kasunod ng Sunset Mountain, kaya ginamit nito ang pangalang "Sunset Courtyard". Bawat gabi, ang tanawin ng paglubog ng araw ay napakaganda.

Nanatili si Zhuge Yue sa Guicang Inn na matatagpuan sa katabi lang. Sa hapon ng nakalipas na araw, nagpadala siya ng mga tao upang tumulong sa pagsasaayos ng tulay at ng tawiran, kasama ang mga opisyales. Mayroon siyang mga importanteng bagay na kailangan gawin, kaya pinasimulan niya ang kilos ng magandang kalooban.

Umulan mula umaga hanggang hapon. Malago ang mga puno; lumipad-lipad sa ere ang mga talulot ng bulaklak tapos ay bumagsak sila sa lupa. Kahanga-hanga ang tanawin.

Nakasuot si Chu Qiao ng simpleng puting bistida, na may kahoy na ipit sa kanyang ulo. Ang kanyang mahabang itim na buhok ay maluwag na nakatali, binibigyan siya ng sariwang itsura. Bilog ang buwan ng gabing iyon. Tahimik na tumingin doon si Chu Qiao habang napagtanto niya na papalapit na ang Mid-Autumn Festival. Gayumpaman, hindi pa umiiral ang okasyon na ito sa panahon ngayon. Ang panahon ng Mid-Autumn Festival ay tinawag na "Pista ng Puting Buwan". Nilikha ang pangalan mula sa isang kanta na narinig ni Chu Qiao bago pa man siya sumali sa militar. Ipininta ng kanta ang larawan ng isang lalaking umalis upang lumaban sa digmaan ng maraming taon, tumaas ang ranggo mula sa ordinaryong sundalo tungo sa heneral. Sa wakas, nang umuwi na siya matapos ang digmaan, napagtanto niya na gumuho ang bahay niya; ang asawa niya ay nakipagtanan sa ibang lalaki, ang mga magulang at anak niya ay namatay sa gutom, ang kanilang mga labi ay nagkalat sa hindi alam na mga lugar na walang maayos na puntod bilang pahingahan. Malinaw niyang naaalala ang huling linya ng kanta: The moonlight shines on my soul, asking you to return to our hometown earlier… Simula noon, itinataguyod ng pista na ito ang ideya ng malapit na pamilya – inabisuhan nito ang mga tao na pahalagahan ang kanilang pamilya, at huwag pabayaan ang pagiging magkapamilya sa harap ng kanilang mga nakamit, para lang magsisi kapag hindi na maisasalba ang sitwasyon.

The moonlight shines on my soul, asking you to return to our hometown earlier…

"Maganda siyang kanta." Ibinaba ni Meixiang ang korona na hawak niya. Tumingin siya kay Chu Qiao, tumawa, at sinabi, "Hindi pa kita naririnig na kumanta dati."

Natigilan si Chu Qiao nang napagtanto niyang wala sa isip niyang sinimulang kantahin ang tono.

"Maganda talaga itong kantang ito. Binibini, naiintindihan mo ba ang ibig sabihin sa likod ng kantang ito ngayon?"

Bahagyang ihinilig ni Chu Qiao ang kanyang ulo sa gilid at nagpahayag, "Meixiang, mukhang nahihilig ka sa pagtuturo sa mga tao ng mga prinsipyo ng buhay kamakailan."

"Hindi ako marunong. Alam ko lang ang pinaka simpleng prinsipyo ng buhay. Paano ako maikukukmpara sa iyo, Binibini?" bahagyang tumawa si Meixiang habang nagpatuloy siyang sabihin, "Gayumpaman, minsan, mas maraming alam mo, mas maguguluhan ka sa mga tila simpleng prinsipyong iyon."

"Day by day, year by year, I sit on the rooftop, looking at the village roads in search of my husband.

While he defends the borders, others steal from us, leaving the children with no clothes to wear, and the parents with no food to eat.

The emperor is far away; the warriors are not here. The evil village elder rules over the land.

As the storm and snow ravages my house, the moonlight shines on my soul, asking you to return to our hometown earlier…"

Kalmado ang ekspresyon ni Meixiang habang nakasandal siya sa puno, inuusal ang mga linya ng kanta habang ilang talulot ng bulaklak ang lumapag sa koronang nasa kamay niya. Ang puting sinag ng liwanag ng buwan ay tumama sa mga daliri niya, pinagmumukha itong pakpak ng paru-paro. Bigla, nagsimulang marinig mula sa malayo ang tunog ng pluta. Hindi ito marinig dahil sobrang layo nito, ngunit nagtagal ito sa hangin ng mahabang sandali na hindi nawawala ang halina. Ang tunog nito ay maligaya at malawak; isang pakiramdam ng magandang kalooban ang mapapansin sa mga himig ng pluta. Si Pingan at ang iba ay nag-uusap pa rin. Gayumpaman, nang marinig ang tunog ng pluta, lahat sila ay napahinto sa pag-uusap. Kahit si Jingjing, na hindi magaling sa musika, ay tahimik na seryosong nakinig.

Tumayo si Meixiang at bumalik sa kanyang silid upang kumuha ng puting manto, tapos ay inilapag ito sa balikat ni Chu Qiao. Tumatawa siya habang sinasabi, "Binibini, abala kang mamuhay sa iyong nakakabalisang buhay nitong mga araw na ito. Oras na upang magpahinga. Ang bakuran na ito ay may magandang mga tanawin. Maganda ang liwanag ng buwan ngayong gabi. Bakit hindi ka maglakad-lakad doon?"

Tumalikod si Chu Qiao at nakita si Meixiang na nakatingin sa kanya na may ngiti, hinihimok siyang gawin ang sinabi nito.

"Meixiang..." may nais sabihin si Chu Qiao ngunit walang salitang lumabas sa kanyang bibig.

Nagpatuloy magsalita si Meixiang, "Binibini, wala akong naiintindihan ukol sa prinsipyo ng katapatan. Iyong mga paniniwalang iyon... wala akong naiintindihan. Hiling ko lang na magkaroon ng masayang buhay ang Binibini. Mabuti kang tao. Hindi mo dapat narinig ang kantang iyon."

Suminag sa mukha ni Chu Qiao ang liwanag ng buwan habang napatulala siya. Ang mga liriko ng susunod na kalahati ng kanta ay dumaan sa kanyang isip:

"As years pass, the snow continues to fall. My husband does not know his way back; it is a bleak future ahead.

As the children succumb to the plague and the parents starve, I am forced to sell my body for food to keep us alive.

He is ambitious and despises the poor life. My hair has turned white after waiting ten years for his return.

Life is difficult. As time passes, I no longer yearn for riches, but a proper place to sleep in instead…"

"Meixiang, ipasa mo sa akin ang berdeng manto." Nagsususpetyang tumingin sa kanya si Meixiang habang medyo nagulat ito. Gayumpaman, nagsimulang tumawa si Chu Qiao habang patayo siya at sinabi, "Wala ka nang ibang sinuot kung hindi ay puti at itim buong araw. Mukha kang pupunta ng lamay."

Habang nagpapatuloy na suminag ang liwanag ng buwan, tahimik siyang naglakad sa landas, habang ang kanyang isip ay dumako rin sa mga alaala. Parang mga agila ang mga alaala, habang lumilipad sila tungo sa tila larawan na tanawin na may magandang lawa. Lahat ng kanyang emosyon ay naghalo habang inilubog nito ang sarili sa kailaliman ng kanyang puso, naging isang maliit na lawa ng tubig habang marahan itong nagyeyelo.

Poot, pagpipigil, hinagpis, gusot, kabaitan, pagkakaisa, buhay at kamatayan, muling pagkikita, pagpapakasakit, kasayahan, pamamaalam, kalungkutan...

Bawat hakbang niya, isang panibagong pangyayari ang maaalala niya, kung saan madalas ay labis upang tiisin. Ipinaalala nito sa kanya ang pamilya at lokal na mga away, ang pansariling mga away, ang pagmamaltrato, ang pagkabigo, ang matigas niyang debosyon, at ang maraming taon ng panunupil at pagpaparaya na tiniis niya. Maraming mga oras, naging dahilan ito upang makaramdam siya ng pagkagapi.

Matagal niyang inilibing ang mga emosyon na ito na kailaliman ng kanyang puso. Gayumpaman, ang kontrobersyal na kantang ito ay may tinamaan sa loob niya, hinihila palabas ang mga emosyon na ito lagpas sa kanyang mga daliri, bawat liriko. Siya ang lawa sa larawan, gamit ang kanyang katwiran at kakalmahan upang patigilin ang kanyang sarili at ilibing ang mga emosyon niya.

Isang taon, dalawang taon, maraming taon sa isang panahon.

Malapit sa likod ng bundok, isang maliit na pavilion ang itinayo sa ibabaw ng maliit na lawa. Ang kahoy na ginamit sa pagtatayo nito ay medyo nasira, ngunit pinag-isipan ng may-ari na magtanim ng pollia japonica at bulaklak na wisteria sa ilalim ng pavilion upang ipreserba ang aesthetic nitong pang-akit. Kumapit ang mga bulaklak sa kahoy na poste at dahan-dahang tumutubo pataas, nagdadagdag ng elemento ng kainaman at katahimikan sa kapaligiran.

Suminag ang liwanag ng buwan sa berdeng lawa. Itinatak ng gasuklay na buwan ang repleksyon nito sa ibabaw ng tubig, nagmumukhang mapanglaw na puti. Nakasuot si Zhuge Yue ng lilang kasuotan habang nakaupo siya sa hagdan na paakyat sa pavilion. Ibinaluktot niya ang isang binti habang itinuwid ang isa, isinandal ang kanyang likod sa lumang poste. Ilang lumuwag na hibla ng kanyang buhok ang nakausli mula sa kanyang hairline, na nakasandig sa kanyang noo. Makisig pa rin siya, may hawak siyang berdeng pluta habang pinapatugtog ang malamyos na tono. Walang kahit anong sama ng loob, debosyon, at ambisyon na ipinapahayag sa kanyang musika, ang tunog nito ay tila isang karaniwang binata na nagpapatugtog ng katutubong awit sa kanyang repertoryo—maluwag at nakapapawi. Ang halimuyak ng bulaklak ay mapaglarong nagtagal sa kanyang ilong.

Tahimik na tumayo doon si Chu Qiao at hindi nagsalita. Umihip ang hangin sa berde niyang manto habang pumagaspas ito sa hangin, nagmumukhang sanga ng willow sa umaga. Hindi pa niya nakita ang lalaki na ganito dati. Sa malaking pagbabago ng maraming taon, paulit-ulit niyang itinaghoy ang kanyang kapalaran. Habang nakatayo siya dito sa kasalukuyan, nagsimulang malugod siya sa katotohanang mas maganda ang kapalaran niya kaysa sa heneral sa makabagbag-pusong kantang iyon. Hindi gumuho ang kanyang bahay; hindi namatay ang kanyang pamilya. Para naman sa taong mahal niya, nakatayo ito sa harap niya, naghihintay na hawakan ang kamay niya kung kailan siya magdesisyon na bumalik.

Sa kabila ng sapilitang heograpikong paghihiwalay at dahil sa mga pangyayari, nagpasuray-suray ang lalaki sa mahirap na landas na ito, bawat hakbang, hanggang sa araw na ito. May katapatan at katigasan ng ulo, kung saan ay kakaunti at bihira sa mundong ito, nagawa nitong salungatin ang lahat ng inaasahan habang binabantayan siya, tinutulungan siyang umigit sa kaguluhan ng buhay.

Iyong patong ng yelo sa lawa sa kanyang isip ay agad na natunaw. Tila ba narinig niya ang pagbagsak ng makatwirang imperyo ng Xia na may tumataginting na kalabog, habang sinasabi niya sa sarili: Siguro, maaari din akong maging matigas ang ulo. Matapos ang lahat, hindi naging matigas ang ulo niya ng maraming taon.

Nang tumigil ang tunog ng pluta, ihinilig ng lalaki ang ulo niya sa gilid, nakatingin sa babaeng nakasuot ng berde na nakatayo sa ilalim ng puno. Sa sandaling iyon, pansamatala siyang natulala.

"Bakit nandito ka?"

"Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito?" tumawa si Chu Qiao habang sumipa siya sa binti ni Zhuge Yue. "Umalis ka sa daan." Umupo siya matapos bawiin ng lalaki ang binti nito. Angn puting liwanag ng buwan ay suminag sa kanyang mukha, pinagmumukha itong sirang piraso ng jade na maganda pa ang kondisyon.

"Zhuge Yue, babalik ka na ba sa Xia oras na maayos na bukas ang tulay?"

Tumango si Zhuge Yue at tumingin sa babae na may kakaibang tingin sa kanyang mukha. "Anong problema?"

"Kung ganoon ay kailan mo ako pupuntahan?"

Isang bahid ng pagkagulat ang kumislap sa mga mata ng lalaki. Nalilito, tumingin siya sa babae, tila sinusubukang makita ang anumang lihim na motibong kinikimkim nito.

"Hihintayin mo ba na mamatay ang emperador ng Xia? O kapag umupo na si Zhao Che sa trono? Sa oras na iyon, makakatakas ka ba talaga?" tanong ni Chu Qiao habang tiniklop niya ang kanyang binti at umupo sa hagdan. Sinuot niya ang sumbrero sa ibabaw ng kanyang manto, tinatakpan ang makinis niyang leeg. Sinandal niya ang kanyang baba sa kanyang tuhod, tumingin tungo sa maliit na lawang nasa harap. Biglang lumingon, pinahayag niya, "Zhuge Yue, hayaan mong kantahan kita."

Ang tingin sa mukha ng babae ay maliwanag—isang kompletong kabaligtaran ng kanyang dating mabilis malungkot na sarili. Tahimik siyang tumingin sa lalaki tapos ay ngumiti siya, ang paulit-ulit na pangyayari sa kanyang panaginip ay nagiging reyalidad na. Sinala ng kanyang mata ang panggulo at mga anino sa likuran, iniiwan lamang ang lalaki bilang natitirang bagay sa linya ng kanyang paningin.