webnovel

Chapter 162

Editor: LiberReverieGroup

Paulit-ulit na kinumpas ni He Xiao ang kamay niya sa pag-utos sa mga namamana, "Tira! Tira! Patayin ang mga t*rantado na iyon!"

"Heneral! Heneral!" Isang mensahero ang madaling lumapit habang sumisigaw, "Utos ng Master! Ihanda ang catapults!"

Isang hanay ng catapults na higit tatlong metro ang tangkad ang ipinunta sa pader ng syudad. Hindi ito mga karaniwang catapults. Mas malaki, makapal, at mas makapangyarihan sila kaysa sa karaniwang catapult. May tatlong dinagdag na axle bilang suporta, may malaking spring para panulak, ang saklaw ay mas malayo kaysa 400 talampakan. Ang saklaw nito ay mas malaki ng dalawang beses kaysa sa karaniwang catapult.

Isang sundalo ang nakatayo sa taas ng pader ng syudad na puno ng pawis ang kanyang noo. Ang kanyang mata ay puno ng nakakabaliw na antisipasyon. Nakahawak ng patalim, sumigaw siya at pinutol ang tali na pinipigilan ang kamay ng catapult! Ang pag-ingit ng spring ay narinig, habang ang catapult ay umaksyon. Sa mga nanonood na nakanganga, isang malaking bato na kasing laki ng panggiling ay pinalipad sa ere. May malaking sabog na tumama ito sa dalawang sumusugod na kabalyero. May malakas na irit, tumalikod ang mga kalaban para lang makita na hindi lang mga sundalo nila ngunit mga kabayo din ay nadurog sa isang madugong putik.

"Mabuhay ang master! Woooo!" Sa pader ng syudad ng Chidu, sumabog ang kagalakan ng mga tao. Simula nang nahuli ng hukbo ng Xia, ito siguro ang tanging oras na naramdaman nila na baka manalo nga sila sa labanan.

Sa ilalim ng napaka makapangyarihan na makinarya ng digmaan, walang makakapanatili ng pag-iisip nila. Kaliwa't-kanan na tumingin ang mga sundalo sa isa't-isa, at nakalimutan pa nga na ipagpatuloy ang pagsugod nila. Ngunit, ngayon nag-umpisa ang totoong bangungot. Ang buong hanay ng catapult ay sabay-sabay na tumira, tapos ay ulan ng malalaking bato ang bumagsak mula sa taas.

Ang tanawin na iyon ay mala-impyerno. Kung anong mga tinira ng mga catapult na iyon ay hindi lang karaniwang malaking bato. Mga gilingan sila mula sa mga bahay, makakapal na posteng kahoy ng mga bahay, o kahit libong mga tisang bubong.

Dosenang mga sundalo ang tinamaan ng malaking bagay, at sa malapitang pagsusuri, mapagtatanto nila na isa itong istatwa ng lion na kadalasang nakalagay sa harap ng malalaking sambahayan! Walang baluti o kalasag ang makakadepensa laban sa ganoong sandata. Nagkapira-piraso ang mga patalim, habang ang mga sibat ay naging isang pangsiga na lang. Bumagsak ang hukbo ng Xia sa mga panudla na ito habang ang mga sundalo ay naging isang madugong putik ng dugo at laman!

Nang makita iyon, namula ang mata ni Zhao Yang, habang hinablot niya sa kwleyo ang opisyales ng weapon logistics at sumigaw sa mukha nito, "Anong sandata iyon? Bakit ang layo niyang makatira? Bakit napakabilis niya? Sabihin mo!"

Ang opisyales na iyon ay tumatanda na kung saan ang buhok nito ay nagsisimula nang mamuti. Sa kahirapang huminga, nahirapan siyang magpaliwanag, "Patawarin niyo ako! Patawarin niyo ako, Kamahalan! Hindi ko talaga alam!"

"Walang kwenta!"

"Kamahalan, hayaan niyong umatras ang mga sundalo! Sa puntong ito, ni hindi man lang tayo makakalapit!" nakangiwing lumapit si Situ Jing.

"Hindi! Walang aatras!" Puno ng paghatol ang mata ni Zhao Yang, habang malamig siyang nag-utos, "Ang sinong umatras kahit isang hakbang ay mapaparusahan ng kamatayan!"

"Sugod!" Desperadong sigaw ng hukbo ng Xia.

Malapit sa kastilyo, ulan ng palaso ang tumagos sa kanilang pinagmamalaking kalasag. Mas malayo, ang dagundong ng mga bato ay maririnig. Sa ilalim ng kalangitan na ito, irit ng kamatayan ang tanging boses na maririnig. Ang isang salungatan na ito ay nagtagal ng tatlong araw at tatlong gabi. Sa bukang-liwayway ng ikaapat na araw, ang mga sundalo ng syudad ng Chidu ay hindi makapaniwala sa nakikita nila habang ang hukbo ng Xia ay magulong nagsitakas. Ang mga piling sundalo ng Chidu at mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison ay napaluha sa galak habang sabay-sabay na nagkasayahan.

"Umatras na ang hukbo ng Xia! Wala na sila!" Mga alon ng lubos na kagalakan ang kumalat mula sa pader.

Nakaupo si Chu Qiao sa loob ng punong tanggapan at nagbabalangkas pa rin ng utos. Bigla, narinig ang balita mula sa harapan, ang babaeng ito na hindi pa nakakatulog sa nakalipas na tatlong araw at tatlong gabi ay nanigas. Diretsong nakaupo, ang nagliliyab na araw na nililiwanagan ang mundo ay pinagmukha itong tila isang panaginip.

"Master! Master! Wala na ang mga sundalo ng Xia! Nanalo tayo!" Nakasuit ng pangmensaherong kasuotan, madaling pumasok si Pingan habang masayang ipinakita ang kanyang sandata na kalahati ng tangkad niya. Ngunit sa pasukan, natigalgal siya. Ang unang bagay na nakita niya ay si Chu Qiao na tahimik na nakaupo sa may lamesa na may lubhang kalmadong ekspresyon, bukod na may malinaw na luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.

"Master! Master!" Di nagtagal ay nagdatingan din ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison. Pinunasan ang kanyang luha, tumayo si Chu Qiao, bumalik ulit sa desididong pinuno na kilala siya. Naglakad palabas ng pinto, isang alon ng palakpakan ang sumabog. Sundalo man o sibilyan, nagkumpol sila sa kanya habang masayang binalita ang sitwasyon.

Naiintindihan niya ang kagalakan nila dahil ang ganoong kahanga-hangang gawa ay sapat para ipagmalaki. Hinarap ang 200 libong piling mga sundalo nang hamak na sampung libong sundalo na hindi mahusay ang mga kagamitan, nawalan sila ng kulang 200 tauhan bukod sa naunang 3,500 na sundalong pinadala. Sa kakaunting kawalan na iyon, nakapatay sila ng higit 50 libong kalaban at nasira ang 17 na pagsalakay. Dahil doon, ang Southwest Emissary Garrison ay maililista bilang isa sa piling pangkat sa kontinenteng ito. Ang labanan sa Chidu na ito ay habang buhay na maitatala sa kasaysayan bilang isa sa pagbabago sa mga kampanya ng hilaga!

Nang gabing iyon, habang nagpapahinga ang dalawang hukbo, hindi nakibahagi si Chu Qiao sa kagalakan ng mga opisyal na iyon. Alam niya na ang pagkatalo ni Zhao Yang laban sa kanya ay dahil hindi lang ito pamilyar sa mga taktika niya at makabagong makinarya. Simula sa susunod na mga araw, iaayon niya ang mga taktika niya, at magiging imposible na makakuha ng madaling pagkapanalo simula noon.

Isa pa, ang opisyales ng Weapon logistic ay kakaulat lang. Sa malubhang laban, higit 300 pangkat ng Paitian Crossbows ang nasira. Iyon ay higit sa tatlong-kapat ng buong armas. Higit kalahati ng mga palaso ang nagamit. Para naman sa mga catapult, habang ang nasirang catapult ay maaayos, ang buong syudad ay tigang na. Bukod sa mga sunog na kalderong naiwan. Kakaunti nalang ang balang naiwan sa syudad. Sa unang banda, karamihan sa mga sandatang nandito ay ginawa at inipon sa pagmamadali habang inantisipa ni Chu Qiao na ang Chidu ay magiging maistratehiyang lokasyon. Katulad ng inaasahan, talagang nakatulong ang mga sandatang ito.

Hinilot ni Chu Qiao ang kanyang sentido habang napasimangot siya sa mapa. Ilang beses niyang ikinonsidera ang ilang paraan ng depensa. Tahimik na pumasok si Pingan sa silid at pinalitan ang tsarera ng tsaa. Nang makitang ang uling sa pugon na namatay na, madali niya itong pinalitan ng bago.

"Pingan, anong oras na ngayon"

Nag-angat ng ulo ang bata at sumagot, "Master, ika-siyam na ng gabi. Magpahinga ka hangga't maaari, dahil hindi pa kayo nakakatulog ng ilang araw na."

Nahihirapang panatilihing mulat ang mapula niyang mata, tumungo si Chu Qiao sa lamesa at sinabi, "Gisingin mo ako kapag ika-11 na ng gabi."

"Masusunod."

Hindi pa nagtatagal nang nakatulog siya, isang mahalagang tawag para sa atensyon niya ang dumating. Naiiritang bumulong si Pingan, "Kakatulog lang ni Master. Anong kailangan niyo? Hindi ba kayo makapaghintay hanggang madaling araw?"

"Pingan, papasukin mo sila."

"Master Chu!" Apat na batang sundalo ang pumasok sa silid, habang ang pinuno ay lumapit at nagpaliwanag, "Kami ang tauhan ni Lady Yu. Natanggap ni Lady Yu ang mensahe mo at pinadala kami."

"Natanggap ni Lady Yu ang mga sulat ko?" Maligayang napatayo si Chu Qiao. "Anong sinabi niya? Kailan niya kami mapapadalhan ng dagdag na kawal? May mga detalye ba tungkol sa pagposisyon?"

"Master, walang sinabi ang binibini. Sinabi lang niya na kailangan mo agad na tumungo sa syudad ng Lan, at may mahalagang bagay siyang kailangang talakayin sayo."

Napasimangot si Chu Qiao tapos ay marahan siyang nagtanong, "Anong sinabi mo?"

"Master, sinabi ng Binibini na madali kang tumungo sa syudad ng Lan para talakayin ang importanteng bagay." Maingat na inulit ng sundalo ang kanyang mga salita.

Tumango si Chu Qiao, "May sinabi pa ba siya?"

"Wala na, master." Sagot ng sundalo.

"Ah, sige. Sandali lang. Aayusin ko ang mga gamit ko." Tumango si Chu Qiao. "Pingan, halika, dalhin mo dito ang kapa ko mula sa silid ko."

Napasimangot si Pingan, ngunit nakakagulat na matalas ang isip niya dahil wala siyang sinabi at tumungo sa pinakaloob na silid. Sa oras na ito, isa sa mga sundalo ang dinakma ang braso ng bata tapos ay nag-angat ng tingin at sinabi, "Master, hindi na kailangan iyan. Naihanda na namin ang lahat. Makakaalis na tayo ngayon."

Ngunit sa isang kisapmata, umunat ang braso ni Chu Qiao. Sa isang mabilis na kislap, isang lalagyan ng tinta ang lumipad at tumama sa braso ng sundalong iyon. May malakas na pagkabasag, siguradong nabali ang buto ng sundalo, ngunit sa kabila ng labis na sakit, hindi man lang umaray ang sundalong iyon. Matalas si Pingan. May pag-ikot para iwasan ang ibang sundalo, tumalon siya sa labas ng bintana.

"Hulihin siya!" Nakita ng pinuno na nalantad na sila kaya nagdesisyon siyang tanggalin na ang pagkukunwari nila. Dumamba ang grupo kay Chu Qiao, at halata na dalubhasa sila sa martial arts.

Ang galaw ni Chu Qiao ay lubos na mabilis. Sa alog ng kanyang braso, ang patalim na nakatago sa kanyang braso ay nalaglag sa lupa. Sa isang iglap, tumusok sa mananalakay ang patalim. Ngunit dumaing lang ang lalaking iyon nang maiwasan nitong matamaan ang mahalagang parte ng kanyang katawan, at ang suntok ay tumama lang sa balikat niya. Tumulak si Chu Qiao sa lamesa, at sa paikot na sipa, sumipa siya sa tiyan ng isa pang mamamatay-tao. Lumipad paatras ang lalaki at tumama sa lagayan ng libro. Ang dalawang paso na nakalagay sa lalagyan ay bumagsak at nagkapira-piraso. Sa puntong ito, biglang bumukas ang pinto. Higit 30 gwardya ang nagsipasukan at sa ilang mabilis na galaw, napigilan nila ang mga mamamatay-tao. Ang mga ito ay naitalaga ni Yan Xun bilang sarili niyang gwardya. Si Song Qifeng, ang pinuno ng mga gwardya, ay lumapit at balisang nagtanong, "Master, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?"

"Ayos lang ako." Umiling si Chu Qiao at taimtim na sinabi, "Hindi nila ako sinubukang patayin." Lumapit, tumingin si Chu Qiao sa pinuno ng mga mamamatay-tao at nagtanong, "Sino nagpadala sa inyo?"

Mapait na ngumiti ang lalaki. "Narinig ko na bihasa talaga si Binibini Chu sa martial arts. Ngayon, matapos na maranasan ko ito mismo, masasabi ko na hindi talaga ito sabi-sabi lang."

"Sabihin mo sa akin ang totoo at ikokonsidera kong pakawalan ka."

"Master, lahat ng sinabi ko ay totoo. Kung hindi mo ako pinaniniwalaan, wala din akong pagpipilian."

Nalilitong napasimangot si Chu Qiao habang hindi mabilang na isipin ang dumaan sa isip niya. Lumingon siya kay Song Qifeng at nagtanong, "Sino ang nagpapasok sa kanila sa syudad?"

Hindi pangkaraniwan ang ekspresyon ni Song Qifeng habang tahimik siyang sumagot, "Hindi alam ng tagasilbing ito."

Kaliwa't-kanan na lumingon si Chu Qiao at biglang nagtanong, "Nasaan si Pingan?"

"Pingan?" Tanong ni Song Qifeng. "Hindi ko siya nakita."

"Hindi mo siya nakita?" Puno ng pag-aalinlangan ang mata ni Chu Qiao habang nakatingin siya kay Song Qifeng. Bigla, malumanay siyang ngumiti at sinabi, "Oh, baka humingi siya ng tulong. Baka tumungo siya sa Southwest Emissary Garrison at nagkasalungat kayo. Gusto mo bang pumunta tayo at tignan iyon?"

May whoosh na isang dosenang makikinang na patalim ang nakatutok sa kanyang leeg. Mapait na ngumiti si Song Qifeng at sinabi, "Dahil nahulaan mo na, hindi ko na kailangan pang magkunwari."

Naging napakalamig ng tingin ni Chu Qiao nang pinakawalan ni Song Qifeng ang apat na lalaki. Kung nakakapatay lang ang tingin!

"Master, patawad. Sumusunod lang si Qifeng sa utos. Kung mayroon mang nakapagpagalit sayo, patawarin mo ako."

Malamig at kalmadong nagtanong si Chu Qiao, "Kanino ka nagtatrabaho? Ang Da Tong Guild? O ang imperyo ng Xia?"

Magalang na yumuko si Song Qifeng. "Kapag narating na natin ang pupuntahan natin, maiintindihan mo rin."

Lumapit ang lalaki. "Naiintindihan ng tagasilbing ito na magaling talaga si Master. Wala talaga akong pagpipilian, kaya hinihiling ko ang kooperasyon mo." Nang masabi iyon, tinakpan niya ang mata ni Chu Qiao at binusalan bago tinalian, pinipigilan ang lahat ng galaw niya.

"Magsialis!" Utos ni Song Qifeng. Naglakad palabas ang mga tao. Hindi nagtagal, isang karwahe ang dumating. Isinakay si Chu Qiao sa karwahe tapos ay mabilis silang tumungo sa Hilaga.

"Tigil! Sino ka?"

Nakasakay si Song Qifeng sa taas ng kabayo niya at sumagot, "Ako ang pinuno ng pansariling gwardya ni Master Chu, at ito ang mensahero ng syudad ng Lan. Patungo kami sa syudad ng Lan. Ito ang patunay ni Master Chu."

Nang makitang si Song Qifeng ito, agad nagbago ang pakikitungo ng mga sundalo, "Ikaw pala Master Song. Sandali lamang, agad kong bubuksan ang tarangkahan!"