webnovel

Prince in the Other World [Romance]

Yveon Sid Baltazar has feelings for her childhood best friend, Grant Velasquez. Grant is a famous actor, singer and model who has an excellent reputation. Yveon never tried to confess her feelings to her friend, and she knows that it will just ruin everything and she's contented on what relationship they have now. Minseo Xin, a boy who lives in the other world, was a rule breaker. He's the next one to be the king of Hanyang Dynasty, but he doesn't like the idea of being in the throne that's why he does his best to make his father angry and let his brother Jun take the throne instead. His father- the current king of Hanyang, decided to send Minseo on the other world where Yveon and Grant lives and let his brother Jun take the spot of being the next king temporarily. What will happen if Yveon and Minseo meet? Does Grant will know what his childhood best friend feels for him? The feelings will be mutual or not?

Lunaaaaa_ · Fantasy
Not enough ratings
20 Chs

12

"I can't believe this. Kanina lang ay si Grant lang ang inaalala at inaalagaan ko. Ngayon naman dumagdag kapa, Triton. Kung bakit kaba naman kasi nagpaulan? Sira naba ang tuktok ng utak mo? Kahit kelan ka talaga!" sermon ko dito habang naka akbay ito sa akin at hinahawakan ko siya sa kaniyang bewang upang alalayan. Buti sana kung hindi siya mabigat, eh sobrang bigat naman niya.

Ano ba naman kasi ang pumasok sa isipan nito at nagpaulan pa sa labas? Meron pa naman siyang ilang oras para umalis at umuwi ng pagsarhan niya ito ng pinto. Bakit ba naman kasi bigla bigla nalang itong pupunta rito? At talagang nanatili pa sa labas kahit na ilang beses mo na siyang gustong paalisin?

"G-Gusto kitang... b-bantayan. Hindi ko alam at baka, m-manyakin ka ng gagong 'yan. Ayoko namang, m-mangyari 'yon sa'yo. Subukan lang niya, h-hindi ako mag dadalawang isip na p-patayin siya." saad nito kaya agad na nagsalubong ang kilay ko. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Ako, mamanyakin ni Grant? Baka siya pa manyakin ko.

"Kung ano anong sinasabi mo. Maupo ka muna diyan at maghahanap ako ng puwede mong masusuot sa mga damitan ni Triton." ani ko at agad na aalis na sana ng hawakan nito ang palapulsuhan ko at agad akong hinila, dahilan para mapahiga ako sa taas niya. Pakiramdam ko ay naging slow mo ang nangyari kaya agad na nanlaki ang mata ko.

Bumigat ang paghinga ko habang nakatitig ng malapitan sa mukha niya. Napakurap kurap ako. Napaka perpekto nga talaga ng mukha niya. Para iyong ginawa lamang o inembento.

"Napakaganda mo talaga, hahaha." saad nito habang mapupungay ang matang nakatitig sakin. Ang tawa niyang 'yon, napakagandang pakinggan.

Agad akong tumayo ng pumasok sa isipan ko kung anong ginagawa ko. Napalunok ako at napatitig sa kaniyang nakangisi habang nakatitig sakin, kahit pa ang mga mata niya ay kaunti nalang at babagsak na.

Napatalikod ako, "K-Kukuha lang ako ng damit mo." ani ko at agad na tumakbo papasok sa loob ng kuwarto ni Triton. Pagkasara ko ng pintuan ay agad akong napapikit at napahawak sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok niyon dahilan para mapayuko ako.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko tuwing nandiyan siya? Bakit ganoon? Ibang iba. Sa totoo lang kay Grant ko lang naman nararamdaman ang ganito dati.

Umiling ako at tinampal tampal ang pisngi ko. Hindi! Hindi dapat ganto! Si Grant ang gusto mo diba? Kay Grant ka lang may gusto. Ang lalaking yan, misteryo lang siya at siya ang kinaiinasan mo! Dapat hindi ganito ang nararamdaman mo!

Umiling nalang ako at napabuntong hininga atsaka pumunta sa drawer ni Grant para maghalungkat ng pupuwedeng maisuot ni Triton, "Anong nangyayari sayo? Bakit mukhang problemado ka? Nahirapan kaba sa pag aalaga sa akin? Ayos lang ako. Pupuwede ka ng umuwi." ani ni Grant na gising na pala.

Agad akong umiling iling sa kaniya at lumapit dito, "Hindi ah. Medyo ayos naba ang pakiramdam mo?" tanong ko at agad na pinatong ang kamay ko sa noo nito.

Ngumiti ito, "Oo. Medyo ayos na." saad niya kaya agad akong tumango.

"Y-Yveon! Ang damit! N-Nilalamig na ako!" sigaw ni Triton mula sa labas kaya agad na nanlaki ang mata ko at agad na nagtungo sa drawer ni Grant para magtingin ng masusuot.

"Sino 'yon? Ba't may ibang tao dito sa loob ng bahay?" tanong ni Grant ngunit nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng masusuot. Nanlaki ang mata ko ng makitang mga brief ang nandoon kaya agad kong sinara at naghanap sa closet niya.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo. Mahabang kuwento." ani ko at kinuha na ang shorts at damit na nakita ko at agad na lumabas na doon at nagtungo kay Triton.

"Kaya mo bang magpalit? Tayo kana at magpalit kana ng damit upang dika lalong magkasakit. Stand up, will you? Anong gusto mo ako pa magpalit sayo? Stand up!" sigaw ko rito ngunit ngumisi lang ito at mapupungay ang matang tumayo. Inalalayan ko ito ng makitang nanginginig pa siya.

"Teka nga, maligo kana muna kaya? Baka mas lalo kang magkasakit kasi hindi ka naligo." ani ko rito pero umiling lang siya at hinablot na ang hawak kong damit at tuluyan niyang hinubad ang t-shirt niyang basa dahilan para mapalunok ako at mapaiwas ng tingin.

"Why are you here? When did i allowed you to come over here and wear my clothes?" tanong ng kabababa lang na si Grant kaya agad na nanlaki ang mata ko at tumakbo papalapit sakaniya upang alalayan siya. Nakabusangot ang mukha niya habang kunot ang kaniyang noo.

"Maayos naba ang pakiramdam mo?" tanong ko rito ngunit binalingan lang ako nito ng tingin sabay tingin pabalik kay Triton na ngayon ay komportable ng nakahiga sa couch.

"Get up! Go to your fucking home. You are not allowed here. Fuckers are not allowed on my home." mariing saad nito kaya agad akong napailing at hinawakan sa kamay si Grant.

"Grant, may sakit siya. Umulan kanina tapos nandoon lang siya sa labas at nanatili doon kaya naulanan siya at nagkaroon ng sakit. Pabayaan mo na muna siya rito. Kapag bumiti na ang pakiramdam niya puwede na natin siyang paalisin." pakiusap ko rito. Napabuntong hininga lang siya

"Grant, may sakit siya. Umulan kanina tapos nandoon lang siya sa labas at nanatili doon kaya naulanan siya at nagkaroon ng sakit. Pabayaan mo na muna siya rito. Kapag bumiti na ang pakiramdam niya puwede na natin siyang paalisin." pakiusap ko rito. Napabuntong hininga lang siya at binitawan ako atsaka nagtungo sa kusina kaya agad akong napangiti. Ang ibig sabihin lang noon ay pumapayag na siya.

Napalingon ako sa pintuan ng biglang may nag door bell kaya agad akong nagtungo doon at binuksan ang pinto, "Sino po sila?" tanong ko ng nakangiti at bumungad sa akin ang isang babae. Weird siya sa unang tingin. Paano ba naman, napaka weird ng suot niya.

"Sino po kayo? Anong kailangan niyo dito?" tanong ko dito ngunit tinitigan lang ako nito mula ulo hanggang paa kaya agad tuloy akong napakunot sa noo.

"Nasaan ang aking anak?" tanong nito dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Anak?"

"Oo. Si Triton."

"What? Ina niya kayo?!"

-

"Sabihin mo sakin anong nangyari ate! Bakit natagalan ka sa bahay nina Kuya Grant? Anong ginawa niyo ha? Nasaan si Kuya Triton? May nangyari ba?" sunod sunod na tanong ni Daya kaya agad ko siyang kinaltukan. Kung ano anong sinasabi. Hindi na talaga natigil ang bunganga.

"Walang nangyari. Atsaka isa pa. Ba't gising kapa? Anong oras na ah? Si Mama nasaan?" tanong ko.

"Wala na. Tulog na. May naiwang pagkain doon sa kitchen, kung gutom ka kumain ka doon. Nasira ang beauty sleep ko kaya sige na. Matutulog na ako." ani nito at agad ng umalis at nagtungo sa kaniyang kuwarto.

Nag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko iyong tinignan. Nag post si Carl kasama ang mga kateam namin sa dance crew na nanalo sila ng first place kaya agad akong napangiti. Hineart ko 'yon at nag comment.

'Congrats fam! Keep up the good work! Sayang nga lang at wala ako diyan! Mas maganda siguro kapag nandiyan ako, hahahaha!'

Mabilis namang nagreply ang iba kong mga kateam kagaya nina Ate Stephanie, Carl at George.

Stephanie: 'Atleast ikaw nag enjoy ka sa date ninyo ng crush mo! Kuwento naman diyan!'

Carl: 'Sus. Sigurado ako ikaw naman ang kilig na kilig ngayon.'

George: 'Kamusta ang date ninyo noong nakaraang araw? May namumuo naba? Balitan mo kami ah?'

Napailing ako at minabuti ng hindi magreply sa mga sinasabi nila. Nakakakilig ba 'yong nag alaga ka ng dalawang pasyente. Ay oo nga naman, nakakakilig iyong nakakasama mo siya tapos. Agad akong nag blush ng maalala ang paglapit ng mukha ni Grant sa akin ngunit agad din iyong napalitan ng eksena namin ni Triton kaya agad akong napailing.

Ano ba namang iniisip ko?

"I'm home! May sakit ako pero nakuha mokong iwan at mauna kana sa pag uwi! Grabe ka." ani ni Triton na kadarating lang at agad na umupo sa harapan ko at kumuha ng pagkain niya.

"Sus. Ba't hindi mo sinabi sakin na may Ina ka pala? Ang sabi mo samin ni Mama wala kang maalala pero meron na pala!" ani ko at agad itong natawa.

"Anong bang pinagsasabi mo diyan? Hindi ko siya Ina."

"Edi ano? Ba't ang sabi niya Ina mo siya? Deny ka pa!"

"Isa siyang... kakilala. Basta 'yon na 'yon. Hindi naman siya mahalaga. Kumain nalang tayo." ani nito kaya agad ko siyang inirapan at kumain nalang rin ako.

"Nga pala, thank you sa pag aalaga sakin. Ang sarap ng soup na ginawa mo. Gumawa ka ulit non ha. Gusto kong matikman ulit." ani nito kaya agad akong napayuko.

Ano ba 'tong nangyayari sakin?

Ang mga dapat hindi ko maramdaman nararamdaman ko sakaniya. Ang mga nararamdaman ko dati kay Grant nararamdaman ko narin sa kaniya? Ano ba 'tong nangyayari sakin?

"Y-You are welcome. Sopas lang 'yon! Lahat ata ng tao marunong non!" ani ko atsaka kumain nalang.

"Marunong gumawa, pero hindi kasing sarap ng ginawa mo." ani niya at tinitigan ako sabay ngiti.

Wow. Napakaganda pala ng ngiti niya. Teka nga, kelan ko pa nagustuhan ang ngiti niya?

Aish! Oo na, maganda nga ang ngiti niya! Ano naman ngayon?

Nanatili ang katahimikan saming dalawa at maya maya ay binasag niya rin agad 'yon.

"Kapag ba sinabi ko sayong hindi ako kagaya mo at hindi ako nakatira sa mundong 'to. Maniniwala kaba?" tanong nito sa akin kaya agad akong natawa.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Na hindi ka nakatira dito sa mundo ng mga tao? Baka pinaniniwalaan mo 'yang mga nababasa sa mga libro na fictional. Hindi totoo ang mga 'yon, maliwanag ba?" ani ko ngunit nanatili ang seryosong titig nito sakin.

"Yveon."

"Oh?"

"Hindi ako tao."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at agad nanaman akong natawa. "Nag bibiro kaba? Grabe hahaha!"

"Hindi ako nagbibiro." natigil ako sa pagtawa ng sobrang lakas ng mag salita siya ng sobrang seryoso.

Teka, ano bang pinagsasabi niya?

"Anong hindi ka tao? Ano ka alien?" tanong ko dito.

Umiling ito, "Hindi ako kagaya niyong mga tao. Ilang libong taon narin akong nabubuhay ngunit hindi dito sa mundo niyo. Nakatira ako sa ibang mundo." ani nito kaya agad akong napa iling.

Uminom na ako ng tubig at tumayo na, "Kung ano ano ng sinasabi mo. Kumain ka nalang tapos iligpit mo na 'yan at matutulog na ako. Matulog kana rin at baka masama lang

Uminom na ako ng tubig at tumayo na, "Kung ano ano ng sinasabi mo. Kumain ka nalang tapos iligpit mo na 'yan at matutulog na ako. Matulog kana rin at baka masama lang ang pakiramdam mo kaya mo nasasabi 'yan. May pasok pa tayo bukas. Gumising ka ng maaga, maliwanag ba? Goodnight!" ani ko at nagtungo na sa loob ng kuwarto ko.

"Anong sinasabi niyang hindi siya tao at ilang libong taon na siyang namumuhay ngunit hindi rito sa mundo ng mga tao? Ano 'yon may iba pang mundo bukod sa earth? Dapat nga talagang matulog na siya at baka nababaliw na ang utak niya." ani ko at ginawa lahat ng routines ko sa gabi.

Kinabukasan maaga din kaming nagising at maaga palang ay handa na kami ni Triton upang pumasok. As usual, si Daya tulog parin at humihilik. Ano ba namang aasahan mo sa babaeng 'yon, tulog mantika ang babaeng iyon eh.

"Yveon, bakit ba ayaw mong maniwala sakin? Totoo nga ang sinasabi ko. Maniwala ka naman. Hindi ako tao, okay? Ilang libo narin ang taon ko at nakatira ako sa ibang mundo!" ani nito kinukulit parin ako sa sinabi nito kahapon.

Tumango nalang ako rito, "Oo na. Kunwari naniniwala na ako." ani ko at agad itong umiling, inirapan ako at hindi na ulit nagsalita.

"Tara na. Pumasok na tayo at baka mahuli pa tayo sa klase. Baka ipagkalat mo rin sa school na hindi ka nakatira dito ha? Aakalain nilang baliw ka at pagtatawanan ka lang nila." ani ko at binuksan na ang drivers seat.

"Kapag ba, pinatigil ko ang pag galaw ng nasa paligid natin maniniwala kana sakin?" ani nito kaya agad akong natigil at tumingin sakaniya sabay krus ng kamay ko sa bandang dibdib ko.

"Sige nga. Gawin mo, maniniwala lang ako kapag nagawa mo nga." ani ko at agad itong tumango. Pumikit ito at medyo itinaas ang kamay at pinagalaw mula sa kanan papuntang kaliwa kaya agad na napataas ang kilay ko. Wala namang nangyayari.

Nagmulat ito at naguguluhang napatingin sakin, "Bakit ayaw? T-Teka lang." ani niya at ginawa ulit 'yon ngunit walang nangyari kaya agad na akong napailing at binuksan na ang drivers seat.

"Tama na yan, pinagloloko mo lang ako eh. Pasok na at ng maaga tayong makapasok ngayon." ani ko at agad na binuhay ang makina ng sasakyan.