webnovel

Primrose in Wonderland

[COMPLETED] Rich kid. Bugnutin. Spoiled brat. Ganyan mailalarawan ang young businessman at head ng Constantine manor na si Primus. Everything went just fine until one day, he found himself chasing a white rabbit in the woods which brought him into a strange land called Wonderland, a place surrounded by forest and strange circus where people can find 'true happiness'. Mahanap kaya ni Primus ang kaligayahan kung siya ay nasa katawan ng isang babae? Started: March 28, 2020 Finished: April 17, 2020 ©Copyright 2020 All rights reserved

Avaaaaxx · Fantasy
Not enough ratings
17 Chs

X - Deadly Truth

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Primrose's POV

Sino ang tinutukoy ni Chesire? Sino ang mamamatay makalipas ang tatlong araw?

As a matter of fact, it's none of my concern to find out more about their mission. But something's bothering me. I have this strange feeling na kilala ko ang subject sa topic nila at labis akong nababahala para sa taong 'yon.

Kay raming rebelasyong nasiwalat sa loob lamang ng dalawang gabi at kabilang na ang totoong pakay nina Cheshire at Four-eyes sa pag-infiltrate nila sa circus. If my guess is correct, Cheshire is carrying the name Greta and Four-eyes' real name was Wilfred.

Pagka-alis ni Wilfred ay dali-dali kong nilapitan si Greta. "Cheshire!" tawag ko.

Mabilis niyang itinago ang lumang libro sa kanyang likuran. "What now, Primie?" mataray niyang sagot sa akin.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at diniretso ko na siya agad. "Totoo bang mga grim reaper kayo?"

Nagulat pa siya noong una subalit bumalik din sa pagiging seryoso ang mukha ni Greta. "Hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng mga matatanda, bata."

"I'm no longer a kid," I insisted. "Just answer my damn question. Grim reaper ba kayo?"

"What if I say yes? Isusumbong mo ba kami kay Happy? Ibubuking mo rin ba sa kanyang isa akong babae na nagpanggap na bakla para maitago ang totoo kong pagkatao?" Nilabas niya ang isang sickle na nakatago sa red coat nito.

"No," I answered. "May gusto lang akong linawin. Sino ang nasa to-die-list mo? Ano 'tong kasalanan sa 'yo ni Wilfred to the point na kailangan niyang bumawi sa 'yo?"

"Well, since you're already here, there's no reason to hide it. Pero bago ang lahat, lilinawin ko lang na labag sa patakaran ng ahensya namin ang ipakita sa mga tao ang laman ng to-die-list ng isang grim reaper. Sa halip, sasabihin ko na lang kung sino siya since you deserve to know the truth behind your true identity."

True identity?

"Anong ibig mong sabihin?" sinagot niya ako sa pamamagitan ng bulong. Greta whispered the name of that person and I couldn't believe what she said to me. "Quit toying with me, Greta! How is that possible? I'm Primus Constantine!"

"What if I told you na hindi ikaw si Primus Constantine?" Ano bang pinagsasabi nito? All this time, alam ko sa sarili kong ako si Primus. From the day my mother gave birth to me, until my last day in real world. This is who I am! I'm not anyone else!

"Greta's right," sabi ng lalaki sa likod ko. Si Wilfred. Bumalik siya.

"Four-eyes? What is this? Ano ba talaga ang totoo? Naguguluhan ako! Kung hindi ako ang nasa to-die-list niyo, sino?"

"Let me introduce myself. I am Wilfred Takaeda and this woman over there is Greta Velarde. We are trainees from Grim Reapers Association. For some reason, we were assigned to collect the soul of Primus Constantine after three days on December 14 at twelve noon."

"What? I-I don't understand..."

Wilfred fixed his glasses before he speaks. "Naging parte ka ng eksperimento ng legendary grim reaper na si Adrian Bartram in cooperation of Primus two years ago. From what I heard, he helped Primus to escape from the tragedy he had been through. Takot harapin ni Primus ang bagong yugto ng kanyang buhay bilang tagapag-mana ng Constantine kung kaya't naisipan niyang tumakas at gamitin ka.

"Primus used your dead body to replace your cinematic record with his. Kung hindi ka aware, a cinematic record is a recollection of a person's memories. Dito namin tinitignan kung dapat pa bang mabuhay ang isang tao o dapat nang kolektahin ang kanyang kaluluwa.

"You are the first test subject of Adrian's experiment or better known as the Bartram Experiment. Base sa pagkakaalam ko tungkol sa method na 'to, posibleng kinopya ni Adrian ang cinematic record ni Primus at inilagay niya sa 'yo pagkatapos mong mamatay. Of course, to prevent the 'end' to your record, he probably added some fake memories to your cinematic records. Iyan ang dahilan kung bakit sa loob ng dalawang taon ay inakala mong ikaw si Primus."

My tears starts to fall. Nanginginig kong tinitigan ang palad ko. Hindi ako makapaniwalang nangyayari sa akin ito ngayon! "A-All this time, nabubuhay lang ako sa kasinungalingan?"

"You should be grateful. According to my research, posible kang naging bizarre doll or moving corpse sakaling pumalpak ang experiment. I don't know what happened but it seems like a miracle to you," aniya.

I grabbed his fancy coat. "Tell me, who the hell is Adrian? Where is he? I wanna talk to him!"

"I can't tell you," he said. "And if ever you find out who he was, he wouldn't do anything to restore everything you lost."

"Bakit niyo ako pinaglaruan? Bakit ako?!"

He took my hands off him. "Isa lang ang makakasagot sa tanong mo. Find Primus and talk to him. But I don't think it will stop you from whatever might happen in the future."

"What do you mean?" I asked.

"Since you're a copy of Primus, your life depends on his existence. Oras na mamatay si Primus, awtomatiko ring titigil ang puso mo."

My knees fell on the ground before I grab the tip of his pants. Kita kong bumagsak ang aking mga luha sa kanyang pantalon.

"Wilfred, please. Baka naman may paraan pa para maligtas ako? Even though my life for the past few years is just a lie, I'm still thankful because I met those people who made my days memorable at gusto ko pa silang makasama. I'm begging you, please!"

"Helping you isn't part of my job. Estudyante lang ako but I'm afraid there's no help for it. After all, you would be beneficial to the world someday. I wasn't sure about this since I'm not Adrian but it's your decision if you want to take it or not. Immortality. That is the only way I see to prevent you from dying."

Wilfred left me alone as well as Greta. Mag-isa akong naglulumpasay sa damuhan, gulong-gulo ang isip, hindi malaman ang gagawin. Bakit kailangang mangyari sa akin 'to kung kailan may rason na para ako'y mabuhay?

However, hindi ko kayang tanggapin ang advice sa 'kin ni Wilfred. Balang araw, nais kong magkaroon ng katahimikan subalit hindi ngayon! Gayon pa man, kung isasawalang-bahala ko ang kanyang payo, maaari kong ikamatay dahil magkadugtong ang buhay namin ni Primus. He shared me his life at 'yon ang kinakapitan ko kaya hangga't ngayon ay buhay ako.

"Oh, my. Of all places, why do we have to reunite here?" That voice. I knew it was her. Inangat ko ang aking ulo nang sa gano'n ay makita ko ang taong nagmamay-ari ng tinig na iyon. All of a sudden, she pulled off her face. Her disguise. "Miss me?"

"So it's you. Ikaw ang totoong Primus? Why?" Umiiyak kong tanong. Gusto kong marinig ang lahat mula sa kanyang bibig.

He sat and grabbed my chin. "Because I find you useful. Wanna know why I left the manor and asked my grim reaper friend to put my life into yours? Bueno, simulan natin ang kuwento. Matapos ang aksidente, nawala sa 'kin ang parents ko and I have this fear na mabalewala ang heritance nina Mama at Papa. I can't handle things especially the candy company at my very young age.

At nang makilala kita, naisip ko, bakit hindi kita gawing substitute habang ako, mabubuhay sa mundong walang pasakit? Sa mundo kung saan natagpuan ko ang kasiyahan na tulad ng naramdaman mo ngayong nandito ka? Kaya lang, may problema. How would it possible if you're still alive? You know what's surprising is you died after five days and we took that chance to bring you back to life, not as your old self, but as Primus Constantine."

Pinahid ko ang mga luha ko ngunit patuloy pa ring nanlalabo ang aking mata. "You used me for your own sake? How could you do this to me?"

"I don't care about you so don't make yourself feel important. At ngayong sawa na ako sa Wonderland, oras na para balikan ko ang dati kong buhay. Hinintay ko lang talaga ang tamang panahon na kaya ko nang patakbuhin ang kumpanya at salamat sa 'yo dahil hindi ako nagkamali sa desisyong pinili ko."

"Walanghiya ka! Hayop ka! Pinaglaruan mo lang ako! Sinira mo ang buhay ko!"

He laughed like a mad man. "Your life is nothing without me, idiot. Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa 'kin because you're just a piece of trash na basta kong pinulot sa daan, Cecilia Phantomhive."

"C-Cecilia? My name is Cecilia?"

"Yes and since wala ka nang pakinabang sa akin, oras na para dispatyahin kita. A few days from now, you will be sentenced to death at wala kang magagawa kundi magmakaawa. Kaya kung ako sa 'yo, matulog ka nang mahimbing at sulitin mo na ang huli mong mga gabi sa mundong ibabaw. Hahaha!"

Hindi ko kinaya lahat ng narinig ko sa kanya. Matapos ang mga pinagsamahan namin sa circus ay ito ang igaganti niya sa akin. Ang sakit, sobrang sakit! Naging instrumento ako ng isang duwag - takot harapin ang bukas at matapos niyang makuha ang gusto ay saka niya akong itatapon sa basura kung saan niya ako pinulot.

Lahat ng mayro'n ako ay siya ring mawawala maski si Jude, 'yong tatlo kong servants at sila Happy 'pagkat 'di akin ang buhay na ito at binabawi na sa 'kin ng totoong may-ari. Ibig ko mang ipagpatuloy ang buhay na nakagisnan ko, mukhang malabo na 'yong mangyari pa.

༺༻

Judas' POV

Nasaksihan ko ang pagharap ni Primrose sa katotohanan. Malayo ako mula sa damuhan pero naririnig ko siyang umiiyak, nagmamakaawang bigyan siya ng pagkakataong makita pa ang bukang-liwayway pagbalik niya sa realidad. Awang-awa ako sa sinapit ni Primrose sa kamay ng grim reaper at ng taong nanamantala ng kanyang kahinaan.

According to Four-eyes, Primus' life will end after three days but Primus made a plan to escape his fate. Sa pagkakaintindi ko, si Primrose ang ihaharap niya kay Kamatayan sa halip na ang sarili niya mismo.

Anong karapatan nilang gawin 'to sa babaeng maha--uh, I've been thinking about her lately and everytime I see her face, my heart tickles me and my life turns upside down. Strange for a 215-year-old vampire like me to fell in love with a nuisance brat like her.

Cecilia Phantomhive. What a lovely name. I'll keep it to my mind.

"Hey, Judas! Nakikinig ka ba? Ang sabi ko, may darating tayong bisita sa susunod na tatlong araw at ang utos nito ayon sa liham na kanyang pinadala ay tayong mga first-string members ang gagalaw this time."

Sa lalim ng iniisip ko'y hindi ko namalayang tinatapik na pala ako ni Happy. Kasalukuyan akong nasa tent ni Happy at nagme-meeting kaming mga primary performers. "Kayong tatlo nina Primrose at Four-eyes sa tea and potato dish--nga pala, nasa'n ang partner mo?"

"S-She..." I need to lie. "She's tired and exhausted kaya pinagpahinga ko muna."

"I hope she gets better. Anyway, Barbara and Cheshire for table setting, at dahil wala na si Dorofey, Peter, you will be my escort in cooking dishes. Any questions?"

"Please excuse me." Nagtaka ako nang biglang magpaalam si Barbara na aalis. Hinatak niya ako sa labas.

"What's the matter?" tanong ko.

"You're lying. I know something's going on. Wala si Primrose sa tent niyo at nasa panganib ang buhay niya. Hahayaan mo na lang bang mawala siya sa 'yo?"

"W-What are you trying to imply?"

"Alam kong siya ang laman ng puso mo, Kuya Judas. Kung mahal mo si Primrose, gagawa ka ng paraan para manatili siya sa tabi mo. Save her before it's too late. Ayokong makita kang magsisi sa huli dahil wala kang ginawa para iligtas siya.

"Be her shield until the very end. Hindi man kami naging malapit sa isa't isa, nakita ko kung ano ang naging impact niya sa 'yo. Lalo kang lumakas at 'yong ngiti sa mga labi mo noong nasa stage ka? Si Primrose ang nagbigay n'on at labis kong pinasasalamatan 'yon. If she dies, your life will never be the same. May oras pa. Patunayan mong karapat-dapat ka para sa kanya."

My sister is right. Primrose changed me for real. I don't smile, really. Ngumiti man ako, 'yon ay isa lamang pagkukunwari. Siya ang nagbigay ng totoong ngiting sumiil sa mga labi ko. Hindi sapat na mailayo ko siya sa bingit ng kamatayan. I will repay her for any cost, even my own life.

Magmula no'ng makilala kita, nagkaroon ako ng panibagong buhay kasama ka.

"Thank you, Barbara. I'm not going to waste this time."

༺༻

M

atapos ang usapan namin ni Barbara, bumugso ang malakas na ulan kasunod ng hangin na humahampas sa buong kagubatan ng Wonderland. May mga tent na nasira at may ilang nakatayo pa rin. Sinilip ko si Primrose sa tent namin ngunit bigo ko siyang mahanap. Matapang kong sinuong ang bagyo upang hanapin si Primrose.

Until I found her outside, lying on grass. She's wet and seems unconscious so I quickly returned to the circus where our tent is waiting for us.

Hiniga ko siya sa kama at pinalitan ang kanyang damit. Mabuti na lang at hindi siya nilagnat kahit nabasa siya ng ulan. Iniwan ko siya saglit para kumuha ng pagkain sa kusina at pagbalik ko, gising na siya.

"Glad you're awake," sabi ko sunod na hinawakan ang kanyang noo. "You might catch cold if I didn't come and fetch you. Here, have something to eat."

"I don't want to eat," sambit nito. Inilayo niya ang mangkok na may lamang pagkain. "I want you."

"I'm confused. You want me?"

"Yes, for the last time, Judas." Her hands. She's cupping my face and she's getting closer. "Can I have your lips before I leave?"

Ako naman ang humawak sa magkabila niyang pisngi. "No! You're not leaving me, you understand? As long as you breathe, you're mine! Only mine!"

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. I kissed her. I pressed my lips against her at ramdam ko ang tamis ng kanyang mga labing matagal ko nang inaasam-asam na hagkan. Her taste is exquisite than any food in this world. It's a unique experience, kissing a young maiden while sharing this tiny bed of hers. Susulitin ko ang mga oras na magkadikit ang mga labi namin.

Naging malalim ang halikan naming dalawa. Kusa siyang tumutugon sa halik ko at gustong-gusto ko 'yon. I lay on top of her with my hands on her face, caressing it like my most valuable possession.

Primrose suddenly released from my kisses, caused me to feel unsatisfied. "I want to end this now."

Her eyes are pleasing me to do something that'll change the game. "Are you sure?"

"Yes. Put an end to this right now."

Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. "As you wish, my lady."

━━━━━━━༺༻━━━━━━━