l"AHHHHH!!!!"
"Barbie?" Pagulat na sambit ni Kenny kaya dali-dali syang lumabas ng room nya para tignan kung bakit nasigaw si Barbie.
Knock... Knock...
"Barbara, anong nangyayare? Open the door!!!"
Click!
Pag bukas ni Barbie ng pinto pumasok agad si Kenny "what happen? Napano ka? May daga na naman ba?"
"Wa-- Wala... Pe... Pero."
"Ano? Mag salita ka!"
"A... Ano yang suot mo?"
"Ha?"
Nalimutan kasi ni Kenny natanggalin ang headband nya na nilalagay nya kapag nag hihilamos sya ng mukha. At ang design nung headband ay bunny.
"Pfft... Did you always wear that bunny thing in your head?"
Napatingin si Kenny sa taas at nakita nyang suot pa nga nya yung headband na bigay ng daddy nya kaya dali-dali nya itong tinanggal.
"Heh! Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng ganito? Si... Si Uno, oo nagamit rin sya ng ganito. Tsaka... Tsaka, bigay ito ni daddy sakin may problema ka? Ha?!"
"Wala! Dami mong sinasabi cute nga eh pahiram ako minsan ha?"
"Cu-- Cute?"
"Oo di mo kasi naitatanong mahilig ako sa rabbit may rabbit ako dati kaso wala na sya... Namiss ko tuloy si Ken."
"Ken?"
"Oo Ken yun ang pinangalan ko sa rabbit ko. Ah! Ngayon ko nga lang naalala minsan tawag ko sa kaniya Kenny. Wow! Tapos biglang eto ka name mo Kenny. Di kaha reincarnation ka niya?"
"Baliw! Matanda lang ako sayo ng one year maka reincarnation ka naman diyan! Anyways, bakit ka na naman nag sisigaw agang aga. Buti nalang naka alis na si daddy kung andito pa yun baka mag panic pa."
"Ah, ano kasi ganito nag open ka na ba ng phone mo?"
"Di pa? At bakit?"
"Napaka old fashion mo talaga. Anyways, ganito tignan mo ha."
Ipinakita ni Barbie ang phone nya kay Kenny at sunod-sumonang notifications na natatanggap nya sa social media nya.
"Anong meron?"
"Ano? Haysss! Kainis ka talaga! Were instant celebrity na!"
"Ha? Bakit?"
"Haysss! Malamang gawa dun sa ginawa nating commercial at photoshoot kay Ms. Desa."
"So?"
"Anong so? Sikat na nga tayo ayaw mo nun? Lalo kang magiging sikat sa mga students ng AGA."
"Ano namang paki ko? Bilisan mo na diyan malelate na tayo."
"Okay lang yan mas maangas nga kung late tayo para may grand entrance."
Kenny bonked her "tumigil ka! Di pa man din lumalaki na agad yang ulo mo! Di ganyan ang tinuro satin ni daddy mas mabuti ng maging low key kesa maging overwhelmed dahil baka mamaya bumagsak ka agad."
"Tsss! Oo na po. Labas na mag bibihis na ko."
"Naligo ka na?"
"Ayoko maligo ngayon masakit puson ko eh ang lamig."
"Why didn't you tell me? Sana naka pag painit ako ng tubig mo pampaligo."
"Di na, natatamad talaga ko maligo pag may period ako. Pero wag ka maingay na di ako naligo ha? Wag kang epal!"
"Tsss! Madalas ka naman talagang di naliligo! Diyan ka na nga!"
"Humph!"
Pag sara no Barbie ng pinto sabay sambit ni Kenny ng "bakit feeling ko naging close kami bigla ni Barbara?" then he smiled and pumasok na rin sa room nya.
Habang nag aayos naman si Barbie "bakit parang okay lang sakin na sabihin ko kay Kenny ang about sa period ko? Hayssss!!! Eh ano naman di ba? Ewan! Maka pag bihis na nga at baka iwanan pa ko ng mokong na yon."
"."
At gaya nga ng inaasahan ni Barbie para silang may pa grand entrance sa pag pasok nila ng gate ng AGA sakto pang may training nun sila Thew at Baron kaya lumapit ito sa kanila dalawa ni Kenny. Kaya para tuloy silang mga nasa korean drama series na kapag papasok na ang nga bida sa school ay pinagtitinginan at may pa spotlight at slowmo effect pa.
"Wow! Para pala talaga silang mga artista." Sabi ni Uno na nakita na papalapit sa classroom nila yung apat bilang kaklase nya nga pala ang mga ito.
"Sino?" Sabi ni Gaile na naki tayo na rin sa may pintuan ng classroom nila kasama sila Dana at Sam.
"Sino pa edi yung apat na diyosa ng commercial." Sagot ni Sam at napatingin na nga rin sila Gaile at Dana sa tinitignan nung dalawa at pati na nga rin ang mga kaklase nila na tinatanaw rin yung apat mula sa classroom nila.
"Ang ganda ni Barbs lalo together with the boys." Sabi ni Dana.
"Tsss! Kahit wala yung tatlong kulugo na yon maganda si Barbie." Sabi ni Gaile.
"Sus! Pero nakita nyo ba yung behind the scene ng photoshoot nila? Grabe ilang views na agad ilang araw palang." Sabi ni Uno.
"Yeah. I saw it na nasa 1.5M na nung nakita ko." Sambit naman ni Dana.
"Talaga? Last ko na kita kahapon ata 1M? Ang bilis!" Sabi ni Sam.
"Syempre, kasama nila si Barbie natural lang na madami talaga ang views nun." Proud na sabi naman ni Gaile.
"Para namang sure na sure ka na sikat talaga si Barbie ah." Sambit naman ni Uno.
"Ah, actually alam kasi namin ni Gaile na nasa Manila palang si Barbs eh famous na talaga sya. Right Gaile?" Sabi ni Dana.
"Aha!"
"Anong ibig nyong sabihin?" Sabi nila Uno at Sam.
"Isa lang namang child star si Barbie kaya natural lang na madaming maging views ang bts nila." Ang proud na sambit ni Gaile.
"Correct! Dati na kasing tvc model si Barbie nung bata sya nabanggit nya yun samin ni Gaile." Pag sangayon naman ni Dana.
"Talaga?" Sabay sambit na naman nila Uno at Sam.
"Oo, siguro madami na ang nakalimot pero sa Manila normal lang kay Barbie ang maraming fans. Honor students kasi sya at queen bee." Sabi ni Gaile.
"Ehhh?" Reaction nung dalawang boys.
"Si Barbie Queen Bee?" Pagulat na sabi ni Uno.
"Well, maganda naman kasi talaga sya dito nga sa klase natin sya lang ang walang make up pero ang angas parin ng bare face nya para syang ipinanganak na totoong barbie doll." Sabi naman ni Sam.
"Anong naka make up? Gusto mong sapakin kita?" Pagalit na sambit ni Gaile.
"Chill lang Gaile. Joke lang yon syempre pangalawa ka sa pretty bare faces dito sa klase natin syempre si Barbie ang una queen bee nga sya di ba sabi nyo? He... He..."
"Pano naman ako? Natural look lang naman ang make up ko lagi powder lang at lip balm lang naman nilalagay ko." Sabi naman ni Dana na para bang nag tatampo kay Sam.
"A... Ano kasi..."
"Syempre ikaw talaga ang number one sa puso nya. Di ba Sam?"
"Hoy Uno!!!"
"Ahem! Pasok!!!"
"Problema mo naman Quinley? Wag mo kaming paandaran sa pagiging class monitor mo." Sabi ni Gaile na bahagyang tinulak si Quinley dahil di nya makita si Barbie.
"Aba't! Did you just pushed me?"
"Bakit? May angal ka?!"
"Wa-- Wala naman sasabihin ko kang sana na may teacher's meeting kaya okay lang na tumambay kayo diyan sa pintuan."
Gaile smirked "pumasok ka na nga lang."
"O-- Oo papasok na nga."
Bahagyang bumulong naman si Uno kay Quinley "wag mo kasing ginagalit ang lion."
"Narinig ko yon Uno!!!" Pagalit na sambit ni Gaile.
"Ha? Sabi ko maupo na ka ko si Quinley.
"Tsss!"
"Bieeeee!!!" Pag sa lubong naman na sambit ni Dana at niyakap si Barbie.
"Morning!"
"Morning din congrats sa inyo ah."
"Oo nga mga pre galing nyo." Sabi ni Uno na si Kenny naman agad ang sinalubong.
"Congrats mga bro, Barbs." Sabi naman ni Sam na nilapitan naman eh sila Baron at Thew.
"You okay Bie? Namumutla ka." Sambit ni Gaile sa mahinang boses.
"Yeah. Okay lang ako medyo malamig lang ang panahon kaya nilalamig ako."
"Ah... Buti naka jacket ka."
"Um."
Nakatingin naman si Kenny dun sa dalawa at medyo nag aalala kay Barbie dahil nga medyo namumutla ito.
"."
Pagtapos ng klase nila ng pang umaga nag punta si Kenny at Barbie sa office ni Bruce para doon kumain ng lunch. Dahil nga marami ang gustong mag pa picture sa kanilang dalawa pinatawag sila ni Bruce para doon na kumain. Samantala, yung dalawa naman nila Thew at Baron ay sa varsity room kumakain though they can handle the students na gusto mag pa picture pero normal nalang naman sa kanila yon. Dahil sikat naman na talaga sila sa nga students noon pa man.
"Mamaya pupunta dito si Ms. Desa pagtapos ng klase nyo sa hapon kakusapin niya kayo about sa another photoshoot." Sabi ni Bruce kila Barbie at Kenny habang nananghalian sila.
Napatingin naman si Kenny kay Barbie dahil nanahimik lang ito at parang wala sa mood.
"Ahm... Dad, pwede bang ipagpabukas nalang yung meeting namin with Ms. Desa?"
"Hmm? Pero hindi ba okay lang naman sa inyo yun? Kung ako ang inaalala mo okay lang naman sakin dahil forte naman na rin yun ni Barbie. Right nak? Dati ka na ring tv commercial model?"
"Ah... Opo."
"Pero dad wala sa kondisyon si Barbie ngayon."
"Ha? Bakit? May masakit ba sayo nak?"
"P-- Po? Wala po okay lang ako. Ano ba yang sinasabi mo Kenny pinagaalala mo si Uncle."
"Anong pinagaalala eh maputla ka nga at mukhang nanghihina ka rin kaya paano ka naman naging okay?"
"Bie anak, wag mong pilitin ang sarili mo kung di mo kaya. Gusto mo bang mag kagalit kami ng mommy mo kapag nalaman nyang pinababayaan kita?"
"P-- Po? Nako hindi po!"
"Kaya sige na, mag pahinga ka na muna ngayong araw sasabihin ko nalang kay Ms. Desa na sila Kenny, Thew at Baron nalang muna ang i-meeting nya."
"Dad is right I will tell you nalang mamaya kung ano ang sasabihin nya."
"Okay..."
At matapos nga ang afternoon class nila Barbie may sumundo kila Kenny, Thew at Baron kasama si Ms. Desa para sa isang interview.
Nang makarating dun sa lugar kung san gaganapin yung interview nilagyan muna ng make up yung tatlo at habang nilalagyan sila nag uusap usap sila about kay Barbie.
"Nag aalala ka kay Barbie?" Tanong ni Baron na pinag gigitnaan nila Kenny at Thew habang nilalagyan sila ng make up for their interview.
"Ingay mo." Sagot ni Kenny.
"Tssss! Bakit ko pa nga ba tinatanong eh oo lang naman ang isasagot mo."
"Tahimik!"
"Aysos! Kunwari pa halata naman di ba Thew?"
"Heh!"
"Problema nyong dalawa at ang init ng mga ulo nyo."
"Ready na po in 15minutes." Sabi nung isang staff.
Pinuntahan naman ni Desa ang tatlo nyang alaga.
"Boys, after 15mins. papasok na kayo dun sa loob para sa interview. Basta tandaan nyo just be yourself wag kayong kabahan. Okay?"
"Yes po Ms. Desa."
"Good, sayang lang at wala si Barbie ngayon pero hayaan nyo na pag okay na sya tsaka na ulit kayo mag sama-sama para sa isang interview may susunod pa naman dito kaya wag kayo mag alala."
"Salamat po sa concern Ma'am." Sabi ni Baron at ganoon din yung dalawa na nahihiyang makipag usap kay Ms. Desa.
"No worries, because from now on ako na ang Tita Desa nyo ang mag aalaga sa inyo sa industry na ito. Kaya mag tiwala sana kayo sakin."
"Yes po." Anila.