webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · Teen
Not enough ratings
94 Chs

Chapter 65: Leaderboard

Gabi na at napansin ni Barbie na hindi sya masyadong kinakausap at pinapansin ni Kenny simula pa kanina...

"Hey, do you have extra eraser? Pahiram naman." Sambit ni Barbie kay Kenny na nasa sala at busy mag basa ng libro.

"Sa bag ko, just get it."

"Okay...Ahm..."

"What? If you have something that you need just get into my room andoon naman ang bag ko!"

"Tsk! Ano bang problema mo? Kanina ka pa ganyan ah!"

"What? I'm just stating the fact! Fine, kung ayaw mong kunin akong kukuha mahal na prinsesa!" He closed his book and when he about to go... Barbie stopped him.

"Teka!"

"Ano na naman?!"

"Tell me, what's wrong with you? Simula nung kinausap ko yung twins di mo na ko kinausap ng ayos. May nagawa ba ko na ikinagagalit mo?"

"Wala, bakit naman ako magagalit kung kinausap mo yung twins lalo na yung si Bum?! Wala akong pakialam! Parating na si Daddy I will get the eraser for you may aayusin pa ko."

Hindi naman na naka imik si Barbie na mag punta nalang sa terrace.

"Tsss! Tatanungin nya pa kung bakit ako nag kakaganito? Napaka manhid mo talaga Barbara!" Ang naiinis na sambit ni Kenny habang na akyat sya ng hagdanan.

In the meantime,

Habang nasa study room si Mr. Tang andoon rin naman itong si assistant Drei na nag abot ng tsaa...

"Really? Ginawa yun ni Bum kay Barbie?"

"Opo Director, at natuwa nga po si Miss. Barbie eh nung natanggap nya po yung ballpen na bigay ni Sir Bum."

"Ohhh... So, mahilig pala sa ganun si Barbie? Mag pagawa ka pa ng mga ballpen, notebook etc. na may nakalagay na name niya. Includes her bag pack gusto ko white yung bag then gold yung embroidered na name nya."

"Po?"

"Hindi ba ang sabi mo natutuwa si Barbie sa ganun kaya gusto ko syang bigyan."

"Pero Director, hindi nyo po pwedeng gawin yon dahil mapapatanong ang anak nyo kung bakit nyo sya binigyan ng ganung mga kagamitan. Tapos magiging issue pa yon gusto nyo bang maging problema pa yun ni Miss?"

"Well, you have a point... Sige umisip ka ng pwedeng maging alibi para mabigyan ko si Barbie ng walang magiging issue."

"Hmmm..."

"Gusto kong ibigay sa kaniya ang lahat ng gusto nya kaso hindi ko magawa..."

"Alam ko na po!!!"

"What?"

"Sa darating na Ms. and Mr. AGA..."

"Oh ano?"

"Dun nyo po ibibigay ang gusto nyong ibigay kay Miss."

"Hmm? Paano?"

"Ano po kasi... May survey na ginawa ang student council para sa event na yon at nangunguna po si Ms. Barbie sa survey bilang Ms. AGA 2020."

"Kasali sya?"

"Ahm... Actually, hindi po sya ang sumali isinali po sya ng mga taga suporta nya."

"Eh? Paano yon? Gusto ko ring suportahan ang anak ko kahit di nya alam."

"Wait lang po hahanapin ko lang po yung site gagawa na din po ako ng dummy account nyo para maka pag vote kayo."

"Okay I'm ready."

Habang ginagawan ng account ni Drei si Mr. Tang ipinaliliwanag nya dito kung paano gagamitin ang site/app na yon.

"Actually Sir, pinirmahan nyo nga po yung plan ng mga SC para don eh kaso masyado kayong busy kaya di ko na po uli na banggit na nasa line up na po si Ms. Barbie."

"In the future, when it comes to her just tell me everything I will support and help her no matter what it is."

"Yes Sir."

At napansin ni Drei na naging pangawala na si Barbie sa leaderboard.

"Hala!"

"What happened?"

"Ano po kasi Sir, kailangan talaga ni Miss ng tulong nyo kasi top2 nalang po sya."

"What?"

Kinuha naman agad Mr. Tang ang phone kay Drei "sino itong si Ellaine? How dare she surpassed my daughter?"

"He... He... chill lang po Sir, kapag naman nag vote na kayo sure akong hindi na malalagpasan si Miss."

"Sige na, give her virtual gifts as much as possible na hindi na mahahabol ang points ni Barbie."

"Opo Sir."

"And that Ellaine, who is she? Do you know her background? 17M? I think may dummy account din yan para manalo sya. For sure naman ang Barbie ko hindi sya gagawa ng dummy account nya para I ito ang sarili nya."

"Yes Sir, actually ayaw po talaga ni Miss na sumali at wala po syang pakialam sa ganyan pero no choice sya kasi may mga sumusuporta sa kaniya at nabalitaan ko po na kapag nanalo sya gusto nyang i-share sa kaklase nya yung ma kukuha nyang pera. And for that Ellaine girl anak po sya ng isa sa mga nag dodonate parati sa AGA kaya feeling kung sino. Nakaaway po sya ni Miss pero syempre hindi sya nanalo."

"That's my girl! Do everything para manalo si Barbie mabait syang bata kaya deserve nya ang maging Ms. AGA at namana nya yon sa mommy nya."

"Pero Sir, mabait rin naman po kayo tumutulong nga po kayo sa mga nangangailangan eh."

"Pero masasabi kong kay Amanda nya namana yon dahil iniwan ko silang mag ina kaya hindi ako karapat dapat tularan."

"Pero Sir, hindi nyo naman kasi alam na may anak kayo kay Madam."

"Drei, wag mo ng ipilit. Gawin mo nalang yang ipinag uutos ko. Siguraduhin mong hindi na sya mahahabol ng Ellaine na yon. She dare to bully my Baby? Huh! I got my daughter's back!"

"Yes Sir, leave it to me!"

***

Last day na ng twins at ng iba pang mga journalist sa AGA kaya naman si Mr. Tang mismo ang huli nilang inenterview sa opisina mismo nito sa Academy.

"Oh? Hindi ba may last interview kayo? Bakit andito pa rin kayo sa classroom?" Ang sabi ni Barbie pag balik nya galing library.

Break time pa ng mga oras na yon kaya ang halos lahat ay wala sa kani-kanilang classroom.

"No need, we know a lot from the Director." Sagot ni Bam.

"Hmm?"

"We are related to him."

"Talaga?!"

Nakiupo naman si Barbie na para bang interesadong interesado...

"Um. He is our Uncle." Sagot ni Bum.

"Ehh?"

"Aha, he is our mother's brother." Sabi ni Bam.

"Ohhh... kaya pala may common resemblance kayo."

"Like you?"

"Bam!"

"Hmm? Like me?"

"Ah... Ha... Ha... Ha... wala, wag mong pansinin yang si Bam."

"Why? She is medyo singkit rin naman ah. Do you have Chinese blood or something?"

"Nako, wala... 100% akong may dugong Filipino."

"Ohh... really..."

"Um. Singkit ba ko? Alam nyo konti lang nakakapansin na singlet ako. Hehe... parang di naman kasi malaki kaya ang mata ko."

"No, you're singkit like us you don't have nga double eyelids eh. You are like uncle Jeron's eyes not that big and not that maliit."

"Bam!"

"Ano naman? I'm just saying lang naman. Why are you mad ba? Eh ayos lang naman kay Barbie. Right?"

"Ye— Yes okay lang naman sakin. Pero sino yung uncle Jeron nyo? Sya ba yung Director?"

"Um. Do you want to see him?"

"Bam!!! What the heck are you talking about?"

"Ah... Eh... it's okay Bum pero ayoko nakakahiya kasi. Isa pa Director sya ng Academy eh kayo naman mga pamangkin nya. Okay lang na makita ko sya sa malayuan. Hehe..."

Bam rolled her eyes to her brother na ang sama ng tingin sa kaniya.

"Ah! Ngayon na nga pala ang last day nyo dito, tara?"

"To where?" Sabay sagot nung dalawa.

"Basta sumama nalang kayo. G?"

"G!"

At nakita naman ni Kenny yung tatlo na papalabas ng classroom nila.

"Hmm? Kasama na naman ni Barbie yung kambal?" Sabi ni Uno na kasama si Kenny.

May dala pa man ding sandwich at milk tea si Kenny pero nawala na sya sa mood at ibinigay nalang kay Uno.

"Eh? Pre! Kay Barbs ito di ba?! Kenny!!!"

"Sayo na!"

"Sighhh... tinotoyo na naman sya."

Hinabol naman ni Uno si Kenny...

"Pre!"

"Ano?!

Kinuha ni Kenny ang book nya at nag basa sa kaniyang upuan.

"Mag babasa ka na lang?"

No comment lang si Kenny but inside he is pissed off.

"Sa tingin ko lang ano, feeling ko may crush yung twins kay Barbie. Lagi nilang gustong kasama lang eh sya."

"Tahimik!"

"Pre, sundan mo kung nag seselos ka."

"Ano?!"

"Tsss! Wag kami ni Gaile. Alam naman naming hindi mo talaga pinsan yang si Barbie."

"Shhh... wag kang maingay!"

"Chill pre. Wag kang mag alala mag kukunwari pa rin kaming wala kaming alam. Pero bakit mo sinabi sa lahat na pinsan mo sya? Ayan nahihirapan kang tuloy."

"Yeah. Kahit sila Thew at yang si Baron alam na."

"I knew it! Kaya ba nakiki pag paligsahan sila sayo?"

"Oo, at may pustahan pa kami."

"Pustahan? Sa darating na Mr. and Ms. AGA ba? Wag kang mag alala malaki naman ang lamang mo dun sa dalawa."

"Mahirap maging kampante lalo't nag balik na yang si Baron."

"Sa bagay, malakas din talaga ang kupal na yun eh kagabi top2 sya sa leaderboard at halos maabutan ka na nga pero 10k naman ang lamang mo. Tignan nga natin ngayon."

At tinignan nga nung dalawa yung leaderboard para sa Mr. AGA at laking gulat nila na si... "Aljon na ang TOP 1?" Sabay nilang bigkas.

"What the f? Paanong nakahabol ang isang yon? Nasa top 5 lang yun kagabi eh at naungusan ka pa?"

"Iba ang kapit ng anak ng President hindi na nga dapat pa tayong magulat."

"Teka lang, sumusuko ka ng agad?"

"Well, at least kung yan ang mananalo mas okay na kesa isa kila Thew at Baron. Mas hindi ko matatanggap!"

"Pero paano yung si Aljon? Ayos lang? Pre, hindi pa natin kilala ang ugali nun."

"Yah... Let see, after all anak sya ng President."

"Pero pre nalimutan mo na ba nung camping? Hindi ba parang may something sya kay Barbie."

"Hmmm?"