webnovel

Priceless Memories

"Life is a beautiful collage of priceless moments and memories, which when pieced all together create a unique treasured masterpiece." - Melanie Moushigian Koulouris -

lilastra_ · Teen
Not enough ratings
19 Chs

Chapter Eight

Chapter 8

AKALA KO ay nakatakas na ako sa kabayo, pero mali pala ako. Hinahabol niya na ko!

Letse kasi ang liit ng bias ko!

Malapit na ko sa room, malapit na ko!!!!

Ipinikit ko ang mata ko at humiling. At nang buksan ko ito ay ganun nalang ang gulat ko nang makita si Ken sa harapan ko.

"I told you, this is mine." he came near to me and whispered those words that sent shivers in my body. He pulled out the lollipop inside my mouth, and what's the most ridiculous thing he'd done?!!

SINUBO NIYA YUNG LOLLIPOP KO!!!

I heard some exaggerated gasps inside.

Shocks! Nasa pintuan pala kami!

Ang akala ko ay magugulat si Ken at ibabalik sakin ang lollipop ko pero hindi, prente siyang naglakad pabalik sa upuan niya habang subo subo ang lollipop ko samantalang ako ay hindi magawang humakbang.

Lupa, pakilamon na ko please.

"KATE I SAW IT!"

"You saw what?"

"Kayong dalawa ni Ken! Yung lollipop mo na subo subo, kinuha niya! Owemjiii!" napatakip ako sa tenga sa lakas ng tili ni Faith.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa library. Paano kasi inutusan kami ni Mr. Jojo na kuhain yung Physics Book niya, kasi nakalimutan niya.

Minsan talaga nakakainis mga teacher na mahilig magutos e.

"Ano bang nangyari nung nasa Dean's Office kayo ha Kate?" pangungulit niya.

Huminga ako nang malalim at saka ikinuwento sa kanya yung gyera namin ni Ken sa Dean's Office at hanggang sa maka-alis kami. Hindi ko na nga lang isinama yung pagkaka-akap sakin ni Ken. It creeps me out!

"E bakit niyaaa sinubooo e nasaaa bibig mo naaa?"

"Ewan. Sa kaniya daw yun e." dinukot ko sa bulsa ko yung lollipop na isa.

"Okay lang sayo?"

"Oo, di naman laway niya yung natikman ko. Ew."

"Haha. Mahilig ka rin pala sa lollipop. Cute." she commented before we open the door in the library room.

"Excuse me? What section are you?" someone behind us speaks.

Lumingon kami at magalang na ngumiti.

"Grade Twelve Astra, Ms."

"Oh." she raised her eyebrow while looking at us.

Is she judging us?

"What do you need?" nauna siyang maglakad.

"Mr. Jojo wants us to get his Physics Book that he left here." I uttered.

"Follow me."

Patuloy lang kami sa paglakad hanggang sa huminto kami sa may tapat nang isang hagdanan, patungo sa panibagong palapag.

"Akyatin niyo yang hagdan na yan. Tapos hanapin niyo yung pinto na may nakalagay na thirty-four nandon yon." she said, and then left us.

Nasa loob na kami ngayon nang room na sinasabi nung librarian. Hindi ko mapigilang mapahanga sa dami ng librong nakikita ko. How I wish I could have those.

"Shet? Pano natin mahahanap sa daming libro nato!?" Faith.

Saka ko lang bigla naalala 'yung pakay namin dito. Bakit nga ba naman kasi kami pa yung pinahahanap dito, anong silbi niyang librarian?

"Hanapin nalang natin. Walang magagawa kung magrereklamo pa tayo."

"Kate ang daming Physics Book dito! Saan dito yung kanya?!" tiningnan ko lahat ng libro, pare-pareho silang lahat ng front page at year, pero sigurado akong iba-iba yung topics na nakasaad dito.

"Let's find the unique one."

Few minutes had passed at may nakita kaming isang green na book at imbis na subject ang nakalagay ay pangalan ni Mr. Jojo ang nakasulat. Binuklat namin yun at napag-alamang isa rin yun Physics Book.

"Eto na siguro yon. Tara na, baka magalit satin si Sir."

"Ang tagal niyo naman! Pinakuha ko lang yung libro diba?!"

Hingal na hingal kami dahil tinakbo namin to.

"Baliw ka pala Sir e, ang dami dami mong libro tapos fourth-floor pa room namin!" Kate and Faith have the same thoughts.

"Akin na nga yang libro." pahablot niyang hinatak ang librong hawak ni Faith.

Pinigilan ko ang sarili kong huwag mag-make face. Pero hindi ko nagawa. Buti nalang at nakatalikod na'ko sa kaniya.

"Sir, I think this girl in front of me wanted to say something about what you had said." Ken uttered.

Bwisit ka!

"What is it Ms. Kate huh? Are you disrespecting me?!" I turned my gaze at him.

"No Sir I am not. Maybe Mr. Ken was just imagining things. Look, Sir, I am far away from him. How can I talk to him and say those things?" napatango nalang si Sir bilang pag-sangayon. Hinarap ko si Ken nang makalapit na ko sa upuan ko.

"Masyado kang pakielamero." usal ko at saka umupo.

"Hello Kuya?" tugon ko sa kabilang linya. Kakagising ko lang mula sa pagtulog kaninang hapon. It's six pm in the evening.

"Katelyn ano 'tong sulat na pinadala sakin ng Dean? Paparusahan ka daw? Anong klaseng parusa? Anong kamalditahan na naman ba ginawa mo?" tuloy-tuloy niyang tanong.

"Kalma nga kuya!" mababakas ang pagkainis ko sa tono. Nang huminahon siya ay saka ko lamang ipinaliwanag ang lahat ng nangyari.

"Masyado ka kasing maldita Katelyn, baguhin mo na yan. Siya nga pala bukas ay baka wala ako, marami pa akong inaasikaso."

"K." I replied and ended the call.

Buti naman. Gusto ko talagang nasosolo lang ang bahay. Walang maguutos sakin, walang manenermon. Señorita ako sa mga oras na yon.

Thank you Lord, walang salot!

Napabuntong hininga na lang ko saka muling bumalik sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. Ngunit nang ipinikit ko na ang mga mata ko ay biglang sumulpot ang itsura nung aswang na pinanood ko kagabi.

Binabawi ko na! Hindi rin pala masayang mag-isa tapos matatakutin ka pa!

Kuyaaaaaaa!