webnovel

PRAETERITI 1785

Paalala: Ang mga salitang ginamit ay purong pagsasalin lamang sa wikang espanyol at latin. Ang pagkakatulad ng mga pangalan, lugar at pangyayare ay nagkataon lamang at nagmula ang lahat sa malikot na imahenas'yon ng manunulat. Ang istoryang ito ay purong kathang-isip lamang. Ang istoryang ito ay hindi nakabase sa totoong pangyayare sa panahong 1785. --- Paano kung ang mga babaeng nagmula sa modernong taong 2021 ay mapadpad sa taong 1785? At ang pag-ibig na matatagpuan ay susubukin ng oras at panahong ginagalawan? Ang nakaraan na nakasanayan ay biglang mag-iiba dahil sa kapangahasan. This is the story of Elise, Eve and Nathlie and their journey in year 1785. "Tapusin ang nasimulan, gampanan ang nakaraan." - Zeine Le signore

ZEINE · History
Not enough ratings
4 Chs

CHAPTER 1

"Shhh!"

Inis na sen'yas ni Eli at Nath ng biglang tumunog ang isang bangko sa library.

"What? hindi ba pwede napatid lang? Aray huhu"

Mangiyak ngiyak na bulong ni Eve ng samaan s'ya nang tingin ng dalawa.

"Can you more be careful Eve? Pag tayo nahuli wala kang libre sa'kin ng one month"

Pagbabanta na sabi ni Nath na ikinanguso naman ni Eve.

"Shh Can we just find the book?"

Singit na sabi ni Eli

Bakit ba sila nasa library?

This three girls trespassing the library just for a Book. Matagal na kasing bali-balita na sa lumang library na ito, may mahiwagang libro na nagpapakita ng kakaiba sa tuwing sasapit ang alas dose.

At dahil sa curiousity at pagnanais na malaman kung totoo ba iyon, walang ano-ano, pinasok nila ang library ng dis oras ng gabi.

"Hey the flashlight!"

Mahinang sigaw ni Eve nang mahulog ang flashlight na hawak niya.

"Pst! Baka may makarinig sa'tin n'yan!"

Inis na turan ni Nath

"Where's your cellphone?"

Tanong ni Eli dahil sa kanilang tatlo si Eve lang ang may dalang flashlight

"Lowbattery nga!"

Mabilis naman pinulot ni Eve ang kan'yang flashlight ng may mapansin s'yang isang libro

"Praeterita?"

Mahinang pagkakabigkas ni Eve.

"I think this is the book we're looking for."

Mabilis na dinampot ni Eli ang libro at umupo sa sahig kasabay ng dalawa.

"Praeterita? Ano 'yun?"

Naguguluhang tanong ni Eve

Mabilis na sinearch ni Eli ang meaning nito at laking pasalamat dahil may libreng wifi at hindi ito pinapatay ng may ari ng library kahit gabi.

"Ang nakaraan."

Mahinang bigkas ni Eli at unti-unting binuklat ang libro.

"What ano daw? Est scriptum in praeteritum ad opus?"

Nagtatakang tanong ni Nath.

"Ang nakaraan na kailangan masulat."

May bahid na pagtatakang sabi ni Eli ng mabasa nito ang meaning.

"Weird, but is this really magical? Mukha lang s'yang ordinary book."

Kumento ni Eve at hinawakan ang pahina nito.

"I agree, pero why not read it?"

Suggested by Nath

Inumpisahan nila itong basahin at makikita sa mukha nila ang pagkamangha at pag eenjoy.

"Ha? Bakit hindi 'to tapos?"

Takang tanong ni Nath na makitang naputol ang istorya sa libro at ang sumunod ay mga empty pages na.

"Check mo sa back!"

Eve said.

"Perficere principium actus praeteriti.."

"Hoy ano daw? Ano meaning nunn??"

Excited na sabi ni Eve

"Tapusin ang nasimulan, gampanan ang nakaraan?"

Bigkas na sabi ni Eli habang nakatingin kay Eve

"Ahm guys? The book.."

Kinakabahan na saad ni Nath.

Sabay nilang natuklasan ang liwanag na nang gagaling sa libro.

"AHHHHHHHHHHHHH"

sigaw na nagmula sa tatlo.

Isang mainit at malakas na pwersa ang kanilang naramdaman na parang humihigop sa kanilang mga katawan.

Sa isip nila siguro ito na ang kanilang katapusan.

- Zeine Le Signore