PARANG pakiramdam niya tinutukso siya ng mga labi ni Aria kaya sa huli ay hindi niya napigilan ang halikan ito. Isang mariin at makapangyarihang halik na naramdaman niyang tinugon ng asawa niya sa paraan na alam nito marahil na magugustuhan niyang.
"I'm sorry Love, gusto ko pa sanang bigyan ka ng mas mahabang foreplay pero masyado akong nasasabik na maangkin ka na muli ng buo," at kasunod ng mga salitang iyon ay ang tuluyan na nga niyang pag-angkin sa pagkababae ng kaniyang asawa.
Malakas na ungol ang naging pagtugon doon ni Aria. At katulad ng dati ay mahigpit siya nitong niyakap saka isinuko ang lahat ng mayroon ito sa kaniya. Hanggang sa tuluyan na nga nilang narating ang nasa dako pa roon ng kanilang pagtatalik.
"Ang bilis nun, nakakapanibago," ang tumatawang biro sa kanya ni Aria sa pagitan ng magkakasunod nitong paghingal.
Natawa ng mahina si James saka yumuko at hinalikan muli sa mga labi ang kaniyang kabiyak. "I'm sorry, babawi nalang ako sa'yo pagbalik mo galing ng Baguio," sagot niya hinila ang kumot saka na nahiga sa tabi ni Aria.
Nakangiting yumakap ng mahigpit sa kaniya ang asawa niya. "Okay lang, ano ka ba," anitong iniunan pa ang ulo sa kaniyang dibdib. "goodnight James," pahabol ng kaniyang kabiyak.
"Good night," sagot naman niya saka hinalikan sa ulo si Aria.
Kinabukasan, katulad ng nakagawian na nila ay maagang bumango sina James at Aria. Hindi maunawaan ni James ang nararamdaman niya pero hindi pa man umaalis ng bahay ang asawa niya ay labis na ang pangugulilang nararamdaman niya para rito.
"Oh, bakit?" tanong sa kaniya ni Aria na natawa pa ng mahina habang magkasabay silang kumakain ng hapunan.
Alanganin at malungkot ang ngiti na pumunit sa mga labi ni James habang mataman niyang pinagmamasdang ang napakagandang mukha ng kaniyang kabiyak. Ang mga mata nito ay tinitigan niya ng husto. Hindi niya maintindihan at hindi rin niya magawang aminin kay Aria pero kagabi pa talaga siya kinakabahan at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.
"Huwag nalang kaya akong pumasok ngayon? Ika-cancel ko ang meeting ko para masamahan kita?" aniyang hinawakan pa ng mahigpit ang kamay ng kaniyang asawa kasabay ng mas higit pang pagsikdo ng mas tumitinding kaba sa dibdib niya.
Amuse siyang pinagtawanan ng mahina ni Aria. "Ano ka ba James, hindi mo kailangang gawin iyon. Okay lang ako, promise," anito sa kanya na tumayo na matapos tuluyang tapusin ang pagkain.
Parang wala sa sarili na kusang napatayo narin si James kaya naman nagtataka siyang tinitigan ng kaniyang asawa. "Okay ka lang ba? Ano bang nangyayari sa iyo? At saka, tapos ka na bang kumain?" tanong ni Aria na pinaglipat-lipat pa ang paningin sa kaniyang mukha at sa iniwan niyang plato sa kabisera.
Tumango siya. "Oo naman, syempre gusto kitang ihatid hanggang sa labasan," well totoo naman iyon.
Ang problema, hindi niya magawang aminin sa asawa niya na kinakabahan siya sa pag-alis nito. Gusto niya itong samahan o pigilan pero mas nanaig sa puso niya ang katotohanan na ayaw niyang ipilit kay Aria ang gusto niya.
Ganoon naman kasi talaga siya. Simula nang pakasalan niya ito ay palagi siyang may respeto sa opinion at desisyon ng kaniyang mag-bahay. Dahil mahal na mahal niya ito. Pero sa pagkakataong ito, gusto niyang ipilit ang gusto niya. Kaya lang, ayaw niyang pagmulan iyon ng posibleng pagtatalo nila lalo na at napag-usapan na nila iyon nang ilang beses na.
"Okay," ani Aria na nakangiti pa. "ang weird mo, alam mo ba?" dugtong pa nito nang sundan niya palabas ng komedor.
Ngumiti lang si James saka inakbayan ang asawa niya.
Nagmistula siyang tuta na nakabuntot kay Aria nang mga sandaling iyon. Hanggang sa pagpasok nito sa kwarto ng anak nila para balikan si Jamie ay nakasunod parin siya.
"Ikaw nalang ang mag-goodbye sa Papa para sa akin ah?" matapos niyang ikarga sa likuran ng kotse ni Aria ang maleta nito.
Tumango lang si James saka kinabig ang kaniyang asawa at mahigpit na mahigpit na niyakap. Sa paraan na tila ba iyon na ang huling pagkakataon na mayayakap niya ito.
Pagkatapos ay niyuko niya ito at mariin na hinalikan. Katulad ng paraan na ginawa niya kanina, na para bang iyon na ang huling beses na mahahalikan niya ang kaniyang asawa.
"Mahal na mahal kita, higit pa sa buhay ko," ang nagawa pa niyang sambitin nang magpasya siyang pakawalan na ang mga labi ni Aria.
Matamis siyang nginitian nito kasabay ng malambing na paghagod nito ng tingin sa kaniyang mukha. Pagkatapos, katulad ng dati ay umangat ang kamay nito saka dinama ang kaniyang kaliwanang pisngi.
"Aalis na ako, tatawagan kita kapag nasa Baguio na ako," si Aria na binuksan na pintuan ng driver seat ng sasakyan.
Noon parang may sariling isip ang kamay ni James na hinawakan ang braso ng kaniyang asawa kaya napigil ang dapat sana ay pagpasok na nito sa loob ng kotse.
"James?" si Aria na natawa pa ng mahina.
Alam niyang totoo ang sinabi ng asawa niya kanina, weird ang lahat ng ikinikilos niya. Pero ang totoo, kahit siya hindi niya magawang ipaliwanag ang tungkol doon. Kung bakit siya nagkakaganoon.
"One last hug?" aniya sa nakikiusap na tono.
Noon nakakaunawang ngumiti si Aria saka siyang mahigpit na niyakap.
Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay ayaw na niyang pakawalan mula sa pagkakakulong sa loob ng kaniyang mga bisig ang kaniyang asawa. Dahil pakiramdam niya kapag ginawa niya iyon ay tuluyan na itong mawawala sa kaniya. At hindi niya iyon gustong mangyari. Dahil katulad narin ng sinabi niya rito kanina, mahal na mahal niya ang dalaga nang mas higit pa sa sarili niya.
"James, I have to go," ang halos pabulong na sambit ng asawa niya.
Sa pagkakataong iyon, kahit ayaw niya ay napilitan siyang ibigay kay Aria ang hinihingi nito. Ibinuka niya ang kaniyang mga bisig saka ito pinakawalan. At kasabay niyon ay ang pakiramdam na para bang kalahati ng pagkatao niya ang nawala dahil kinuha iyon sa kaniya ng kaniyang asawa.
Nang marinig niya ang pagsasara ng pintuan ng driver's seat ay noon tila natauhan si James.
"Bye," si Aria na kumaway pa sa kaniya.
Sinamantala ni James ang pagkakataon na iyon na hindi pa naitataas ni Aria ang salamin ng pintuan ng kotse nito.
Nilapitan niya ang kaniyang asawa saka mabilis na muling niyuko at hinalikan sa mga labi. "Bumalik ka sa akin, hihintayin kita," kung para saan ang sinabi niyang iyon, hindi rin niya alam dahil kusang nanulas ang mga salitang iyon sa kaniyang mga labi.
Nakangiting hinaplos ni Aria ang pisngi niya. "Huwag kang mag-alala, babalik ako sa'yo ng ligtas," paniniyak pa nito saka na tuluyang isinara ang bintana ng sasakyan.
Tahimik lang na inihatid ni James ng tanaw ang kotse ni Aria sa malawak na driveway ng kanilang masyon. Habang sa puso niya, naroon ang mataimtim niyang dalangin na sana, ang dahilan ng lahat ng takot na ito na nasa puso niya ngayon ay ang alam niyang pangungulila lamang niya para sa kaniyang asawa. Dahil iyon ang unang pagkakataon na mahihiwalay ito sa kaniya mula nang maikasal sila.
Sana hindi iyon katulad ng sinasabi ng iba na posibleng premonition tungkol sa kung ano. Dahil nakatitiyak siyang hindi niya makakaya ang sa ikalawang pagkakataon ay maiwanan ng babaeng pinakamamahal niya.