webnovel

Point of Safe Return

Faerie Elysia had it all figured out: school, self-love, talent, family, friendship, career, and love. She already thought through how she wanted her days to go and mapped out how she wanted to build a career of her own. She knew what she wanted, how to get it, and where to go. But life doesn't always go according to plan. Maybe she had it all planned, but the universe thought otherwise. Because if the two futures in the world are the future she planned and the future waiting for her- what future will she have?

kimermaid · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Simula

Hindi ko mahabol ang paghinga at halos hindi na ako makakuha ng sapat na hangin dahil sa haba ng tinakbo.

Kaya naman hinihingal akong yumuko nang makaabot sa bukid, pilit pa ring nagtatago kahit pa mas mataas naman talaga sa akin ang mga tanim. Patuloy ako sa pagtakbo kahit na mahapdi sa balat ang pagtama ng mga halaman sa binti at braso.

Sandali akong tumingala at nakitang nag-aagaw na ang dilim at liwanag, kinain ang sistema ko ng takot. Kaya naman hiniling kong may makasalubong sana akong kahit sinong magsasaka na nagpapastol ng alaga nila.

Binilisan ko pa ang pagtakbo at huminto lang sandali nang marating na ang dulo ng bukid, ilang hakbang na lang ay nasa main road na ako, tanaw ko na rin ang mga kabahayan. Lumingon ako sa pinanggalingan at nang makita sa malayo ang pamilyar na pigurang hindi tumigil sa pagsunod, muli akong tumakbo at lumiko sa maliit na kalsadang patungo sa Plaza.

"Faerie!" Sigaw ng pamilyar na boses pero hindi ako lumingon. Hindi ako huminto.

Nanginig ako sa takot, hindi na makapag-isip nang diretso dahil naupos na ang tapang sa haba ng tinakbo. Nanlalabo na rin ang aking paningin ngunit hindi ko inalintana ang luhang nagbabadyang bumagsak, inakyat ko ang bakurang pinakamalapit sa aking kinatatayuan at agad na nagtago sa mga halaman.

Ngunit nang marinig ko ang langitngit ng mga yapak sa batuhang kalsada, nanginginig kong binuksan ang pintong nasa loob ng bakuran. Dahan-dahan kong pinihit ang tarangkahan at tahimik na isinara ang pinto. Napaupo ako sa takot at panghihina. Tinakpan ang bibig habang lumuluha dahil sa takot na baka may ingay akong magawa.

Sumandal ako sa pintuan at tinahan ang sarili, pilit na kumakalma. Umaasang bumilis ang oras at sumapit na ang bagong umaga.

Dahil sa buong buhay ko, ito na yata ang gabing pinakamahaba.