Chapter 30: Dreams of Dread
Reed's Point of View
Hindi pa rin kami natatapos sa pagkain namin matapos umalis sa hapag-kainan si Haley. Dapat nga susunod ako dahil nag-aalala rin ako dahil sa biglaang pag-iiba ng mood niya pero tumayo si Sir Santos kanina't sinabing siya na ang bahala kaya wala akong nagawa kundi ang tanguan siya.
"Oy, kung 'di n'yo gagalawin 'yung Sundae, akin na lang." Tukoy ni Rose ro'n sa nag-iisang Sundae sa gitna.
"Yuck. Kaya ka tumataba, eh." Pang-aasar ni Aiz habang walang ganang nakatingin kay Rose gamit ang gilid ng mata niya. Hindi mataba si Rose, may sakto lang siyang katawan.
Tumayo si Rose at humarap kay Aiz tutal magkatabi lang naman sila 'tapos ay nagulat kami noong ipatong niya 'yung paa niya sa patungan ng paanan ng upuan. Humawak si Rose sa mga hita niya in a way na parang nang-aakit. Naka mini skirt lang kasi siya. "I know, right? Being THICC is a new sexy. Want to touch it?" Sabay hampas niya sa hita niya.
Nagbigay ng thumbs up si Jasper. "Nice thighs, Prez!"
Binigyan din pabalik ng thumbs up ni Rose si Jasper na may pag curl pa sa kayang labi. "Salamat!"
Inis na ibinaba ni Aiz ang paa ni Rose na nakataas. "Ano ba'ng ginagawa mo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Aiz at parang natakot bigla.
"Hoy, girls. Wala kayo sa lugar natin, huwag kayo magulo." Suway ni Ma'am Puccino.
"Eh, 'di ba parang mas okay lang naman, Ma'am? Kasi wala naman tayo sa lugar natin kaya walang makakakita sa 'ting kakilala." Biro ni Jin kaya aakto sanang babatukan siya nung titser namin.
Tinawanan ko na lang 'yung mga kasama ko bago ako mapatingin sandali kay Claire na tahimik lamang kumakain. Ang seryoso niya…
Iyan ang pinaka una kong impresiyon sa kanya kahit nung una pa lang. Kahit naman hanggang ngayon. Hindi kami close at hindi talaga kami masyadong nag-uusap, mukha rin namang hindi kami magkakasundo.
"Reed, medyo… weird itong sasabihin ko, pero curious talaga ako kay Haley." Namilog ang mata ko sa biglaan niyang pakikipag-usap sa akin. Kasasabi ko lang kanina na hindi kami masyadong nag-uusap, eh. Pero siguro hindi lang ako nag-iisip ng ganoon kaya kinausap na niya ako para may mapag-usapan. At nakakatuwang tungkol pa kay Haley.
Itinabi niya ang kutsara't tinidor niya sa gilid matapos niyang kumain. "Gaano na kayo katagal magkakilala si Haley?" Tanong niya sa akin. Bakit kaya niya bigla natanong si Haley? Hindi ba niya 'yon natatanong kapag magkasama sila?
"Hindi ako ma-curious na tao, but for some reason. May aura kasi si Haley na mapapatanong ka kung sino talaga siya dahil sa may bagay siyang nagagawa na hindi mo madalas makita sa ibang tao." Kwento niya.
Pasimpleng pumabilog ang mata ko sa sinabi niya. Tama naman kasi siya kaya talagang naiintindihan ko 'yung sinabi niya.
"Tipong may mas alam pa yata siya tungkol sa akin. Samantalang ako, kilala ko lang siya sa pangalan niya o sa kung ano ang pinapakita niya sa panlabas pero hindi ko pa nakikita kung ano 'yung na sa likod kapag hindi kami magkaharap." Humalukipkip siya. "Haley is… a mystery to me."
Iyon lang ba talaga ang dahilan kaya niya 'yon natanong sa akin?
"I understand." Panimula ko at tumingala para isipin kung saan ba magsisimula. "Hmm… Kami ni Haley, magkakilala na kami nung bata pa pero hindi ganoon katagal dahil may mga nangyari kaya ilang taon ulit bago kami magkita," Tumingala ako para maalala 'yong muli naming pagkikita sa supermarket kaya natawa ako. "Nagkakilala kami nung 3rd year high school." Dagdag ko. Hindi ko na ibinigay ang full details kung paano.
Nagtaka siya sa sinabi ko. "Nagkakilala?" Ulit niya sa binanggit ko na tinanguan ko matapos kong ibaba ang aking ulo para makita siya.
Pilit akong ngumiti. "Nakalimutan niya kasi ako." Sagot ko 'tapos humawak sa aking batok. "Akala ko nung una, nakalimutan niya ako dahil ganoon lang kadali para sa kanya. Pero nalaman ko sa doctor na nagkaroon pala siya ng MDD."
Napaharap siya sa akin. "MDD? You mean, that Major Depressive Disorder?" Gulat niyang sabi na tinanguan ko bilang sagot. Na-speechless siya kasi hindi siya nakakibo kaagad pero bumalik ulit siya sa pagkakaayos niya ng upo. "I see…" Parang nanghihina niyang sabi kaya napatitig ako sa kanya. Nandoon pa rin 'yung seryoso sa mukha niya pero makikita mong concern siya dahil sa tingin ng mga mata niya. "Pero paano mo nalaman sa doctor 'yon? Kaanu-ano mo ba talaga si Haley?" Tanong pa niya na may pagtaas ng kaliwang kilay pagkalingon niya sa akin.
Natahimik ako kasi naalala ko 'yung pangyayaring nagka-amnesia siya.
Bigla pang bumigat 'yung dibdib ko kaya kumuha ako ng napakaraming hangin para maibuga lang din iyon.
Sumandal ako sa upuan ko at kinuha 'yung malamig kong juice para uminum mula sa straw.
Pagkatapos ay inilapag din sa lamesa. "Wala kasi ako sa posisyon magsabi ng mga 'yon, eh. Pero ang masasabi ko lang siguro, Haley is a… very special person to me. Kaya kilala ko siya," Humawak ako sa aking batok. "If you want to know her a bit, I can tell you if you want."
Iniharap niya ang upuan niya sa akin. Tila parang handa ng makinig.
Tumango ako. "Gusto mong pumunta muna sa kung saan?" Tanong ko.
Haley's Point of View
Nakaupo kami ngayon ni Sir Santos sa isang bench kaharap ng isang park na hindi naman lalayo mula sa resto na kinainan namin kanina. Nakaapak kaming pareho sa artificial na bermuda grass. "Do you want to talk about it?" Tanong ni Sir Santos ng hindi ako tinitingnan.
Nakatungo lang akong nakatingin sa sapatos ko't nag-aalanganin na sabihin sa kanya kahit alam naman niya 'yung mga nangyayari nung nakaraang taon.
Pero naisip ko rin na parang makakagawa nanaman ako ng trouble sa sarili ko kung hindi ko 'to ilalabas.
Tumingala si Sir Santos. "Alam mo, Haley. Wala talaga akong ideya kung paano kausapin ang mga estudyante katulad mo, kaya panigurado ako ang kahuli-hulihang guro na lalapitan ng mga estudyante kung may bumabagabag sa kanila," Ibinaba niya ang kanyang ulo para tingnan ako. "Pero nasabi ko kasi sa ate mo," Nanlaki kaagad ang mata ko pagkabanggit niya kay Lara. "…na gagawin ko ang makakaya ko para tingnan tingnan ka."
Lumabo na 'yung paningin ko pero napangiti rin pagkatapos.
Kumamot siya sa likuran niyang ulo. "Kaya…"
"Alam mo 'yung mga nangyari nung nakaraang taon, 'di ba?" Panimula ko sa ikukwento ko habang hindi lang siya nagsasalita't nakikinig lamang. Nakababa rin ang tingin niya sa akin noong maramdaman kong inilapit din niya iyon sa harapan.
Hindi siya nagulat, kaya alam kong may ideya rin siya kaya niya ako kinakausap ngayon.
"Oo." Simpleng sagot niya. "Bumalik nanaman ba sila alaala mo?" Tanong niya sa akin na tinanguan ko.
"All of them." Sagot ko habang pinipigilang mabasag ang boses. Tumulo na rin ang luha ko, hindi ko iyon pinigilan. "And it scares me to think na baka…baka may manggulo nanaman at habulin ako. Ta's baka mamaya, may madamay nanaman nang dahil sa akin." Napahawak ako sa ulo gamit ang dalawang kamay dahil sa biglaang paglitaw ng katotohanan na parte pa rin ng kasalanan ko kung bakit nangyari kay Mirriam 'yung mga bagay sa kanya na naging dahilan ng pagbabago niya. Ako rin ang dahilan kung bakit bumaon sa kanya 'yong patalim na dapat naman ay sa akin talaga. Ako ang may dahilan kung bakit nangyari 'yung mga ganoong bagay.
Tapos na, eh. Pero masisisi ko ba sarili ko kung bakit ako nagkakaganito ulit ngayon? Eh, sinusubukan ko lang naman talagang alisin sa utak ko pero nandoon pa rin. Hindi 'yon mawawala.
"Sir, paano kung napanaginipan ko iyon dahil binibigyan ako ng babala na may mangyayaring 'di maganda?" Napahikbi ako sa isang kaisipan. "Paano kung harap-harapan… may mamamatay--" Napatigil ako dahil sa biglaang pagyakap ni Sir Santos sa akin.
Hawak niya ang likurang ulo ko habang na sa dibdib niya lang ako. "No, everything will be okay. Everything's going to be fine." Inilapit pa niya ako lalo sa kanya para yakapin ako nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang paghinga niya nang malalim. "Iyan ang ipinangako ng kapatid mo sa akin," Tukoy niya kay Lara. "Naniniwala ako sa kanya, kaya maniwala ka rin sa kanya."
Tuloy-tuloy pa rin ang pagluha ko hanggang sa ipikit ko na lang ang mga mata ko. Hinayaan niya akong umiyak.
***
NAKABALIK NA kami kung nasaan sila Ma'am Puccino.
Sakto pala't katatapos lang din nilang kumain kaya handa na rin kaming bumalik sa Van kahit may natitira pang oras para makapag gala nang kaunti.
Nilapitan kaagad ako ni Rose. "Mas nawalan ka ng mata, Miles." Bungad kaagad niya sa akin kaya sinimangutan ko siya.
"Oh, shut up." Kumapit ako sa braso niya na siya namang nagpagulat sa kanya. "Samahan mo 'ko, bibili lang ako ng chocolate sa kalapit na convenience store." At hinila ko na siya pero tinatawag tawag niya si Claire na nandoon sa tabi't nakatingin lang sa amin.
"Claire! Good news! Hinaharot ako ni Miles!" Sigaw niya kaya nahiya na ako't binitawan siya. "Ouch." Parang nahu-hurt niyang sambit pero siya naman itong kumapit sa braso ko. Hinayaan ko lang siya bago kami maglakad para bumili. Sumunod lang din si Claire. Nagpaalam lang din kami kay Ma'am Puccino na pumayag naman.
Sa paglalakad ko ay napatingin ako kay Caleb sa tapat ng kinainan namin kanina at may kausap sa cellphone.
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kanya nang pumikot ako sandali at idinilat ang tingin nang ibalik ko sa harapan.
He may be hate me after I tell him the truth,
Pero ayokong may itinatago sa kanya. Mas bumibigat lang 'yung pakiramdam ko.