webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

Withdrew

Chapter 4. Withdrew

    

       

ORIGINALLY, they were only supposed to do the play once, but the next day, they're informed that due to insistent of the crowd, they were given a chance to perform again on the last day of the Foundation Week. The play was going to be recorded and would be kept in the school records. At mukhang gagamitin din ang video sa mga susunod na lessons ng ilang mga estudyante.

"Are you that happy?" Devon asked her upon hearing the good news.

"Of course!" Halos umabot na sa tainga ang mga ngiti niya. "Ito ang first lead role ko na talaga namang pumatok," she proudly added.

Nasa kiosk sila at kumakain ng snacks na kanilang nabili mula sa ibang mga departamento. Maya-maya ay maglilibot uli sila nito upang tingnan ang iba pang pakulo ng mga estudyante.

"Sigurado akong pila-pila na niyan ang mga agency na gusto kang kuhanin." He's pertaining to the entertainment agencies.

She smiled genuinely.

"Why don't you hire me as your manager instead?"

"'La kang trabaho, boy?" pasaring niya rito. She actually meant his job in AIA.

Kasalukuyan silang nagkukuwentuhan nang may nag-posas sa kanilang dalawa at nag-blindfold saka iginiya sa isang lugar.

Iiling-iling siya nang tanggalin ang blindfolds nila at tama ang hinala niyang sa isang wedding booth sila dadalhin. Mga students sa CBA ang nagposas sa kanila ni Devon. Tatawa-tawa na lang din siya hanggang sa matapos ang seremonya kuno ng kasal nila ng lalaki. May souvenir pang photograph galing sa photo booth ng mga ito, at isang tangkay ng rosas.

"Paano ba iyan, Ms. Mendoza? Ikinasal na tayo. Should I call you Mrs. Cristobal now?" biro nito at naghiyawan ang mga nakarinig na nasa booth. Bago sila umalis ay nag-flying kiss pa ang mokong sa mga dalagang nagtilian, pagkatapos ay umakbay sa kaniya at lumakad na sila palayo sa booth dahil may mga nabiktima na namang ikakasal ang mga naka-assign sa booth.

"Speaking of kasal, kasal ka na kaya. So you can't get married again with a different woman. That's bigamy," ganti niya rito.

Pinagtaasan siya nito ng kilay. "My marriage's fake, kaya walang bisa iyon. Mas may bisa pa nga itong kasal natin para sa 'kin." Humigpit ang pagkakaakbay nito sa kaniya kaya sinundot niya ang tagiliran nito. Bahagya itong nagreklamo.

"Whatever, Dev! Bumalik na nga lang tayo sa booth natin. Tayo naman ang magtinda para makagala iyong mga nandoon." May lemonade booth kasi sila, with free hugs sa dalawa sa mga campus crushes. At si Rexton nga iyon, pati si Ellen Bustos na lagi nilang pambato sa mga pageant.

Nagtaka siya nang mahagip ng kaniyang paningin si Rexton na kunot na kunot ang noo habang nakatitig sa may banda nila, nasa may unahan lang ito, at ang mas ipinagtataka niya ay kung bakit ito nandoon gayong nasa booth dapat ang huli?

Tumalikod ito at nagmadaling lumayo.

"Rexton!" she called in but she was ignored. "Hindi n'ya siguro ako narinig." Naisip niyang baka nag-CR lang ito saglit kaya umalis sa booth.

Bahagyang tumawa ang katabi niya't inalis ang pagkakaakbay sa kaniya at saka nagpatuloy na sila sa paglalakad.

Pagkarating nila sa booth ay wala si Rexton doon. Nagsabing uuwi na dahil masama raw ang pakiramdam. Baka mamaya nalamog na ito dahil sa kayayakap ng ibang mga estudyante. Dadaan na lang siya mamaya sa mansiyon ng mga dela Costa para kumustahin ito. Or she'd just probably send a message so she would not disturb his resting.

Few hours after, the Vice President, her ex fling-ex because things didn't go well between them. Bukod kay Dev, ay pinagselosan din nito si Rexton kahit sinabi niyang wala siyang relasyon sa dalawa bukod sa pagkakaibigan, o kahit kanino-told them that the play might get canceled because Rexton suddenly withdrew from his role because he'd fly to Japan today. Hindi sinabi ang dahilan kaya naman ipinagtaka nilang lahat iyon.

Kaagad na nagpaalam siya sa mga kaeskwela saka tinawagan ang personal bodyguard-slash-driver niyang si Mathew. After that kidnapping incident, she actually had four bodyguards, then later on, she told her parents to fire them already. Wala nang banta sa buhay niya, at isa pa, hindi naman siya na-kidnap dahil sa pagiging Mendoza niya. Sadyang natiyempuhan lang siya ng mga masasamang tao noong araw na iyon.

"Dev, I'll go first. May gi-giyerahin lang ako."

Tatawa-tawang tinaboy siya nito gamit ang pagsenyas ng kamay at saka pumalit sa pwesto ni Rexton sa pagbibigay ng free hugs sa mga bibili sa booth nila. Napailing pa siya nang bago tuluyang makalayo ay napansin niyang humaba ang pila roon, karamihan ay mahahalatang tagahanga ng kaibigan niya, nasasabik na makayakap sa crush ng mga ito.

Tumunog ang cellphone niya at sinagot iyon.

"Saan kita susunduin, Miss?"

"Sa may main gate na, Matt. Nasaan ka ba?"

"Papunta na sa parking, sa may third gate lang. Wait for me, I'll be there in a few."

"Alright."

Just as expected, he's already there few minutes she got out the University. Nagtanggal ito ng seatbelt at akmang bubuksan ang pinto para makalabas at mapagbuksan siya ng pinto nang ikinumpas-kumpas niya ang kamay saka umiling.

"Ako nang magbubukas," aniya at lumapit sa sasakyan. The convertible car was given to her as a gift when she turned eighteen. Galing sa kaniyang ama.

"Hindi ka yata nag-commute ngayon?"

"Hindi. Kaya nga kita tinawag," tugon niya't tumabingi ang ngisi ni Matt. Kahit may personal driver siya, pinipili pa rin niyang mag-commute paminsan-minsan. At lagi naman itong malapit sa kaniya, hindi nga lang nagpapakita sa kaniya hangga't hindi niya tinatawagan. Iyon ang isa sa dalawang kondisyong ibinigay niya sa mga magulang nang piliting bigyan pa rin siya ng bodyguards. Ang isang kondisyon ay ang pagsabing kukuha sila ng bagong bodyguard at tatanggalin ang mga nauna. The reason was because she's not comfortable having them around her. Parang lagi siyang nahuhubaran sa paraan ng pagtingin ng mga iyon sa kaniya. Kapag sinabi rin niyang lumayo ang mga ito ay tila nang-aasar pa na namamataan niyang nasa paligid-ligid lang naman ang mga ito. Her parents said it might be because of her trauma from the kidnapping case, but they still agreed to her anyway.

At least, itong si Matt, lalaki man ang postura ay pusong-babae naman. Nagkaroon pa siya ng instant frenny. Ang akala nga ng kaibigan niyang si Chelin noong una ay si Matthew na lang ang natira sa apat niyang bodyguards noon. Her friend didn't have any idea he's a newly hired bodyguard. Kung hindi pa niya nabanggit ay iyon ang iisipin ng huli. Isa si Chelin sa tinuturing niyang totoo sa kaniyang mga kaibigan. She's her childhood-girl-best-friend. At siyempre, si Rexton ang boy.

Growing up, she's used to having lots friends surrounding her. Always praising her. Naalala pa niya ang biro ni Chelin—na tinatawag niyang 'Ate Chelin' kahit magka-edad lang naman sila dahil may crush ito sa kuya niya noon—na pwede na siyang sabitan ng sash na may nakasulat na "Ms. Friendship" dahil kahit saan man magpunta ay nakakakilala siya ng mga bagong kaibigan. At first she thought that she's really friendly just as what Chelin said, until she came to realize that everyone wasn't her true friends though. Sure, she had friends from elementary, junior high school, senior high, even sa mga summer camp na dinaluhan niya mula pagkabata, however, now she knew that the others were only befriending her because she's a Mendoza. She came from a well-known and wealthy family, so, no one would dare to ignore her. Kaya napagtitiisan din siguro ng mga ito ang kamalditahan niya't pagkamasungit. Must be because of the power she holds in her surname.

Umiling siya at binalik ang atensyon kay Matt. "Drive me to the dela Costas," she said coldly. Nanggigil na naman siya nang maalala ang biglaan nitong desisyong umatras sa kasunod na performance. Wala itong nabanggit na aalis ito, ang alam lang niya'y may possibility na mag-aral ito ng business course sa ibang bansa, pero hindi iyon sa Japan. At isa pa, hindi pa tapos ang semestre para umalis na lang ito bigla! May finals pa sila pagkatapos ng founding anniversary.

"Pero tumawag si Sir Rexton sa 'kin. Sinabing huwag daw siyang iistorbohin."

Nag-init ang tainga niya sa narinig. "Sino ba'ng boss mo?!"

Napaiwas ng tingin si Matt at sa huli ay sinunod siyang dumiretso sila kila Rexton.