webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

Unexpected

Chapter 5. Unexpected

       

         

MAG-IISANG buwan na ang nakalipas at hindi pa rin pumapasok si Kanon sa paaralan. Pumasok naman siya pagkatapos ng Athletic Meet pero dalawang araw lang dahil hindi niya natagalan ang mapanuring tingin at ang bulung-bulungan ng iba. Idagdag pa na para siyang napa-paranoid sa kaiisip dahil na rin sa ilang mga messages na natatanggap niya mula sa mga dummy accounts online. Natatakot siya na baka bigla na lang siyang dukutin.

"Alam ko kung anong klaseng babae ka."

"Magkano ka?"

"I can bring you to the most expensive hotel if you want to."

She deactivated her accounts and her parents decided to not let her attend school. Pinalabas na maysakit siya pero alam niyang hindi naniniwala ang iba lalo na iyong mga may nakakaalam sa nangyari. Those rumors were attacking her self-esteem.

Ngayon ay may session siya sa ekspertong tumitingin sa kanya. Ito ang bumibisita sa bahay nila dahil ayaw na niyang lumabas ng bahay. And, she never spoke about what she had witnessed that day.

"Just give me some medicines, please."

"I won't prescribe you some, Kanon. You have to tell me everything so I can fully help you."

She was just lying hopelessly on her bed while the expert was sitting on a single chair near her.

"Kan..."

"Don't call me that!"

Naisip niyang bigla si Dice. Nadamay pa ito sa gulo niya kaya mas lalong ayaw na niyang lumabas pa. Wala na siyang mukhang maihaharap sa mga tao, lalo na sa binata.

"I won't judge you. I want to know what ha—"

"I want to die."

Dra. Karenina Tuazon stayed still.

"I want to cut my wrist."

No answer.

"I've been thinking about hanging myself, too. N-natatakot ako..."

Napahagulgol na lang siya. Hindi lamang iyon ang mga kabaha-bahalang mga bagay ang naiisip niyang gawin. Siguro'y iisipin ng iba na masyadong mababaw ang dahilan niya para mag-isip na kitilin ang sariling buhay, pero para sa gaya niyang tahimik lamamg ang pribadong pamumuhay noon at nasanay na palaging nakatatanggap ng papuri, ay sobra-sobra siyang naapektuhan.

"I don't know what to do anymore. I didn't do anything wrong. Dice and I didn't do anything, but, why...?"

Bumukas ang pinto at napapitlag siya nang niluwa niyon ang mama niyang pulang-pula na ang mga mata, maging ang pisngi at ilong nito. Buong mukha ay namumula na sa kaiiyak. Mukhang kanina pa ito nakikinig sa usapan.

Wala sa sariling pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng kanyang ina. Wala sa hinagap na makikita niya sa ganoong ayos ang kanyang mama. Though she was still beautiful, the word elegant that could always be used to describe her was missing in her mom's look now.

"'Ma..."

Kung hindi siguro kaagad na nabigyan ng pansin si Kanon ay baka itinuloy na niya ang mga hindi kaaya-ayang bagay na naiisip niya. Ipinagpapasalamat niya na hindi siya pinabayaan ng kanyang pamilya. At Ipinagpapasalamat din niya na ipinanganak siya sa maykayang pamilya dahil kung hindi ay baka ni ang magpatingin sa mga eksperto ay hindi magagawa para sa kanya.

"My poor girl... What happened to you...? What did that bastard do to you?"

Mabilis na lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ilang sandaling humagulgol siya sa bisig ng kanyang ina bago tuluyang nakahuma at mapagtanto ang sinabi nito.

"I'll give her sedativ—"

"'Ma? What do you mean by 'that bastard'? W-who...?" Kinakabahang tanong niya.

Tumikom ang bibig nito.

"Mama?" Napalakas at bahagyang gumaralgal ang tinig niya dahil mukhang tama ang hinala niya.

"We sent him in jail!" naghihisteryang bulalas nito.

"Kumalma ka, Ate..."

"He's a minor, 'Ma!"

"I don't care! I'll do anything so he'll stay in my own kind of jail!"

"That's impossible! He's just sixteen, and he's innocent, 'Ma! He didn't do anything to me!"

Hindi sumagot ang mama niya.

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "N-nasaan po siya?"

Hindi pa rin ito kumibo.

"Mama! I'll really kill myself if you don't—"

Isang malakas na sampal ang nagpatigil sa sasabihin niya. Sapo ang kanyang nasaktang pisngi ay bumaling siya sa counselor niya, na kanyang tita.

"Never bargain your life for someone! Don't treat your life as if it's just a simple thing that you can throw out if you don't want to live anymore... Life is too short, Kan. You should value it..."

At that time, she knew that her aunt wasn't being an expert in the field. She's just as weak as she was—or weaker—because she pulled a trigger that would cause her to think about her late husband, who just took his own life few months ago.

Iba na ang tumingin sa kanya matapos niyon pero hindi rin naging madali ang lahat sa kanya. She's still not speaking about what really happened in the lab but she made sure to tell them that Dice didn't do anything. Kahit paulit-ulit.

"Please... let him go, wala siyang kasalanan."

Hindi siya kinibo ng kanyang mama. Though they were eating dinner, her mom excused herself and went to their room. Akmang susundan niya ito para pilitin ulit nang pigilan siya ng kanyang lolo.

"Kakausapin ko ang mama mo mamaya. Tapusin mo ang pagkain mo, namayat ka na."

Gusto niyang umangil pero hindi siya nakapagsalita nang bumaling siya sa itsura ng kanyang lolo. Hapung-hapo ito at sa kanilang dalawa, mukhang mas ito ang namayat.

"Lolo, ayos lang po ba kayo?"

Tumango ito. "I'm just tired."

"Maraming pasyente?" Her grandfather was a Pediatrician at Romualdez Medical Center.

Tumango ito. "May naaksidenteng school bus kanina, maraming mga bata ang nasaktan."

A moment of silence because she didn't know what to say. "Ipagtitimpla kita ng tsaa, sandali lan—"

"Huwag na," pigil nito bago pa man siya makatayo. "Let's eat together. Matagal na noong huling kumain tayo nang sabay-sabay."

Parang kinain siya ng konsensya dahil totoo ang sinabi nito, but she made her mom upset and walked out from dinner.

"How are you, apo?"

Napakagat-labi siya dahil ang simpleng tanong lang na iyon ay punung-puno ng emosyon, lalo na ng pag-aalala.

"I've been worried about you. Kahit sa ospital ay ikaw ang inaalala ko, ang kalagayan mo."

Kaya ba parang namayat ito?

"I hope you'll get better soon. I want you to have a normal life without being chained in your past. Huwag mong ikulong ang sarili mo."

Mananahimik na lang sana siya't makikinig, pero mas pinili niya ang higit na makakatulong sa kanya. To open up.

"You should overcome your traumas."

Uminom siya ng tubig na para bang makakakuha ng lakas ng loob doon. Mukhang nasabi na rito ang kondisyon niya.

Bumuntong-hininga ito at sinabing ipagpatuloy na niya ang pagkain.

"I will. Please give me some time, I will overcome all of these."

Nang mag-angat ng tingin ay nakita niyang diretsong nakatitig sa kanya ang ama, namumula ang mga mata.

"Don't cry. Iiyak ako kapag umiyak ka."

"I won't ask you about what happened that day. Pero sana, huwag mong takbuhan, harapin mo't tatagan mo lalo ang loob mo."

Tumango siya't hindi napigilang maluha. "Opo, gagawin ko po."

He smiled and that smile was like an assurance that she could overcome everything and become stronger just as what he believed.

"S-salamat, 'Lo..."

A few days later, while taking a nap, her mom knocked the door and woke her up. She was told that she had a guest.

An unexpected guest.