webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

Trip

Chapter 38. Trip

    

    

Bumaling si Nicolea kay JM para magpaalam. "Aalis muna ako. Mag-usap kayong dalawa. Pero mag-damit ka muna. Mukhang hindi kayo makakapag-usap nang matino kung ganyan ang pormahan mo."

Iyon lamang at tumayo na siya, dumiretso sa pintuan.

"Nicolea, wait—"

Pagkabukas niya ng pinto ay saktong nandoon din si Jave na humahangos, mukhang kadarating lamang.

"Nicolea, damn it! Nandito ka lang pala! Akala ko kung ano nang nangyari sa iyong babae ka."

Napangisi siya. Kanina kasi ay pinuntahan niya ito sa tinutulyan silid. She tried to provoke him again but he ended up taking a cold shower.

"I'll go and check the others. Hintayin mo ako sa dalampasigan, diyan lang sa tapat ng villa," habilin nito.

Nang umalis ito ay hindi niya napigilang mangiti. She knew that after their mission together in The Eve, something had changed. Like, they understood each other more. Siguro'y pagpapatuloy na lang niya ang pang-aakit dito nang magkabalikan sila.

Oo nga't nasaktan siya noong huli pero wala na iyon—well, hindi wala, as in wala. She just decided to treat that part as nothing. Karma is a bitch 'ika nga, kaya iniisip na lang niyang kinarma siya sa mga nagawa niya noon.

But that was all in the past. What important was Jave was still single. Kaunting harot lang niya ay alam na alam niyang bibigay ito.

Bumalik siya sa silid ng kaibigan subalit wala na pala ang dalawa roon. Bumaba siya at nakitang nasa hapag-kainan ang mga ito. Ni hindi man lang siya napansin ng dalawa dahil nag-uusap ang mga ito.

Nangingisi siya sa tuwing nakikitang namumula si Yvonne.

"I'm sorry..." it was Yvonne apologising for the ruckus she had cause.

"You don't have to be too guilty. This isn't your fault."

"It is! Bakit ko ba kasi kayo kinuhanan ng mga litrato? I should've just followed you around."

That was the reason why Yvonne got mobbed by the obsessed and crazy fans of the famous Pinoy-Pop Idol Group, Eclipse. Paano'y naakusahan itong may masamang balak sa grupo.

"Why did you follow them in the first place?" Hindi siya nakatiis at sumabad na sa usapan.

Sabay na napalingon ang dalawa nang makalapit siya. Napayuko si Yvonne.

"Idol ko sila..."

"You liked some bands before. You followed their gigs and some official events but you never invaded their privacy," aniya.

Natahimik ito. Hindi man sila gaanong nagkasama ni Yvonne nang mag-kolehiyo ay lagi naman niya itong kinukumusta via messenger app. Nitong huling mga taon na lang sila hindi talagang nagkita.

Pagkatapos pag-usapan iyon ay napansin niyang na-conscious ito sa itsura. Kagigising lang kasi nito.

Nicolea chuckled mockingly. "I know what's on your mind now, girl."

Lumabi ito.

"What? Iniisip mo pa rin ba sina Ali? Huwag mo nang alalahani—" Pinutol niya ang sasabihin ni JM.

"Oh, don't worry, JM. It's a girl thing." Kinindatan niya si JM at ngumisi. Parang gusto siyang kalbuhin ni Yvonne nang mapadako ang tingin niya rito. She wanted to just laugh out loud. It was obvious that she was getting jealous.

"Nandito ka na lang pala? I told you to wait for me at the shore!" Naiiritang bulalas ni Jave.

"Sorry." Itinaas ni Nicolea ang isang kamay bilang pagsuko. "Nauhaw lang ako," dagdag pa niya 'tsaka kinindatan ito.

Bumaling ulit siya kay JM.

"So, I've watched one of your performances on my tablet, your solo. The one you're stripping onstage. Ang hot mo roon." Bahagyang tinapik niya ang braso ni JM at ang huli'y tila nahihiyang ngumiti.

Nakumpirma niya ang hinalang nagseselos ang kaibigan nang tumayo ito at lumakad papalayo.

"Saan ka pupunta?" nakakalokong tanong niya.

"Hahanap ng sako!"

Matinis siyang tumawa at halatang naiinis na pumanhik si Yvonne papunta sa kwarto, ang hahaba pa mg mga hakbang nito. Na-imagine niya tuloy na umuusok ang ilong nito sa sobrang inis at lalo siyang natawa.

Napangisi siya nang agad na sinundan ni JM si Yvonne.

"What was that, Nic?" naiiritang tanong ni Jave.

Ay, oo nga pala, nandoon din ang lalaki. "Wala lang, trip."

Naningkit ang mga mata nito. "Trip mo ang lalaking iyon? Tipo mo kaya pinanood mo ang mga sayaw?"

"Naunahan na ako ni Yvonne," biro niya. Sinadya niyang sabihin iyon para inisin naman si Jave ngayon.

Pumunta siya sa sala at sinindi ang Flat screen TV. Kaya lang, hindi siya makanonood gamit ang Internet. Mahina ang signal sa isla. Kaya binuksan niya ang cabinet at napakurap-kurap siya nang makakita ng SpongeBob SquarePants DVDs doon. May DVD player din. May ibang mga palabas naman pero mas nangibabaw ang koleksiyon ng naturang cartoons.

"Mahilig din pala si JM nito?" bulong niya.

"I brought those here," ani Jave na nakaupo na pala sa sofa. Humarap siya rito

"Bakit?"

"Para panoorin mo. Baka kasi mainip ka."

Ngising-aso ang sinagot niya rito. "Alam na alam mong pupunta ako rito, ah?"

Saglit itong tumahimik.

"Pinaimbestigahan mo na ako, 'no?"

Still, he didn't answer. She pretended to look for some nice movies.

"Nicolea," sumeryoso ito. "I'm sorry."

Kunwari ay wala siyang narinig at isinulpak ang DVD. Pumailanlang ang opening theme ng cartoon.

"It was too late when I realized what happened back then was because you had a job. You needed to get rid of me without blowing up your cover."

Nagtangis ang bagang niya at nilakasan ang volume ng palabas.

"Nic—" tila nahahapo ang boses nito. Punong-puno iyon ng pangungulila.

"Nanonood ako."

"Mahal pa rin kita," malumanay na wika ni Jave.

"Alam ko." Humaplos nang husto ang mga katagang iyon sa kanyang puso.

"I'm sorry about last time."

"Anak ng—!" She went to him and pulled him up. Nagpagiya naman ito. Lumabas sila at tumuloy sa isang cottage, malapit lamang sa dalampasigan.

Jave sighed heavily but his gazes never left her, but she kept on staring at the horizon.

"Nagtatrabaho tayo rito, Jave. Baka pwedeng sa susunod na natin pag-usapan iyan?" bulalas niya nang makaupo sa tapat na upuan, may mesa sa pagitan nila. Ang totoo ay natatakot siyang ibalik ang nakaraan, kung saan sobra-sobra itong nasaktan.

Humarap kay Jave. Katulad niya'y nakabibis ng kupas na pantalon si Jave at naka-itim na sando, parang gusto niyang pag-piyestahan ang biceps nito at kagat-kagatin.

May lahing bampira kaya ako?

Paano'y gusto niyang kagat-kagatin at panggigilan si Jave.

"Aren't you mad anymore?"

Biglang sumama ang pakiramdam niya, parang hinahalukay ang sikmura niya, pero napigilan naman niya. Mukhang napansin nito iyon at nag-aalalang tumingin sa kanya.

"Are you alright?"

Tumango siya at pinakatitigan ito nang husto. Gusto talaga niyang panggigilan ang lalaki.

"Nic."

Bumuntong-hininga siya at parang gusto niyang maiyak.

"Let's go back inside."

"Ako dapat ang humihingi ng tawad sa iyo, Jave," bulalas niya, hindi pinansin ang huling sinabi nito. "I lied to you. Countless times. Kahit noong college pa tayo."

He just critically stared at her.