webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

Target

Chapter 18. Target

   

    

AYAW nga ni Lexin na matulog sa silid na iyon dahil sa isipang baka marami nang pinatuloy na babae si Kieffer sa kaparehong silid, 'tsaka naman siya nito aalukin na matulog sa silid ng isa pang babae nito?

"What's wrong?" tanong nito.

"Wala! Hindi na ako matutulog dito."

"Bakit?" Akmang lalapit na ito nang pigilan niya.

"Don't come closer. Huwag mo akong idaan sa pang-aakit mo. Hindi ako hihilera sa mga koleksyon mo."

Napuno ng pagtataka ang mukha nito. Ilang sandaling tinitigan siya na tila nag-iisip nang malalim. Pagkuwa'y sumilay ang multo ng ngiti sa mamula-mula nitong labi.

"Nginingiti-ngiti mo?"

"I don't bring women in my penthouse. Huwag ka nang magselos."

"Tsk! Hindi ako nagseselos, 'no! Baka nga ilang babae na ang pinatulog mo rito. Uuwi na lang ako."

"You said you're going to stay longer?"

"Sa bahay namin ako tutuloy habang ongoing ang renovation ng unit ko."

"What unit?" kuryosong tanong nito.

"My condo unit. Kaya nga binabalak kong tumagal dito ay wala akong matutuluyan. That will probably lasts for about two months or so. Isa pa, mas malapit ito sa ospital. Medyo malayo sa VPC, pero okay lang. Aagahan ko na lang ang pag-alis."

Ngumuso ito, tila nag-iisip.

Nagpatuloy naman siya dahil hindi naman nito maiintindihan kung bakit. "Sa Nievieras' Condominiums. May studio type ako roon. But I bought other units and those will be renovated by next week."

"Saang residential building ng Nievieras' ka nakatira?"

Nag-angat siya ng tingin. "Sa Makati," sagot niya.

Bahagya naman itong tumango. "Do you want some coffee? Or tea?"

Humupa na ang sirko-sirkong pagseselos niya kanina. Parang mas gusto niyang ipagpatuloy na lang nila ang pagkukwentuhan kaysa mag-asik siya rito lalo pa't wala namang basehan ang mga binibintang niya. At isa pa, ano naman ngayon sa kaniya kung nagdadala nga ito ng ibang babae sa penthouse? It's not like they had been in a relationship for so long now. Kung hindi nga lang sa naatasan ay hindi niya makikilala at mas lalong hindi niya lalapit-lapitan ang huli. Now, she wasn't sure if should she be thankful about that or what.

"Let's go back to the study?"

Nagtataka ang mga matang tumitig siya rito.

"Wait for me there. Magtitimpla ako ng kape."

"I want tea instead," agap naman niya. "And let's just stay here."

"Why? I thought you don't want to sleep here?"

"Okay na. Isang gabi lang naman."

Ngumiti ito at nakalapit na nga sa kaniya. "Let's go upstairs," anyaya nito at ginagap ang kaliwang kamay niya.

Napanguso siya nang magpagiya rito. Imbes na mag-hagdan ay nag-elevator pa sila. Nang magbukas ang pinto ay nagtanong siya. "Why are we going back here again?"

"Nothing."

Nagtaas siya ng kilay.

"Really."

"Your eyes and your smile say otherwise."

He chuckled a bit and they stopped in front of the door.

Pilit naman niyang iniwasang mahagip nh kaniyang paningin ang portrait at framed photograph.

"Magyayabang ako. Manghang-mangha ka sa mga achievements ko kanina, eh."

"Ha?" Wala sa sariling sambit niya.

"I want to hear more praises from you. Ang sarap magyabang sa harap mo."

Napakurap-kurap siya. Did she really praise him a lot? Nasabi na rin ba niyang nuknukan ito gwapo?

"And I want to hear more about you, too."

"Gaya ng ano?"

"Everything, baby."

She gulped, suddenly felt nervous and conscious. Sasabihin ba niyang porn star siya? Sasabihin ba niyang sunud-sunuran siya ng isang sindikato? Ng malaking organisasyon? Napalunok ulit siya at iwinaglit ang mga bagay na iyon sa isipan niya.

"T-there's nothing more to tell Kieffer. What you see is what you get."

Tumitig ito ng diretso sa mga mata niya, his pitch black eyes were back the way he looked at her before—emotionless.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

Saglit na nag-iba ang paraan ng  pagtingin nito. Tila litung-lito.

"We should sleep for now. Mukhang napagod ka nga sa trabaho."

Umiling ito. "Wait for me here. I'll just make your tea and my coffee."

Hindi na siya nakatanggi nang lumabas na ito ng pinto. Siya nama'y nagpasyang umupo na sa sofa, ngunit bago makaupo ay napansin niya ang swivel chair. Mas gusto niya yata roon kaya roon siya naupo.

Nakapa niya ang bra nang maalalang isinilid niya ang maliit na cellphone doon nang magbihis siya kanina. That's a bad habit, pero nakasanayan na niya. Mayroon siyang iPad, at extra phone, pero ang maliit na cellphone na iyon ang ginagamit na pag-contact sa kaniya ni Mikael at ng iba pa.

She almost forgot about her job. Napahilot siya sa sentido at naitukod ang isang siko sa mesa habang ang kaliwang kamay ay abala sa pagkalikot sa kaniyang cellphone.

Ang daming missed calls ni Mikael, pati text messages. Even Nikolaj had tried to reach her.

May nag-flash na naman sa screen ang ang Caller ID ay si Mikael Dominguez. She didn't answer it. But few moments after, he called again. Sa huli ay sinagot niya rin.

"Puta! Bakit hindi ka sumasagot?!" sigaw nito sa kabilang linya.

"Nakatulog ako," tamad na sagot niya.

"Ano nang balita? Ano itong kumakalat na engaged ka kay Sandoval?"

"Fake news iyan, Kael. We both know that I am single. You made sure that I am single." Totoo iyon dahil ang ilan sa mga lalaking umaligid sa kaniya noon ay walang kiyemeng pinapatay ng animal na ito. Ang iba'y hinawakan sa leeg, habang ang iba'y nakatali na rin sa organisasyon. Sumatotal ay anim ang mga lalaking buhay pa. Tatlo ang pinapatay nito dahil wala raw dapat na ibang lalaking magmay-ari sa kaniya kundi ito lamang.

Matindi ang kabang nadarama niya ngayon. Ang lahat ng kaniyang pantasya ay biglang naglaho. Hindi nga pala totoo ang lahat ng iyon. Hindi totoong mayroong sila ni Kieffer, hindi totoong ikakasal sila, hindi totoong may kinabukasan silang dalawa, at hinding-hindi magkakatotoo ang mga iniisip niyang gawin kasama ang lalaki.

Oras na para gumising sa realidad.

Napakaramot naman ng tadhana. Bakit isang araw lang akong pinatakas sa katotohanan?

"Make sure to get a hold at the Sandoval Hotel's Board of Director's list. Nang malaman natin kung sino-sino ang mga susulutin kapag bumagsak na sila."

Muli, ay napahilot siya sa kaniyang sentido.

"Take your time, alam kong hindi ka magaling sa bagay na iyan."

"Ilang linggo ba ang kakailanganin mo? I still didn't make a move with my target. We aren't yet close," she lied.

"Kahit umabot ng ilang buwan. Basta ba sigururadong mapapabagsak natin sila."

"Bakit ba ang laki ng galit mo sa mga Sandoval?"

"Hindi ako. Si Boss ang may matinding galit sa kanila."

"Bakit?"

"I don't need to answer that, child. Finish your job faster. My cock is throbbing for your touches."

Nagtagis ang bagang niya. "We already have a deal about that thing, Kael. If I will be successful on putting Kieffer down, I will be ou—"

"If you'll be successful." Halos manggalaiti siya sa boses nitong nakakaloko.

"What the fuck? Akala ko ba gusto mong—"

"I honestly don't want you to succeed, I don't want to lose my sexy Kitten. But I don't want to lose my position either."

Napamura siya sa isipan. Bukod sa pagiging researcher nito sa pharmaceutical company, ay ito ang namumuno sa ilegal na mga gawain doon.

"I won't do anything for you again after this, Kael." Madiin ang pagkakasabi niya sa bawat kataga.

Nakakalokong tumawa naman ito. "Go on. And if you fail, you will certainly crawl back to my lap, child. I will be your master again and you'll kneel in front of me forever."

"Sisiguraduhin kong matatapos ko ito nang matagumpay. Magiging malaya na ako't hindi na kailanman babalik sa iyo... sa inyo."