webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

Most

Chapter 2. Most

     

     

HINDI naman tumigil sa pagkukwento kay Kanon si Dice kahit lulan na sila ng itim sedan nito. Maganda ang modelo ng sasakyan. Latest.

Pumayag na siyang ihatid nito sa tinitirhan niyang condominium unit sa Sunrise Village. Isa iyong ekslusibong village na kahit nasa siyudad ay tila sariwa ang simoy ng hangin dahil sa rami ng mga punong nakatanim doon. Kaya niya napili sa Sunrise ay dahil na rin sa higpit ng seguridad doon. Bukod pa sa maganda ang lokasyon dahil halos kalahating minuto hanggang apatnapu't limang minuto lamang ang layo sa main branch ng FastEx kung saan siya nag-o-opisina, ay panatag ang mga magulang niya na bumukod siya ng tirahan. Ang gusto nga ng mga ito ay bilhan siya ng bahay roon pero tumanggi siya. A condo unit was more than enough for her.

Ni hindi nga siya nagtatagal sa unit dahil kadalasan, tuwing weekend ay nagv-vlog siya, o hindi kaya'y may ibang lakad. Sa tuwing uuwi namang galing trabaho, kung hindi dadaan sa kainan para bumili ng pagkain, ay sa gym siya dumidiretso para maging fit pa rin kahit paano sa kabila ng pagiging abala sa opisina. May pakiramdam kasi siyang hindi magba-balance ang timbang niya sa height niya kapag napabayaan niya ang sarili sa kusina. Lalo pa't hindi na tulad noong teenage days niya na parang hindi siya tumataba kahit kain nang kain. Siguro kasi'y batak siya sa pagsasayaw sa cheering squad noong high school. Hindi katulad ngayon na paramg lumobo nga siya kumpara sa nakasanayang katawan noon.

Napabuntong hininga siya nang wala sa sariling napayuko dahil naalala niya ang pagbabatikos sa kanya ng ibang mga bashers. It's not like she wished upon the stars to have those rounded and massive mounds. Nahihirapan nga siya minsan dahil pakiramdam niya ay nabibigatan siya. Sa tuwing naglalakad nga siya'y pakiramdam niya, sa mga iyon naka-focus ang ibang tao sa kanya. Mabuti na lang at hindi naapektuhan ang self-esteem niya dahil taas-noo pa rin siyang naglalakad kapag ganoon. At mas pinapansin kasi niya ang positibong parte ng pagkakaroon ng mga mayayamang dibdib tulad ng kanya.

Tumikhim si Dice na nagpabalik sa atensyon niya rito.

"Ano na nga iyon?"

"Ayos ka lang ba?"

Agad siyang tumango. "Maayos ako. N-napagod lang siguro sa pagv-vlog kanina," dahilan niya at ngumiti. Huwag sanang makahalata ang lalaki na pilit at medyo peke ang ngiti niya.

"Vlogger ka na pala ngayon." He glanced at her and focused back on the road. "Masaya ka ba?"

Lalong tumabingi ang kanyang pagkakangiti. "What do you mean?" Nagtatakang lumingon siya rito.

"I, uh, I read some comments on your latest vlog. At hindi maganda ang ilang mga nabasa ko."

Tuluyang nabura ang ngiti niya't napaiwas ng tingin. "You watch my vlogs..." Hindi niya alam kung sasaya ba siya o madidismaya sa nalaman. Kung hindi siguro nito nabanggit ang mga hindi kaaya-ayang comments sa vlogs niya ay magtatatalon siya sa tuwa. Pero parang pinilipit naman ang sikmura niya ngayon dahil kinakabahan siya na baka ganoon din ang iniisip ni Dice sa kanya. Na ginagamit niya ang katawan para makahakot ng views o fame. Afterall, that's how he thought about her at some point in their high school years. Napabuntong-hininga na lang siya para hindi na maisip ang nakaraan pero parang tukso na pilit siyang ibinabalik doon.

"I didn't mean... I..."

Bumaling siya sa gilid para hindi niya ito makita. Few seconds had passed when she pulled off the sedan in at the emergency parking area.

"What?" Hindi siya lumingin dito.

"I'm sorry. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin."

"Ang alin?" pagmamaang-maangan niya.

"I couldn't find the right words to say. Mukhang nagkamali na naman ako sa sinabi."

"Wala namang mali roon, ah? Totoong may hindi magagandang comments tungkol sa 'kin."

"But I didn't mean to point that one out."

She sighed heavily and looked at him. "Then, you shouldn't have brought up about the bad comments. Ang dami rin namang magagandang mga komento tungkol sa 'kin, bakit hindi iyon ang pinansin mo? Hindi ka pala talaga nagbago, ganoon pa rin ang tingin mo sa 'kin." Huli na ang lahat. Hindi na niya napigilan ang sarili sa pagsabi ng huling pangungusap. She immediately bit her lower lip to suppress her emotions.

He was taken aback and was quiet for a few moment. Akmang magsasalita ito nang unahan niya.

"J-joke lang." Pilit na pinasigla niya ang tinig. "It's a prank!"

Pero hindi ito natinag. "How can this be a prank when there's no camera?"

Kailangang malusutan niya iyon kaya nag-isip pa siya ng idadahilan. "Practice lang naman iyon. May prank kasi ang content ng susunod kong vlog."

Panindigan mo iyan, Kastigo niya sa sarili.

"Sige na. Pakihatid mo na ako—"

Napapitlag siya nang hulihin nito ang kaliwang kamay niya at ginagap iyon. Maya-maya ay sininok siya. She immediately held her breath for about ten seconds to stop her hiccups. Ang sabi kasi sa kanya ng isang kakilala noong sininok siya habang kausap ito, pigilan niya ang paghinga ng ilang segundo sa tuwing sinisinok at mawawala iyon kalaunan.

She redid the procedure and breathed slowly. Mabuti at umepekto iyon ngayon. Ilang saglit pa ay inabutan siya ni Dice ng tumbler na may lamang mineral water at dahang-dahang uminom siya.

"It's always like this," halos pabulong na untag ni Dice at bumuntong-hininga matapos niyang uminom ng tubig.

"Huh?" She closed the lid of the tumbler.

"Noong elementary tayo, lagi akong nauutal kapag kausap ka. Noong high-school din."

Pero hindi ka naman nautal ngayon... Gusto niyang sabihin.

Hinuli nito ang tingin niya, siya nama'y puno ng pagtatanong ang mga mata nang tumitig dito.

"And when I mustered all my courage to converse with you, it's always like this."

Nangunot na ang noo niya sa pagtataka. "Ang alin ba? B-bakit mo ito sinasabi sa akin?"

"Because I always wanted to apologize about what happened before. You transferred school because of me."

He knows...?

"Inakala mong totoong nakipagpustahan ako sa pakikipaglapit sa iyo."

Nanatili siyang tahimik. She heard of this countless times and she's not affected anymore.

"Pero alam mo ang totoo."

"Alam ko nga na hindi mo rin alam ang tungkol sa pustahan. And I honestly felt your sincerity back then. At totoong nag-transfer ako from St. Benedict to Gonzales partly because of you."

Tinitigan siya nito na tila tinatantya kung gaano katotoo ang sinabi niya. Nagpatuloy naman siya.

"Ang pinakarason ko ay ilang taon pa lang tayo noon kaya wala pa ang focus ko sa pagliligawan. Grade seven pa lang yata tayo," mahinahong siwalat niya.

"Grade six," pagtatama nito.

"See?" Natawa siya pero nanatili itong seryoso. Oo nga pala, seventh grade na nang mag-transfer siya ng eskwelahan.

"But I was already sincere about my feelings before."

"That's such a big word for our eleven-year old selves, Dice. Masyado pa tayong bata. Kaya ako na ang nagpasyang magpalipat ng school." She couldn't believe they're talking about that matter at that moment. Kung tutuusin ay matagal nang tapos iyon at kung may makakarinig ay wala lang iyon. Pero para sa kanya ay isa iyon sa pinakamagandang bahagi ng kanyang pagkabata.

"How about during our senior year? We're both teenagers and more matured than we were in elementary."

Now, that's where she was still affected and couldn't move on no matter how many times she tried to.

When he had hurt her young heart the most.