webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

Let's Go

Chapter 38. Let's Go

     

     

"FUDGE!"

Hinihingal na pinutol ni Kanon ang halik nang makahuma't nagmamadaling umayos ng upo sa tabi ni Dice. She was clearly told to act accordingly to the plan—she'd pretend to be a sleeper agent so Dice wouldn't be suspicious if she came to the picture and helped them on their missions.

She was still torn between what to do when he stood up and pulled her up.

"Uuwi na tayo, Kan."

"B-but..."

"Shh... Don't think of anything else. We're going home now." Kahit matigas ang pagsasabi nito sa mga katagang iyon ay naramdaman pa rin niya ang pag-aalala at buong pag-iingat nang gagapin nito ang kamay niya.

Napakagat-labi siya't tumango. Nang lumabas sila ng opisina ay napansin niyang nasa labas pa rin sina Rexton at Vince, tila naghihintay sa paglabas nila. Kaagad na napaiwas siya ng tingin sa mga ito dahil nahihiya siya.

Magtutuloy-tuloy lang sana sila sa paglalakad nang tawagin siya ni Rexton. Hindi binitiwan ni Dice ang kamay nilang magkahinang nang pumihit siya't kausapin ang dalawang lalaki. Base sa seryosong itsura ng mga ito ay alam nang hindi siya sumunod sa plano.

"P-pasensya na. Hindi ko pala k-kaya..."

"Don't mind about it. Don't think about what we told you. Kami nang bahala roon. May ibang plano pa naman kami dahil naisip na naming baka hindi mo kayanin ang ipagagawa namin."

"Hindi talaga niya kaya dahil hindi naman siya nahasa sa trabahong ito!" sabad ni Dice.

Pinisil niya ang palad nito para pakalmahin ito.

"You should disinfect your wounds first, Miss," sabad naman ng neurosurgeon.

"Salamat—"

"Sa bahay na namin gagawin."

May hinagis na kung ano si Rexton sa banda niya't si Dice ang mabilis na sumalo. Nang mapansin kung ano iyon ay naintindihan na niya kung bakit. Since Dice rode his motorbike, Rexton lent him his mustang that's why he threw his car remote key fob so they could use his car.

Hindi na siya umangil nang bahagya na siyang hilahin ni Dice para makaalis na sila sa lugar na iyon.

Nag-angat siya ng tingin at lumingon sa mga ito para humingi ulit ng paumanhin pero nakauunawang tinanguan lang siya.

"Shit! Does it hurt?" bulalas ni Dice nang makarating sila ng basement parking.

Sinabi niyang "hindi" kahit ang totoo'y mahapdi nga ang mga sugat at ang galos na natamo mula sa pagkakatali sa kanyang pulsuhan.

"I'm sorry if I dragged you out of here. You don't have to do what they told you to do. You are Kanon, my pure innocent Kanon, so I know you can't do those things..."

Napatango na lang siya dahil alam niyang totoo iyon.

"Sorry... I didn't mean to sound offensive..."

Nag-angat siya ng tingin at kagat-labing tumitig dito 'tsaka umiling. No, she wasn't offended at all.

"I'm sorry, Dice... I'm sorry for not trusting you enough. I said that I love you and I trust you but I still ran away. I'm sorry..."

Tumulo ang hilam niyang luha.

"Ako ang dapat na humihingi ng tawad sa iyo dahil pinili kong itago ang lahat. Na kung sakaling malaman mo at isiping kaya kita nilapitan ay dahil lamang sa trabaho, lilinawin ko ang lahat. Pero hindi nangyari ang gusto ko bagkus ay lumayo ka pa. Nagkamali ako dahil masyado akong nagpakampante na pakikinggan mo ako kaagad dahil alam kong mahal mo ako."

"At nagsisisi rin ako kung bakit hindi kita pinakinggan," ulit niya, patuloy sa pagtulo ang kanyang luha.

Si Dice ay nanunubig na rin ang mga mata pero imbes na umiyak ay pinunasan nito ang pisngi niya gamit ang likod ng palad.

"I'm sorry..."

"Kung kinakailangang magsimula tayong muli sa umpisa ay gagawin ko. Liligawan kita. Hinding-hindi kita susukuan at susuyuin kita habambuhay."

She pouted as she tried to stop her tears from falling again. "Let's go home now?" maliit ang tinig na aniya. Tama na ang pagsisisi, ang importante ay ang kasalukuyan at ang kanilang kinabukasan. Dahil sa nangyari tumibay lalo ang tiwala nila sa isa't isa. Natutunan din niyang huwag nang magpapadaig sa matinding emosyon, dahil base sa nangyari sa kanila ni Dice ay masasabi niyang maaaring pagsisihan sa bandang huli ang lahat kung nagpabulag sa sariling emosyon ang isang tao.

Matagal pa muna siya nitong pinakatitigan bago ngumiti at tumango. Natulala siya nang makita ang ngiting iyon, ang ngiti nitong ilang buwan siyang umasa na masilayan niyang muli.

"Hmm?"

He cupped her face as he gave her a soft peck on her full lips.

"Yes, sweetie... Let's go home together."

Hindi mabagal at hindi rin naman mabilis ang pagmamaneho nito nang pauwi na sila. Base sa daang tinahak nila ay napagtanto niyang sa bahay nito sila tutuloy. Habang nagmamaneho ito ay panaka-naka siyang tinitingnan at halatang nag-aalala habang siya'y hindi inalis ang paningin dito. Pagkuwa'y bumaling diya sa may bintana at bigla na lang naisip ang mga nangyari. They were silent for a while now so she thought of some topics they'd talk to.

"Ang ganda ng sasakyan ni Rexton, 'no?" pilit niyang binabaling ang isipan dahil kapag tahimik ay nagpapabalik-balik ang mga peligrong naranasan niya.

Nangunot ang noo nito. "Why are you praising him?"

"Ha? I'm not. I am praising his car. This mustang." Rexton dela Costa's car was a Ford Mustang GT Convertible.

"Then, why are you calling him by his first name?"

Napakurap-kurap siya't bumaling ulit dito. Oo nga naman. Hindi sila close ng lalaki kaya bakit niya ito tatawagin sa ngalan? Pero kahit sandali lang kasi silang nagkausap, pakiramdam niya'y ang tagal na niyon hanggang sa naging kampante siya.

Rexton looked so friendly, too, that must be why she's suddenly comfortable calling him by his first name. But then again, she remembered what happened in the abandoned building and she blinked twice.

"Mr. dela Costa was scary."

Ngumuso ito. "I'm not jealous. I'm just—" Dice frustratingly sighed as he didn't finish his sentence.

Nagseselos nga. Defensive, eh.

"It's alright. You can call him by his first name. You can call anyone by whichever name you wanted to call them."

"Oo, kasi pangalan naman nila iyon, hindi ba?"

"Don't tell me you're kidding..." malat ang tinig na bulalas nito.

But she's not kidding.

He sighed. "Are you feeling awkward, Kan?"

Napakagat-labi siya. How did he know about that slightest feeling she's feeling right now?

"I'm right, am I not?"

Bahagya siyang tumango. "I'm honestly worried as well." And scared...

"Why, sweetie?" nag-aalalang tanong nito.

Napalunok siya't sa isang iglap at bumalik sa balintataw niya ang nasaksihan kanina at lahat ng naranasan niya—kung paanong walang takot na itinutok ni Rexton ang baril sa rati niyang kaibigan at hindi man lang nag-alangang kalabitin ang gatilyo iyon, at kung gaano nga pala talaga katindi ang naging peligro sa buhay niya noong mga nakaraang buwan.

"Shit!" Mabilis na ipinihit ni Dice ang sasakyan. "Kanon, calm d—fuck!" Mas bumilis ang pagmamaneho nito.

What she witnessed was traumatic to her that she's now trembling out of fear as she was panicking. Hindi mawala sa isipan niya ang pagsigaw matapos mabaril ng dati niyang kaibigan, at ang mga maaaring nangyari kung hindi niya pinigilan si Rexton dela Costa sa gagawin. Paano kung sa kanya nangyari iyon? At bumuhos sa isipan niya ang takot nang tila naramdaman na naman niya ang pisikal na sakit na dulot ng ginawa sa kanya habang nakatali sa upuan, nakapiring at may busal sa bibig. She felt hopeless and weak.

Nagmura ulit si Dice bago itinigil ang sasakyan sa emergency parking. He pressed some button on his cell while removing her seat belt.

"Dice... H-hindi ako makahinga..." she said in her frail voice.

"Calm down, sweetie—" Nagmura ito nang mapapikit siya't hinahabol ang paghinga. Mabilis na bumaba ng sasakyan 'tsaka pumunta sa pwesto niya si Dice para mas matulungan siya.

Pinagpapawisan na siya't ang lakas ng kabog ng puso niya. She never had heart attacks but she felt like she's having an attack now. Nagmulat siya't nang makita ang matinding pag-aalala kay Dice ay lalo siyang natakot at napakapit nang husto sa braso nito, habang ang isang kamay niya'y nakakuyom sa manggas ng damit nito kanang banda. His muscles clenched as he tried to relax his face. Kalmante na ito nang magsalita.

"Kanon Grace, relax... breathe in slowly, deeply and gently..."

Pumikit siya para sundin ito. She must relax herself or calm down. She's grateful that he was there and was assuring that everything's going to be alright as long as she kept her calm and listened to him.

"That's right, sweetie. Breathe in through your nose—"

Para siyang kinapusan ng hininga dahil hindi iyon nagawa nang maayos. Napamura si Dice at tinanggal ang pagkaka-hook ng kanyang bra para mas makahinga siya ng maluwag.

"Breathe in through your mouth now, Kan. One, two, three, four, five. Breathe out... Breathe in again slowly..."

She followed each of his instructions without removing both her hands on his left forearm. She was holding onto him tightly for she'd feel she could calm down as long as he's beside her.

"Close your eyes, sweetie, and focus on your breathing, okay? Don't worry, you'll feel better after a few."

Tumango siya ng dalawang beses 'tsaka pumikit. Patuloy pa rin sa pag-alalay si Dice sa kanya. He's also counting steadily from one to five on each in-breath and each out-breath. They repeated that for a few minutes before she could normalize her breathing.

"Calm down now. You have to rest."

He's right because she felt worn out afterwards. After a few, they drove to the nearest hospital—it's the same hospital where her biological father was working.

She had a panic attack—a feeling of sudden and intense anxiety—and what Dice instructed her to do was the breathing exercise for panic attack.

Kaagad siyang inasikaso at dinala sa VIP ward para lagyan ng swero. Kung tutuusin ay hindi naman na kailangan iyon pero iginiit ng lolo niya na bigyan siya niyon. Marahil ay naalerto ito dahil makalipas ng ilang buwan ay ngayon lang sila nagkita at malaki ang ibinagsak ng katawan niya. Hinayaan na niya't ilang sandali pa ay nakaramdam na siya ng antok sa sobrang pagod pero bago makatulog ay nakabalik na si Dice at may dala-dalang first aid kit. He gently tended her wounds she got from the cigarette burns until she fell asleep.

           

          

"SHE'S fine now, she just needed to rest, Prof.," paninigurado ni Dice sa tunay na ama ni Kanon nang makatulog na ang babae. Pero alam niyang kailangan pa ring matingnan ito nang makasiguro lalo pa't iba-ibang klase ng gamot ang ipinainom at itinarak dito sa loob ng ilang buwan.

"What happened to my daughter?"

He knew what did that question mean. At mukhang may alam na rin ang nakatatanda sa mga pangyayari.

"Your family visited us yesterday..." Tinotoo nga ng mama niyang sasabihin na sa mga del Rio ang mga nangyari. Hindi lingid sa pamilya niya ang kanyang trabaho dahil nasabi na niya noon para mas maintindihan ng mga ito at maging alerto sa mga maaaring mangyari. And because it was prevented earlier, Usui Corporation wasn't infiltrated by the syndicate. Mas pinatibay na nila ang seguridad ng kumpanya at naging mas alerto.

He started explaining the situation to him precisely. Galit na galit ito't determinadong magsampa ng kaso sa mga maysala.

Halos kalahating oras ang lumipas nang dumating ang mama ni Kanon. Napalunok siya sa kaba nang makitang ang sama ng tingin nito sa kanya.

"Ma'am," seryosong bati niya nang malapitan nito si Kanon at masigurong maayos ang kalagayan.

"Ang payat niya! My God, ano'ng ginawa mo?!" baling nito sa kanya.

"Katerina," mababang tinig na suway ni Dr. Ramon del Rio.

Napakagat-labi ang mama ni Kanon at bumaling muli na nahihimbing na anak. Napayuko siya dahil bigla siyang nakaramdam ng konsensya kung bakit nangyari sa babae ang mga bagay na iyon. Kung hindi sana niya itinago ang lahat dito—

He immediately shove those thoughts away. Pinangako na niya sa sariling wala nang sisihan pa't magsisimula ulit sila nito pagkatapos ng lahat ng iyon.

"You should've just told me everything, young man. I could've had helped you..."

He was about to respond when she spoke again.

"Silly me. Of course you couldn't tell me. I don't remember having a good conversation with you. I don't even remember talking with you alone." Napabuntong-hininga ito. "Your mom called me and we met. They told us everything..."

He didn't know what to say because he's still feeling a bit awkward having that light kind of conversation with his fiancée's mother. Mas sanay siyang iniirapan ni Katerina del Rio kaysa mahinahon na kinakausap.

"I'm really sorry if I failed to see your love to my daughter. I was blinded with the lies inflicted in my mind. Naniwala akong pinlano ninyo ang lahat noon..." Tumikhim ito para pigilang maluha. "Hindi ako makapaniwalang kinalawang na ang kakayahan ko noong nasa pulisya pa 'ko." The woman tried to sound lightly. Hindi niya napigilan mapagkumpara ito at si Kanon. They had that same trait—trying to crack jokes or make the conversation lightly just to ease the talking and the mood.

"I understand, Ma'am."

Katerina del Rio stared at him with so much regret and apology in her eyes. "If it wasn't for your mom, I won't ever accept you in our household. Kahit paano'y naging magkaibigan kami ng mama mo noong elementary pa kayo ni Kanon."

He remembered that.

"I was slowly accepting you, but Lemuel came back and told me that your family was trying to ruin us again. Hahayaan ko na lang pero natakot ako para sa anak ko, kasi nakikita ko kung gaano ka niya kamahal kaya lalo akong tumutol nang malaman kong ikakasal na kayo." She chuckled lightly. "I already knew you two are going to marry someday but when I learnt it was already official, I felt bad for my daughter. She looked so happy when she told me about your marriage and all I thought was you're just manipulating her... and that, you're only after our wealth..."

"Katerina, you ought to know that they own the leading Logistics company in the nation," pagpapaalala ni Ramon del Rio, Sr.

"I failed to notice that. I was only focused with my daughter that's why my judgment was clouded. Kaya madali rin akong napaikot ni Lemuel..."

Tinanggal nito ang suot na kwintas at ginagap ang kamay niya para ibigay sa kanya iyon.

"This is a family heirloom. I want you to keep this and give it to my granddaughter soon."

Bumukas ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok ang mommy niya. Bahagya pa silang napapitlag dahil sa tinis ng boses nito. While Dr. del Rio excused himself because of an emergency.

"Oh, my God! What happened to our Kanon, dear?"

"Mom," mahinang tawag niya rito.

"Ikaw naman, Daisuke, sinabi ko nang iwanan mo na iyang trabaho mo sa Phoenix na iyan! Tingnan mo ang nangyari!"

Tinapik-tapik nito ng malakas ang braso niya na parang bata siya na pinapalo. Nabitiwan niya ang kwintas pero nasalo naman iyon ng mama ni Kanon at nabitiwan ang paggagap sa kamay niya bilang paghingi ng tawad at tanda ng pagtanggap nito sa kanya para sa nag-iisang anak nito.

"Mom, that's enough. Masasaktan ka—"

"Ha! Lumaki ka lang, niyayabangan mo na ako? Kung hindi dahil sa lahi ko, hindi ka lalaking gwapo at matipuno!"

Were they seriously going to joke around? Nasaan ba ang ama niya nang masuway ang ina niya?

"Naku, Daisuke! Siguraduhin mo lang na mahuli ninyo ang mga maygawa nito sa mga pamilya natin dahil kung hindi, ako mismo ang magtatago kay Kanon sa iyo!" Bumaling pa ito sa mama ni Kanon. "Hindi ba, Kat?"

Napailing siya nang sumagot naman kaagad ng oo ang isa. Parang hindi mga ginang kung mag-usap ang mga nanay nila ni Kanon. Parang ganoon din ang alaala niya noong bata pa sia sa tuwing may PTA Meeting at nagkukwentuhan ang mga ito bago magsimula o pagkatapos ng meeting. Hindi rin niya napigilang mapangisi dahil sa sa kabila ng matinding pag-aalala niya kay Kanon ay hindi maikakailang gumaan ang kanyang loob.

Ganito pala ang pakiramdam na tanggap na ako ng pamilya ng mahal ko, Aniya sa isip. Kinikilig na animo'y nagbalik sa pagiging binatilyo.