webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

Leigh

Chapter 19. Leigh

            

          

SUBALIT nang makapagtapos na ng kolehiyo si Nicolea at lahat-lahat ay hindi sila nagkita ni Jave. Hindi niya alam kung saan ba sila nagkamali. Marahil ay dahil masyado nilang minadali ang pagkakaroong ng relasyon o baka dahil masyado pa silang bata at kailangang timbangin kung alin ba ang mas mahalaga sa buhay nila.

Tadhana na ang maglalapit sa kanila kung para talaga sila sa isa't isa. For now, she would let go of everything and be free.

Just as planned, she trained under AIA. Napagtanto niyang para na rin siyang nag-boot camp sa mga training na tinapos niya kasama ang iba pang trainees. Para silang mga sundalong hinahasa para maging handa giyera.

Since she'd become a secret agent, she never told anyone, aside from Lacey, about that. Hindi rin natupad ang balak niyang pag-oopisina dahil mas nagustuhan na niya ang ginagawa. Her parents understood and she just told them that she'd like to travel and explore things out. Swerte siyang nagkaroon ng supportive na mga magulang.

Hindi rin siya nakipagkita sa matalik niyang kaibigang si Yvonne lalo pa't abala ito sa pag-e-ensayo sa Olympics. Atleta na kasi ito. Kahit noong mga nag-aaral pa ay hindi sila nagkita ng huli. Kung hindi siya nagkakamali ay malapit na itong maka-graduate. Kumusta na kaya ang kaibigan niyang iyon?

Pabor na rin naman sa kanya iyon lalo pa't ngayon ay napagtanto niya kung gaano kadelikado ang maging isang imbestigador at agent.

Nang pumasa siya't naging agent ay agad siyang binigyan ng misyon. It may not be one of the top missions that the agency gives to the top agents only but she really had a hard time on doing it.

She had to pretend she's a kept woman so she could ask for the help of the corrupt lawyer. Muntik nang sumabit pero natapos naman niya ang misyon.

She was twenty-three when she left the Philippines and started doing missions abroad.

This became her new normal. She wasn't like the same herself anymore, she knew that the moment she joined the company, she had to live completely differently. Ilang beses ba siyang nagpanggap na ibang tao para lang makumpleto ang mga misyon? How many times did she deny having a family? Countless times. And she enjoyed everything. The thrilling moments were exciting her even more. Sa ganoong paraan din kasi ay hindi niya na naiisip ang lalaking bumihag sa batang puso niya.

She sighed and tried focusing on her mission right now.

Nakapwesto siya sa rooftop building malapit sa abandonadong gusali kung saan dinala ng sindikatong kanilang tinutugis ang agent nilang nagpanggap na kliyente.

During her training, she also became a professional sniper, that's why she knew exactly where she would hit the targets when the time comes.

"Get in your positions!" ni-radyo iyon ng kasamahan nila.

"Leigh, focus! Why are you spacing out a while ago?"

"Copy!" Hindi niya pinansin ang tanong nito. In the agency, she was known as 'Leigh', she didn't want to be called 'Nic' because she wanted to separate her private life to her work. At isa pa, naaalala niya si Jave sa tuwing may tumatawag sa kanya niyon. The way he uttered her name was always coming back to her senses. Bakit hinayaan nitong maghiwalay sila ng landas? Ang akala ba niya ay mag-uusap pa sila pagkatapos ng bakasyon?

Ipinilig niya ang ulo para iwaglit ito sa isipan. Nag-focus siya sa kanilang misyon.

Hindi nga sila nagkamali dahil binalak na patayin ng sindikato ang kasamahan nila. She immediately hit their agent's knee and he fell down. While there was a commotion, she targeted the culprit's hand. Para mabitiwan nito ang hawak na baril.

Doon na umaksiyon ang iba pa niyang mga kasamahang naka-stand by at hinuli ang mga miyembro ng sindikatong nandoon.

"Good job, Leigh!"

She sighed and packed the Nr.10 McMillan TAC-50. It's a long-range anti-material and sniper rifle. Its designation denotes "tactical" and .50 BMG caliber. 

Nasa United States siya ngayon at bukas ay lilipad sila pa-Germany para sa huling misyon niya bago bumalik ng Pilipinas. She'd be having a month-long vacation since she didn't have any since she joined the agency over a year ago.

"Hugh, I left the rifle at the hotel suite. You take it or just let the other men take it. I'm dead tired, I want to take a rest."

"Alright, Leigh. See you tomorrow!"

Pinatay na nito ang tawag at bumaba na ng hotel building. Nasa basement parking ang sasakyang nirentahan niya. Mabilis siyang nagmaneho para makabalik na agad sa hotel suite na tinutuluyan niya. Pabagsak niyang sinara ang pinto at dire-diretsong tumungo sa banyo. She didn't care if the blinds were still up. Anyway, heavily tinted naman ang glass window at dahil nasa twenty-ninth floor siya ay malaya niyang mapagmamasdan ang ibang matataas na gusali, pati ang sumisilip na kalangitan.

Nagbabad siya sa tub ng halos kalahating minuto bago nagpasyang tumayo para tapusin na ang pagligo. Ire-review pa niya ang files na s-in-end sa kanya para sa misyon bukas. Mahirap na, baka may nakaligtaan pala siya noong huling binasa niya iyon.

She poured some whisky on the Glencairn glass and slowly drank it. She poured some again and went on the bed. Umupo siya at sumandal sa headboard, kinuha ang laptop na nasa bedside table at nilapag ang inumin sa mesa.

Halos manakit ang ulo niya habang binabasa ang files. Mang-aakit na naman siya ng isang kilalang tao, ngayo'y sa Germany. She sighed heavily. Mabuti na lamang at hindi naman niya kailangang makipag-sex gaya ng ginagawa ng ibang agents. Mas mapapadali kung gagawin niya rin iyon pero ayaw niya. Maybe because unconsciously, she reserved her body only to the man the she'd ever loved.

She shook her head again and drank the whisky. Iyon na nga ba ang ayaw niya sa tuwing wala siyang ginagawa. Lagi-lagi na lang nakahahanap ng dahilan ang isipan niya para okupahin ni Jave.

She should completely move on. Hindi iyong ganoon na parang kumakapit pa rin siya sa posibilidad na magkabalikan sila ng huli.

"That was just your young love, Nic. You should really forget him." She sighed and said those words to herself. Again and again.