webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

Katangahan

Chapter 20. Katangahan

     

    

HONESTLY, Timo thought he would pursue Jinny after that night, but he didn't. Pinanindigan talaga niya ang hindi pakikipaglapit sa may anak na kahit inuudyukan na siya ng sariling wala nang halaga iyon, na ayos na ayos lang sa kaniya. Subalit nangibabaw ang katangahan niyang huwag na itong lapitan kahit naramdaman naman niyang may pagtingin din ito sa kaniya kahit katiting lamang.

Ang hindi niya inakala ay ang magiging tila tagahanga pa siya ni Jinny. He kept on sending her gifts for the past year. He even gifted her child lots of things that she might needed. He also gave gifts to her parents. Maging sa pamilya ng kapatid nitong nasa probinsya! Putcha, para na rin niyang niligawan ang buong angkan nito. Kung buhay pa siguro ang nuno nito ay niregaluhan na rin niya. He even bought properties for her—a house and lot and a car to be exact—but of course, still didn't give her. May kutob kasi siyang hindi nito tatanggapin ang mga iyon.

At ang lahat ng regalo ay pinadala niya anonymously, saying that he's Jinny's avid fanboy, and that, he was patiently waiting for the all-girl band to have a comeback. At para hindi halata ay nagpapadala rin siya ng kung ano-among regalo sa ibang miyembro paminsan-minsan. His latest gift were laptops that were personalized and that was almost three months ago. Pinasadya niyang palagyan ng initials ng bawat miyembro ang kada unit, at imbes na manufacturer's icon ay ang logo ng banda ang ipinalagay niya—golden sun.

Sa totoo lang ay pinagsisisihan niya ang lahat... Lalo na ngayong nalaman niya ang totoo tungkol kay Jinny. Sa loob ng isang taon, ngayon lang niya naisipang imbestigahan ito. Masyado kasi siyang na-focus sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa head ng AIA, at ngayon lang talaga hinarap ang ibang bagay. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit nagawa niyang pigilan ang sarili sa pakikipaglapit kay Jinny, mas nanaig ang pagnanais niyang malaman ang totoo kung bakit siya ang hinayaang halos magmando sa AIA, at kung bakit tiwalang-tiwala sa kaniya ang head nila.

Now, he's in front of Phoenix Security Agency because of a briefing about a case, and he'd go back to AIA because he's needed there as well. Sandali lang naman dahil kailangan niyang makarating sa VBS bago mag-alas sais ng gabi kung saan oras na ng balita't magbabalita siya. Napalingon ulit siya sa signboard ng Phoenix, napailing siya't hindi niya rin inakala noon na kaparehas nila ang linya ng ahensyang ito. He only knew it was a prestigious security agency before.

Who would've though that what lies behind this security agency is a private intelligence agency?

After months of investigating alone and the evidences about the head of the Arellano's anomalies were piling up, he had decided to join Phoenix without leaving AIA. That's his condition if he'd join Phoenix. Madali na lang ang lahat dahil alam niya ang kalakaran sa private intelligence agency—hindi sila nagtatrabaho sa ilalim ng gobyerno. Malaya silang makapili ng mga kasong hahawakan nila at iyon ang misyong ibinibigay sa mga secret agents. The agency devoted to the collection, analysis, and exploitation of information, through the evaluation of public sources.

Samantalang sa Phoenix ay napag-alaman niyang kung minsan ay nakikipagtulungan ang mga ito sa gobyerno. But he knew they're the same with the agents who sometimes obtained information deceptively or through on-the-ground activities for clients. Siya nga'y ilang beses na gumawa ng labag sa batas upang makakalap ng mga kakailanganing impormasyon.

Regarding with AIA, he wasn't working alone anymore. Napatunayan niyang halos pareho sila ng layunin ng tila sunud-sunurang aso na si Nikolaj Devila. He wanted to expose Arellano and his allie's anomalies while the latter wanted to bring them down. Kaya patuloy ito sa pagpapanggap na parang hawak ito sa leeg ng mga Devila.

And to get his trust, Nikolaj told him what he needed to know about himself just as how he told him about everything. Including his deepest secret.

Tumunog ang kaniyang cellphone bago pa man mapaandar ang motor. It was Leigh, she's now back in the Philippines and currently in her hometown, Davao. Dapat ay bakasyon nito pero binigyan pa rin niya ng trabaho. He'd just extend her vacation after that job.

But she told him she wouldn't do the mission.

"Kilala ako ng mga may-ari, hindi ako nakakagalaw nang malaya."

"Oh, yeah? Mas mainam pala dahil kilala ka. Hindi sila maghihinala." He knew who's who. None other than his friend, Rexton dela Costa. Pero alam niyang temporary CEO lamang ito roon dahil mag-focus na ito sa Montreal Agency.

"Pero, boss, sigurado ba kayong pinamumugaran ng sindikato ang DC Mall?"

"That's why we need you to investigate. Malaki ang tsansa na riyan nagaganap ang transaksyon sa tuwing nakasarado ang mall."

"I just don't notice something peculiar here."

"O baka dahil kilala mo ang may-ari kaya sinasabi mo iyan?"

"What? Of course not. I don't take sides when it comes to missions. You should know better, you were the one who trained me."

"Right. Anyway, just keep on staking out. You may find out something soon." Hindi alam ni Rexton na pinaimbestiga niya rin sa AIA agents ang mall nito dahil baka mamaya ay kasabwat pala ito ng sindikato. Mahirap na. Minsan na nitong sinira ang tiwala niya noon.

"Kailan ba ang dating ni Hugh?" tanong nito sa kaniya. The mission was supposed to be handled by Hugh's group only. Pero dahil nandoon na rin naman si Leigh, mas mainam nang isama ang magaling nilang sniper. Isa pa ay palagay na ang loob ng dalawa dahil magka-partner sa karamihan ng mga misyon.

"He's already at the airport. Patuluyin mo na lang sa inyo't ipakilala mong boyfriend mo."

"What? I thought I'm on a vacation?" He could imagine Leigh raising an eyebrow. She also sounded sarcastic as well.

"Nagkataon kasing nariyan ka, kaya tulungan mo na si Hugh."

"Bakit hindi na lang sa safe house?"

"Malayo ang safe house sa target."

"Or mag-rent siya."

"I'm changing my plans. Mas mabuting kasama mo siya."

"Is it because I know the dela Costas?"

Bingo! Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. That was the main reason why she's giving her the job.

"I'm right, am I not?"

"Yes. And if you agree on this, I'll extend your vacation for another month."

She groaned. "I separate work from my personal life."

"Just for this time, Leigh."

"Boss naman..."

"I will pay you handsomely," panghuhuli niya sa kiliti nito. Hindi nito matatanggihan ang ibibigay niya.

"'Yan, dapat ganyan. Hindi mo naman agad sinabi, eh. Ano ba'ng gagawin ko?"

"You are asking if what else should I give you, right?"

Lumapad ang ngisi niya. "Nasira kasi iyong Harley-Davidson na bigay mo noong nakaraang misyon ko sa Pilipinas. Medyo nami-miss ko nang mag-motor."

"Alright." He sighed. "I'll give you my Ducati once you go back in Manila."

"Basta wala akong ibang gagawin kundi patuluyin si Hugh sa amin at magpanggap kaming lovers."

"Gahaman ka na, Leigh."

"Tinuruan mo ako, eh."

"I'll hang up. Magmanman ka pa riyan."

"Copy, boss!"

Napailing siya't bahagyang hinimas ang kanyang Ducati. "Sorry, babe, I have to let you go," bulong niya na tila kausap ang kaniyang mamahaling motorsiklo.

Ilang araw lamang matapos niyon ay napag-alaman niyang nahuli ni Rexton ang mag-partner sa misyong inatas niya, sina Leigh at Hugh.

"Matinik ka talagang dela Costa ka," nanggagalaiting bulalas niya matapos siyang tawagan kaagad ni Leigh para mag-report.

Kaagad niyang tinawagan si Rexton dahil baka mamaya ay ano pa ang gawin nito kay Hugh. Maaaring hindi na nito makilala ang hacker nila. Afterall, they never met each other personally before.

"Dude! Alam kong tatawag ka agad!" Sa loob ng lagpas isang taon ay hindi nagbago ang trato nito sa kaniya subalit naging mailap na siya.

"'Tangina, pakawalan mo ang agent ko."

"Naks, maalaga ka talaga, my best friend," nang-aasar ang tinig nito. "Sinasabi ko na nga ba't pamilyar ang lalaking ito, eh. Ito pala ang pinagmamalaki mong hacker noon? Recruit ko na rin kaya sa Phoenix? Ano sa tingin mo? Mukhang papayag naman siya kapag nalaman niyang nagtatrabaho ka na rin sa 'min."

"Ang dami mong satsat! Nasaan siya?"

"Nagpapagaling. Binaril ko kasi—"

Nagmura siya't naputol ang sasabihin nito. Alam na niya iyon, nasabi na ni Leigh. Ang gusto niya lang makumpirma ay ang lagay ni Hugh.

"Relax lang naman, hayahay naman na ang buhay niya rito. At sa binti ko lang siya binaril para kumanta ang partner niya. Loko, bakit hindi mo sinabing nagtatrabaho sa inyo si Nic?"

Nangunot ang noo niya. Then he realized something, and that Rexton was talking about Leigh. Pero hindi na lang siya kumibo.

"Anyway, I'm sure my cousin will make a move now. Mukhang malalagasan kayo ng isang agent kapag itinanan iyon ng pinsan ko. Mukhang magaling pa naman."

Magaling talaga, siya ang humasa, eh. And she also had the will to be skilled.

Tinapos na niya kaagad ang tawag dahil nang masigurong buhay at ligtas si Hugh.

Sa halos limang buwan mula nang magtrabaho sa ilalim ng Phoenix International Agency ay tumanggap na rin siya ng misyon mula sa mga ito nang lingid sa kaalaman ng kanilang head. He lied to AIA's agents as well, just like now, he told them that they were just joining forces with Phoenix to catch those criminals who were responsible for human and drug trafficking in Davao.

Any ideas about Timo's deepest secret? I'd like to hear from you! ^^

jadeatienzacreators' thoughts