webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

End

Chapter 7. End

        

         

IT WAS just the start of Christmas break yet Nicolea was already getting bored. Mabuti na lamang at magbabakasyon ulit sa kanila ang kaibigan niyang si Yvonne subalit sa mga susunod na araw pa darating. Ang pinagtatakhan niya ngayon ay ang binatang bisita nila sa Villa Punzalan, na kailanma'y hindi niya pa nakilala.

"So, you're saying that you're giving me this dress?" Pinagtaasan niya ito ng kilay.

"You don't have to be sarcastic, Cherish—"

"Nicolea. That's my name," naiiritang sansala niya rito.

"Nicolea," ulit nito. "I just wanted to give you that dress." Bumaling ito sa hawak-hawak niyang damit. It's a summer dress with floral designs. Its color was red and it's sleeveless. It was too girly for her. She preferred skin tight jeans and fitted shirts.

"I don't like it. It's too girly."

"You are a girl."

Sinamaan niya ito ng tingin. Dalawang araw na itong nasa kanila. Gwapo ang binata, parang laki sa layaw. And he's as white as a paper. And she knew better why her mom told her to be good to JM— for her to become a girl.

Her mom, Leandra Punzalan, may not be vocal about her doubts on her sexual preference but she knew that she's thinking she was a lesbian. Kasalanan naman niya dahil sa ginawa niyang pagpapanggap, mag-iisang taon nang nakalipas.

Kinagabihan ay naka-video call niya si Jave, nasa Maynila na ang mag-anak at isa-isa na ring nagdadatingan ang mga kamag-anak ng mga itong mula sa ibang bansa.

"What's with the long face?"

"I wish I could be there as well," busangot niyang bulalas.

Humiga siya sa kama at tinigilan ang pagri-research tungkol sa course na related para maging Kapitan ng barko.

Si Jave nama'y nanatiling nasa balkonahe ng silid na tinutuluyan nito, nakaupo sa pang-isahang upuan at titig na titig sa screen ng gamit na cellphone.

"Mabuti naman at pupunta si Yvonne dito kaya may nilu-look forward ako."

"Ginugulo ka ba ng lalaking iyon?"

Lalo siyang bumusangot. "He kept on giving me girly stuffs. It's so obvious he's flirting with me, too."

"I'll go home," he said coldly.

Napaupo siya't sumandal sa headboard ng kama. "No! Family reunion n'yo riyan."

"Nagseselos ako, Nic." Hindi na siya nagulat sa pagsabi nito niyon. Lagi kasi niyang kinukwento, more like, sinusumbong si JM dito. Hindi naman siya makapagreklamo sa kanyang ina lalo pa't alam niyang pagsasabihan siya nito na huwag maging bastos sa bisita. Ganoon kasi ang sinabi sa kanya nang unang araw na dumating si JM at halata ang sadyang paglapit nito sa kanya.

She sighed, then eventually smiled at him. "You don't have to."

"Malayo ako. Paano kung mahulog ka sa kanya? Ang sinabi mo'y gwapo. At ang isipang nasa iisang bubong pa kayo..."

Was he seriously being insecure? He shouldn't be!

"Paano kung mapalambot niya ang puso mo?"

No way! Hindi niya napigilan ang mangisi dahil ang corny nito't alam niyang sinadya nito on para pagaanin ang usapan. Gusto niya ring mainis dahil iniisipan siya nito ng ganoon. Pero hindi naman niya masisisi ang huli, lalo pa't halata namang nagseselos talaga ito. Isa pa, sa ngayo'y alam niyang mas matimbang ang pagtingin nito sa kanya kaysa pagtingin niya rito.

"Stop smirking." Halata na nairita na ito.

"Sorry, you just look so cute."

Nag-iwas ito ng tingin. Mukhang nainis na nga.

"I'm sorry, okay? You don't have to worry about those things. Hindi nman mangyayari iyon. You are my type."

He sighed and stared at the screen again.

"You are my boyfriend, too."

Nginisihan niya ito nang mapansing nawala na ang pagkunot ng noo.

"I love you."

Suminghap ito, at nang-aakusang tumitig sa kanya sa screen. "You always know how to use your dandy words very good."

"Kinilig ka, 'no?"

He bit his lower lip before speaking, "Did you just say that so I'd stop being jealous?"

She guiltily nodded.

"It's easy for you to say those words..."

"And I really mean I love you, Jave. Do not overthink."

Napamura ito. "Why am I acting like a jealous girlfriend?" kastigo nito sa sarili.

"Because you are beautiful?"

He groaned to protest but his eyes were already smiling.

"Sana tumanda na tayo, 'no? Feeling ko, gusto na kitang pakasalan." Hindi niya mawari kung bakit siya nagbanggit ng kasal. Basta na lang naglakbay ang diwa niya sa maaaring mangyari sa hinaharap.

"Damn it, Nic. Stop it. You're making me miss you more."

She's missing him more, too.

"Can't wait to see you again."

"Me, too. Sayang, hindi kita makikita sa birthday mo." His birthday was on December the twenty-fourth, a day before Christmas. He's seven-month older than her because she was born on fourteenth of July, the following year he was born.

"Babawi ako kapag nakauwi na kami."

"Ako dapat ang babawi, eh. Ikaw ang magbi-birthday."

"Hindi mo kailangang bumawi. You already gave me the one of my best birthday gifts."

Nangunot ang noo niya. Wala siyang natatandaang binigyan niya ito ng regalo. Kabaliktaran nga dahil ito ang laging nagbibigay ng regalo sa kanya.

Tumawa ito ng bahagya. "I meant yourself."

Nanlaki ang mga mata niya. "I did not give my virginity to you yet!"

Napamaang si Jave sa kabilang linya. "I... didn't mean that."

"H-Huh?" She was taken aback. Kitang-kita niya ang pamumula ng buong mukha Jave at alam niyang ganoon na rin siya.

"I was pertaining to when you became my girlfriend..." malat ang tinig na usal nito.

Napalunok niya. She felt awkward talking about that thing to him. Dahil para na rin niyang sinabi na palagi niyang na-i-imagine ang sariling ibinibigay ang pagkababae rito.

You're just seventeen, Aniya sa isip.

"You should take a rest."

"M-Maaga pa," katwiran niya.

"Take a rest, Nic." Napalunok ito.

Gusto niyang ipagpasalamat na hindi niya ito katabi dahil kung nagkataon ay baka sinunggaban na niya ito at mapusok na hinalikan.

Napailing siya. Pinangako niya sa sariling hindi siya magiging mapusok na teenager. Sapat na iyong mga halik na iginawad nila sa isa't isa. May tamang panahon para sa mga sekswal na bagay.

"Sorry. Pasmado ang bibig ko," hinging-paumanhin niya.

Tumango lang ito.

"Don't worry, tutupad ako sa pangako natin sa isa't isa. No sex until we both become successful."

He groaned. "End the call, Nic."

"Ayaw mo na akong makausap?" Sa kanilang dalawa, laging siya ang unang nagpapatay ng tawag. Hindi pa siya nito binabaan ng tawag pero ngayo'y kailangang sanayin nito na ayos lang kung hindi siya ang unang magbaba ng tawag.

"You should take a rest."

"Then, end the call."

Napapikit ito ng mariin. "Why are you doing this to me?"

"Doing what?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

He growled. "I'll really end the call, baby..."

Nanlaki ang mga mata niya at mas pinamulahan ng mukha. Jave rarely used endearment. Sa maikling panahon mula nang maging sila ay mas nakilala niya ito, at nakuha niya na kung kailan ito kadalasang gumagamit ng endearment.

Bago pa makahuma ay pinatay na nito ang tawag at naiwan siyang nakatulala sa kisame. Iniisip ang maaaring ginagawa ng nobyo sa mga oras na iyon.