webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

Buntis

Chapter 33. Buntis

    

    

ALL the missions were successful, all the criminals were captured. Nang dumating ang mga pulis ay nag-pull out na silang lahat sa misyon. Isang linggo pa lang ang nakalipas at kahit ongoing pa ang mga kaso ay nasisiguro niyang mabubulok ang mga nadakip sa bilangguan.

He was now at the agency, inside his clinic where he could access the files in his computer as well, when his cousin entered and just stared at what he was doing.

"Ano na naman?"

"Hindi mo talaga mahahanap ang files ni Jasel diyan. I encrypted it so you won't access it."

Naningkit ang mga mata niya at gusto nang suntukin ang kanyang pinsan.

"But I already brought it back just now. That's why I came here to let you know." Lumapit ito at pinakialaman ang computer niya. After a few, everything was refreshed. "Here. It's updated."

Hindi niya alam kung magagalit pa ba dahil itinago sa kanya ang mga files o kung magpapasalamat na lang siya. Sa huli ay tumahimik siya't pinakialaman na ang computer.

"I'll leave you first. And bro, I'm pulling you out on our upcoming missions."

Kahit ayaw niya ay hindi na siya sumagot. He became engrossed when he started reading a document in the file. Stone left him to give him some privacy as well.

Kada bukas sa mga dokumento, kada basa niya, ay napagtagpi-tagpi niya ang lahat kung paanong konektado ang kaso ni Jasel sa mga hinawakan nila nitong nakaraan.

At that moment after a long time, he cried painfully, longing for his only love.

Inabala niya ang sarili sa paulit-ulit na pagbasa sa mga dokumentong nasa files, baka kasi may nakaligtaan siya't may mahanap pang butas. Hindi niya namalayang bumukas ang pinto at may pumasok.

"Man, why are you burying yourself in here?"

Bahagya pa siyang napakislot nang marinig ang nagsalita, ang kuya ni Jasel.

"How did you get in?" walang emosyong tanong niya.

Ngumisi lang ito at prenteng umupo sa couch na nasa clinic. Luminga-linga pa ito sa paligid. "Makukuntento ka na lang ba rito? Paano ang trabaho mo sa ospital? Hindi por que apo ka ng may-ari ay may pribiliheyo ka na kung kailan mo lang gustong pumasok. Do you think my sister would want to see you tha—"

"Agent ka rin ba? Does your wife know about it?" he interrupted.

"Chill. I'm not an agent and I'm not affiliated with Phoenix or any agency. Nakapasok lang ako dahil pinakiusapan ako ng asawa kong isama ka sa pag-alis namin. Also, my uncle wants you to celebrate the holiday with us in Marseille."

"Paano ka nakapasok? Ang asawa mo ba ang agent dito?" Hindi niya pinansin ang sinabi nito.

Umiling din ito at kumuha ng mga chocolate bites na nasa jar niya sa lamesita. "We asked Stone if where can we find you because you're always away from home. Wala ka sa ospital, wala ka rin sa Nievieras'."

Kung hindi pa niya alam ay palagi itong updated sa kanya dahil na rin sa pagsabi ng pinsan niya. Hindi niya gaanong pinakinggan ang mga palusot nito. Hindi naman sa binabalewala niya ang mga kaibigan, ayaw lang niyang patayin ang oras nang walang kaugnayan sa kaso ni Jasel.

"...hinatid niya ako rito dahil hindi rin daw naman ako makakapasok kung ako lang mag-isa. I also didn't know where Phoenix is."

Naningkit ang nga mata niya, pilit na tinitingnan ang anggulo kung maniniwala ba siya.

"Naalala mo noong naaksidente ako? Bayad daw ng pinsan mo ang pagpapapasok niya sa 'kin dito."

Now, that made sense. Mahigpit kasi ang seguridad nila sa gusali at wala talagang nakakapasok nang hindi nagtatrabaho o affiliated doon.

"And why would I go to France with you?"

"Because my aunt wants a complete family reunion?" he stated.

He felt a familiar pang in his heart. Tinuturing pa rin siya ng mga ito bilang fiancé ni Jasel, at parte na ng pamilya.

"And we won't take a no for an answer. So pack your bags, we'll staying in Marseille for a week."

"I can't. May trabaho ako."

"Hindi ka ba hinahanap ng pamilya mo?"

"They know that I am busy."

"But it's Christmas," katwiran nito.

"Nasanay na sila noong nag-aral ako sa ibang bansa. At isa pa, wala naman sila sa bansa ngayon."

"Bakit hindi mo sila pinuntahan?"

Hindi siya sumagot.

"Why do you always stay here? Hindi ka na umaalis ng bansa."

He just gritted his teeth. Why would he ask for the obvious reason? Saglit na katahimikan ang namayani.

"Vince, wala ka nang hinihintay pa rito. Alam mong kahit anong gawin mo ay hindi na babalik ang kapatid ko." His voice was so unemotional that he almost threw punches to him.

Naikuyom niya ang kamao at hindi ito tiningnan. Bumuntong-hininga lamang ito.

"Your cousin also mentioned that you're pulled out from what you're doing. Binigay na raw niya sa iba ang mga gagawin mo."

"You're that prepared?"

"And he said 'I'm sorry'."

Kumunot ang noo niya. Bakit hindi direktang sinabi sa kanya ni Stone iyon, kung ganoon?

"And I'm sorry, too."

"Sorry for what?"

"Nothing. Dumaan ka muna pala sa Nievieras'. Pakikuha iyong luggage ni Ice sa unit ni Jasel, paborito niya raw kasi iyon at hindi na niya nakuha pa nang naiwan niya noon."

"Why would I do that?"

"Because I know you keep on going back in there?" tila nang-aasar na sagot nito sa patanong na tunog. "Basta makikita mo naman iyon sa cabinet, sa guest room na tinutuluyan ng asawa ko noon." He sounded so soft when he mentioned his wife. He couldn't help but think about Jasel. Ganoon din siguro siya ngayon kung natuloy ang kasal nila.

Napailing na lamang ito at iniwan na siya sa opisina.

Ngunit gaya noong mga nakaraan, hindi umuwi si Vince at doon na siya sa clinic nakatulog habang ginugunita ang mga panahong pinagsamahan nila ni Jasel.

He wanted to regret why did he leave, or why did he cut their communications. He wanted to regret why didn't he take advantage—wife her up, made her pregnant—when she was still in his arms... He only wished it was never too late, and now, he wanted to regret every single chance he had missed.

Madaling-araw na yata nang walang tigil na umingay ang cellphone niya't nagising siya, tanda ng may tumatawag. Bumangon siya 'tsaka inabot iyon at sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller ID.

Napatuwid siya ng upo nang humihikbi ang narinig niya sa kabilang linya. Mabilis na tiningnan niya kung sino ang tumatawag at nakitang si Ellie iyon, isang kasamahan niya sa Phoenix.

"Ano'ng nangyari?" agad na tanong niya.

"B-Buntis ako..."

"What?"

"Buntis ako, Vince."

"Paanong nangyari iyon?" Pilit niyang inalala kung nagkaroon ba sila ng intimate na pagsasama ng naging partner niya noong nakaraang misyon.

"N-Nasa Phoenix ka ba?"

"Where are you? Pupuntahan kita."