webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Realistic
Not enough ratings
366 Chs

Abs

Chapter 28. Abs

NICOLEA insisted to just ride the bus. Ang gusto kasi ni Jave ay mag-book sila ng cab, at alam niyang mapapagastos sila kapag ganoon. Since she's familiar in the place— she almost lived in Cebu during her last mission before she went abroad— she told him to not act like a tourist.

"But we are tourists, Nic."

She sighed. Hindi pa niya sinabi rito na may unit siya sa city proper.

"Let's look for a nearest hotel. Mag-book na lang tayo."

"Hindi, Jave," awat niya. "We'll go to my unit."

Nagtatakang tumingin ito sa kanya.

"I have a unit here."

Halata na marami itong gustong itanong pero piniling manahimik.

"'Yan na ba ang lahat ng gamit mo?" Paano'y isang duffel bag lang ang dala nito. Siya nama'y hindi na nagdala ng mga damit at gamit. Mayroon siya sa unit.

"I'll just buy some clothes here."

Tumango siya. "Bibili na lang din ako rito ng ilang necessities."

"I will buy."

Alam niya. Gusto nitong ito ang gumastos.

"'Yan na pala ang mall," pansin nito nang makita ang seaside mall.

"Ako ang bibili ng mga gamit. Bisita kita."

"Hindi mo ako bisita. Baka nakalimutan mong nagtanan tayo."

Agad na tumingin siya sa paligid at napansin niyang lumingon sa kanila ang ilang pasahero. Napabuga siya ng hangin at hinuli ang kamay ni Jave. Ginanap niya ang mga kamay nila para pisilin ang palad nito. She's like sending him a signal to stop talking about them, eloping.

Bahagya lang itong tumawa.

Shortly after their arrival, they went to the mall and bought some basic necessities like some toiletries. They also bought groceries. Para hindi sila panay kain sa labas. At isa pa, gusto niyang ipagluto siya ni Jave. She missed his delicious cooking.

"Gusto mo ng pasta?" she asked.

"No. But you can buy that and put in on our stocks."

She agreed and got the pasta. They also bought some ingredients and condiments that they'd be needing.

"Is this all?" tanong ni Jave nang nakapila na sila.

"Let's buy some chocolates, too." Parang tukso namang napadako ang tingin niya sa mga condom sa rack na malapit sa counter.

Sinundan naman ni Jave ng tingin ang tinitingnan niya. Paniguradong pulang-pula na siya. Hindi siya ganoon ka-inosente. Though she did not bed any of her missions or clients, she had some experiences in kissing. Nakipag-make out na rin siya noon. Call of duty.

"W-Wait. I'll just get some," she excused herself and went to grab some chocolates.

Pabirong binulungan siya ni Jave pagkabalik niya, "Do you want those chocolates, too?" Lumingon pa ito sa mga tinitingnan nila kanina.

Bahagya niyang tinampal ang braso nito. Hindi na sila bata para hindi makuha ang gustong sabihin nito.

"Though I prefer not to use those. But if you want, then, let's buy some."

Napanganga siya nang akmang kukuha nga ito ng ilang kahon ng condoms. Were they seriously talking about that stuff casually?

Agad niyang tinampal ang kamay nito.

"I like it raw, too."

Ang lakas ng tawa nito nang magtama ang paningin nila. Base kasi sa mga narinig niya noon, mas ramdam daw kasi kapag walang proteskyon. But she wouldn't know unless they try, eh?

She shook her head. She honestly did not think about that thing when he told him they should go in Cebu. Ang nasa isip niya ay gusto niya lang na makasama ito ng matagal nang hindi nagtatanong ang mga taong nakapaligid sa kanila. Lalo na ang mga magulang nila.

'Tsaka na niya iisipin kung paano magpapaliwanag. Come what may 'ika nga. But for now, she would enjoy every seconds she'd be with him.

Nang mag-angat siya ng tingin sa cashier ay kitang-kita ang pagpigil nito ng ngiti.

"We also have ultra-thin, Ma'am," komento nito.

"Ah, really?"

Sa huli ay binayaran lang nila ang mga pinamili nila.

"Kumain na rin tayo rito bago magpunta sa unit mo. I'm sure you don't have food available in there."

Tama ito. Pwede namang mag-take out or mapa-deliver pero hindi na niya isinatinig iyon.

"Saan mo gustong kumain?"

"I want some lasagna."

Biglang lumambot ang tingin nito. "Is that your craving now?" He also licked his lips while staring at her.

"Uh..." Oo nga pala, buntis siya. "Yes."

"Anu-ano pa'ng mga pinaglilihian mo?" tanong nito nang kuhanin ang baggage tag. Pinatabi muna nila sa Baggage Counter ang mga gamit at pinamili nila. "How about some mangoes? Maraming mangga rito. There are dried mangoes as well."

Nangingiting umiling siya. "Lasagna lang. Tara. I know a good place."

Matapos kumain ay nag-take out pa ng lasagna ni Jave. Mukhang iniisip talaga nitong naglilihi siya.

Hindi na siya umangil nang magsabi ito na mag-book na sila cab lalo pa't may mga bitbit na silang mga pinamili.

She was the one who booked the cab. Of course he insisted, but since she wasn't telling him the location, he didn't have any choice but to let her.

The residential buildings were twenty-minute far from the mall. Mabuti at malapit lang sa bungad ang building kung nasaan ang unit niya.

Hinarang ng gwardya ang sinasakyan nilang cab. But when she shown her residential pass, they let them go through the security. Maselan kasi ang security roon. Kaya nga pinili niyang bumili ng tirahan doon.

Hugh also had a unit there, but his was on a different floor. She didn't tell Jave, he would get jealous and might insist to just book a hotel.

Nang makapasok ay mahahalata na walang nakatira roon. Sinigurado naman niyang nalilinisan iyon ng maintenence pero hindi palagi. Twice a month lang kung malinisan ang unit.

"Sorry, hindi ko napalinis nang husto. Biglaan kasi," aniya.

"It's fine."

Ang ending, naglinis ito ng unit. He didn't even let her help him because he didn't want her to get tired. Bawal daw sa buntis.

Gusto na niyang sabihing hindi naman siya buntis, pero 'tsaka na lang. She liked the feeling. She wanted to be pampered by him.

Alas sais na nang matapos ito sa paglilinis. Hindi naman talaga marumi, kailangan lang ng kaunting pagwawalis at pag-spray ng air freshener.

Mabilis lang din ang paglilinis nito dahil hindi naman kalakihan ang unit. It's a studio type with two-bedroom, a small dining and kitchen area, and living room. Iisa lang din ang banyo.

Halos mapanganga siya nang bigla na lang itong maghubad ng pang-itaas na damit. Sure, they were still a bit awkward towards each other but the awkwardness naturally gone right away. Dahil na rin siguro sa malapit sila sa isa't isa noon.

"Wow..." Hindi niya mapigilan ang humanga. "Ang payat mo lang dati."

Ngumisi ito at hindi na natuloy ang pagpasok sa banyo. "Batak ako sa training."

"Ako rin naman," she proudly said and stood up. She came closer to him lifted her shirt. "Look at my abs."

His mouth uttered a silent "Whoa!"

"Hmm... Let's swim? Malapit lang ang pool."

"Parang mas gusto ko na lang dito."

Naiiling na tumalikod siya. "Magbibihis lang ako."

Bago pa makapasok sa silid ay yumapos ito ng yakap sa kanya.

"Ano?"

"Ilang buwan ka nang buntis? Hindi halata sa tiyan mo. Your abs are well-toned."

Napakagat-labi siya. Bakit ba kasi niya naisip na makipag-kompetensya sa abs nito?

"Nic..."

"Weeks pa lang. K-Kaya hindi pa gaanong halata."

He let her go and told her to get changed.