webnovel

PHOEBE: The Forbidden Series 2 (COMPLETED)

A successful careerwoman. A kind loving daughter, a sister of three. Single and free. Wave of luck seems to be on Phoebe's side. But when a stubborn, skirt-chaser--not to mention, married--newly appointed company director was after her, everything seemed to crumble into pieces. Makakaya kaya niyang pigilan ang tukso kapalit ng kinabukasan ng kanyang pamilya?

AuraRued · Urban
Not enough ratings
26 Chs

Chapter 2

"First time kong makita si Ms. Violet kahapon. I have been following her instafame account for years now. She's so classy and intimidating! Mestisang-mestisa and pretty. Ang suwerte niya naman. Successful na ang career, famous and may mapagmahal na asawa. What else can she wish for? Posible pala ang perfect life sa mundo?" saad ni Mia habang nagkakalkal ng mga gamit sa tote bag. Nasa loob sila ng dressing room.

Mia had a fair skin. Mas matangkad lang siya dito ng ilang pulgada. Her head was crowned with a blonde hair, of course it was dyed. Aloof ito noong bago pa lang. Siya ang unang bumabati sa tuwing nagkikita sila kaya ngayon, mukhang napalapit na ang loob ng babae sa kanya. Ito na ang hindi nauubusan ng sinasabi.

Ito ang masasabi niyang pinaka-close niyang acquiantance sa trabaho dahil lagi silang nagpapang-abot sa dressing room. Wala naman kasi siyang masasabing malapit na kaibigan sa agency dahil marahil ilang oras lang naman ang ginigugol niya doon.

"I forgot my glue. Ano ba naman 'yan, binili ko nga para may magamit ako today then iiwanan ko lang pala. Aging, Mia. Aging!" the woman said with gritted teeth.

"Here, use this." Inabot ni Phoebe ang isang puti na pahabang tube sa katabi.

Parang nahihiyang tinanggap nito iyon. "Thank you. Babawi rin ako sa 'yo, promise." Kaagad nitong binuksan ang glue at naglagay sa ibabaw ng pekeng talukap. "Hmn, ang ganda nito, easy to apply. Ano'ng name?" Kahit nagtanong, kusa namang binasa ng babae ang nakasulat sa hawak na glue. "Kier Stick, mahal siguro 'to," pagkuway nagtanong habang tumitingin sa kanya. "Saan mo binili?"

"In-order ko lang 'yan sa online. Nakita ko lang sa isang vlog kaya sinubukan ko." Naglalagay na si Phoebe ng fake eyelashes sa ibabaw ng talukap habang kinakausap ang katabi.

"Bumalik na tayo doon sa topic. Inggit na inggit ako, e!"

"Aling topic?"

Nag-uusap ang dalawa ngunit hindi naman nagtitinginan. Patuloy lang sa ginagawang pag-aayos.

"Si Ms. Violet. Ilang taon na nga ba 'yon? Twenty seven?"

"Magka-edad lang pala kami," sabi ni Phoebe. "Buti pa siya nagkaasawa na. "Bigla ay lumarawan ang mukha ni Ali sa kanyang isip. Iwinaksi niya iyon at nagpatuloy. "May anak na ba sila?"

"Ay, teka..." Nagtaka si Phoebe dahil biglang nagmenor si Mia ng boses at lumapit sa kanya. "May sasabihin ako, huwag kang maingay, ha? Puwede mong ipagsabi, huwag mo lang idawit ang name ko," aniyong ngumiti.

"Okay, ano ba 'yan? Secret? Confidential?"

Inusog ng babae ang silya nito palapit sa kanya. Lumingun-lingon sa paligid para siguraduhing walang makakarinig.

"I heard, I heard, ha? They're newly weds. Nagtataka ang iba kung bakit bigla na lang umamin si Ms. Violet na married na siya at the peak of her carrer. That was eight months ago. E, hindi naman nag-leak sa media na may boyfriend siya. Walang boyfriend, then mag-aasawa?"

"Baka naman arranged marriage," aniya.

"Possible, possible. Kasi, heto pa, lagi raw nakikita iyang si Vhan na may kasamang babae, iba-iba. Mahilig daw iyan sa bar, e."

"Sino'ng Van?"

"Si Mr. Siovhan De Cunha, ano ka ba?"

"Oh, Van," aniyang nagpatangu-tango.

"So baka arranged marriage or, secret marriage na naabutan ng pagka-fall out of love. Alam mo 'yon, bugso ng damdamin. 'Love, let's move out , nobody can come between us'." Ngumiwi-ngiwi si Maica habang winawasi-wasiwas ang kamay sa ere. "Nasubukan ko rin 'yan noon, e. Kinulong ako ng nanay ko sa kuwarto ng isang linggo. Para akong asong hinahatiran lang ng pagkain para lang hindi matuloy ang pagtatanan namin ng boyfriend kong later ko lang na-realized na supot pala.

"Ano?" Natatawa si Phoebe sa pinagsasasabi ng kaibigan tuloy hindi niya mailagay ng maayos ang fake eyelashes.

"Suwerte na lang talaga iyang si Ms. Violet, nagsawa man at lahat-lahat, ang guwapo naman ng dumaan sa kanya. No regrets!"

"Dalian mo na diyan kung ayaw mong mag-regret. Magtatatalak na naman si Sancho kapag nalate ka."

"Alright!"

Inatupag naman ni Phoebe ang pilik-mata. Walang problema dahil mabait naman ang photographer niya. Hindi toxic. Mabuti na lang at nakatakas na siya kay Sancho. She can't afford to get more stressed these days. Maliban sa nangyari sa kanila ni Ali, may hinaharap din siyang problema sa pamilya. Magka-college na rin ang isa niyang kapatid kaya magiging dalawa na ang papag-aralin niya sa kolehiyo. Siya lang naman ang inaasahan ng ina niyang biyuda. May tinatanggap nga itong pension pero sakto lang na pambili ng pang-araw-araw na kunsumo sa bahay.

"Phoebe, may plan ka bang pumirma ng regular contract dito? Kinukulit ka rin ng management 'di ba?"

Kagaya niya ay parttimer din ito. Nauna lang siya ng isang tao bago ito nakapasok.

"The offer is high, Phoebe, grab na natin."

"I still can't decide. At isa pa, hindi ako basta-basta makaalis doon sa original kong work kasi may tenure bond pa ako doon."

"Ano'ng bond? Iyong kailangan mong magbayad kapag umalis ka nang hindi pa natatapos ang contract?"

"Yes, at malaki-laki rin. As of now, hindi ko kayang bayaran. Gustuhin ko mang lumipat dito as regular."

"Ang sayang naman kapag ganoon, Phoeb. Mas malaki ang income mo kapag nandito ka 'di ba?"

"Hmmn, yeah. At may pag-asa ring sumikat. Ikaw ba, pipirma ka?"

"Oh yes! In fact, pupunta ako ng HR tomorrow morning para i-comply na iyon," puno ng kagalakan nitong sabi.

"Wow, congratulations!" nakangiti niyang bati.

"I hope ikaw rin."

Phoebe shrugged, "I hope so." Hindi naman talaga siya umaasa kasi ayaw niyang magkaproblema sa automobile company. Malaki pa namang kompanya rin iyon, mahirap kalabanin lalo kapag financial.

"Okay, done!" Napangiti siya nang makitang pantay ang pagkakalagay ng fake eyelashes. She has been in that industry for six years now ngunit hindi pa rin niya maperpe-perpekto ang paglalagay niyon minsan.

"Gumagaling ka na, a!"

"Yes, I need to."

She really needs to level up her source of income dahil nagiging demanding na ang buhay niya lalo na ng pamilya. Sa sitwasyon niya ngayon, kung gugustuhin niyang mag-asawa na, pipiliin na niya ang may yaman. Hindi naman siya gold digger pero nakakalamang lang talaga kapag may sinasabi ang isang tao.

Ipinagpatuloy nang dalawang babae ang pag-aayos. Pagkatapos niyon ay ipinasa na nila sa make-up artist ang overall makeup.

***

"Nandito na ba ang lahat ng files ng mga models natin?" Siovhan asked her secretary Gia, with creased forehead. Nakaupo siya sa likod ng isang malapad na lamesa. It was his new office as the director of Allures. Sa ibabaw ay nagkalat ang patung-patong na papel na nakapaloob sa brown envelop.

"Yes, Sir. Iyan na po ang lahat," sagot ng may kaliitang babae na nakatayo sa harap ng lamesa. Naka-braid ang buhok nito at may nakapatong na frameless eyeglasses sa ilong.

"Bakit may mga mukha akong nakita na wala rito?"

"Oh, perhaps iyon po ang mga parttimers. Naka-separate po kasi ang files nila. Regulars lang po ang lahat ng iyan."

"Gia, I believe I said, 'all'," sabi ni Siovhan na tila nauubusan na ng pasensiya.

"Alright, Sir. Tatawagan ko kaagad ang HR.

"Yes. Please."

Nang makalabas ang sekretarya ay napabuga ng hininga si Siovhan.

"Why are these people so slow?"

Hinalungkat niya ulit isa-isa ang mga files pero hindi talaga makita ang hinahanap. His last hope was the files for the parttimers.

Kinse minutos lang ay dumating na ang kanyang hiningi. Pumasok ang isang lalaking dala ang isang karton, kasunod nito si Gia.

"Put it here," Siovhan patted the wooden table as a sign. Sinunod naman ng lalaking empleyado. "Remove all of these. Clear the table." Itinuro naman niya ang files na nahalungkat na.

Pinagtulungan ng sekretarya at ng lalaki at paglikom ng mga dokumento at isinilid iyon sa isang empty box. Nang matapos ang mga ito ay basta na lang niyang pinalabas.

Isa-isang sinuri ng lalaki ang laman ng folders, marami-rami rin pala ang parttimers ng kompanya. His patience was getting thin at malapit na niyang ibalibag ang karton sa inis nang sa pagbukas niya ng isang folder ay tumambad ang mukha ng kanyang hinahanap.

The side of his lips twisted in a smile. His sharp eyes glimmered.

Siovhan grabbed his phone and took a picture of the file.

"Finally."