webnovel

Pet Raiser's Shop

Chimirie has promised to his friend Lervian to join their league and to play a National E-Games Tournament in Manila Philippines. Ngunit hindi inasahan ni Chimirie nang may napindot siyang Ads sa isang App Store na naging dahilan para siya'y maging transparent na parang kaluluwa at naisanib kay Zala A. Androvaje na bago lamang namatay dahil sa lason. Sa mundo na kan'yang pinuntahan ay nagtataglay ang tao ng kapangyarihan na mula sa pet, na kanilang ikinontrata mula sa ibang realm. Para makabalik sa kan'yang dating mundo ay kailangan niyang gawin ang mission na ibinigay ng system, at ito hanapin ang pumatay sa katawan na kan'yang sinaniban, at protektahan ang city kung mula beast sage kung saan nandoon ang kan'yang negosyo na Pet Raiser's Shop. Will Chimirie Accomplish her mission before the tournament or she will failed her promise to her male friends Lervian? ... Chimirie promised to her male friend Lervian to join his league after the Top 2 and Top 3 league join force their pro player into a team. Ito ang naging banta sa kanila Lervian na matalo sa Championship sa Master Pet's League National E-Games Tournament. Lervian beg to Chimirie whom played the game anonymously and has a title as Shadow Queen. Lervian wants to win the National Tournament to represent the Philippines on the Olympics E-Games. He wants to win to prove his worth to his family who doubt the direction of his Career. Ang kan'yang tanging pag-asa ay ang kan'yang female friend na ayaw ng exposure ay si Chimirie. Ngunit isang aksidente ang nangyari nang mapindot ni Chimirie ang Ads sa Apps Store. Doon naging transparent ang kan'yang katawan na parang kaluluwa. Nagising na lamang siya na nasa katawan ni Zala A. Androvaje na namatay dahil sa lason. Isang Mission ang kan'yang natanggap at 'yon ang maging Manager ng Pet Raiser's Shop. Upang makabalik sa mundo para tulungan ang kan'yang kaibigan ay kailangan niyang hanapin ang naglason sa katawan niya at protektahan ang City na kung saan naroon ang kan'yang shop na may banta ng Beast Invasion.

Nightwakerz · Fantasy
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 1

Malawak ang kwarto na dinsenyohab ng mga berdeng dahon. Kaya mas naging sariwa sa paningin ang loob.

Walang masyadong kalaman-laman ang loob maliban sa gaming chair kung saab may babaeng nakasuot ng gaming helmet. Hanggang ang babae ay hinubad ang helmet saka tumayo at nag-unat ng katawan.

Lumakad siya sa berdeng abstract na disenyo na habang ang tingin ay nasa bintana na gawa sa pinakamatibay na transparent plastic. May mga jelly fish na parang nagsasayawan sa paligid habang may makikita siyang mga rainbow fish na tila naghahabolan.

Tumitig siya sa tubig at inaaliw ang sarili sa ilalim ng karagatan. Naging kasanayan na niya ang gawin ito tuwing matapos siya sa kan'yang paglalaro. It was her medication  sa mata kapag babad siya sa laro.

Hanggang sa magsawa siya sa katitingin sa labas ay naglakad naman siya patungo sa isang pader.

She put her finger on the finger print botton at agad na may robotic voice ang nagsalita.

[Accessed Granted]

Biglang lumabas ang tila drawer at kinuha niya doon ang wrist phone niya. She press somewhere sa device at tiningnan niya ang battery percentage.

Ang machine na 'yon ay tinawag na Device Charging Machine na parang drawer lamang at kung anong device man ang ilalagay ay kayang magrecharge. Mas mabilis pa ito keysa sa mga wired charger sa 21st Century.

[Lervian was contacted you?]

[Will you accept?]

She accepted the video call at bumungad sa kan'ya ang lalaki na may background na abstract wallpaper. She smiled at the boy na nasa harap niya sa screen.

"Why did you call me Lervian? Anong kailangan mo?"

She asked. She know na may kailangan sa kan'ya ang lalaki. Minsan lang itong tumawag lalo't busy ito sa laro tulad niya.

"Chim, kailangan ko ng tulong mo."

"Kung ano man 'yon basta kaya ko, I will help you Lerv." Saka marahan siyang ngumiti.

Chimirie missed Lervian but busy ito sa career niya as gamer na gustong may mapatunayan dito.

Napabuntong hininga ang lalaki pero naroon parin 'yong mukhang parang namatayan ng aso.

"Hindi naman sana ako hihingi ng tulong, but in our situation Chim, mahirapan na kaming manalo sa National E-games" Bumuntong hininga ito at muling nagwika, "Nag-join force ang pro player ng Top 2 and Top 3 league para talunin kami" tumingin ito sa itaas at napabuntong hininga naman ito.

Muling nabalot ng kahimikan habang nakatingin lamang ang kan'yang worried na mga mata kay Shimirie. She know why Lervian wants to be a winner sa National E-games . Lervian chose his career to be a pro gamer na siyang kontra ng kan'yang pamilya.

Winning an National E-games sa category ng Pet Master's League ay maging representative siya ng Pilipinas sa Olympic E-games.

Mula nang naging isa lamang sila sa Top 10 ng Olympic E-games ay palaging binabato sa kan'ya ng magulang how he failed to win a useless game. Kung ganoon at gan'yan sana daw ang kinuha niya ay mas maging successful siya.

Isang katahimikan muna ang bumalot habang nagkatitigan lamang silang dalawa. Walang may gustong magsalita. Chimirie doesn't know what to respond. May dahilan kung bakit hindi siya parte ng league ng kaibigan niya kahit overqualified siya.

Matapos ang ilang sandali na katahimikan ay nagsalita rin ang lalaki.

"Chim, I know you don't want exposure but our team really need you to win" he clasp again his hand and his voice was to gentle and low.

Hindi naman sa ayaw niya ay hindi niya talaga gusto malaman ng iba ang pagkakilanlan niya sa laro. She prefer to be anonymous. But still she wanted to help his friend but may lugar na sa puso niya, but the boy was insensitive or just was to busy to sense it.

Hanggang sa nangalay na siya sa pananatiling nakatayo. Lumakad siya ng ilang hakbang at may button sa sahig siyang inapak. Doon ay bumukas ang sahig at unti-unting pumaibabaw ang kama.

Agad siyang umupo saka humiga sa kama at tumingin ulit sa Holograph.

Then she asked, "kailan pala ang Olympics E-game Lerv?"

Makitaan ng pagkasigla ng mata si Lervian while his hand was clasping more force. He knows she weighting things out dahil hindi madali para rito ang situation. He knows that her friend Chimirie does'nt want exposure, pero kinonsider din nito ang kanilang pagkakaibigan.

"May, 27, 2235. 6 months nalang bago ang Olympics habang 3months nalang bago ang National E-games"

Tumango-tango si Chimirie saka ngumiti sa kan'ya.

"Kaibigan namat tayo at never kung nakalimutan ang pagtanggol sa akin noon kaya tutulongan"

"But Chim, wag mo sanang iisipin na naniningil ako ng utang na loob, yes I am badly needed your help but I never expect a return when I protected you before sa mga bullies. You can say 'no' if you really don't want, hindi ako namimilit at maghanap nalang ako ng paraan o mas lalo pa naming higpitan ang training namin"

Umiling naman si Chimirie. Napagtanto niya tuloy ang nasabi niya. Para na tuloy nagbabayad siya ng utang na loob. But, 'yon ang sinasabi ng loob niya.

She wanted to say that she will help because that how I care for you. Pero pinili niya nalang ang dahilan noong siya'y pinagtanggol sa kaklasi niya bullies.

"No, hindi ako napilitan Lerv, I wanted to help not to repay what you did before but we are friends right? And a true friend should helps her friends when she can. Siguro, it is time for me to comr out from my comfort zone.

Nakahinga naman ng maluwag si Lervian. His kissable lips smile at lumabas ang tila naka-close-up na ngipin.

"Salamat Chim, and sorry na parang nakalimutan kita lately dahil sa laro". Ngumiti ng hilaw ang lalaki at makikita ang guilty eyes sa kan'yang chinitong mata.

"Okey lang, ngayon hindi mo na ako makalimutan- I mean about our friendship- may time na tayong dalawa dahil magkasama na tayong dalawa sa game di ba?"

Tumango naman ang lalaki at ngumiti ng bahagya.

"Salamat talaga Chim, sige kailangan kong balitaan ang team. Pero Chim sekreto muna 'to para masorpresa ang kalaban"

Chimirie nodded.

"Okey. Sige na rin Lerv, at kailangan ko pang mag-update sa novel ko"

Napakamot naman ang lalaki nang may napagtanto ito sa sarili.

"Oo nga pala, I promised to read your book and support you pero hindi ko na nagawa."

"Pwede ka naman bumawi pa" Chimirie laught like she is in cloud nine. She don't know her heart beating when they are talking. Wala namang cheesy moment or the guy trying to make her kilig. Their conversation was about the game.

"Okey, mukha yatang mahaba pa ang babasahin ko" napakamot ulit ito sa ulo atsyaka napahalakhak.

"Parang ganoon na nga Lerv, pero diba kausapin mo pa ka-team mo- este natin na pala? I-hang ko na 'to baka magdamagan pa tayong mag-usap." Halakhak niya.

"Oo na, oo na, parang ayaw mo na yata akong kausap" he pouted.

"Luh, 'wag ka ngang magpacute lerv hindi bagay sayo, mas bagay sayo 'yong para kang professor sa sobrang seryoso" tawa nito.

"Hindi naman ako nagpa-cute ah, pero nagpagwapo siguro oo, ang cute dapat ikaw yan eh"

Napailing-iling naman si Chimirie na nagpipigil ng ngiti. Ngunit traydor eh, napangiti siya.

Sinong hindi mapangiti sa charming smile na nasa kan'yang harap.

"Bahala ka riyan Lerv, i-hang ko na 'to baka mag-reklamo pa ang reader ko kung wala akong update ngayon"

Pinindot na niya ang end call at nawala na ang mukha na nasa harap niya.

Napahingang maluwag siya. Para na yatang napuno na ng oxygen ang dibdib o hangin. Ikamatay na niya kung magpatuloy pa. Kanina pa siya nagpipigil na baka may masabi siya at mahalata pa.

He stand sa kan'yang kama saka bumaba hanggan sa may naalala. Kailangan niya mag-download na ini-recommend sa kan'ya na apps na makatulong sa kan'ya sa pag-plot.

She open her Aces Apps Store. Bumungad sa kan'ya ang maraming apps ngunit bigla ay may annoying ads na lumabas.

[Pet Master's League hiring a new Shop Manager]

Iyon ang sabi ng Ads na may logo pa ng Pet Master's League games na may symbol na apak ng aso.

She never interested to find job at ganitong trabaho. She satisfied sa profit niya as writer sa kan'yang pay-to-read na novel sa Criddle Pen apps.

She pressed the x of the app ngunit biglang na-open ito. Nagloading ito na nasa 1% pa. She tried to cancel it but she could'nt find the button. She off her wrist holograph phone but no matter what she do, hindi pa rin gumana.

'What the F***'. She murmured to her mind.

She glare at the screen at gusto na niyang suntukin ito. She wonder how to rate her apps store. Kung pwede pa lang ire-rate niya ito ng 1star dahil sa ads kahit X naman ang pinindot still napunta pa rin siya doon.

Lumabas sa screen ang pusang nagkakamot habang parang may bilog na nagloading.

89% na ito at mabilis pa rin na nagloading.

'Hihintayin ko na lang, malapit naman 'tong matapos'.

Ngunit pinagpapawisan pa rin ang kan'yang noo sa pangamba na ito'y isang virus. Ang weird lang kasi na kahit anong gawin niya ay tila wala siyang magawa to exit.

'Sana hindi 'to virus' ani niya sa kan'yang isip.

Delikado kasi ang virus lalo't kaya nitong mag-phishing ng kan'yang information. Baka ma-leak pa ang kan'yang pagkakilanlan. She don't want that to happend.

[Completed, the trancention initiated]

A robotic voice can be heard in her mind, na siyang kan'yang ikinagulat.

'Ano? Trancention? Like what? Is this real?'

Sikat ang ganitong story na mula pa sa mga chinese pero hindi naman siya maniniwala na totoo ito. Pero, that voice parang nasa utak niya. Naririnig niya.

[Be prepared host, you will trancended to the other world in 3 sec]

'What? To other world?' Nanlaki ang kan'yang mata sa narinig. 'Is this a joke?' She aked.

Ngunit bigla ay para siyang naging transparent at sa kan'yang inapakan ay parang may spiral na umiikot. Hinigop siya ng pwersa na pinigilan niya sanang magpatangay ngunit sa hindi mapaliwanag na dahilan ay hindi siya makagalaw.